Chapter 41: Hope

(Klaire/Kira’s POV)

I'm sitting on the edge of the bed as I looked at my Mom sitting on the couch, worry was etched in her bare face.

"Mama, bakit po kaya hindi na lang kayo gumawa ng portal para makaalis tayo rito?" I asked but Mom only gave me a faint smile.

She sighed. "May kapangyarihang nakapalibot sa buong kwarto at hinihigop nito ang lakas mo kapag sinusubok mong magpalabas ng kapangyarihan," aniya kaya napatango-tango ako.

'So, that's why I almost faint when I used my power,' I whispered to myself.

Magsasalita na sana ako nang makarinig kami ni Mama ng mahinang pagkatok. Tumayo si Mama at pinagbuksan ang isang maid. The maid bowed her head a little before speaking.

"Pinatatawag po kayo ng Mahal na Hari. May importanteng sasabihin sa inyo," anito. Nagkatinginan kami ni Mama at wala na ring nagawa nang magsimulang lumakad paalis ang maid, kaya sumunod na lamang kami.

Pagdating sa tanggapan ng Hari ay nagsalubong ang aking kilay nang makita si Papa na nakatingin sa kawalan na tila malalim ang iniisip.

"Mahal na Hari nandito na po ang inyong mag-ina," pagpapaalam ng maid. Gulat na napatingin ang Hari sa maid na nagsalita bago lumipat ang kaniyang tingin sa amin. Napahinga ito nang malalim bago ibinaling ang paningin sa maid at tinanguan ito.

Yumukod muna ito bago umalis. Ngayon ay seryoso na naming tiningnan ni Mama si Papa na halatang problemadong-problemado.

Why? Naisip na ba niyang wala naman siyang makukuha sa amin? Na-realized na ba niyang mali ang ginawa niya? Well, good for him.

"Lucas, ano na namang kailangan mo sa'min," matalim ang boses na ginamit ni Mama. Muli na namang napabuntong-hininga si Papa bago kami seryosong tiningnan.

"P'wede na kayong bumalik ng Academy," mahinang sabi ni Papa ngunit sapat na para marinig naming dalawa. Natigilan ako sa sinabi nito at sa tingin ko ay gano'n din si Mama.

"Niloloko mo ba kami?" Mama asked with a hint of annoyance in her voice. Pero umiling lang si Papa at halata sa mukha nito na hindi rin niya gusto ang naging desisyon pero mukhang wala siyang magawa.

"Sumugod ang mga taga-Crymton Dimension sa Academy at baka sunod na sugurin ay ang Dark World. Ayokong mapahamak kayo at alam kong mas ligtas kayo sa Academy at sa kaharian."

"W-what?"

"Yes. Bukas ay lilisanin na natin ang lugar na ito at magtutungo tayo sa Akademya. Ayon sa nakalap kong impormasyon, nagpapakilala lamang ang kalaban upang siguro ay mapaghandaan natin ang darating man na digmaan." Napahinga nang malalim si King Lucas at hinilot ang kaniyang sintido, halatang problemadong-problemado.

"Pero Papa..." Napatingin sa akin si Mama at si Papa na may gulat na tingin. Siguro ay nagulat si Papa nang tawagin ko siyang Papa.

Wala namang mawawala sa akin kung tatawagin ko siyang gano'n. I'm still thankful that I finally meet my true parents.

"A-ano 'yon, anak?" My father stuttered, happiness was evident in his voice.

I heaved a deep sigh and looked at my mom. She gave me a small smile before nodding at me.

Muli akong tumingin kay Papa na may pag-aalala. "What if they did not welcome you? I mean, knowing you, you're the Dark World's King," I uttered, concern.

Ngunit ang akala kong mas magiging problemadong mukha ng ama ay hindi lumitaw. Bagkus ay ngumiti lamang ito sa akin ng bahagya at tumango-tango.

"I appreciate your concern, my daughter. But worry less because I can handle myself. I just need to make sure that you and your mother is safe." He gave me a genuine smile that I think is rare.

Nakaramdam ako ng saya dahil doon. My father may be the King of Dark World but I think he has good heart. Sa sobrang pagmamahal niya sa amin, nakakagawa siya ng mga bagay na mali.

Siguro ay gano'n talaga. Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo na maiisip kung tama o mali ang ginagawa mo. You'll do everything for your loved ones.

Well, it's based from my father's experience, I think.

But above all, tomorrow will be a good day, for sure. Makikita at makakasama ko na rin ang mga kaibigan ko.

I can't wait.

* * *

(Shakira’s POV)

Naglalaban si Zack at Lokie habang kami namang iba ay nanonood. Hindi pa tumitira si Zack dahil siguro alam niyang pagsabog lamang ang mangyayari kapag nagkasalubong ang dalawang element nila.

Pero mukhang sa sobrang inis ni Lokie kay Zack ay sunod-sunod itong tumira sa direksyon ni Zack kaya nagkaroon ito ng lapnos sa braso. Mukha namang sineryoso iyon ni Zack dahil tumira na rin ito na naging dahilan ng pagkakaroon ni Lokie ng hiwa sa pisngi.

Napangiwi ako dahil doon. Sa tingin ko ay sobrang lalim noon dahil sa mabilis na pagdaloy ng dugo pababa sa mukha niya.

Tila nagalit si Lokie sa ginawa ni Zack kaya nanlaki na lang ang aking mata nang makitang bumubuo ito ng malaking lightning ball. Hindi naman nagpatalo si Zack at gumawa rin malaking water ball.

Nng makuha na ang tamang laki ay sabay nila iyong ibinato sa isa't isa, ngunit siya namang dating ni Krey.

"What the fuck is happening here?"

Pero nawala ang atensyon namin sa kaniya nang sumabog ang dalawang element. Tumalsik si Zack at Lokie sa magkabilang dulo ng field dahil sa lakas ng impact ng pagsabog. We also felt the ground shook because of the explosion.

Pero ang nakapagpa-mangha sa akin ay ang nakita kong parehas na nakatayo ang dalawa, ngunit ilang sandali lamang ay napaluhod si Lokie at napahiga bago sinundan ni Zack.

I smirked. "Zack wins."

Nabaling naman ang aking paningin kay Zhiya nang bigla itong umimik sa aking tabi.

"Ugh! That man is really stupid! I already told him na 'wag na patulan si Lokie at talagang pinatulan pa! Argh! Nakakainis," maktol niya na siyang ikinatawa.

"Puntahan mo na 'yon at paniguradong sobrang sakit ng katawan no'n. Tumalsik ba naman, e," natatawang sabi ko. Marahas naman na bumuntong hininga si Zhiya at tumango sa akin bago nagpaalam na pupunta kay Zack. Tinanguan ko siya at mabibilis ang mga yabag na nagtungo siya sa lalaki.

Mas lalo akong natawa nang makita kung paano hindi pinatapos ni Zhiya si Zack sa pagsasalita at agad na itong piningot sa tenga.

"Ah! Aray ko! Love, tama na! Ang sakit na ng tenga ko," sukong sabi ni Zack.

"Ano? Uulitin mo pa?! 'Di ba nasabi ko na sa'yong 'wag mo na patulan?!" Rinig kong sigaw ni Zhiya.

"Ah! Aray! Aray! Opo! Opo! Hindi na uulitin, boss," nahihirapang sabi ni Zack. Pinaningkitan siya ni Zhiya ng mata bago binitawan ang kawawa niyang tenga.

Napailing-iling na lang ako dahil sa dalawa. Kahit kailan talaga ay napaka-sadista ni Zhiya.

Ngunit natigilan naman ako nang maramdaman kong may mga kamay na gumapang palibot sa aking bewang hanggang sa mayapos ako nito. Hinalikan niya ang gilid ng aking leeg kaya bahagya akong nakiliti.

"Baby," he whispered right next to my ear. Naramdaman ko ang pagtitindigan ng mga balahibo sa aking katawan.

"Hmm?"

"Nothing. I just missed you," he whispered again. Napairap naman ako sa sinabi niya at bahagyang napangiti.

"Na-miss? At bakit mo naman ako na-miss?" Nakataas ang kilay na tanong ko kay Cyclone.

"Eh, kasi syempre hindi naman tayo lagi nag-ka-kasama sa pag-te-training kasi hindi tayo nag-ka-kaayos sa schedule natin. Pagkatapos talaga ng summoning of guardians hindi na ako aalis sa tabi mo," aniya na parang batang nagsusumbong. Napatawa naman ako sa sinabi niya at tiningnan siya upang mapisil ang kaniyang ilong.

Napanguso naman siya kaya mas lalo akong napahalakhak.

"Alam ko namang inlove na inlove ka sa'kin at itinatago mo lang sa pananakit mo. Ikaw lang ang mahal ko, 'wag kang mag-alala," he said, smirking.

Mas lalong napatirik ang aking mata dahil sa pag-irap. "Ang hangin mo talaga kahit kailan! Kaya bagay na bagay sa'yo ang element mo, eh! Hangin!" Tumatawa-tawang sabi ko at umalis sa pagkakayakap niya. Tumakbo ako palayo sa kaniya at mabilis naman niya akong hinabol.

"Anong sabi mo?! Hindi kaya ako mahangin! Totoo naman diba? Inlove ka sa'kin matagal na," nang-aasar na sabi niya habang hinahabol ako. Agad akong napatigil dahil sa sinabi niya, kaya ang nangyari, naabutan niya ako.

He immediately hugged me again from behind as he whispered something.

"Mahal mo na naman talaga ako noon pa 'di ba? Kaya 'di ako mahangin," bulong niya sa akin. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso dahil alam ko sa sarili kong totoo naman iyon.

"Yeah, right. Whatever," nasabi ko na lang upang maitago ang kabang nararamdaman.

"Say it."

Nangunot ang aking noo, hindi maintindihan ang sinasabi niya.

"Ang alin?"

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang init na nanggagaling sa kaniya.

"Say that you love me."

I felt my cheeks reddened, my heart was thumping so bad. Sobra-sobra na ang nararamdaman kong mabilis na pagtibok ng puso ko isama pa ang mahigpit na yakap sa akin ni Cyclone na tila ayaw akong pakawalan.

"Say it, baby," ulit niya nang hindi ako nagsalita nang ilang segundo.

"I-I love you, Cyclone. I love you, so bad that I want to grow old with you," nahihiyang sabi ko at mabilis na tinakpan ang aking mukha ng aking kamay upang maitago ang pamumula nito.

I heard him chuckled as he remove my hands from my face. Habang nakayakap mula sa likod ay hinawakan niya ang aking baba at marahan akong binigyan ng isang mabilis na halik sa labi.

Kahit mabilis iyon ay ramdam ko pa rin ang epekto noon sa akin. Nanlalambot ang aking mga tuhod at nagpapasalamat akong hawak niya ako dahil kung hindi ay baka kanina pa akong nasa lupa.

"I love you most, my love. I love you more than anything else. I want to spend my life with you and with our future kids," malambing na wika niya.

Napangiti ako dahil doon. I felt happy and contented. Wala na akong mahihiling pa kung hindi ang matapos na ang kasamaan nang sa gano'n ay masaya na kaming makapamuhay lahat.

Ngunit sabi nga nila, hindi palaging masaya. Dahil mabilis kaming naghiwalay ni Cyclone nang biglang sumigaw si Krey.

"Who told you to have a one-on-one battle in the middle of the training?!"

Mabilis kong iniikot ang aking paningin upang tingnan kung may nakatingin ba sa amin ni Cyclone at napahinga naman ako nang malalim nang makitang lahat sila ay tutok na tutok sa direksyon nina Krey.

I really hope heavens answered our prayer. To end this upcoming war with darkness and to have a peaceful life with our loved ones.

I really hope.