Chapter 5: Drunk Kath

Alam ni Saviour na lasing na si Kathalina dahil kung ano-ano na ang pinagsasabi nito at tumatawa na ito nang mag-isa. Kaya kahit anong focus niya sa kanyang trabaho ay hindi niya maiwasang bantayan ang bawat galaw nito dahil nasa loob pa nga ito nang bar at marami ang pwedeng mangyari sa kanya rito. Kaya nilapitan niya ito at kinausap na may bahagyang pagsigaw dahil sa ingay sa loob ng bar.

"Lasing kana Kath. Tawagin mo na ang susundo sa'yo."

Maginoong wika ni Seb sa dalaga. Ngunit nginisihan lamang siya ni Kathalina at dumukwang palapit sa kanya saka hinaplos ang pisngi nang binata with her signature smile.

.. Ngiting kita ang magagandang ngipin..

"Di 'ba sabi ko sayo samahan mo ako ngayong gabi."

Lasing nitong turan. Napatitig na lamang si Seb sa kanya ngunit gumanti rin ito nang mapanuksong titig na kusang ikinasuko ni Seb. He looked down and sighed.

"See!" Natatawang wika ni Kath.

"Fine, basta huwag ka nang uminom. Malapit naman din out ko."

Tanging nasabi ni Seb sa dalaga. Kinurot naman ni Kath ang pisngi nang binata bago ito binitawan. Bumalik naman si Seb sa kanyang ginagawa habang si Kath ay pinagmamasdan lang si Seb na nakapangalumbaba pa. Naiilang man si Seb pero wala siyang magawa, He need to focus on his work kaya pilit niyang iniiwasan ang pasulyap-sulyap kay Kath.

Ilang oras pa ang lumipas at uwian na nila Seb kaya lumapad ang ngisi ni Kath nang bigla siyang binuhat ni Saviour bridal style at sabay silang lumabas nang bar. Mahigpit naman itong nakakapit sa batok ni Saviour while keep on smiling.

"Walang nakakasaya Kathalina."

Bakas ang seriousness sa tono ni Seb na mas kinangisi ng dalaga.

"First time ko kasing magpabuhat sa isang lalaki na hindi ko nobyo."

Pag-amin nito nang walang malisya. Alam naman ni Seb na lasing lamang si Kath kaya niya ito nasabi. But deep inside him he felt spark at talagang kinilig siya. Ayaw niya lang ipahalata.

"Drop it Kath. Saan bahay niyo ihahatid kita." Simpleng wika ni Seb. Bigla namang sinubsob ni Kathalina ang kanyang mukha sa dibdib ni Seb saka napapasinghot na parang aso.

"Ang bango mo pa rin ah' kahit magdamag kang abala." Pabalang na sagot ni Kath sa tanong nang binata. Hindi mapigilan ni Seb ang mapatawa nang marahan dahilan para mas lumapad ang ngiti ni Kath.

"Kathalina tama na, saan bahay niyo at iuuwi kita. Tatawag ako nang Taxi."

"I have my car on the parking lot Seb. No need to call a cab. And besides hindi tayo uuwi sa bahay ko." Mapanukso nitong turan na kinahinto ni Seb sa paglalakad.

"Saan pala kita iuuwi?"

He asked confused. Bahagyang nilapit ni Kath ang kanyang mukha sa mukha ni Seb and stared at him seductively.

"Sa bahay mo,"

She winked. Halos mapugto ang paghinga ni Seb sa mga binitawang salita nang dalaga and smiled unbelievably.

"Ganito ka ba kapag lasing? Kath! Stop this --"

"Kung ayaw mo-" Sabay kawala sa pagkakabuhat sa kanya ni Seb sabay tayo.

"Mag-isa akong magho-hotel! I can afford naman!"

Turan nitong may bahid pa nang inis ang tono nang pananalita. She tried to dare with Saviour na syempre hindi naman papayagan nang lalaki. Kaya wala itong nagawa kundi sundin ang nais ni Kath.

He bring Kathalina on his house kung saan siya lang mag-isa ang nakatira. Ayaw man niya but what else he could do? Kung mapapahamak naman si Kath dahil hindi siya pumayag sa gusto nito na samahan siya. Dahan-dahan niyang isinampa si Kathalina sa higaan at ito na rin ang nagtanggal nang kanyang sandalyas na suot. Panay ingay naman ng dalaga na hinahayaan niya lang dahil alam niyang lasing ito. Not until ---

"Seb! -- do you find me attractive?"

Biglang upong tanong ni Kath and looked straight into Saviour's delighted eyes. Napalunok naman si Seb and speechless.

"Saviour say something! Damn!"

Pagmamaktol na turan ni Kathalina. Gumanti naman siya nang pagtitig rito and answered her honestly.

"Yes! You're more than attractive to me Kath, so drop this topic Kathalina."

He seriously answered. Kath deeply sighed sabay muling higa at tumagilid ng paghiga.

"Oh c'mon Seb. Im not attractive as what you are saying. Dahil kung attractive ako bakit madali lang akong iwan nang mga lalaking minamahal ko."

Biglang seryosong wika ni Kathalina without glancing on Saviour. Nagpakawala naman ng buntong hininga ang binata at halos walang gustong salita ang lumabas sa bibig nito. Ayaw niya rin kasing magbigay ng komento lalo pa at hindi niya kilala nang husto ang dalaga.

"You know Seb. My ex's broke me because of one thing."

Muling turan ni Kathalina. Seb stared at her back with confusion, muli itong tumihaya sa paghiga at pumikit.

"Hinihiwalayan nila ako dahil sa hindi ko kayang maibigay ang ninanais nila na isuko ang pagkababae ko sa kanila. So i always end up broken and crying!"

Anito sabay tawa nang may kalungkutan. Kumunot naman bigla ang noo ni Seb dahil sa mga narinig nito. Bigla namang umupo ang dalaga saka tinitigan si Seb with her wide smile.

"At dahil sa hindi na ako puro ngayon im free to give myself to someone that i want to love."

She simply say on her drunk state. Mas lalong tumindi ang pagkunot ng noo ni Saviour. Habang si Kathalina ay nakangisi pa rin na parang walang bahid ng kalantaran ang mga sinabi nito. Biglang tumayo si Seb at napahilamos sa kanyang mukha.

"May problema ba sa sinabi ko Seb?"

Kath asked unknowingly. Hinarap siya ng binata at nagpakawala nang malalim na paghinga.

"Alam mo ba yang mga pinagsasabi mo Kath? You think giving yourself to someone ay mamahalin kana rin nila tulad ng gusto mo? F--" Halos mapamura si Seb ngunit pigil niya ang sarili dahil ayaw nitong madismaya sa kanya ang dalaga. Kath frowned at him.

"May mali ba sa pagmamahal na gusto kong makuha? Do i need to restrain myself for giving my man his satisfaction and love that they always wanted!? Fuck that Seb!"

Walang ano't dinaganan ng binata si Kath sa higaan at ginapos ng kamay nito ang kamay ng dalaga sa ulo'nan nito saka pinakatitigan firmly.

"Don't you dare do that Kath please don't! You don't deserve that kind of love."

Seryosong turan ni Saviour sa dalaga. Puno nang kalungkutan at pagkaawa ang mga mata ni Kath habang nakatitig kay Seb.

"Kung mahal ka nang isang tao Kath, mamahalin ka nila with or without condition. Lalo na kapag katawan mo na gagawin mong kondisyon."

Kathalina is mesmerized by Saviour's charm and gentleness kaya hindi nito mapigilan ang mapayakap sa batok nito at kusang magpakawala nang halik sa binata. Seb can't hold back his feelings toward this woman down him. So he kissed her back passionately. Biglang kumawala si Kathalina sa halik ni Seb and whispered.

"Make love with me Seb,"

She looked at the man above her with full of affection. Hindi nakaimik si Seb at biglang lumayo sa pagkakadapa kay Kath saka umupo sa dulo nang higaan, yumuko at bumuntong hininga. Napaupo muli si Kath and looked at Saviour in confused.

"Bakit Seb? May ---"

"Kath please huwag na huwag kang makikiusap nang ganyan sa isang lalaki please!" Puno nang pakiusap at hinayang na turan ng binata kay Kath.

"Bakit? Why you act so ---"

"Wala ka bang naalala sa akin?"

He asked sabay tayo sa harapan ni kath.

"What? Naalala? Can you just tell me what's wrong with t---?"

Dahan-dahang naghubad ng damit si Seb sa harap ni Kath and looked straight into Kath's eyes. Kathalina stared at him frowning, hangang sa biglang namilog ang kanyang mga mata at nasapo nang sariling kamay ang kanyang bibig.

"IKAW!?"

----------

Follow for more updates

Vote if you like the chapter

And share sa may gusto :)