Chapter 39: Mr. Lokie

(Cyclone’s POV)

Haay. Nasaan ba si Ivy? Alam kong nakasama namin siya sa pagpasok sa portal. Ngayon ko lamang uli siya naalala kaya napatakbo kaming dalawa ni Zack upang hanapin siya.

"Ivy!" Sigaw ni Zack. Pinakiramdaman namin ang paligid pero walang nag-re-response. Kanina pa kaming naghahanap dito at tumitirik na rin ng sobra ang araw tanda na magtatanghali na.

Naupo si Zack sa may bench sa garden at napahinga nang malalim. Kanina pa kasi kaming naghahanap kay Ivy at halos nalibot na namin ang buong Academy pero wala pa ring response galing sa kaniya.

Alam kong sumama siya sa amin at hindi ako maaaring magkamali dahil ramdam ko siya sa pamamagitan ng hangin.

"Dude, wala rito. Sigurado ka bang sumama siya sa atin?" Pagod na tanong ni Zack na tinanguan ko lang naman. Sigurado ako roon.

"Wala dito. Tara na—"

Naputol ang sasabihin ko nang makarinig kami ng boses at pati paghikbi mula sa 'di kalayuan. Nagkatinginan kami ni Zack at sabay na napatango.

"I hate you! Why are you so numb? Gan'yan ka ba talaga kamanhid para hindi mo maramdaman ang nararamdaman ko para sa'yo? Nakakainis ka! Palagi na lang si Shakira ang nakikita mo. Syempre, anong panama ko do'n, e, mahal mo 'yon? Pero nakakainis ka pa rin! Simula pagkabata, gusto na kita pero nakakainis ang pagiging manhid mo! I hate you!"

Nangunot ang noo ko nang marinig ang mga sinasabi nito lalo na nang banggitin niya ang pangalan ni Shakira. Si Ivy ba 'to? Kung gano'n... may g-gusto siya sa akin?

Nagsimula akong lumapit sa pinanggagalingan ng boses at nagdadalawang-isip na umimik. Ngunit sa huli ay napagdesisyunan kong magsalita upag malaman kung si Ivy nga ba talaga ito.

"Ivy?"

Tumahimik bigla nang magsalita ako kaya pinakiramdam ko ang paligid. Ramdam ko pa rin naman ang paghingang ginagawa ni Ivy at mukhang nagulat siya nang makita ako. Hindi siguro niya kami nakita o narinig kanina.

"C-Cyclone? Teka... B-bakit kayo nandito?" She stammered.

"Kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala. Why are you here? Ano 'yong sinabi mo kanina?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Gusto kong marinig mismo galing sa kaniya habang kaharap ako. Ayoko naman na masira ang pagkakaibigan namin dahil doon.

"H-ha? W-wala ah!" Tanggi niya at tumawa pa ng pilit.

Npahinga ako nang malalim dahil doon. "'Wag ka ng magsinungaling. Just tell me, please, Ivy. Ayokong nasisira ang pagkakaibigan natin dahil sa sinasabi mong nararamdaman mo para sa akin," I insist.

Natahimik siya dahil sa sinabi ko ngunit ilang sandali lamang ay narinig ko na ang kaniyang mumunting hikbi.

"I-I love you, Cyclone. I know, hindi ko na dapat sinasabi pa 'to kasi may Shakira ka na at masaya ka na sa kaniya, pero ang sakit, e. Kahit para sa kasiyahan mo, ang sakit pa rin palang makita kang masaya sa piling ng iba, a-alam mo 'yon? I-I'm sorry. Sorry kung minahal kita. Sorry..."

I was taken aback because of the things she said. I'm out of words. Hindi ko alam na kapalit pala ng kasiyahan ko, sakit naman ang kapalit para sa iba. Siguro nga ay manhid talaga ako. Una ay hindi ko man lang napansin ang nararamdaman sa akin ni Shakira, na taong mahal ko, at ngayon ay hindi ko rin napansin ang pagmamahal ni Ivy. Ang manhid ko...

"Sorry, Ivy," nakayukong hingi ko ng paumanhin dito. Narinig ko naman ang mahinang pag-gasp niya na tila nagulat sa sinabi ko, kaya nagpatuloy ako.

"I'm sorry kung hindi ko man lang napansin ang nararamdaman mo. I'm a jerk, I know. I'm sorry for causing you pain. Hindi ko gustong maramdaman mo iyon, at pasensya ka na rin kung wala akong magawa para mawala ang sakit na nararamdaman mo. I'm really sorry."

Kahit may pagkasiraulo ako, alam ko naman kung kailan kailangan kong humingi ng pasensya. It was never my intention to make her fall inlove with me. Ang akala ko lang talaga ay kaibigan din lang ang tingin niya sa akin. Kung alam ko lang na ganito na pala, hindi ko na sana sinabi pa sa kaniya ang nararamdaman ko sa iba para hindi na siya masaktan lalo.

Pero sa kabilang dako, mas mabuti na rin siguro iyon nang sa gano'n ay makalimutan na rin niya ako at mahanap niya ang taong nakalaan talaga para sa kaniya.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at ang tila pagbigat ng aking balikat, tanda na may humawak doon. Napaangat naman ako ng tingin at kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam na ramdam ko naman ang presensya niya sa aking harapan.

"Hindi mo kailangang mag-sorry dahil sa simula pa lang, dapat pinigilan ko na talaga ang nararamdaman ko para sa'yo. Pasensya ka na sa mga narinig mong sinabi ko kanina. I-I hope we can still be f-friends?" Nag-aalinlangang tanong niya sa mga huling salita.

Napatawa naman ako nang bahagya dahil doon at tumango-tango.

"Syempre naman 'no! Siguro, oras na rin para ipakilala ka namin sa iba," nakangiting sabi ko. Narinig ko ang maahinang sound na ginawa niya dahil siguro sa excitement.

Nawala naman ang atensyon ko kay Ivy nang maramdaman ko ang paglapit ni Zack.

"Ehem," he faked a cough.

"Bakit?"

"Baka kasi nakakalimutan mo, pareng Cyclone, na hindi lamang ikaw ang gwapo sa grupo at maraming nagkakandarapang babae. Mas lamang sa'yo si Pareng Bato!" Aniya, tinutukoy si Dash.

Napaismid naman ako dahil do'n. "Hindi ko 'yon inaalis sa isip ko, okay?"

Sabay-sabay kaming tumawang tatlo dahil sa usapan namin, ngunit natigil din nang dumating si Zhia na may kunot na noo.

"At bakit kayo tumatawang dalawa d'yan?! Kanina ko pa kayo hinahanap dahil magte-training na tayo! Kung alam ko lang na nagkakasiyahan pala kayo d'yan ay hindi ko na kayo inistorbo! Mga baliw, lalo ka na Zack!" Walang prenong sabi ni Zhia bago padabog na umalis. Nataranta naman si Zack at mabilis na hinabol si Zhia.

"Love, sorry na!" Rinig ko pang sigaw ni Zack habang hinahabol ang papalayong si Zhia.

Natatawa akong napailing-iling dahil kay Zack na sinabayan naman ni Ivy. Hindi na rin naman kami nagtagal sa garden at naglakad na patungo sa training field para sa nalalapit na summoning of guardians.

* * *

(Kaela’s POV)

"Focus. Concentrate. Don't mind the people around you. Just close your eyes and clear you minds," utos ko sa mga estudyanteng naka-assign sa akin.

Napagdesisyunan namin na hatiin ang bawat estudyante nang sa gano'n ay hindi kami masyadong mahirapan. Dahil kami ang Superiors, kami ang nakaatas na mamuno upang mabilis na sumunod ang mga nasa ibabang sections.

Nagpahinga lamang kami nang kaunti kanina bago tinipon ang mga estudyante sa field, at ngayon nga ay napaghati-hati na namin sila.

Kunot-noo akong napabaling sa direksyon ng dalawang estudyante na tila naghahabulan.

"Waaah! Lokie, huwag mo akong pagbuntunan ng galit mo! Hindi naman ako ang umaway kay Vianka, eh!" Tumitiling sigaw ng babae habang hinahabol ng isang lalaki na madilim ang ekspresyon.

Takaw-atensyon ang dalawang ito dahil sa matinis na sigaw ng babaeng hinahabol.

Napahinga naman ako nang malalim upang mapigilan ang sariling mainis agad, bago lumapit sa dalawa. Nang makita ako ng babae na papalapit ay mabilis itong tumakbo sa aking likuran at tumago.

"Anong mayroon dito? Anong ginagawa ninyong dalawa? Hindi n'yo ba alam na nakakaabala kayo sa ibang estudyante?" I asked while staring at the man infront of me. Ang babae ay nasa likuran ko kaya hindi ko ito matingnan.

"P-princess Kaela... S-si Lokie po kasi, binabato ako ng element niya dahil akala niya ay isa ako sa umaway sa kapatid niyang si Vianka," nagsusumbong na sabi noong babae.

My brow arched. "What are you thinking, Mr. Lokie? Powers or elements is useless if you're using it to harm your fellow students," I told him but he just ignored my fucking statement and continue making a small ball out of his element.

"Damn, I'm asking you! Bingi ka ba o naputol na dila mo?" Inis na tanong ko, tuluyan ng naputol ang pisi ng aking pasensya.

Dahil sa sinabi ko ay tiningnan niya ako ng masama, ngunit hindi naman ako nagpatalo.

"Just because you're a Princess doesn't mean you can control everyone," he stated using a cold tone. I clenched my fist and withdrew a sharp breath.

"I'm not controlling you! You could just answer my easy question. I'm a Princess, so I know my responsibilities. At isa na sa responsibilidad ko ay ang panatilihin ang kapayapaan!" Mariing banggit ko sa mga salita.

"Psh. I don't care. Hindi ba't nakuha mo na ang kasagutan sa tanong mo? Mali ako na isa si Genevieve sa umaway sa kapatid ko, kaya ano pa bang ikinagagalit mo? You have your answer, Princess Kaela," he said, emphasizing the last words.

Inigtingan ko ang aking panga dahil sa nararamdamang pagkainis at pagkagigil sa lalaking iyon.

I rolled my eyes on him before walking out from his sight.

Nang makita ko ang mga estudyanteng nakasilip at nakikiusyoso ay agad na nagsalubong ang aking kilay.

"Who told you to stop training?!" Bulyaw ko sa kanila. Agad naman silang nagbalikan sa mga ginagawa nila at ako naman ay umalis muna sa field para magpalamig ng ulo.

Damn that Mister Lokie! He perfectly ruins my mood! Never in my life na nainis ako sa ibang lalaki, bukod sa aking ama. And that man named Lokie hit the right nerve.

Damn.