chapter 9
Nakatulog na si Kath sa kakaantay kay Seb kaya hindi na siya inabala pang gisingin ng binata. Gamit ang kotse nang kanyang nobya ay inuwi niya ito nang bahay at halos puro pagdaing lang ang naririnig ni Seb rito. Dahan-dahan niyang inilapag ang nobya sa higaan saka kinumutan. Alam niyang pagod si Kath kaya hindi ito nagigising sa tuwing binubuhat niya ito. Gusto niya itong tabihan ngunit sa tuwing nakikita niya ang magandang pigura nang dalaga, he couldn't help himself to be tempted by Kathalina's beauty and Charm. Kaya tiyak na magagalaw at magagalaw nga niya ang nobya. Which is ayaw niyang mangyari dahil ayaw nitong isipin ni Kath na sinasamantala niya ang kabutihan ng dalaga. Mahal niya ito and that's enough reason to respect her girlfriend's pride and dignity.
Hinayaan niya ito sa kama at siya nalang ang natulog sa sahig kung saan naglapag siya nang comforter rito at kumuha nang isang unan saka humiga. At sa tuwing napapasulyap siya sa dalaga ay sumasagi sa isip niya ang katayuan ng pamumuhay nang nobya at katayuan niya. They were totally different, mayaman ang dalaga habang siya ay buong buhay na kumakayod para maisalba sa kahirapan ang kanyang pamilya. May pinag-aralan nga siya pero hindi naman niya ito magamit dahil kailangan pa niyang kumita na mas higit pa sa kinikita nang isang manager.
------
Kath woke-up dahil sa mabangong naamoy ng ilong nito, kaya napabangon ito at napalinga-linga.
"Hon!"
She almost shouted sabay tayo at lakad palabas ng silid ng nobyo. Naabutan naman niya si Seb na abala sa pagluluto at agad naman niya itong niyakap mula sa likuran dahilan para mabigla si Seb at mapatingin sa kanya.
"Good morning hon,"
She sweetly greet, ipinaharap naman siya ni Seb sa kanya saka kinabig palapit sa kanya at hinalikan ang noo.
"Good morning mahal ko,"
He gently smiled,
Halata ang kilig sa mukha ni Kath kaya napatawa si Seb sa nobya saka ito binuhat at pinaupo sa sink.
"Nagluto ako nang agahan natin, kumakain kaba nang tortang talong at bagoong hon?"
Seb asked sabay lagay nang talong sa pan. Kath frowned and shake her head.
"Ah okay, ipagluluto nalang kita nang ibang ulam."
Anito while smiling to Kath. Napangiti naman sa kanya ang nobya at kinagat ang labi.
"Huwag ka nang magluto pa nang ibang ulam hon, okay na sa'kin yan."
She softly smiled,
"Are you sure?"
"Yap!"
She wide smiled,
Madaling tinapos ni Seb ang pagluluto habang si Kath naman ay panay kwento lang sa kanya tungkol sa mga bestfriends nito. Sabay silang kumain ng agahan at habang kumakain ay panay pa rin kwento si Kath sa nobyo, masaya namang nakikinig si Seb sa nobya at napapatanlng rin rito.
------
Unang hinatid ni Kath si Seb papuntang coffee shop dahil uuwi na muna siya nang bahay para maligo at magbihis bago pumasok sa kanyang trabaho. Nagmadaling maligo at magbihis si Kath dahil pasado alas 10 na kaya halos liparin na niya ang kanilang opisina.
Minsan naiisip ni Kath na huminto na sa isang field manager at ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging isang international model pero dahil sa wala pa siyang natatanggap na offer mula sa mga agencies abroad hindi na muna siya hihinto sa pagtulong sa negosyo nang pamilya nila. At nagdadalawang isip na rin siya magmodel sa ibang bansa dahil sa kanyang nobyo. Tiyak siyang hindi siya sasamahan nito sa abroad dahil nakatali ito sa responsibilidad na tulungan ang kanyang pamilya.
Buong araw abala ang dalaga at dahil sa nakulangan siya sa tulog ay naisipan niyang mag-out nang maaga saka umuwi at umidlip. She was planning to go with Seb again later sa bar. Alas 9 na nang magising si Kath at nagulat siya dahil tadtad ng text messages ang kanyang phone. Binasa naman niya ang mensahe nang kanyang nobyo at napatawa nalang siya sa kilig. Nagmadali siyang mag-shower at magbihis saka madaling umalis ng bahay with her Mustang car.
Pagdating niya nang bar ay naabutan niya ang nobyo na may kausap na costumer kaya dahan-dahan niya itong nilapitan at napansin din naman agad siya nang nobyo.
"Hi hon,"
She seductively smiled, kita naman niya ang paggalaw ng adams apple ni Seb na halatang napalunok. Kath slightly chuckled.
"Bakit ka andito hon?"
Seb asked, malapad na ngiti naman ang gumuhit sa mukha ni Kath sabay upo sa stool ng center island ng bar.
"Sasamahan ka ulit hon,"
She simply answered,
"You don't have to do this hon, gusto mo ba laging puyat papuntang work mo?"
Nag-aalalang tanong ni Seb.
"But i want to hon,"
Bakas ang lungkot sa boses ng dalaga. Tumigil naman si Seb sa pagpunas nang mga wine glass at nilapitan ang nobya.
"I don't want to hon,-- hindi sa ayaw kong andito ka. Ayoko lang na napapagod at napupuyat ka dahil sa'kin."
Seb softly caressed her cheeks and smiled, napayuko naman si Kath and sighed.
"Ganito nalang, kung gusto mo umuwi ka nang bahay ko after work mo para maabutan mo pa ako dun bago ako pumasok rito sa bar. Is it okay hon?"
Seb gently asked,
"Talaga?"
Kath softly say,
"Oum- but if you'd like too dalawin kita sa bahay niyo after nang duty ko sa coffee shop tapos uuwi din ako agad dahil baka magalit parents mo."
Saviour half smiled,
"Gusto mo ba silang makilala?"
Taimtim na tinitigan ni Kath ang nobyo, tumango naman si Seb sabay ngiti.
"If they like to meet me hon, alam mo naman ang antas nating dalawa mahal ko."
May bahid ng pangambang sagot ni Seb. Napalitan naman ng ngiti ang pigura ni Kath saka hinalikan sa noo ang nobyo.
"They probably want to meet you hon,"
She softly say,
Alam ni Seb hindi ito magandang ideya but he need to try, kailangan niyang subukan na makilala ang pamilya nang nobya bilang paggalang sa mga magulang nito at pati na rin kay Kath. 'Matatanggap man nila ako o hindi atleast I've tried na magpakilala sa kanila at kahit anong mangyari hindi ko iiwan si Kath tulad ng pagpapabaya ko sa kanya nung gabing 'yon.' He whispered through himself.
-------------