Chapter 46: The Visitors

(3rd Person’s POV)

Sa isang tagong gubat sa labas ng Academy ay may puting liwanag na bumagsak doon mula sa namumuting kalangitan. Unti-unti ay may lumitaw na mga taong may suot na kulay puting roba at mayroong kulay puting buhok na tila nyebe.

"Ito pala ang paaralan na pinangangalagaan ng ating dating Hari," salaysay ng isang lalaking may matipunong pangangatawan at may masayang mukha na nagngangalang Jackson.

"Isn't obvious?" Pabalang na sagot naman ng isa pang lalaking may maganda ring pangangatawan ngunit may seryosong mukha na nagngangalang Hunter.

"Haist. Stop the talks, will you? Kailangan na nating hanapin ang nakatakda dahil hindi ko na kaya pang tumigil nang matagal dito. Gosh, it's so hot in here!" Mataray na sabi ng magandang babae na nagngangalang Stella bago maarteng ipinaypay ang kaniyang kamay sa mukha.

"Magtiis ka muna ng ilang sandali, Stella. Mahahanap din natin siya," mahinhing sabi naman ng isa pang babae na may maamong mukha at nagngangalang Krischelle.

Hindi naman sumagot si Stella at sumimangot na lang bago umirap.

"Let's go," seryosong ani Hunter bago naunang naglakad. Sumunod naman sa kaniya ang kaniyang mga kasamahan at ilang sandali pa ay narating na rin nila ang mataas na gate ng Academy.

"Hindi na masama," komento ni Jackson nang mapagmasdan ang paaralan.

"Jackson, maganda ang kanilang paaralan. Irespeto mo ang paaralang itinayo ng ating mahal na Hari," malumanay na sagot ni Krischelle sa sinabi ni Jackson.

Napapahiya namang napangiti at napatango ang binata bago sinagot ang babae.

"Pasensya na."

Binuksan na nila ang malaking tarangkahan at sabay-sabay silang pumasok sa loob.

Nagsimula na silang maglakad papasok at hindi inintindi ang mga estudyanteng may manghang-mangha at nagtatakang itsura. Sa isip-isip ng mga ito ay ngayon lamang sila nakakita ng ganito kagagandang mga nilalang na puwedeng-puwedeng isama sa mga hari at reyna ng kaharian.

"No surprise. Eww," bulong ni Stella na siyang narinig naman ni Krischelle.

"Stella, hindi nila alam. Sa tingin ko ay wala silang alam," ani Krischelle nang pagmasdan niya ang mga estudyante na mamangha sa kanila.

Muling ipinaikot ni Stella ang kaniyang mata. "Yeah right."

Nagpatuloy na silang muli sa paglalakad ngunit hindi inaasahang mabangga ni Stella si Kira.

Napaupo si Kira sa lupa dahil sa lakas ni Stella bago nagpumewang naman ang huli.

"Watch where you're going, Missy!" Naiiritang wika ni Stella. Nagulat naman ang mga nakapaligid na estudyante sa nangyari lalo na sa sinabi ng babaeng dayo.

"Gosh! Anong karapatan ng babaeng 'yon na sigawan ang Prinsesa?"

"Oo nga! Mga dayo lang naman pero kung umasta akala mo taga-rito."

Inabangan ng lahat ang gagawin ni Kira nang tumayo ito at nagpagpag ng suot. Nagulat ang mga estudyante nang ngumiti si Kira at yumuko nang bahagya.

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya. Hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko," mahinahong sabi ni Kira na siyang tinaasan naman ng kilay ni Stella.

"Tsk. Next time be careful!" Mataray na sagot nito at humalukipkip.

Mabilis na pumagitna si Krischelle sa dalawa dahil sa narinig niya sa dalawang estudyanteng nag uusap kanina.

"Pagpasensyahan mo na ang kasamahan ko. Mainitin lang talaga ang ulo nito. 'Tsaka bago lang kasi kami rito eh," mahinhin na paghingi nito ng paumanhin.

Ngumiti naman si Kira at umiling. "Nako, wala 'yon. Hindi rin naman ako tumitingin sa dinaraanan ko," aniya. "Oo nga pala, bago kayo rito hindi ba? Ano pong mga pangalan ninyo at saan kayong lugar nagmula?" Dagdag na tanong nito.

"Ah, ako si Krischelle, siya si Stella, si Jackson at si Hunter," mahinhing pakilala ni Krischelle sa mga kasamahan habang itinuturo ang mga ito. "At nanggaling kami sa malayong lugar dito sa Magic World," sagot niya sa isa pang tanong ng Prinsesa.

"Nice to meet you all! Ako nga po pala si Klaire sa mundo ng mga pangkaraniwan at si Kira sa mundong ito."

Napatango-tango si Jackson na tila may napagtanto. "Kung ganoon ay ikaw ang Prinsesa," anito.

Nangunot naman ang noo ni Kira dahil sa pagtataka nang magtinginan ang mga kausap na kasing edad lamang ng kaniyang mahal na ina.

"Anong meron?"

"Maaari mo ba kaming dalhin sa Mahal na Reyna Evergreen?" Masuyong tanong ni Krischelle. Hindi maiwasang kabahan ni Kira dahil masyadong risky ang gagawin niya lalo pa at kakikilala pa lamang niya sa mga ito. Maaaring may masamang binabalak ang mga ito lalo na ngayon at may traydor na laging nakapaligid sa kanila.

'Pero hindi naman sila mukhang gagawa ng masama,' sa isip-isip nito kaya pumayag na rin ito.

"S-sige po." Lumapit siya sa nga ito at sinabing hawakan ang isa't isa bago niya hinawakan ang kamay ni Krischelle at ni Stella na ayaw pa magpahawak, at tuluyan na nga silang nagteleport patungo sa palasyo ng Magistica.

* * *

(Queen Evergreen’s POV)

"Dama, hindi pa ba dumarating si Kira?" tanong ko sa damang nasa aking silid na naghihintay lamang ng maaari kong iutos.

"Hindi pa po Mahal na Reyna," sagot nito na siyang ikinatango ko.

"Maaari n'yo ba muna akong iwan dito? Gusto kong mapag-isa," pakiusap ko na silang sinunod naman nila. Yumukod muna ang mga ito bilang paggalang bago nilisan ang aking kwarto.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng aking silid. Ilang minuto pa ang lumipas ay unti-unting may namuong luha sa aking mga mata at pagkuwa'y pahikbi hikbi akong nagsalita.

"Dad, I wish you were still here. I miss you," bulong ko sa hangin habang unti-unti na namang bumabalik ang lahat ng sakit at pagsisisi na dulot ng nakaraan.

Flashback…

"Dad, let me go!" Pagpupumiglas ko sa hawak sa akin ng aking ama. Nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa patuloy na pag-iyak magmula nang lisanin namin ang nagkakagulong kaharian.

Nagawa kong alisin ang mahigpit na pagkakahawak ng aking ama sa aking kamay kaya galit itong humarap sa akin, ngunit bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.

"Bakit ninyo ginawa 'yon?! Bakit ninyo ako inilayo sa mga anak ko?!" Punong-puno ng hinanakit ang aking boses dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko makuha ang sagot sa mga tanong ko. Kung bakit kailangang magkalayo kami ng mga anak ko.

Hinawakan ako ni Dad sa magkabilang balikat at mataman akong tiningnan.

"Evergreen, makinig ka. Marami ka pang hindi alam sa mundo ng mahika. Marami pang nakakubling sekreto. At ayokong mapahamak ka! Kailangan ninyong maghiwalay mag-iina. Dito tayo gagawa ng portal pabalik sa dati nating mundo. Hindi ka maaaring magtagal sa lugar na 'yon, naiintindihan mo?" Aniya at bahagyang inalog ang aking balikat.

Nawala ang pagtulo ng luha ko dahil sa narinig mula sa ama. Mabilis akong umurong palayo sa kaniya kaya nabitawan niya ang pagkakahawak sa aking balikat.

"Hindi ako sasama sa inyo. Hindi na ako babalik sa lugar na iyon! Babalik ako sa mga anak ko!" Sigaw ko rito at mabilis na nagtatakbo kung saan-saan. Narinig ko pa ang malakas na sigaw ng aking ama ngunit hindi ko na iyon pinakinggan.

Making a portal to go to that place takes a lot of energy and time. At hinding-hindi ko hahayaang makagawa ang aking ama ng portal patungo roon. Babalikan ko ang mga anak ko...

Hindi ngayon pero sa tamang panahon.

Flashback ends…

Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil sa nangyari kay Dad. Pero hindi ko rin maiwasang magpasalamat dahil kahit papaano natupad naman ang panalangin ko na magkasama kaming muli ng aking mga anak.

Nabalik ako sa reyalidad nang may kumatok sa aking kwarto. Mabilis kong pinunasan ang aking mata bago pa man bumukas ang pinto.

"Dumating na po ang Prinsesa, Mahal na Reyna. Nasa tanggapan po siya at naghihintay," sabi ng Dama sa nakasiwang na bahagya na pinto.

"P-pupunta na ako," sagot ko rito. Sinarhan na rin naman niya ang pinto ng kwarto kaya inayos ko na rin ang sarili ko hanggang sa wala ng ebidensya na umiyak ako.

Lumabas na ako ng aking kwarto at mabilis na naglakad patungo sa tanggapan. Mabilis din naman akong nakarating sa lugar ngunit agad na napalis ang ngiti ko at saka ako napatigil nang makita ang aking anak na may kasama. Nakatalikod ang mga ito sa direksyon ko habang tinatanaw nila ang tanawin sa labas ng bintana ng kaharian. Pero ang labis na nagpadagundong ng puso ko sa kaba ay ang suot nilang puting roba pati na ang buhok nila na puting puti.

Akmang tatalikod na ako nang mapatingin sa gawi ko si Kira at nakangiti akong tinawag.

"Mama!"

Wala akong nagawa nang masaya siyang lumapit sa akin at mahigpitnakong niyakap.

Kahit pa nanlalamig ay pinilit kong ngumiti sa anak upang hindi niya mapansin ang pagkabalisa ko.

"N-napadaan ka," pinilit kong huwag manginig ang boses ngunit bahagya pa rin akong nautal.

Mukhang hindi naman iyon napansin ni Kira at ngumiti nang malapad sa akin bago lumapit sa mga kasama na tila ayaw ding humarap sa gawi ko.

"Nandito na po si Mama!"

Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo ko nang humarap ang mga ito sa akin. Natuod ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang kanilang kabuuan. Ang pamilyar na mukha ng mga ito ang siyang nagpadagdag ng panlalamig ng aking buong katawan.

Hindi... Hindi ito maaari. Hindi puwedeng sila ang dahilan ng pamumuti ng kalangitan.

This can't be.