Chapter 3: Coincidence
Ilang araw rin'g binantayan ni Kath si Haiden kaya naging abala ito and now she's back on her daily routine dahil bumalik na ang ina ni Samara at ito na muli ang nagbantay sa bata. Maliban sa kanyang trabaho sa kompanya ng kanyang ama bilang isang field manager ng bawat stores na pag-aari nila ay isa rin itong model na sikat na mga brands ng mga bags, clothes, pants and sandals.
Sa angking ganda at karisma ni Kath ay hindi nakakagulat kong maraming lalaking nabibighani sa kanya at dahil sa gusto na nga niya matagpuan ang kanyang true love ay kung sino-sinong lalaki nalang siyang nakikipag-date. Syempre yo'ng mga lalaking nagyayaya lang rin sa kanya at interesado rin siya. Nagkaroon rin naman siya nang permanent boyfriend pero iilang buwan lang ay naghihiwalay rin sila dahil sa mga bagay na hindi nila napagkakasunduan, at isa na do'n ang kanyang pagkababae, na naibigay niya sa lalaking hindi niya kilala.
"Ms. Kath handa kana?"
Tanong ng babae na assistant kung saan siya magpo-photo shoot. Tumango naman siya at inayos naman agad nang P. A niya ang kanyang susuotin na signature brand na casual habang ang kanyang mga make-up artist ay minamadali na ang pagme-make-up sa kanya.
Pagkatapos ng kanyang photo shoot ay naisipan ni Kath pumunta sa isang coffee shop kasama ang kanyang assistant na si Hannah. Matagal na niyang assistant si Hannah at alam na alam na nito ang mga bagay na ayaw at gusto niya. Pagkapasok palang nila ay halos lahat ng tao na naroon ay napasulyap kay Kathalina. She wear her signature brand of clothes na Old navy at Calvin Klein samantalang ang kanyang bag naman ay Prada.
"Dito lang po ba tayo ma'am Kath?"
Tanong ni Hannah sa dalaga. Tumango lang si Kath saka ngumiti na labas ang magagandang ngipin. Kath has her beautiful smile maliban kay Serenity na may maganda rin'g ngiti ngunit malumanay.
"Hanap lang ako upuan Hannah, ikaw na umorder para sa'tin and please order me one piece of strawberry cake."
She smiled at Hannah and walked towards a table na nasa tabi nang glass wall ng coffee shop. Alam ni Kath na may mga matang nakamasid sa kanya ngunit hinayaan niya na lamang ito at sinentro nalang ang kanyang atensyon sa kanyang cellphone. Sinubukan niyang mag-angat ng tingin ng may lumapit sa kanyang waiter.
"Hi! Can I take your order ma'am?"
Wika ng waiter na nakatitig sa kanya at may maginoong ngiti sa labi. Napalunok naman si Kath at ngumiti.
"No, thanks! My assistant is already on the counter. Don't bother kuya."
She don't want to act rude on this simple waiter infront of her kahit gustong-gusto niya itong tarayan at malditahan. But she restrained herself dahil sa dami nang taong nakamata sa kanya. Kaya pinakita nalang niya ang kanyang maganda at mapanuksong ngiti. Hindi niya alam kung bakit pero kitang-kita niya ang adams apple ng lalaki na gumalaw at halatang napalunok habang nakatitig pa rin sa kanya. Napapantastikuhan naman siya kaya agad siya nagtaas ng kanyang isang kilay at binaba ang phone sa mesa saka napahalukipkip.
"Why are you still here and keep staring on me?"
Muling gumalaw ang adams apple ng lalaki na indiksyon na muli na naman itong napalunok. Nakaramdam naman nang kakaibang kilabot si Kath rito.
"Im sorry ma'am, sige po ma'am enjoy your coffee."
Ani 'to on his baritone voice saka ngitian ang dalaga at nilagpasan siya. Napairap naman si Kathalina. Talaga namang napapantastikuhan siya sa lalaking waiter.
"Ma'am heto na po ang pistachio latte mo at strawberry cake mo po."
Napatingin agad si Kath kay Hannah na nasa harapan na niya. Nginitian niya ito saka nagpasalamat ngunit muli niyang nilingon ang lalaking waiter na pumasok sa isang silid sa loob nang coffee shop.
"May problema po ba ma'am Kathalina?"
Tanong ni Hannah sabay upo paharap rito. Napailing naman ang dalaga saka muling nginitian ang assistant.
"Wala naman Hannah. Let's just sip our sweet latte."
Anito sabay kindat sa kanyang assistant. Mabait at masayahing dalaga si Kathalina kaya hindi siya mahirap pakisamahan lalo na kung matagal kana niyang kakilala. Nagiging mataray lang naman siya sa mga taong hindi niya kilala at nagfi-feeling close sa kanya.
-----
"May problema ba Seb?"
Tanong nang kasamang waiter ni Saviour na si Jax habang nagpapalit ito nang kanyang uniform sa locker nila.
"Wala naman jax."
Maikling sagot nito. May gusto man itong sabihin sa kanyang kasama ngunit mas pinili niyang sarilinin na lamang ito. Alam niyang hindi makakabuti kong marami ang makakaalam tungkol sa kanyang ginawa. 'and that woman. Alam ko siya 'yon! Yung ngiti niyang maganda at mapang-akit. I can't be wrong! Siya na siya ang babaeng nakatalik ko nung gabing 'yon. How can I forget her? -- Ako! Ako ang unang umangkin sa kanya. Im the one who got her virginity! -- and that was so damn hot and breathtaking.'
Ramdam nito ang biglang pagkabuhay nang kanyang kapatid kaya pilit niyang winawaksi ang isipin na tungkol sa babaeng nakaniig niya nang gabing 'yon. Nagsimula na siya sa kanyang trabaho at muling napako ang kanyang mga mata sa kinaroroonan ni Kathalina. Hindi niya man maamin sa sarili pero ramdam niya ang paghanga sa babaeng nakaniig niya.
"Mukhang tinamaan ka atah Seb,"
Bahagya itong nagulat sa biglang pagsulpot nang kanyang Amo na kasing-edad niya lang na si Cookie. He gave him a smirked saka nagpunas sa counter while his boss leaning on the counter and didn't break an eye on him. Dahilan para mailang siya at mapatingin rito.
"What Cook?"
May bahid ng iritasyon niyang tanong rito. Tinapik agad siya nito sa balikat saka nginisihan.
"Alam mo ba kung sino 'yang babaeng pinagmamasdan mo?"
Cookie said. Natigagal siya at napatikhim saka seryoso itong tinignan. Cookie sly smiled on him saka napangalumbaba siyang hinarap.
"She's Kathalina Ramirez. Graduated Bachelor of Science and Bussiness Management and A Hot Model. Dagdag pa ay anak rin siya ng nagmamay-ari ng Ramirez Chamber."
Ani Cookie sabay baling nang tingin sa babaeng tinutukoy nito. Napalunok naman si Saviour saka muling tinuon ang atensyon sa pagpupunas nang counter pagkatapos ay madaling tinungo ang loob ng counter bilang pansamantalang kumukuha nang orders ng kanilang costumer.
Alam ni Cookie na umiiwas na si Saviour lalo na pag stado nang buhay ang pag-uusapan. Nginitian niya ito at pinagaan ang loob.
"If you like her then pursue her Seb. Huwag mong hayaan na ang stado nang buhay mo ang magpapababa nang pagkatao mo lalo na pagdating sa pag-ibig."
Ani Cookie. Hindi naman agad nakaimik si Saviour at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Hindi naman na nagsalita pa si Cookie at iniwan si Seb saka tinungo ang kanyang maliit na opisina. Napabuntong hininga si Saviour saka muling napasulyap sa kinaroroonan ni Kathalina
'She's more beautiful and Charismatic ngayong kitang-kita ko na siya. Damn! Ang tanga ko. Bakit ko nagawang angkinin ang isang tulad niya nung gabing 'yon. Hindi na talaga ako nag-isip nang husto.' Bulong nito sa sarili habang panay asikaso sa mga costumer nila na sa ganitong oras ay dumarami na. Bahagya niyang naiwaksi sa isipan ang dalaga kaya nakapag-focus ito muli sa kanyang trabaho. Hindi naman niya namalayan na wala na pala si Kathalina.
Biglang lumabas si Cookie mula sa kanyang opisina saka nilapitan si Saviour at hiningi ang inventory nang coffee shop ngunit napasulyap ito sa kinaroroonan kanina nang dalaga and raises his brows.
"Umalis naba si Miss Kathalina?"
Tanong nito kay Seb sabay buklat sa inventory book. Tanging pagtango lang ang naisagot ni Saviour sa kanyang boss at gets naman agad ni Cookie na ayaw ni Seb na i-open topic ang tungkol sa dalaga. Cookie and Saviour are almost brothers kaya kabisado na nila ang pag-uugali ng bawat isa. Mayaman si Cookie habang si Saviour naman ay naninirahan mag-isa sa Manila dahil ang kanyang mga magulang ay nasa probinsya at ang dalawa nitong kapatid na nag-aaral pa. Kaya todo kayod si Saviour para matulungan ang kanyang mga magulang. At para madagdagan ang kanyang kita ay nagtrabaho siya rito sa Coffee Shop ng kanyang tinuturing ng kapatid na si Cookie at dahil sa alam ni Cookie na mapagkakatiwalaan si Saviour. Kinuha niya agad ito at nilagay sa magandang posisyon. Nakapagtapos naman si Saviour na related rin sa business kaya kahit papaano may alam ito pagdating sa negosyo.