Chapter 12

"SIT DOWN!" madiing utos ng mommy ni Hycent kay Pearl pagkapasok pa lang niya sa loob.

Mabilis namang umupo si Pearl. Kanina pagkarating nila ng kanyang anak ay inutusan ng mommy ni Hycent si Nanay Marissa na kunin ang kanyang anak at ito ang mag-asikaso.

Nagtataka man ay sumunod na lang din siya dahil wala naman siya magagawa. Pagkatapos no'n ay sinabihan siya nito na sundan ito.

Kasalukuyan sila ngayon nasa loob ng library. Ito ang unang beses na nakapag solo sila. At aaminin niya na sobra ang kabang nararamdaman niya sa mga oras na 'yun. Bigla kasi nagbago ang awra nito. Nakaka intimidate ngayon na halos hindi niya ito matignan.

"Do you have any idea why I called you?" tanong nito na nagpabalik sa kanya sa ulirat.

"Po-po? I mean…I don't have…"

Nakita niyang tumayo ito mula sa kanyang pagkaka upo sa swivel na naroon. Umikot ito at umupo sa kaharap niyang upuan. She sit with her one legs crossed to the other one. Napa diretso ng upo si Pearl.

"I know that you are now aware of what you did to my son. And I honestly say that I hate you for that. Hindi ko nga alam kung paano at bakit ka narito sa aming bahay. Kung ako sa anak ko….. hinayaan ka na niya doon sa hospital. You deserved that after all. No…. That was not enough for all the heartache you gave to my son and grandson.." Napayuko si Pearl dahil ramdam niya sa bawat bigkas nito ng mga salita ang sakit. Nagsimula mamuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Im-im sorry."

"You have no idea how my son suffered because of you. He loved you. He gave everything to you. Lahat-lahat ng mayroon siya binigay niya sayo. That's how much he loves you. But what you did!!" Napakislot si Pearl dahil sa paglakas ng boses ng kaharap. Tuluyan na ring tumulo ang kanyang mga luha. Luhaang niya iniangat ang ulo upang tingnan ito.

Mas bumilis ang paglandas ng kanyang mga luha. Pinagsalikop niya ang mga palad na tila doon siya kumukuha ng lakas upang harapin ang babaeng nagsilang sa kanyang asawa. Halo-halong emosyon ang makikita niya sa mga mata ito. Kalungkutan, galit, panghihinayang at iba pa.

"You cheated on him! Not only that you stole everything he had. You hurt him badly. Lugmok na lugmok ang anak ko nang iwanan mo siya. Alam mo ano pa ang mas masakit? Nagawa mo ring iwanan ang sarili mong anak! What kind of a mother you are? Gumapang ang anak ko sa putik! Nagsimula siya muli sa wala. Pasalamat na lang kami at may mga kaibigan siyang hindi siya iniwanan nung mga panahon na kailangan na kailangan niya ng masasandalan. Maging itong mansyon ay hindi namin pag-aari pero pinilit niyang mapanatili dahil ito ang ala-ala ng kanyang ama. One month… Hindi pa sapat 'yun para makabawi siya.

"Nang malaman ko na kasama ka ng anak ko. Gusto kitang puntahan. I want to slap you. I want to bury you by myself. Pero pinigilan niya ako," mapait na ngumiti ang Ginang. "Minahal kita at tinuring na parang anak. Tinanggap kita kahit ang layo ng antas ng buhay ng anak ko sayo. Because I respect my son. Because I love my son. Kulang pa ba ang ibinigay namin sayo? O, sadyang hindi ka lang marunong makuntento?" Ang pinipigilan nitong luha ay kumawala na mas lalong nagpa-iyak kay Pearl.

Napahagulhol na nang tuluyan si Pearl at isinubsob ang mukha sa kanyang mga palad. Anong klase siyang tao? Paano niya nagawa ang bagay na 'yun sa mga taong nagmahal sa kanya. Paano? Dapat ay namatay na lang siya.

Naramdaman niya ang pagtayo nito. Kahit hindi niya tignan ay alam niyang nakatayo ito sa kanyang harapan. Bilang isang ina ay alam niyang napakasakit para rito ang mga nangyari.

"I'm a-afraid of what my son might do to you." Gumaralgal ang boses nito. "If you are really sorry for what you did. Do something to fix my son. Masyado na masakit ang pinagdaanan niya upang maulit 'yun. I'm warning you not to play with us. Dahil sa susunod na may gawin kang hindi maganda…. Ako mismo ang makakalaban mo." Pagbabanta nito saka siya iniwanan mag-isa.

Doon ay mas lumakas ang hagulhol niya. Napasabunot pa siya sa kanyang buhok. At nang 'di makuntento ay pinagpapalo niya pa ang kanyang ulo. She wants to remember everything. Gusto niya alamin kung bakit niya nagawa 'yun. Paano niya nasikmuran manakit ng mga taong walang binigay kungdi pagmamahal sa kanya. Ano problema niya?

Napalingon si Pearl nang bumukas ang pintuan at pumasok si Hycent na blangko ang mukha.

"What are you doing here?"

Mabilis niyang pinunasan ang mukha ang inayos ang sarili. Kahit na humihikbi pa ay tumayo na siya.

"Ki-kinausap ako ng mommy mo." Napahikbi pa siya dahil hindi pa naman siya nakakabawi mula sa pag-iyak.

"What did she say to you?"tanong muli nito pero hindi man lang makikitaan kahit anong emosyon sa mukha nito.

"No-nothing!" mabilis niyang tugon.

"Bullshit! Liar!" malakas na sigaw ni Hycent na ikinagulat ni Pearl.

Dahan-dahan na lumapit si Hycent sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang braso. Napapikit siya dahil sa kabiglaan.

"Sinungaling! Nagsisimula ka na naman magsinungaling. Wala ka pa nga natatandaan pero nagagawa mo nang magsinungaling! Don't think that you can fool me again. 'Yun ang isang bagay na hinding-hindi mangyayari kailanman! Tandaan mo at isiksik mo sa isipan mo na narito ka dahil lang kay Harold."

"Urgh! Nasasa-saktan ako," daing niya ng mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa kanyang braso.

Pabalang na binitiwan ni Hycent ang kanyang braso. Sa lakas ay halos masubsob siya sa lamesa. Mabuti na lang ay nakabalanse siya.

"Kulang pa 'yan Pearl! Kulang pa." Tumalikod na ito sa kanya. Napahawak siya sa kanyang braso na bakas ang pamumula. "Mag-ayos ka, aalis tayo!"

Napapikit na lang si Pearl na malakas na bumagsak ang pintuan. Nanghihina siyang napaupo. At muli ay tumulo ang kanyang mga luha. Nagsisimula na siyang saktan nito. Kung noon ay handa siyang ipaglaban ang kanyang karapatan pero sa ngayon ay wala na siyang balak. Malaki ang kanyang kasalanan at handa niya itong pagbayaran. Handa niyang tanggapin ang lahat…kahit ang saktan siya nito.