Chapter 44: Summoning of Guardians pt. 2

(Shakira’s POV)

"Mukhang alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito."

Naging kuryoso kaming lahat sa tinuran ng Hari ng Dark World dahil naging seryoso ang mukha nito na tila malalim ang iniisip.

"A-ano pong ibig sabihin nito, Papa?" takang tanong ni Kira sa ama. Tila natauhan naman si King Lucas dahil sa itinanong ng anak kaya napatingin siya rito. Nahuli ko pa siyang pasimpleng tumingin kay Queen Eve na tila may pahiwatig.

Nangunot ang noo ko dahil doon. Hindi kaya may alam si Queen Eve?

"H-hindi ko pa sigurado," naiilang na sabi nito bago binago ang pinag-uusapan. "Hindi ba't may gagawin pa kayo? Summoning of Guardians? Ituloy na ninyo at nang malaman namin kung ano ang animal guardians na mapupunta sa inyo," aniya, mas masigla ang boses ngayon.

Bumalik sa isip naming lahat ang dapat na gagawin namin kaya naman pumalakpak si HM tanda na ipagpapatuloy namin ang naudlot na pag-su-summon.

"Okay students, continue."

Sa isang kurap lang namin ay nawala na siya sa kumpol ng mga tao pati na ang mga hari at reyna kasama si Queen Eve at King Lucas. Nasa loob na silang muli ng balloon at handa ng manood.

Wala na rin kaming nagawa kung hindi ang muling bumalik sa pagkakaupo sa assigned seats namin at hinatayin si Zack na magsummon ng kaniyang guardian.

Kasama na namin si Kira sa upuan at halos hindi pa siya bitawan ni Dash dahil siguro sa takot na baka mawala na naman ito.

Haay. Pag-ibig nga naman...

"Please summon your guardian, Prince Zack!"

Umalis ang emcee sa stage at naiwan si Zack doon na nag-co-concentrate. Ilang sandali pa lamang ay bumuka na ang kaniyang bibig na tila may china-chant. Sumasabay rin ang kaniyang kamay sa pagbukas ng kaniyang mga labi.

Habang kumukumpas ang kaniyang kamay ay may lumalabas doong water blade, water ball at water shuriken. Pinaikot-ikot niya iyon hanggang sa isang malaking ipo-ipo na gawa sa tubig ang nabuo. Pabilis nang pabilis ang pag-ikot ng ipo-ipo at nang may chinant siyang spell, bigla itong sumabog na naging dahilan ng bahagyang pagkayanig ng buong arena.

Mula sa pagsabog ay may lumitaw na isang malaking sea lion na kasing laki ni Zack. Kulay asul ang kulay nito at nakakatakot ang sungay nito sa kaniyang ulo. Ang buntot nito ay tila lumiliwanag ng kulay asul tanda na may mapanganib na poison na naroroon. Malakas din ang lumalabas na aura rito na mas lalong nakapagbibigay kilabot dito.

Kung sa mundo ng mga pang-karaniwan ay cute na cute ito, ang animal guardian ni Zack ay nakakatakot. Bukod kasi sa itsura nito ay ang sea lion ding ito ay ang itinuturing na 'monster of the sea'.

Nagbuga ito ng malaking tubig at inikutan niya iyon bago siya naging isang maliit at cute na sea lion, tanda na nakapet mode na siya. May maliliit na wave na siyang tinutuntungan niya para makalutang sa hangin.

Lumapit siya kay Zack at marahang dinilaan ang pisngi nito kaya napa-aww ang mga estudyante.

"Woah! What a creepy but cute animal guardian you have, Prince Zack! Amazing!" Manghang bulalas ng emcee na siyang nginitian lamang ni Zack. Ang sea lion ay nagbuga ng tubig ngunit kaunti lamang iyon dahil na rin sa size niya. Para tuloy itong isang mahinang fountain. Cute.

Bumalik na si Zack sa kaniyang pwesto kaya muling nabaling ang atensyon namin sa emcee na muling nagtawag ng pangalan.

"So, may we call Prince Cyclone to do the same thing?"

Tumingin sa akin si Cyclone at kinindatan ako kaya natatawa ko siyang sinapak sa braso. Tatawa-tawa naman siyang bumaba patungo sa stage at bago pa siya tuluyang makapasok sa invisible barrier ay muli siyang humarap sa dagat ng estudyante at kumindat.

Agad na nag-usok ang ilong ko dahil doon. Kahit kailan talaga ay napaka siraulo ng mahanging 'yon! Pagkatapos niya akong kindatan ay kikindat pa siya sa iba?! Humanda ka sa'kin mamaya, bakulaw!

He closed his eyes and concetrated himself. After awhile, he started chanting something while his hands were dancing. Lumalabas sa kamay niya ang air spikes, air shurikens, air blades at air balls. Ngunit ang huling ginawa niya na bahagyang nagpalaki ng aking mata ay ang isang malakinh ipo-ipo. Ramdam naming mga nasa labas ang lakas ng hangin at pinapayid nito ang aming mga buhok. Mabuti na lamang at mabilis kong nasalikop ito gamit ang aking mga kamay.

Pinilit kong inaninag ang nangyayari kahit nahihirapan ako dahil sa malakas na paspas ng hangin. Nakita ko ang ginawang pagpapasok ni Cyclone ng mga naunang ginawa niya sa malaking ipo-ipo. Unti-unti ay nagiging kulay abo ang kulay ng ipo-ipo hanggang sa mas lalong bumilis ang pag-ikot nito at tuluyang sumabog. At doon, lumabas ang isang nakakatakot na griffin.

Ang mga kuko nito ay nangingintab dahil sa sobrang talas. Ang mga mata nito ay tila nanlilisik kapag tinitingnan at nakakatakot ang aura na lumalabas sa guardian ni Cyclone.

The griffin made a loud growl before it turns to a cute little griffin. Lumipad lipad ito palibot kay Cyclone bago ito pumatong sa ulo ng kaniyang amo at doon natulog. Nakakatakot ang guardian mode nito pero sobrang cute naman 'pag pet mode.

"What a dangerous guardian you have, Prince Cyclone! Nakakapigil hininga ang performances ninyo!" Ani emcee na siyang nginisian lamang ni Cyclone na tila proud na proud. Napairap na lamang ako dahil doon.

Bumalik na rin si Cyclone sa may tabi ko at muli na namang nagtawag ang emcee.

"Next is Princess Zhia!"

Bumaba na si Zhia at nagtungo sa stage. Nang akmang papasok na siya sa loob ng invisible barrier ay bigla namang sumigaw itong si Zack.

"Let's go baby! You can do it!"

Mabilis na namula ang pisngi ni Zhia nang kasunod ng sigaw na iyon ni Zack ay ang malakas na ayiiee ng mga estudyante. Sa sobrang hiya niya ay mabilis na niyang tinalikuran si Zack na natatawa at mukhang proud sa kung ano.

Mabilis namang nawala ang kantyawan nang magsimulang bumuo si Zhia nang malalaking tipak ng bato. Nagkaroon din ng tila tinutuntungan si Zhia hanggang sa tumaas ito. Gumawa siya ng malaking earth ball at nagpasok siya roon ng iba't ibang techniques niya gamit ang earth.

Nang tila mapuno ang earth ball ng mga techniques ay nagkaroon ito ng chain na gawa rin sa lupa at inikot-ikot iyon ni Zhia bago binitawan kaya humapas iyon nang malakas sa invisible barrier.

Ramdam na ramdam namin ang impact nito kahit pa wala namang naging damage sa barrier. Kahit gaano kasi kalakas ang ginawang iyon ni Zhia, hindi niya masisira ang invisible barrier unless may dugo siyang Himerian. Tanging mga malalakas na nilalang kagaya ng mga Himerian lamang ang tanging makakasira ng invisible barrier. Iyon ay dahil na rin sa ang gumawa ng barrier ng school ay isang witch na may dugong Himerian.

Mula sa earth ball ay may lumabas na isang fox na kulay orange. Kagaya ng guardian ni Zack, ang buntot din nito ay nag-iilaw ng orange tanda na may poison ang dulo nito. Kilala rin ang fox na ito sa mundo ng mahika dahil sa bilis nito kumilos.

Hindi ko alam kung matatawa kami o ma-cu-cute-an nang humikab ito bago ito nagpalit sa pet mode. May tila lupa itong tinatapakan slash tinutulugan dahil ngayon ay himbing na himbing ang tulog ng guardian ni Zhia. Natawa tuloy kaming lahat, maliban sa mga bato, na nasa arena.

"That was cute, Princess Zhia! Nakakata-cute naman ang guardian mo!" Natatawang ani ng emcee mula sa labas ng invisible barrier.

Natigilan lamang ito nang magising ang fox at naging guardian mode. Bumuka ang bibig nito at mula roon ay may lumabas na libo-libong thorns na nag-go-glow ng orange tanda na may poison ang bawat thorns na inilalabas nito.

Ngayon, nakakatakot talaga ito!

Natawa naman si Zhia nang bumalik ito sa pet mode at natulog, iniwan kaming lahat na nakanganga dahil sa ginawa ng guardian.

Hindi na nakaimik pa ang emcee kaya natatawang bumalik si Zhia sa kaniyang upuan.

Nang tuluyang makahuma ang tagapag-salita ay tumawa muna ito nang bahagya bago ako tinawag.

"How about Princess Shakira?"

Natuod ako sa aking kinatatayuan at sandaling nablanko ang aking utak. Ngunit nang pisilin ni Cyclone ang aking kamay ay saka lamang ako muling natauhan.

Tiningnan ko siya at binigyan naman niya ako ng isang marahang ngiti. "Kaya mo 'yan. You're Shakira," he stated.

Nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil sa sinabi niya kaya naman tumayo na ako sa upuan dahil kanina pa akong hinihintay sa stage.

Bumaba na ako at dire-diretsong pumasok sa loob ng invisible barrier. I closed my eyes to concentrate and to feel my powers.

Wala akong dapat ikatakot. I am the bearer of light element and I am confident sa kaya kong gawin, kaya hindi dapat ako matakot.

Nang maramdaman ko na ang pressure sa aking kamay ay nagmulat na ako at kasabay nito ay ang pagtaas ko ng kanang kamay.

Mabilis na lumabas ang puting kapangyarihan sa kamay ko na sumakop sa kabuuan ng invisible barrier. May nabuong malaking bilog ng liwanag sa may itaas ko katulad ng aking plano. Nagpalabas din ako ng sunod-sunod na light ball at iba pang technique na ginagawa ko sa element ko at ibinayo ko iyon nang ibinato sa liwanag na nasa may ulunan ko.

Nang mapansin kong malapit ng sumabog ang ginawa kong malaking liwanag na punong-puno ng iba't ibang techniques na gawa sa light ay mabilis akong nagbuo ng isang espada na gawa sa aking element at saka iyon ibinato sa malaking bilog.

Malakas na pagsabog ang narinig at tila nabingi pa ako dahil doon. Pero nang makita ko ang aking guardian ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag dahil sa wakas ay tapos na rin ako.

Kagaya ng kay Zhia ay isa rin itong wolf ngunit puting puti ang kulay nito na tila lumiliwanag—no, dahil lumiliwanag talaga ito. Pinong-pino ang furs nito at nakakatakot din ang puting-puti nitong mata. Wala itong kulay itim sa mata na kagaya ng sa tao. Hindi ko pa alam ang ability ng aking guardian pero siguradong malakas din ito dahil nararamdaman ko iyon.

Naglabas ito ng puting usok galing sa bibig bago ito nag-anyong pet. Kulay puting usok na tila ulap ang tinutuntungan ng aking guardian. Naglakad ito palapit sa akin at ikiniskis ang kaniyang ulo sa aking mukha.

"Aww..." Rinig kong sabi ng mga estudyante pati ng emcee kaya napatingin ako sa kanila. Napansin ko ang naka-thumbs up na si Cyclone kaya napatawa na lamang ako.

Bumalik na rin ako sa aking upuan at muli na namang nagtawag ang emcee.

"Please go to stage Prince Krey!"

Mabilis na bumaba si Krey patungo sa stage at nang makapasok siya sa loob ng invisible barrier ay walang patumpik-tumpik na nagbuo siya ng isang malaking lightning ball. Kumikislot kislot pa ang mga iyon kaya nakakatakot tingnan pero mukhang wala lamang iyon kay Krey. Sabagay, kaniya namang element iyon eh.

Hindi pa ata nakuntento si Krey sa iisang lightning ball aat nagbuo pa ng tatlo. Pinagsama-sama niya ang lahat ng ito at habang pinaglalapat niya ang mga iyon ay may china-chant siya hanggang sa malakas itong sumabog.

Ramdam na ramdam ang malakas na impact sa loob ng arena dahil sa malakas na pagsabog na iyon. Nabalot din ng usok ang loob ng invisible barrier kaya hindi namin makita kung ano ang nasa loob.

Pero nagulat na lang kami nang lumabas si Krey mula sa invisible barrier at kasama na nito ang isang ibon na naka-pet mode na. Lumilipad lipad ito paikot kay Krey ngunit ang nagpanganga sa aming lahat ay ang pakpak nito na gawa mismo sa kidlat. Nakakatakot pa rin ang guardian ni Krey kahit naka-pet mode. Brr.

"T-that was terrifying!" Komento ng emcee na siyang sinang-ayunan namin. Talagang nakakatakot! Paano pa kaya ang kay Kaela at Dash eh malakas din ang dalawang 'to?

"Students, humihinga pa ba kayo?" Sigaw ng emcee na sinagot naman ng 'woooh' ng mga estudyante.

"Okay, now, may we call on Princess Kaela to summon her guardian!"

Kagaya ni Krey ay mabilis na ring bumaba si Kaela at nag-dire-diretso ng pasok sa invisible barrier. She made a big snow ball na transparent at namangha kami nang makitang sa loob niyon ay may laman na snow flakes na tila lumulutang. She even made a hailstorm inside the barrier at hinayaan niyang tangayin nito ang bolang ginawa niya. Palakas nang palakas ang hailstorm na ginawa niya at ramdam na rin naman ang lamig sa labas ng barrier. Habang lumalakas ang hailstorm ay kasabay naman noon ang pag-cha-chant ni Kaela.

Hindi naglaon ay nawala na parang bula ang hailstorm at ang natira ay ang bola ng snow, pero ngayon ay naka-frost na ito. Nilapitan ito ni Kaela at bahagyang sinundot ng kaniyang daliri. At mula roon ay nabuo ang isang phoenix.

Nagulat kaming ibang Superiors dahil alam namin kung anong klaseng phoenix ang guardian ni Kaela. Snow ang kapangyarihan ni Kaela kaya ganon din ang powers ng phoenix ngunit nakakapaso ang lamig ng kapangyarihan ng phoenix na ito.

Bumuga ito ng snow blazers at napanganga ako nang bahagya nang maramdaman ang init mula roon. Gosh! Ang hirap banggain ng guardian na ito!

Pagkatapos nitong bumuga ng snow blazers ay lumiit ito at nagpalit patungong pet mode. Dumapo ito sa balikat ni Kaela at pumikit kaya napa-aww kaming nanonood. Ang cute lang!

"'Wag n'yo ng balaking banggain ang ating Prinsesa Kaela dahil ang guardian niya ang makakalaban ninyo!" Natatawang ani ng emcee na sa tingin ko ay tumalab naman sa mga estudyante dahil bahagya kong nakita ang pagkatakot sa kanilang mukha.

Bumalik na rin si Kaela sa kaniyang upuan at kahit wala pang sinasabi ang emcee ay tumayo na si Dash at naglakad na patungo sa stage.

Hindi na nakapagsalita pa ang emcee nang pagkapasok ni Dash ay mabilis na itong gumawa ng naglalagablab na apoy na pabilog sa invisible barrier. Nasa gitna siya at doon nagpe-perform.

Pinataas niya ang apoy na nakapalibot sa kaniya hanggang sa maging ka-hugis na iyon ng barrier. Hindi na namin makita pa ang ginagawa ni Dash dahil natatakpan na ang visions namin ng malaking apoy na nakapalibot sa kaniya.

Ilang sandali pa kaming nag-hintay at bigla na lamang yumanig ang paligid at malakas na pagsabog ang aming narinig. Nabalot ng usok ang loob ng barrier at mula roon ay lumabas ang nag-iisang si Dash habang may nalipad paikot sa kaniya; ang Royal Eagle.

Nakapet mode na ito at ang pet mode nito ay ang normal na size nito sa mundo ng pangkaraniwan. It has sharp claws and pointed beak. Ang claws nito ay napapalibutan ng naglalagablab na apoy at ang pakpak nito ay may traces ng pula.

"What a heart frightening performances, Superiors!" Ani ng emcee nang makabalik si Dash sa kaniyang upuan. "But now, let's call on Princess Kira for summoning her guardian!"

Sunod ang tingin ng lahat sa papababang babae.

Nakakatakot.

Nakakapangilabot.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa aurang nararamdaman ko. Naghahalo ang itim at puting aura. Brr. Parang anytime maiihi ako.

Diretso lamang ang tingin nito hanggang sa makapasok siya sa loob ng invisible barrier.

* * *

(Zhia’s POV)

Tuluyan na ngang nakapasok si Kira sa loob ng barrier at naglakad lang siya patungo sa gitna ng stage. Umupo lang siya sa gitna at pumikit na tila nag-co-concentrate.

Naghintay kami ng ilang segundo sa gagawin niya ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin siyang ginagawa. Nakapikit lamang ito na tila natutulog.

"Princess Kira, please summon your legion," naiinip na sabi ng emcee pero nanatili pa ring nakaupo at walang kibo si Kira.

Walang nagawa ang emcee kung hindi ang manahimik na lang at mag-intay. Ngunit makailang sandali pa uli ay wala pa rin. Nagsisimula ng magbulungan ang mga estudyante kesyo kung may kapangyarihan ba daw talaga si Kira at kung bakit daw nakaupo lamang ito at walang ginagawa.

Muli na sanang magsasalita ang emcee nang biglang sumigaw si Kira.

"Ahhh!!"

Mabilis kaming napatayo sa aming upuan dahil doon.

"Anong nangyayari sa kaniya?" Tanong ng isang estudyante sa kaniyang kaibigan.

"Okay lang kaya siya?" Sagot na tanong din ng kausap. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito at itinuon na lang kay Kira na muli na namang sumigaw.

"Aahhh! Ang sakit! Please stop!" Sigaw nito na labis na nagbigay ng pagtataka at pag-aalala sa aming lahat.

Anong masakit? Bakit? Anong nangyayari?

"Princess Kira, what's happening?!" Natatarantang tanong ng emcee. Kahit ang mga hari at reyna ay natataranta na rin, isama pa si King Lucas na nag-aalala sa kaniyang anak.

"What the hell is happening to her?!" Nag-aalalang sigaw ni Kaela.

"Kaela, calm down. Walang nakakaalam sa nangyayari sa kanya!" Sagot naman ni Shakira na hindi pinansin ni Kaela.

Dali-dali itong bumaba patungo sa stage at kasunod niya ay si Dash na hindi rin mapakali. Sumunod na rin kami sa kanila at papasok sana si Dash sa loob ng barrier nang tila may nakaharang sa papasukan niya.

"Fuck, I can't fucking enter!" Galit na mura ni Dash at malakas na sinuntok ang barrier pero wala pa rin iyong silbi. Hindi man lamang natinag ang matibay na barrier.

"What the fuck is happening?" Tanong ko na dahil maski ako ay kinakabahan na rin sa nangyayari, isama pa ang pagsigaw ni Kira dahil sa sakit na hindi namin alam kung bakit.

"We need to destroy the barrier," seryosong sabi ni Krey na siyang sinang-ayunan naming lahat.

"Ahh! Please... Please stop!" Patuloy na sigaw ni Kira.

Nag-guardian mode na ang aming mga animal guardian upang tumulong sa amin at nagpalabas na rin kami ng aming mga element. Ngunit napansin kong nakatingin lamang si Kaela na tila nagdadalwang-isip sa gagawin.

Hindi ko na lamang siya pinansin at sabay-sabay na naming ini-release ang kaniya-kaniyang element.

Pero halos sabay-sabay kaming napamura nang walang nangyari sa ginawa naming pag-atake sa barrier. Ni isang crack ay wala rin!

Fuck! Himerians ang kailangan namin upang masira ang barrier na ito! But how can we summon ang fucking Himerian! Napakailap nila sa iba!

"It's useless. Malakas ang kapangyarihan na nasa barrier. We can't destroy it," saad ni Zack.

We're all frustrated. Dumadagundong na rin ang kaba ko para kay Kira at kahit hindi sabihin ni Dash at Kaela, ramdam ko ang nag-uumapaw na pag-aalala nila para sa babae.

"Woaw!" Manghang sabi ng isang estudyante na nakiki-tsismis.

Napatingin kami sa estudyanteng nagsalita at nakita namin na kay Kira siya nakatingin kaya napatingin na rin kami sa kinatatayuan ni Kira.

Napanganga ako nang bahagya nang makita ko ang kalagayan ni Kira.

Nakalutang ito ngayon sa ere at ang katawan niya ay lumiliwanag. Ang mga mata nito ay nawalan ng itim at naging puting-puti.

Lumiwanag nang lumiwanag ang katawan niya hanggang sa mapapikit kami. Ilang minuto lang ang lumipas ay nawala na ito at nagkaroon naman ng isang dragon!

"Holy cow," I whispered because of amazement.

This dragon is not just an ordinary dragon. Iba 'to... ibang iba. Dahil ang dragon na 'to ay ang pinakamalakas na dragon sa buong Magic World.

Itinuturing na King Dragon ang guardian ni Kira dahil ito ang alaga ng mga Gods and Goddesses. Ang alam ko ay immortal ang dragon na ito at ang pinili lamang ng mga Gods and Goddesses ang maaaring makapag-summon dito at gawing guardian. Just wow.

Ngunit hindi pa tapos ang pangyayari. Biglang umilaw ang palad ni Kira at mula roon ay may lumabas na puting liwanag na tumama sa invisible barrier at walang kurap-kurap ay biglang nasira ang barrier na kanina'y hindi man lang namin malagyan ng kahit konting crack. Kasabay ng pagkasira ng barrier ay ang pagkawalang malay ni Kira. Mabuti na lang at mabilis ang guardian niya kaya nasambot agad siya.

Tumakbo kami patungo sa kinatatayuan ni Kira at kinuha naman ni Dash si Kira mula sa guardian nito at binuhat na tila pang-kasal.

"Thank you," pasalamat ni Kaela habang at nag-bow ng bahagya. Ginaya ito ng dragon at sa isang iglap ay lumiit ito at lumipad-lipad sa paligid ni Kira.

"Prince Dash, maari bang dalhin mo siya sa Palasyo? Alam kong pagod siya kaya kailangan niya ng pahinga. Paniguardong hindi niya nakayanan ang malakas na kapangyarihan na napalabas niya," ani Queen Eve na hindi namin nalamayang nakalapit na pala sa amin.

Napatingin si Dash sa natutulog na si Kira sa kaniyang kamay bago tumango kay Queen Eve at naglaho. May sinabi pa si Queen Eve kay Kaela na siyang tinanguan naman ng huli bago nagteleport ang reyna pati na ang Hari ng Dark World upang sumunod kina Dash. Umalis na rin naman ang iba pang mga hari at reyna kaya naiwan kami sa battle arena.

Pero isang tanong ang pilit na lumalagi sa isip ko.

How did Kira destroyed the invisible barrier if only Himerians can destroy it? Is she one of them? But how?

Mga tanong na kahit anong pilit kong hanapan ng sagot sa utak ko ay hindi ko pa rin mahanapan. This is complicated!