Chapter 13
"SAAN TAYO pupunta?" tanong ni Pearl sa asawa nang makasakay siya sa kotse nito. Hindi niya nakita ang anak ang sabi ni Nanay Marissa ay kasama ito ng lola umalis.
Isinuot niya ang seatbelt at hinintay na sagutin nito ang kanyang tanong ngunit pinaandar lamang nito ang sasakyan at parang walang narinig na minaniobra ang sasakyan palabas ng mansyon.
Huminga siya nang malalim. Wala naman siya magagawa. Ang kailangan niya lang gawin ay sundin ito.
Halos mapanis ang kanyang laway sa sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Pinagkaabalahan na lang niya ang sarili na pagmasdan ang labas. Matataas na gusali at mausok na daan ang kanyang nasisilayan.
Palagay niya ay palabas sila ng manila. Dahil sa pagod ay hindi niya napigilan na makatulog.
"WAKE up!"
Dahan-dahan iminulat ni Pearl ang mga mata ng may yumugyog sa kanya. Napalingon siya sa kanyang tabi at sumalubong sa kanya ang magkasalubong na kilay ni Hycent.
"Fix yourself, we are here," sabi nito saka bumaba ng sasakyan.
Mabilis naman niyang inayos ang sarili saka sumunod sa asawa.
Sinundan niya ito sa paglalakad hanggang sa makapasok sila sa isang malaking bahay na mukhang isang rest house. Hindi niya alam kung saan na ba sila.
"I thought you wouldn't come, bro," salubong ng isang lalaki na pamilyar sa kanya. Ito ang lalaking nasa hospital nang dalawin niya ang anak.
Nakipag man hug si Hycent sa mga ito. May dalawa pa kasing lalaki ang naroon at may kasamang apat na babae.
"So.. the news is true…your wife is back." May ngising sabi ng isang lalaki na mukhang may lahi. Silang apat yata ay may mga lahi. Nang dumako ang tingin niya sa apat na babae ay napatingin siya sa isang babae na pamilyar sa kanya. Ito ang babaeng dinala ni Hycent sa condo nito at kaulyawan. Napairap siya rito.
"Manang Lorna," tawag ni Hycent. Maya-maya lang ay may dumating na isang may edad na matandang babae. "Pakisamahan si Pearl sa kusina. Tutulungan niya kayo na maghanda at pagsilbihan kami."
Napatingin si Pearl sa asawa sa sinabi nito. Pero hindi man lamang siya sinulyapan nito bagkus ay naglakad ito palapit sa babaeng hipon. Nalipat ang tingin niya sa tatlong lalaki na nakangisi lamang pero ang isa ay mababanaag niya ng awa.
"Tara na iha." Napasunod na lang siya kay Manang Lorna. Gusto niya magtanong sa asawa pero hindi na kailangan. Obvious naman na isa ito sa paghihiganti nito. Kung ikakasiya nito ang bagay na 'yun, then be it.
"Iha pakihatid ito sa kanila," utos ni Manang Lorna kay Pearl. Kasalukuyan siyang nag-iihaw. "Pasensya ka na. Ikaw kasi ang gusto ni Hycent na maghatid." Naramdaman niya ang awa sa boses nito. Alam pala nito na asawa siya ni Hycent.
"Sige po." Kinuha niya ang tray na may lamang pulutan siguro ng mga ito. Hanggang maari ay ayaw niyang magpunta roon kaya si manang ang naghahatid pero mukhang hindi niya maaawat ang asawa sa balak nito pasakitan siya. Halos nakaluto na naman si manang nang dumating sila. Ang sabi nito may kasama siya kanina kaya lang ay nagka emergency kaya umuwi.
Huminga muna siya nang malalim bago nagsimula maglakad patungo sa kinaroroonan ng mga ito. Lumipat ang mga ito sa may pool area. Malayo pa lang ay rinig na rinig na ni Pearl ang tawanan ng mga ito. Lalo na ng mga mahaharot na babae. Halata naman mga pakawala.
Nang makalapit siya sa kinaroroonan ng mga ito ay pinilit niya na huwag mapadako ang tingin sa asawa na katabi ang hipon. Pero hindi nakaligtas sa kanya kung paano ilingkis ng higad ang katawan nito sa kanyang asawa. Inilapag niya sa gitna ng lamesa ang dala-dala.
"Babe, do you really need her to come with you here?" Narinig ni Pearl na tanong ng babaeng higad.
Sinadya niyang bagalan ang paglagay ng huling pinggan. Gusto niya marinig ang isasagot ng kanyang asawa.
Ngunit natapos na siyang ayusin at makuha ang mga wala ng laman na plato ay walang sagot ang kanyang asawa.
"Para naman may pakinabang siya." Narinig niyang pahayag ng asawa nang akmang tatalikod na siya. Humigpit ang pagkaka hawak niya sa magkabilaan ng tray. Narinig niya pa ang mapang insultong tawa ng mga pakawalang babae. Napakalandi!
Tuluyan na siyang tumalikod at hahakbang na palayo nang makarinig siya ng malakas na tunog ng nabasag na plato.
"Oooops, sorry. Dumulas." Hindi na niya kailangan lumingon upang alamin kung sino ang may sala. "Pearl, clean it. 'Yan naman ang bago mong trabaho diba? Isang katulong."
"Leni!" Apat na boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ng babaeng higad.
"Enough, Leni. Don't make a scene here. Whatever Hycent wants to do, leave it to him. Huwag ka makisali."
"C'mon Noel. You are one of the people who helped Hycent to recover from what this slut did to your friend. Pagkatapos, ipagtatanggol mo pa ang babaeng 'yan!" Histerikal na sigaw nung tinawag na Leni.
"I'm not. But stop making scenes here. We are here to celebrate Hycent's birthday." Parang nanigas si Pearl sa kinatatayuan sa narinig. Kaarawan ng asawa niya at wala man lang siya ideya. Dapat isa 'yun sa mga unang inalam niya.
"Enough! Masyado na ring pagabi. Let's finish this and rest. Pearl, go back to the kitchen, clean this mess later."
Napalunok muna si Pearl bago hinakbang ang mga paa pabalik sa may kusina.
Tulala siyang nakapasok sa kusina. Iniisip pa rin ang natuklasan.
"Ayos ka lang ba, iha?" Nabalik sa ulirat si Pearl sa tanong ni manang Lorna.
"O-opo."
"Akina 'yan at ako na maghuhugas. Ano ang nabasag doon?"
"Plato po manang…Pero sabi po ni Hycent mamaya na lang daw po linisin. Patapos na po yata sila."
"Ganun ba. Sige maupo ka muna dyan. Kung gusto mo kumain may pagkain dyan."
Humakbang si Pearl at umupo. "Manang, nasabi n'yo po na madalas kami rito. Mga tuwing kailan po ba?"
Huminto si manang sa paglalagay ng mga plato sa lababo at humarap sa kanya.
"Tulad ngayon…" Dumako ang tingin ni manang sa may pintuan. "Kaarawan niya," bakas ang lungkot sa boses nito.
"Kaya niya po ba ako dinala rito? Pero wala po talaga ako maalala manang. Kahit anong pilit ko," malungkot niyang saad. Kaya ba siya isinama ng asawa bukod sa gagawin siyang katulong ay gusto nitong may maalala siya. Pero wala talaga, e.
"Huwag mong pilitin, iha at baka makasama sayo. Ganya talaga ang mga may sakit na amnesia. Kung nagsisisi ka sa nagawa mo, ipakita mo na lang sa kanya. Mabait na bata si Hycent at mahal na mahal ka. Saksi ako doon. Kaya naman naniniwala akong maaayos n'yo pa anuman ang gusot na nangyari sa pagitan n'yo, para kay Harold."
Mapait na ngumiti si Pearl. Paano maayos kung wala naman balak na ayusin? May pag-asa pa bang maayos kung may umeeksenang higad. Paano niya maaangkin ang kanya kung ito mismo ay ayaw na sa kanya?
Frustrated na sinabunutan ni Pearl ang sarili at isinubsob ang ulo sa lamesa. Hindi na niya napansin ang asawa na matiim na pinagmamasdan siya mula sa bintana.