Chapter 4: Encounter

Ilang araw abala si Kathalina sa kanyang trabaho bilang modela and as a field manager at their family bussiness kaya naisipan niyang magparty-party ngayong gabi para maibsan ang long tiring week niya. Niyaya niya ang kanyang mga kaibigan but her bestfriends are too busy kaya napilitan siyang mag-bar mag-isa.

Umupo siya sa may center island nang bar at 'don uminom mag-isa. Nang biglang mapako ang kanyang mata sa isang lalaki na nasa loob ng counter at nagbabarista. Napansin naman agad siya nang lalaki at ito ang kusang lumapit sa kanyang harapan.

"Anything ma'am?"

Tanong ng lalaki na sa pagka-alaala niya ay ito rin yung lalaki na nasa Coffee Shop na nakatitig sa kanya na may magandang ngiti. Napansin naman niya ang magandang mukha at pagkakatupi nang kwelyo nito. May naaaninagan siyang maitim na tinta sa leeg nito ngunit hindi niya lang sigurado kung may tattoo ba ito o guni-guni niya lang 'yon.

"Ow! Yeah, one more island drink please."

Sagot na may patikhim ni Kathalina. Agad naman sinunod nang lalaki ang kanyang inutos at ilang saglit lang ay nagawa na ang kanyang island drink na kinamangha ng dalaga.'he's really good in bartending ah.' Bulong ni Kath behind her back. Inabot sa kanya nang lalaki ang kanyang inumin with no emotion at all.

"Thanks!"

She smiled like how she always seem to be. Ang kaninang emotionless na mukha nang lalaki ay napalitan agad nang panlalambot then smiled her back.'hindi naman pala siya ganun ka suplado. And his smile was cool! Simple but Charming.' She whispered.

"By the way ikaw rin ba yung lalaki sa Coffee Shop?"

Hindi mapigilang tanong ni Kath. Marahil medyo natatamaan na siya nang kalasingan pero nasa katinuan pa naman siya. The guy just smirked at her na kinataas ng kanyang isang kilay.

"Yung tinarayan mo?"

The guy answered smiling but sarcastic. Napaikot naman agad ang mata nang dalaga at sinimsim ang kanyang drink.

"Hindi naman ako nagtaray nun ah! Nagtataka lang ako sa naging kilos mo kaya ako nag-react ng ganun."

Kath defensively say. Bugla namang natuon ang atensyon nang lalaki sa babaeng lumapit sa counter at nag-order nang inumin.

Napapasulyap naman si Kathalina sa babaeng halatang inaakit ang bartender na kinakausap niya kanina.'she's a freak bitch!' Bulong niya sa sarili and glared at the girl head to toe.

------

Abala naman si Saviour sa paghahanda nang inumin ng babaeng nasa harapan niya at napapansin niya ang kakaibang pagtitig ni Kath sa babae na nakatitig sa kanya. He secretly smiled on his self saka madaling tinapos ang paghalo nang inumin.

"Wow! Impressive,"

Ani nang babae na umorder sa harapan niya. He show his sweet smile on the lady saka inabot rito ang kanyang inumin.

"Thank you ma'am."

Napasulyap siya nang bahagya kay Kathalina na biglang nagbago ang timpla nang pigura.

"Here. You can call me!"

Naglapag nang calling card ang babae sa counter sabay kindat at talikod sa kanya. Bahagya siyang napangiti at muling binaling ang atensyon kay Kath.

"Call me if you want something ma'am."

Anito kay Kath. She sarcastically smiled at Saviour saka napangalumbaba.

"Ang lakas pala nang dating mo sa mga babae. Umm-- ? What's your name?"

"Saviour.. you can call me Seb. And you ma'am?"

Pakilala ni Saviour nang pasimple sabay abot ng kanyang palad. Inabot naman ng dalaga ang kanyang palad at nagpakilala.

"Im Kathalina Ramirez. Nice knowing you Seb."

Ngiting pakitang ngipin na wika ni Kathalina. Napalunok naman si Saviour and sly smiled.

"Nice knowing you too Ms. Ramirez."

Respetong wika ni Seb na nagpaikot agad sa kanyang mata sabay ubos ng kanyang alak.

"No need to be formal Seb tawagin mo lang akong Kath. Okay!"

Tumango naman si Seb sabay ngiti bilang pagsang-ayon. Nagpatuloy naman sa pag-inom si Kath habang si Saviour naman ang taga-gawa nang inumin nito at taga-salin. Nakabantay lamang si Seb sa bawat kilos ni Kathalina habang ang dalaga naman ay tahimik lamang na umiinom. Malayo sa kanyang nakagawian na inuman kasama ang kanyang mga matatalik na kaibigan.

Nababasa ni Saviour na may malalim na iniisip ang dalaga ngunit dahil sa ayaw niyang maunang magsalita ay mas pinili nito ang manahimik. Hangang sa si Kathalina na ang bumasag ng katahimikan at may pag-ngisi pang kasama ang pagsasalita nito.

"Alam mo ba, ngayon lang ako nakainom nang mag-isa at tahimik."

Basag nito sa katahimikan nila ni Seb kahit maingay naman sa loob nang bar at si Seb naman ay abala sa pagba- bartending. Seb take a glanced on her with confusion.

"Why?" He asked. Sumimsim muna ang dalaga bago sumagot.

"My bestfriends rejected my invitation to hang-out on me and this is the first time that they've rejected me."

Anito na bakas sa tono ang kalasingan. Napatitig na lamang si Seb sa kanya at ayaw man niyang aminin pero Kathalina really captivating him. Manghang-mangha siya sa dalaga ngunit sumasagi naman sa isipan niya ang mga nangyari sa kanila na matatawag ngang 'one night stand' kaya agad niyang winaksi ang paghanga para rito.

Iniisip nito na he can't have her! He can't afford to love like Kathalina. His just a simple man that need to works hard for his family even though he has a degree. Napalunok siya nang biglang napako ang tingin ni Kathalina sa kanya at titig na titig ito sa kanya. Siya na ang kusang nag-iwas ng tingin at akmang didistansya na sana siya sa dalaga nang biglang nagsalita si Kath.

"Can I be with you tonight?"

Walang kaamog-amog na turan ni Kathalina na kinagulat ni Seb. Napakurap at napalunok si Seb sa mga sinabi nang dalaga at bakas ang pagkalito rito.

"Seb! Can you hear me? I said i --"

"Ma-'am your just drunk! Tama na po ang --"

"I said don't be too formal Seb! Matigas rin ang ulo mo eh,"

Wika ni Kath sabay ubos sa kanyang inumin.

"Another one please!"

Muli itong nagpasalin ng inumin kay Seb na sinunod naman agad nang binata.

"So ano? Payag ka bang samahan ako?"

She asked again not knowing na iba ang impact 'non kay Seb. Napapailing na lamang si Seb nang lumapit na naman bigla ang babaeng kanina na nagbigay nang calling card sa kanya.

"Can I have margarita Mr. Charming?"

Ani nang babae sabay kindat kay Seb na  biglang kinatayo ni Kath sabay lapit sa babae.

"Stop flirting you bitch!"

Sabay tulak ni Kath sa babae dahilan para mapahakbang ito paatras at palayo. Agad naman siya nilapitan ng babae at akmang sasabunutan nang biglang umawat si Seb at maagap na sinalo ang kamay nang babae.

"Huwag po kayo magskandalo rito ma'am. Please lang po," Mahinahong pagpigil ni Seb sa babae. Habang si Kathalina naman sa kanyang likod ay mapanudyong nginisihan ang babae.

"Siya ang nauna eh! Ano gusto mong gawin ko? huh!"

Turan ng babae na halatang lasing na rin at nanggigil kay Kathalina. Dahan-dahang binaba ni Seb ang kamay nang babae and patiently smiled to her na biglang kinalambot ng babae.

"Pasalamat kang bruha ka at charming ni Mr. Bartender." Dagdag pang-aasar ng babae kay Kathalina. Nginusuan naman siya ni Kath at tinaasan ng kilay.

"Malandi ka kasi!"

Dagdag muli ni Kath na may pang-iinis na naman na kinakunot-noo nang babae at akmang hihilahin sana ang buhok niya ng naging maagap muli si Seb.

"I said stop! Drop this scandalous behavior!"

Nag-iigting panga nitong saway sa mga kababaihan na nasa magkabilang gilid niya. Bakas na sa hitsura ni Seb ang iritasyon sa kanilang dalawa kaya nanahimik na sila ngunit ang mga mata nila ay nanlilisik pa rin sa inis at talagang nagpapalitan sila nang masamang tingin.

"Just give me my drink Charming,"

Turan ng babae na may tono nang panunukso. Agad naman binigay ni Seb ang hiling nito saka mabilis na tumalikod ang babae at iniwan ang dalawa.  Unti-unti naman dumarami ang lumalapit sa bar counter para umorder ng drink kaya bumalik si Seb sa kanyang trabaho at pinaglingkuran ang mga costumer. Samantalang si Kathalina ay tahimik na nagpatuloy sa kanyang pag-inom.

------------

Follow for more updates

Vote if you like the chapter

And share sa may gusto :)