Chapter 8: Her Ex
Madaling pinagbuksan ng pinto ni Saviour ang nobya at magandang ngiti ang bumungad sa pintuan nito.
"Im here hon,"
Kath sweetly smiled to Seb at hindi mapigilan ng binata na yakapin ang nobya at halikan ito ng marahan sa kanyang labi bago kumawala.
"And I'm more than happy that you're here hon," Ani 'to sabay hila papasok sa dalaga at lock ng pinto.
Ramdam ni Kath ang bawat paghinga ni Saviour kaya't nagdudulot ito ng kakaibang init sa buo niyang katawan. 'He smell so manly at talagang napapatayo ni Seb ang mga balahibo ko.' Kath whispered through herself.
"I just missed you."
Saviour pulled her body from Kath and distance himself and smiled.
"Mas na miss kita kaya ako narito Saviour,"
Malambing na ngiting wika ng dalaga sa kanyang nobyo. Kinabig niyang muli si Kath palapit sa kanya saka pinisil ang tungkil ng ilong nito.
"I'm sorry kung hindi ko kaagad nagampanan ang tungkulin ko sa'yo bilang nobyo."
He looked at kath solemnly. Nginitian naman agad siya ng dalaga at kumalabit sa batok nito.
"Okay lang hon, alam ko naman na nagsisikap ka para sa pamilya mo. Sapat na yun bilang excuse,"
Napangiti na lamang si Seb saka dinampian ng matamis na halik ang nobya.
"Hindi kaba pwedeng umabsent hon?"
Kath softly asked,
"Hindi pwede mahal ko."
Agad na sagot ni Seb.
"Pero pwedeng sumama?"
Kath looked at him with pleasing eyes while showing her signature smile. Pinakatitigan lamang siya ni Saviour saka napabuntong hininga.
"Okay isasama kita but-- you need to behave hon."
Paalala agad ni Seb sa kanyang nobya. Dahil naalala pa rin nito ang nangyari nun sa bar na kamuntik na siyang masangkot sa gulo dahil sa kanyang pagtataray sa kanilang babaeng costumer.
Tumango-tango naman si Kath bilang pagsang-ayon. Inayos lang ni Seb ang kanyang mga gamit saka nagpasyang umalis na nang bahay kasama ang nobya. At dahil may kotse si Kath ito ang ginamit nila papuntang bar.
"Wala ka bang plano bumili ng sasakyan hon? Para hindi kana mag-commute."
Biglang turan ng dalaga sa kanyang nobyo.
"Hon kailangan ko munang unahin ang pamilya ko bago ang sarili ko."
He simply say, natahimik naman si Kath at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Kathalina want to offer one of her cars to Seb. Pero sa obserbasyon niya halatang ayaw ng binata na gastusan niya ito kaya hindi nalang niya sinubukan na mag-offer rito. Ilang minuto lang at narating na nila ang bar, hawak kamay silang pumasok ng bar kaya halos mapako ang mga mata nang mga naroroon. Kahit mga kasamahan ni Saviour ay halatang nabigla pagkakita sa kanila.
Unang pagkakataon ito ni Seb na magdala nang babae sa kanyang trabaho kaya halos di makapaniwala ang mga kasamahan nito. Pinaupo nito si Kath sa VIP couch saka hinalikan ang noo at nagpaalam na mag-uumpisa na sa kanyang trabaho. Kath softly smiled at him, kaya pumanhik na ito sa mini bar at nag-umpisa sa kanyang daily routine rito.
Ilang oras lang at nag-uumpisa nang dumami ang tao sa bar kaya nagsisimula na rin ang maingay na tugtugin at hiyawan rito sa loob. Unti-unti na rin'g nababagot si Kathalina sa bar kaya tinawag nito ang waiter ng bar at umorder ng maiinom. Napasulyap naman sa kanya ang nobyo nang makita ang kanyang order mula sa waiter at malapad na ngiti lang ang kanyang binigay rito. Mabilis naman dumating ang kanyang inumin ngunit may maliit na note na nakalagay rito, napatawa siya nang marahan nang mabasa ang note ng nobyo.
_Huwag masyadong magpakalasing mahal ko hindi ko alam anong gagawin kapag nagwala ka :)
: Nagmamahal_Hon Seb <3
Napapailing na lamang siya sa nobyo habang nakatingin rito. 'Tinatamaan na ata talaga ako sa lalaking 'to!' Bulong ni Kath sa sarili sabay simsim ng kanyang inumin. Pinagmamasdan lang nito si Seb habang paunti-unti na iniinom ang kanyang inumin. Samantalang si Saviour naman ay abala sa pagiging bartender. Hindi alam ni Kath pero habang pinagmamasdan niya ang nobyo ay nakakaramdam siya nang awa at lungkot para rito.
'Bakit kailangan niyang magtrabaho nang husto para sa pamilya niya? Ano ba ang tinapos niya at bakit ganitong trabaho ang napili niyang pasukin?' Tanong niya sa sarili. Ayaw naman niyang maliitin ang trabaho ng binata but the mere fact is she can sense and see his tiredness, kaya hindi nito magawang hindi isipin ang tunay na kalagayan ng nobyo. Gusto man rin niyang alamin, but she need to hold back her curiosity about his boyfriend's personal life. Ayaw niyang isipin nito na kabago-bago palang nila ay masyado na siyang nakikialam sa pribado nitong buhay. Nagpatuloy siya sa pag-inom hangang sa nakaramdam na siya nang pang-iinit ng pisngi. Alam niyang tinatamaan na siya nang alak kaya hindi na siya sumubok pa na umorder ng inumin dahil lagi siyang sinusulyapan ng nobyo. Kaya tinuon nalang niya ang sarili sa kanyang phone.
"Hi miss,"
Nag-angat ng tingin si Kath sa matipunong boses ng isang lalaki na nasa harapan niya, at agad napataas ang isang kilay niya dahil sa isang pamilyar na bulto na nakatayo sa harapan niya.
"Nathan?"
Mahinang sambit nito, ngumiti naman agad ang lalaki sabay tabi nang upo rito na may paakbay pa. Mabilis namang umiwas si Kath sa braso ni Nathan at dumistansya. Nathan was his ex 5 months ago at ito rin ang lalaking huling nagpaiyak sa kanya.
"Oh! Bakit iniiwasan mo na ako Kath? Hindi mo naba ako gusto?"
Antipatikong turan ng lalaki. Kathalina frowned at his words saka tumayo.
"Hindi na! Bakit sa tingin mo ba mahirap kang kalimutan?"
Pagkasabi nito ay akmang tatalikuran na sana niya ang binata ngunit hinila nito ang kanyang kamay dahilan para mapaupo ito sa hita niya. Nabigla naman agad si Kath sa ginawa ni Nathan kaya nagpakawala ito nang malutong na sampal na kinangiwi naman ng mukha ng binata. Mabilis na tumayo si Kathalina at galit na galit na tinignan si Nathan.
"Don't you dare touch me again!"
Pagbabanta nito, nathan looked up at her and glared na para bang si Kath pa ang may kasalanan.
Agad itong tumayo at akmang gagapusin ang kamay ni Kath nang may biglang sumapo na malakas na suntok sa panga nito na kinagulat nang mga tao sa loob ng bar. Na kahit si Kathalina ay napaawang ang labi sa agresibong ginawa nang nobyo.
"Hon,"
She softly say, sinulyapan lang nito si Kath saka muling binaling ang tingin kay Nathan at kinwelyuhan.
"Huwag na huwag mong hahawakan ang nobya ko kung ayaw mong mailibing nang buhay!"
Saviour firmly say, hindi naman nakaimik si Nathan at napayuko na lamang. Nagsidatingan naman ang mga kasamahan ni Nathan at akmang pagtutulungan si Saviour nang naging maagap naman ang mga bouncer ng bar kaya naawat ang magaganap sanang gulo. Pinakawalan naman ni Seb ang kwelyo ni Nathan and gave him a sharp glared saka nilapitan si Kath at hinawakan ang kamay saka giniya sa isang silid. Pinaupo siya nang binata at hinawakan ang magkabilang balikat saka ininspekyon ang katawan ng dalaga.
"Hon is that too much to worry? Para i-check mo ako nang ganyan."
Kath chuckled, kumunot naman agad ang noo ni Seb habang nakatitig sa kanya.
"Ayokong may humahawak sayo Kathalina,"
Sagot nito, niyakap naman siya agad nang dalaga saka hinalikan ang noo ng nobyo. Kath really love how Seb care for her.
"Sinampal ko naman siya eh,"
Nakangiting wika ni Kath, napabuntong hininga na lamang si Seb saka kinabig palapit sa kanya ang dalaga.
"Tawagin mo agad ako kung may mangyari sa'yo kath, ayokong dinideal mo nang mag-isa ang mga ganyang bagay. Damn! I can't afford to lose you hon."
Nakakabiglang wika ni Seb kay Kath na kinagulat nito. Agad namang yumakap si kath sa batok ni Seb saka dinampian nang matamis na halik ang nobyo saka kumawala.
"Kinikilig ako Seb,"
Pag-amin ni Kath na napaikot pa ang mga mata.
"Stop being so yummy hon, baka maging addiction kita."
Ani seb sabay kindat sa nobya.
"It's better to be your sweet addiction than to be your worst nightmare hon,"
Mapanuksong wika ni Kath saka muling hinalikan ang nobyo. Hindi naman mapigilan ni Seb ang hindi gumanti nang halik sa kanyang nobya kaya habang tumatagal ay kakaibang init na ang kanilang nadarama. Kaya mabilis na kumawala si Seb at bumuntong hininga.
"Later hon, babalik pa ako sa trabaho."
Turan ni Seb, Kath softly chuckled saka dumistansya sa nobyo.
"Fine, sige na. Dito nalang kita aantayin,"
Napatingin naman ito sa kabuoan nang silid.
"Hindi ba ako papagalitan rito Hon?"
"Hindi mahal ko, mas mabuti na yung dito ka kesa dun ka sa mga table."
Turan ni Seb. Napangiti naman si Kath sa nobyo at sumandal sa sofa.
"Are you okay?"
Seb asked.
"Uom, you can go hon."
She sweetly smiled. Seb sighed and gently smiled.
"Take a nap okay,"
Tugon nito sa nobya, tumango lamang si Kath and waved to him. Lumabas naman agad ito nang silid and deal quietly with Kath's ex at sa mga bouncer. Agad nila itong iniwan kanina at tiyak siyang inaantay nila ang sasabihin niya.