Chapter 45: Wish

(Ivy/Nobody’s POV)

I saw everything. From the very beginning how that girl summoned her guardian up to the last, how she destroyed the invisible barrier.

Hindi kaya siya na ang matagal kong hinahanap? Hindi kaya siya na ang makakatanggal sa sumpang matagal ko ng dinaramdam?

I hope she's really the one.

I really hope.

* * *

(Someone’s POV)

Anong nangyayari?

Bakit ganito? Hindi ito maaari! Hindi maaaring isa siyang Himerian! Masisira ang lahat ng plano ko!

But no. Bago pa man mangyari 'yon, uunahin ko na silang patayin. Sa tingin ba ni Lucas ay mapipigilan niya akong patayin sila dahil lamang umalis sila sa kanilang lungga? Ngayong nandito na sila, mas mapapadali ang pagpatay ko sa kanila nang tahimik.

'Anak, malapit na kitang maipaghiganti. Makukuha na natin ang hustisyang nararapat para sa'yo. Kauntig tiis na lang anak. Malapit ko ng mapatay ang mga elementians na nagbigay ng sakit sa atin. Malapit na, anak.'

* * *

(Klaire/Kira’s POV)

"Princess Kira..."

Naalimpungatan ako sa aking pagtulog nang may malagong na boses akong narinig na siyang tumatawag sa aking pangalan. I opened my eyes and I was welcomed by a white surroundings. Purong puti ang nakikita ko at mukhang alam ko na kung bakit.

Tiningnan ko ang nakapaligid sa hinihigaan ko at napansin ko ang matamang tingin sa akin ng mga Gods and Goddesses.

Nakaramdam ako ng hiya nang dahil doon kaya napatungo ako. Tumikhim ang isa sa kanila kaya wala akong nagawa kung hindi muli silang tingnan. I faked a cough before asking them why am I here.

"Anong ginagawa ko rito?" Tanong ko. Hindi nila ako sinagot bagkus ay sabay-sabay silang pumikit. Nangunot ang noo ko at magtatanong sanang muli ngunit naunahan nila akong lahat.

"Isang babala ang nais iparating ng propesiya...

Kailangang maghanda.

Maghanda para sa darating na malaking digmaan.

Digmaan na magaganap sa oras na may malaman.

Mag-ingat sa mga taong nakapaligid.

Hindi lahat ay may mabuting kalooban.

Maaring nagbabalat-kayo at maaaring siya pa ang pumatay sa inyo.

Dadanak ang dugo mula sa paaralang naging mahal at sa mga kahariang naging tirahan.

Mag-ingat sa mapanlinlang.

Maghihiganti sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay.

Mag ingat ka.

Mag ingat kayo."

Pagkatapos nilang sabihin ang mga katagang iyon ay lumiwanag ang kanilang mga mata habang unti-unti akong naglalaho, nagtataka at naguguluhan sa sinabi nila.

"Sandali! Anong ibig ninyong sabihin?!" Sigaw ko at pilit silang inaabot ngunit kahit ang kamay ko ay hindi ko na rin makita dahil tuluyan na itong naglaho.

"Traitors... Be careful on who you trust," sagot nila bago tuluyang nagdilim ang aking paningin.

* * *

"I'm so excited na talaga sa paggising ni Klaireey!! I'm so excited to tell her na ang guardian niya ang pinakamalakas na hayop sa buong Magic World!"

Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang pagtili ni Shakira.

"Tss. Shut up, Shakira. Kira is resting," mataray na sagot ni Kaela na siyang nakapagpatahimik kay Shakira.

Nawala na ang ingay kaya naman iminulat ko na ang aking mata. Nakita kong nag-uusap si Mama at Papa sa isang tabi nang masinsinan. Si Krey at Dash ay nasa may upuan malapit sa paanan ng aking kama. Si Shakira at ang iba pa kasama si Ate Kaela ay nasa may mahabang sofa na nasa kwarto.

Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto at napansing pamilyar ito sa akin. Ilang sandali ko pang pinakatitigan ang bawat corners ng kwarto hanggang sa maalala kong ito ang kwarto ko sa kaharian noong bata pa lamang ako.

How I missed this room.

"Waaah! Klaireey! Gising ka na!" Tila ni Shakira na naging dahilan ng pagkakaalis ng tingin ko sa buong lugar. Napansin pala niyang gising na ako.

Nanlaki ang aking mata nang dinumog ako ni Shakira at Zhia ng yakap. Mahigpit ang yakap ng mga ito sa akin kaya naramdaman ko ang pagkakapos ng hangin sa aking katawan.

"Omg! Na-miss ka namin!" Ani Zhia na siyang tinapik ko lamang sa balikat.

"Na-miss ko rin kayo but I can't breathe," nahihirapang sabi ko kaya sabay silang napabitaw at napatawa.

"Ehem," someone faked a cough. Napatingin ako sa iba na ngayon ay nakatingin din sa amin. Si Mama at Papa ay parehas na nakangiti pati na si Ate Kaela. Hindi na siguro nakayanan pa at sumugod na rin sa akin at niyakap ako.

"I missed you, sis," bulong niya sa akin na siyang ikinangiti ko.

"Na-miss din kita, ate," sagot ko sa kaniya. Ilang sandali pa kaming nagyakap bago siya bumitaw at muling bumalik sa kaninang kinatatayuan.

Lumapit naman si Zack at Cyclone at umambang yayakap nang pikutin ni Zhia at Shakira ang dalawa sa tenga.

"At anong gagawin mo?!" Kunot-noong tanong ni Shakira kay Cyclone. Hindi naman maipinta ang mukha ng huli bago ito sumagot.

"Ah! Aray! W-wala, love! Titingnan ko lang kung ayos lang si Kira!" Pagtatanggol ni Cyclone sa sarili. Shakira narrowed her eyes before letting Cyclone's ear.

"Good boy," ngayon ay nakangising sagot ni Shakira na siyang ikinatawa namin.

"At ikaw? Ano naman ang binabalak mo?" Mataray na tanong ni Zhia kay Zack habang hawak pa rin ito sa tenga.

"Aray! Aray ko! Syempre wala, babe! Titingnan ko lang kung maayos ang higaan ni Kira kasi bigla siyang nagising!" Defensive na sagot ni Zack kaya kumunot ang noo ni Zhia. Ilang sandali pa ay binitawan na rin niya ang tenga ni Zack bago ito sumagot.

"Good dog."

Tuluyan na kaming napahalakhak dahil sa apat na lovebirds na ito. Ngunit natigil ang tawa ko nang lumapit si Krey sa akin at walang pasabing niyakap ako. Kahit nagtataka ay niyakap ko na lamang ito pabalik.

"Walang malisya 'to, Kira. Pinag-alala mo lang kaming lahat. Alam kong nakatingin ngayon sa atin si Dash at pinapatay na ako sa isip niya," bulong nito bago tumawa.

Kahit naguguluhan ay tumingin ako kay Dash at nakita kong matalim ang tingin nito sa likuran ni Krey. Palihim na lang akong napatawa dahil alam na alam nito ang ugali ng lalaki.

Hindi rin naman nagtagal ay bumitaw na rin si Krey sa yakap at sumunod naman ay si Prof. Cassy. Hindi ko tuloy alam kung matatapos pa ba itong yakapan portion namin.

"You made us worried, Kira. Isama pa na napunta ka sa puder ng Dark King na ngayon pala ay hindi natin totoong kalaban," aniya bago bumitaw.

I smiled at her. "I'm okay, Prof. Cassy. Buo pa rin naman po ako. Salamat sa pag-aalala," nakangiting sagot ko sa kaniya na siyang ginantihan naman niya.

"No problem."

Lumayo na siya at lumapit naman sa akin si Mama. Akala ko ay yayakap din siya ngunit ngumiti lamang ito sa akin ng marahan bago ako tinanong.

"Anak, gusto mo bang magpahinga muna uli? Tell us so we could leave you here to rest," malambing na sabk ni Mama ngunit napunta ang tingin ko kay Dash na nakatingin sa akin.

His both hands were under his pant's pockets while looking at me intently.

Agad ko rin namang iniiwas sa kaniya ang paningin nang mailang ako at ibinaling muli kay Mama ang atensyon na ngayon ay nag-aantay ng aking sagot.

"Gusto ko po muna sanang makausap si Dash kahit sandali," nahihiyang sabi ko.

Napansin ko ang pagpipigil ng kilig nina Shakira kaya napailing-iling na lang ako. May maliit din na ngiti sa labi ni Ate Kaela at Krey pati nina Mama at Papa kaya mas lalo akong nahiya.

"Of course!" She said, with a hint of teasing in her voice, before looking at other Superiors. "They need privacy, so we need to leave."

"Ayiiiee!" Kantyaw nina Cyclone kaya napatungo ako nang maramdaman ang pamumula ng aking pisngi.

Nakakahiya!

Nagpaalam na silang lahat bago tuluyang umalis kaya kaming dalawa na lamang ni Dash ang natira sa aking kwarto.

"Uhm..."

Nangapa ako ng salita ngunit naging blanko na ang utak ko! Nakakainis kasi sina Mama! Ang awkward tuloy namin...

Ilang minuto pa ang lumipas at wala pa ring nag iimikan sa'min kaya nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.

"Why are you always like that?"

Nangunot ang noo ko sa tanong niya ngunit ramdam na ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa paraan niya ng pagtingin sa akin at sa tono ng boses niya. Malamig ito na nahahaluan ng tila hinanakit.

"W-what do you mean?" I asked but he only looked at me. Ilang sandali pa ay umayos siya ng tayo at naglakad patungo sa kama, kung saan ako nakaupo.

"Why are you always making me worried? Why are you always making me crazy finding you? Why are you doing this to me? Why am I so inlove with you to the point that I'm gonna be crazy if I lost you?" Sunod-sunod na tanong niya nang makaupo sa kama. Napamaang ako dahil doon hanggang sa unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.

'Argh! Iba talaga 'to magpakilig!' Sabi ko sa sarili ko.

"Why are you smiling like an idiot?" Tila naiinis na tanong ni Dash nang makita ang nakakaloko kong ngisi.

Nawala ang ngiti sa mukha ko at napalitan ng isang seryosong mukha.

"Umalis ka na nga rito! Maka-idiot naman 'to," nakangusong sabi ko. Nagulat na lang ako nang bigla itong tumawa bago ako hinapit palapit sa kaniya upang yakapin.

"There are so many questions in my head but I think I know the answer," he whispered right to my ear. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa maaari niyang isagot.

"A-ano 'yon?"

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kaniya. Tiningnan niya ako nang diretso sa mata bago sinabi ang mga katagang labis na nagpatalon ng puso ko.

"Because I am deeply inlove with you, Darling. Right from the very start, ikaw at ikaw pa rin," aniya at mas lalo akong kinilig dahil sa paraan niya ng pagtatagalog. Napaka-sexy!

"Yes, I am."

Kumunot ang noo ko at nagtataka siyang tiningnan.

"You said I am sexy," he winked that made me laugh hard.

Ang cute!

Niyakap ko na lamang siya at napangiti ako nang maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"I missed you," bulong ko sapat na upang marinig niya. He gently caressed my hair before answering me.

"And I missed you so much, Darling."

Muli kaming bumitaw sa yakap at nagkatinginan. Ngumiti ako sa kaniya na sinuklian din naman niya. Hindi ko namalayang unti-unti na palang naglalapit ang aming mga mukha. Ilang dangkal na lang ang pagitan ng mga labi namin nang biglang...

"Ayiiieee!"

Mabilis kaming naglayo ni Dash nang bumukas nang malaki ang pinto ng kwarto ko at pumasok doon sina Mama kasama ang Superiors, si Headmistress 'tsaka si Prof. Cassy.

"Kanina pa kayo?" Gulat na tanong ko na siyang tinanguan nilang lahat habang nakangiti.

"Tss," ani Dash na muling bumalik sa pagiging walang ekspresyon ang mukha.

"Nabitin si Captain!" Sigaw ni Cyclone na siyang tinawanan nilang lahat samantalang ako naman ay namula. Si Dash ay inirapan lamang si Cyclone bago ako muling niyakap kaya muli kaming kinantyawan.

Napangiti na lang ako habang tinitingnan silang lahat na tumatawa.

How I wish I could change our fate, our destiny. Iyong walang traydor, walang digmaan at walang kasamaan.

Napangiti na lamang ako nang mapait dahil sa naisip. How I wish.