Chapter 10: The Ramirez Family
Pagkauwi ni Kath mula sa Kompanya ay dinaanan muna niya si Saviour para sunduin at isama ito pauwi sa kanilang bahay para maipakilala sa kanyang mga magulang.
"Magugustuhan kaya nila ako hon?"
Seb asked in his soft tone, nginitian naman siya ng dalaga at sinulyapan saka muling tinuon ang tingin sa daanan.
"Magugustuhan ka man nila o hindi I will still stick on my decision that to stay with you hon."
Malambing na wika ni Kathalina kay Seb. Masarap sa pakiramdam pakinggan ang mga sinabi ng dalaga, but the doubt is still on Saviour's mind.
Pagdating nila sa malaking bahay ng mga Ramirez ay abot-abot na ang kaba na nararamdaman ni Saviour dahilan para hindi ito makakibo. Napansin naman ni Kath ang pagiging kabado ng kanyang nobyo kaya hinawakan nito ang kanyang kamay at nginitian. Bahagyang sumigla ang mukha ni Seb kaya iginiya na siya ng dalaga papasok sa kanilang bahay.
"Good afternoon ma'am,"
Bati agad ng katulong sa may pinto habang papasok si Kath at Seb. Tumango naman ang dalaga at ngumiti sa kanilang katulong.
"Where's mom and dad?"
Tanong ni Kath sa katulong,
"Nasa terasa po ng kanilang silid, gusto niyo po bang tawagin ko sila."
Sagot agad ng katulong.
"Yes please!"
She smiled, tumango naman agad ang katulong saka tinungo ang hagdan paakyat sa silid ng mag-asawang Ramirez.
Habang inaantay ni Kath at Seb ang mag-asawa ay pinapakalma naman ni Kath ang kanyang nobyo sa pamamagitan ng pagpisil sa lumalamig na palad nito. Ilang minuto lang at bumaba na ang mga magulang ni Kath at bakas sa mga mukha nito ang pagkagulat ng makita ang kasama ng kanilang anak. Unti-unti nila itong nilapitan hanggang sa si Kath na ang unang lumapit sa kanila saka niyakap at hinalikan sa pisngi ang mga magulang.
"Good afternoon mom, dad."
Malambing na ngumiti si Kath sa kanyang ama at ina. Binati naman siya ng kanyang mga magulang saka niyakap at hinalikan. Hindi naman nila maialis ang kanilang paningin sa binata na sa ngayon ay tinabihan na ni Kath at hinawakan muli ang kamay nito.
"What's going on here hija?"
Mrs. Ramirez asked wondering. Tumayo naman ang magkasintahan at unang nagsalita si Kath.
"Mom, Dad! This is Saviour my boyfriend."
Agad na ani nito. Napaawang naman ang labi nang magulang niya at halos hindi makapaniwala sa sinabi nito. Nakahanap naman nang pagkakataon si Seb para magpakilala.
"Hi ma'am and sir! Im Saviour De Cena Kath's boyfriend po. Nice meeting you po sir and ma'am." Pakilala ni Seb.
Kinakabahan man ito ay pilit pa rin nito inilahad ang kanyang kamay para makadaumpalad ang mga magulang ng kanyang nobya. Hindi naman siya napahiya rito bagkus niyakap pa siya ng ina nang kanyang nobya at malambing na nginitian.
"Ow! Nice meeting you hijo."
Ani Mrs. Ramirez. napangiti naman si Seb rito. Habang si Mr. Ramirez ay hindi pa rin nakaimik ngunit inabot ang kanyang palad saka nakipagkamay.
"Nice meeting you too Saviour."
He firmly say, sumeryoso naman agad ang mukha ni Seb saka unang binawi ang kamay ng dahan-dahan. Alam niyang may kakaibang nararamdaman ang ama ng kanyang nobya pero ayaw niyang ipakita sa nobya ang pagkailang sa ama nito.
Sabay-sabay silang naupo sa mahabang sofa na nasa sala. Nasa pang-isahang sofa si Mr. Ramirez habang si Kath at Seb sa mahabang sofa na nasa kanan at si Mrs. Ramirez naman nasa kaliwang sofa. Bakas sa mukha ni Kath ang kaligayahan dahil kahit papaano her parent's welcome Seb warmly.
"So, gaano na kayo katagal ng anak ko Saviour?" Matipunong wika ng ama ni Kath.
"Bago palang po kami dad," Si kath ang agad na sumagot.
"Gaano kabago hija?" Mr. Ramirez asked again.
"Dad it's not important kung gaano na kami katagal. Ang mahalaga we both knew na mahal namin ang isa't-isa." Kath defensively answered. Mr. Ramirez sighed in defeat. Alam niyang hindi niya makukulit si Kathalina dahil kapag mas lalo itong tinatanong mas nagagalit ito at mas ito pa ang mas magtatampo ng matindi.
"Oo nga naman mahal, it doesn't matter kung matagal na ba sila o bago pa. The most important is they love each other like when we are young. Young at hearts din kaya tayo noon."
Agad na sabat ni Mrs. Ramirez. napabuntong hininga naman agad si Mr. Ramirez at tuluyan ng hindi nakapagsalita.
"Good afternoon guys,"
Napalingon sila sa biglang pagsulpot ni Alistaire. Malapad na ngiti lang naman ang pinakita ng binata sa kanila saka sila nilapitan at umupo katabi ang kanyang ina. Napako naman ang paningin nito kay Seb saka inirapan ang kapatid. Nakuha naman agad ni Kath ang pahiwatig ng kanyang kapatid.
"Kuya this is my boyfriend Saviour De Cena and Hon, he's my kuya Alistaire."
Sabay muestra sa harap ni Seb at ng kanyang kuya. Agad naman inabot ni Alistaire ang kanyang kamay para makadaumpalad ang nobyo ng kanyang kapatid. Sinalo din naman ito ni Seb at sabay na kumawala.
"Well, kamusta naman ugali ng kapatid ko Sav? Hindi kaba nahihirapan sa kamalditahan niya?"
Nakangising tanong ni Alistaire sa kanilang bisita sabay sulyap sa kapatid niya.
"Tigilan mo nga siya kuya!"
Saway ni Kath sa kanyang kapatid. Ngumiti naman si Seb saka sinagot si Alistaire.
"Hindi naman sir,"
Respetoso nitong sagot. Nagpakawala ng sarkastikong tawa si Alistaire rito.
"Uhh-- c'mon! Don't call me sir. Masyadong nakakatanda, just call me staire."
Natatawang sabi ni Alistaire. Napaikot naman ang mata ni Kath sa kanyang kuya.
"Alistaire itigil mo nga yang kapilyuhan mo,"
Saway naman ni Mrs. Ramirez.
"Kumusta yung pinapagawa ko sa'yo? Ikaw naman ang papalit sa kapatid mo sa field."
Matipunong wika ni Mr. Ramirez kay Alistaire. Bigla naman pumormal ang binata at tinignan ang kanyang ama.
"Natapos ko na dad,"
Maikling sagot nito, hindi lingid sa kanilang kaalaman na ayaw na ayaw ni Alistaire ang field work pero dahil siya ang panganay at lalaki kailangan niyang matutunan ang bawat trabaho sa kanilang kompanya.
"Lilipat na naman ako ng department dad?"
Tanong ni Kath sa kanyang ama.
"Yes hija, sa office na naman kita ia-assign. Sa Finance department naman kita ilalagay."
Sagot ng ama nito. Napabuntong hininga naman si Kath and half smiled. Napansin naman agad ni Saviour ang biglang pag kambyo nang mood ng nobya kaya pinisil niya ang kamay nito.
Nagsimula namang magsalita si Mrs. Ramirez and they're conversations going smoothly kahit naiilang pa rin si Saviour sa presensya ng ama ni Kath. After nang dinner nila ay si Kath ang naghatid kay Seb sa Bar dahil may trabaho pa ito. Habang ang dalaga naman ay hindi na piniling magpagabi pa sa bar dahil ayaw rin niyang magpuyat lalo pa't bukas sa finance department na naman siya maa-assign.
"You take care Hon,"
Paalam ni Seb sa nobya sabay halik sa labi nito.
"I will hon, ikaw din."
Kath softly smiled,
Tumango naman ang nobyo at hinintay na maunang umalis ang nobya bago pumasok sa bar. Hindi maiwaksi sa utak ni Seb ang mukha ni Mr. Ramirez, alam niyang may pag-aalinlangan ang ama nang dalaga sa kanya and he can see it through his eyes. And probably one of the reason is mahirap lamang siya at bago lamang sila ni Kath. He can't blame Kath's father dahil mahirap naman talaga siya at bago lang sila nang anak nito.
'Damn!'
Tanging mura niya sa sarili. Kahit siya na bababaan sa sarili.
-----------------