Chapter 40: One-on-One Battle

(Zhia’s POV)

"Ano ba? Sinabi nang umayos ka, eh!"

Napalingon ako sa direksyon ni Kaela nang bigla itong sumigaw. Napangisi ako nang makita ang inis na inis nitong mukha habang sa tingin ko ay may itinuturo sa nakangising si Lokie.

Well, today is Sunday and tomorrow is the summoning of guardians. At ito nga si Kaela, tuluyan ng nakalimutan ang pagiging cold at firm dahil sa lalaking tinuturuan.

Napapailing-iling na lang ako dahil sa nasasaksihan. Masyadong composed si Kaela kaya nakakagulat na nakakalimutan niya iyon, at dahil pa sa isang lalaki!

"Tss," bagot na sagot naman ni Lokie. Lalong umusok ang ilong ni Kaela dahil doon at muli na naman silang nag-away kaya napatawa na lamang ako.

"Baka sila pa ang magkatuluyan," bulong ko sa hangin.

"Love!"

Nagulat ako nang may biglang sumigaw sa may gilid ko at mabilis na sinundot ang aking tagiliran. Sa bilis ng reflexes ko ay mabilis kong nasuntok ang kaniyang mukha.

"Aray!/Leche!" Sabay na sigaw namin, lalo na nang makita ko kung sino iyong nasuntok ko.

"Zack, ano ba! Bakit ba bigla-bigla ka na lang nanunundot d'yan ng tagiliran?! Ayan nasuntok tuloy kita!" Naiinis na wika ko at mabilis siyang dinaluhan, ngunit nangunot naman ang aking noo nang makita ang nakangiti niyang mukha na may namumulang pisngi, dahil ng pagkakasuntok ko.

"Ayos lang na masaktan, basta ikaw ang gagamot ng sugat ko. Ayos lang na magkamali, basta ikaw ang tatama sa mga mali ko. Ayos lang na madapa, basta ikaw ang tutulong sa pagtayo ko," banat niya.

Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi kaya iniiwas ko ang aking mukha sa kaniya upang hindi niya agad mapansin.

"Che! Ewan ko sayo," nasabi ko na lang upang maitago ang aking kilig.

Bakit ba kahit napaka-simple ng mga sinabi niya ay para na agad akog lumulutang sa alapaap? Nakukuha niya agad ang kiliti ko sa simpleng mga salita lamang niya.

"Ayieee! Kinikilig ka lang, eh," panunukso niya at muli na namang sinundot ang aking tagiliran. Agad kong hinampas ang kaniyang kamay upang patigilin siya.

"Tumigil ka, Zack, ah. Baka gusto mong madagdagan 'yang pula sa pisngi mo," pagbabanta ko na tinawanan lamang niya. Inakbayan niya ako at pinisil ang aking ilong, kaya naaasar ko iyong inalis pati na ang pagkakaakbay niya.

Nabaling naman ang atensyon namin kay Kaela na papalapit sa aming direksyon, kunot na kunot ang noo at tila inis na inis.

"Zhia, Zack, teach that Lokie. I can't handle that stubborn man anymore," naiinis na wika nito nang makalapit sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Zack at napangisi sa isa't isa bago sabay na tumango kay Kaela.

Lumakad kami patungo sa lalaking gumagawa ng kung ano-ano gamit ang kaniyang element.

Nang makarating kami malapit sa kaniyang harapan ay hindi man lamang ito natinig.

I faked a cough to catch his attention. "Mr. Lokie, pwede bang makinig ka?" Mahinahong sabi ko rito, ngunit agad akong napangiwi nang tingnan lang niya ako sandali bago muling bumalik sa pagfo-form ng maliliit na bilog gamit ang kaniyang element.

Tama nga si Kaela. Napakatigas ng ulo ng isang 'to.

"Love, akong kakausap," bulong ni Zack sa akin na tinanguan ko naman. Lumapit naman ito kay Lokie at siya na ang kumausap.

"Pare, baka naman maaaring makinig ka na lang sa'min," Zack approached in a nice way.

Pero mukhang gano'n talaga ka-tigas ang ulo nitong si Lokie dahil tiningnan lamang niya si Zack at pinangunutan ng noo.

"Ano bang pakialam n'yo kung hindi ako sumunod sa inyo? You are just those Superiors that sees other students inferior to them," he stated. Zack clenched his jaw, obviously trying to calm his nerves.

"Alam mo, nakakabastos ka na. We only wanted peace for everyone, and not just ordering them around!" Mariing sagot ni Zack.

Hilaw namang napatawa si Lokie bago napailing-iling. "Really? Ang alam n'yo lang ay magpasarap. Kayong mga purong dugong bughaw, hindi n'yo man lang iniisip ang ibang tao. You keep on making and giving orders, but you never really tried to ask the situation of others. You think you can achieved the peace you are talking about? Think again. You can only achieved it if you put yourself to the shoes of other people. Hindi lahat madadaan n'yo sa kapangyarihan at taas ng posisyon ninyo sa mundo ng mahika," mahabang lintanya nito.

"Eh, hayop ka pala, eh!" Sigaw ni Zack at mabilis na sinuntok si Lokie, tuluyan ng naputol ang pising pumipigil sa kaniya.

Mabilis akong napatakip ng aking bibig dahil sa gulat at nanlalaki ang matang tiningnan ang dalawa.

"Hindi kami puro pasarap! Lagi naming iniisip ang kapakanan ng iba. We are called Superiors, so we could protect those people who can't protect themselves! You don't even know those deadly missions that we're doing!" Nanggagalaiting ani Zack. Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa balikat, ngunit agad din akong napalayo nang suntukin din siya ni Lokie.

"Ikaw, kayo ang hayop! You can't even defeat the Dark King or the real one who's controlling those dead people from Crymton! Kaya, ano pang silbi ninyo?!"

"Stop it!" Sigaw ko pero ayaw magpaawat ng dalawa. Parehas ng dumudugo ang gilid ng labi nila at pulang-pula na rin ang kanilang pisngi dahil sa lakas ng suntok na ibinibigay nila sa isa't isa.

Marami na ring estudyante ang nakikiusyoso at lumapit na rin si Cyclone upang mapigilan si Zack sa muli na namang pagsuntok. May isang estudyanteng sa tingin ko ay nasa Mediocre na humawak kay Lokie at pigilin din ito.

Hingal na hingal ang dalawa nang mapaghiwalay sila, ngunit tila hindi pa tapos si Lokie dahil may pahabol pa ito.

"Let's have a deal," anito habang nakangisi. Pinahid niya ang dugo sa kaniyang labi gamit ang likod ng kaniyang palad at nagpatuloy sa pagsasalita nang makita ang kunot na noo ni Zack, nagtataka sa deal na sinasabi nito.

"Let's have a one-on-one battle. Kung sino man sa atin ang maunang bumagsak sa lupa, siya ang panalo. If I win, you'll be my slave for one week and if you win, I will follow every order you will give to me."

Mula sa pagkakakunot ng noo ay unti-unting napangisi rin si Zack. "Deal."

Napaface-palm na lang ako sa isip dahil sa ka-engotan nito. Nahihibang na ata ang lalaking iyon! We're here for training the students for their summoning of guardians tomorrow and not having this battle!

Argh! That man!

* * *

(Zack’s POV)

Nagteleport ako patungo sa gitna ng field at kasabay ng paglitaw ko ay ang pagdating rin ni Lokie.

Speed, huh?

"Anong inginingisi mo d'yan?" Pikon na tanong nito nang makita ang biglaan kong pag-ngisi.

"Nothing. Just thinking how to beat you," I coolly answered.

"Let's see, Prince Zack," he said, emphasizing my name.

Napatawa na lamang ako nang bahagya dahil doon. Bakit ba parang inis na inis siya sa aming Superiors? Hindi kaya, isa siyang traydor? Pero kung isa man siyang traydor, masyado naman sigurong bulgaran ang ginagawa niya, unless ginagawa niya iyon sadya upang lituhin kami.

Hmm, tingnan natin.

Mabilis siyang nagbuo ng lightning ball at agad iyong ibinato sa akin. I swiftly dodged it without even moving my whole body.

Kung gano'n ay nasasakupan siya ng kaharian nina Krey. Magaling...

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalabas ng lightning ball at tuloy din ako sa pag-iwas sa mga ito.

Paano kaya kung ano naman ang bumato sa kaniya ng water element ko? Knowing na kapag naglapat ang kuryente at tubig ay isang pagsabog ang magaganap. Sino kaya ang maiiwang nakatayo?

'Well, I can't answer my question if I will not try,' I whispered to myself.

Hinihingal na tumigil sa pagbato si Lokie at sinamaan ako ng tingin. "Bakit ba panay ang iwas mo? Gan'yan ka ba kahina at hindi mo magawang tumira man lang? Duwag ka ba?!" Naiinis na asik niya.

Tss. Ako pa lamang ang kalaban niya ay napapagod na agad siya, wala pa man akong ginagawa. Paano pa kaya kung si Kaela na ang nakalaban nito, eh, mas malakas sa akin ang babae'ng 'yon.

"Stupid, are we?" Nang-aasar na tanong ko rito. Nagtagumpay naman akong asarin siya dahil isang masamang tingin ang iginanti niya sa akin.

"If water and lightning collides, an explosion will happen, do you know that?" Dugtong ko. Natigilan siya na tila may napagtanto, ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagngisi niya.

Muli siyang nagbato ng sunod-sunod na lightning ball sa akin kaya mabilis ko iyong iniwasan. Ngunit hindi sinasadyang nadaplisan ako ng isa sa braso kaya nagkaroon iyon ng kaunting lapnos.

"I'm not dumb, idiot," aniya.

Nagpalabas ako ng water ball sa aking isang kamay habang lihim na bumubuo naman ng water blade sa kabila. Ibinato ko ang water ball sa kaniya at nang iiwas siya ay mabilis ko ring ibinato sa direksyong iiwasan niya ang water blade. Dumaan iyon sa may mukha niya kaya nagkaroon ng malalim na hiwa sa kaniyang pisngi. Napangisi ako nang makita ang dugong tumutulo mula sa kaniyang sugat.

Mukhang nagalit siya sa ginawa ko kaya unti-unti siyang gumawa ng malaking lightning ball. Napatawa naman ako dahil doon at ginaya ang ginagawa niya. I made a big ball out of water and positioned it directed to him.

Ginaya niya ang ginawa ko at sabay namin iyong ibinato, ngunit biglang nanlaki ang aking mata nang dumating si Krey sa field at kunot-noong nakatingin sa amin.

"What the fuck is happening here?" Sigaw niya ngunit nawala ang atensyon ko sa kaniya nang malakas na sumabog ang dalawang element.

Naramdaman ko ang pagtalsik ko mula sa field patungo sa may dulo nito. Pinilit kong huwag matumba at nagtagumpay naman ako, ngunit nanginginig ang aking mga tuhod.

Hinintay kong mawala ang usok upang makita si Lokie. Naririnig ko pa ang pag-ubo ng mga estudyante dahil sa usok.

Nang mawala ang usok ay nakita ko sa kabilang dulo si Lokie, kagaya ko ay nakatayo rin siya, ngunit sandali lamang iyon dahil mabilis siyang napaluhod sa lupa hanggang sa mapahiga.

Napangiti na rin ako dahil doon ngunit napahinga nang malalim nang maramdaman ko ang lalong oanginginig ng aking tuhod.

Hindi ko na iyon nakayanan at napaluhod na rin ako, at kagaya ni Lokie ay napadapa na rin sa lupa.

I groaned in pain as I felt my body hurts like hell. Damn this battle!