Chapter 15: First Argument

Sa hotel nga tumuloy ang magkasintahan at kumain muna sila bago napagpasyahang magpahinga.

"Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa'kin hon na aalis ka pala?" May pagtatampong turan ni Kath kay Saviour. Kaagad namang hinagkan ng binata si Kathalina at dinampian ng halik ang batok nito.

"Sorry hon, ayoko lang dagdagan aalahanin mo dahil baka ma stress kana naman ulit." He gently answered. Hinarap naman siya ng nobya at hinawakan ang magkabilang pisngi.

"Apology accepted! but nextime better tell me where you're going or what you gonna do. Para hindi naman ako magmukhang tanga sa kakahanap sayo." Kath softly smiled. Ngumiti naman si Seb bago hinalikan ang nobya at tinitigan.

"Hinanap mo ako?" He asked,

"Yup! Alangan naman hindi kita hahanapin nobyo kita eh, saka I don't know you're whereabouts kasi nga hindi ka nagpaalam."

May bahid pa rin ng pagtatampo nitong turan. Pinisil naman ni Seb ang tungkil ng ilong ni Kath saka nakipag-nose to nose sa nobya.

"Im sorry okay' hindi na mauulit mahal ko."

Sabay dampi ng halik sa labi ng nobya.

"Fine. Fine hon." Simpleng sagot ng dalaga. Tumigil naman sa paghalik si Seb kay Kath sa halip hinagkan niya lamang ito at sinimot-simot.

"Sniffing? hon,"

"I missed your smell hon," Sagot ni Saviour. Napatawa na lamang si Kath at hinayaan ang binata sa kanyang ginagawa.

"By the way hon, malaki pala ang utang mo sa boss mo?" Natigil si Seb sa kanyang ginawa saka tinitigan ang nobya.

"How did you know?" Nagtatakang tanong ni Seb.

"I had a little chit-chat with your boss at nabanggit nga niya 'yon sakin. Sabi pa nga niya hindi mo raw yun utang kasi kusa niya 'yon binigay. Pero dahil sa alam niyang hindi ka papayag kaya mahuhulog na rin yun sa utang mo." Paliwanag naman ni Kath. Seb fake smiled and sighed.

"Huwag mo ng isipin 'yon mahal ko, makakadagdag stress lang 'yon sa'yo." Mahinang turan ni Seb.

"Dapat sinabihan mo ako na kailangan mo ng pera para hindi ka manghihiram o magpakahirap pa." Insisti ni Kath.

Hindi alam ni Kath na ayaw ni Saviour na pinag-uusapan ang kanyang personal na buhay lalo pa sa mga naging desisyon niya. Kaya medyo tumaas ang temperatura ng init ng katawan niya.

"Hon please! Ayokong pag-usapan natin ang tungkol sa mga desisyon ko. Atsaka kusang binigay sa'kin 'yon ni Cookie ako lang ang nag-insisti na bayaran siya dahil napakalaking halaga ang ibinigay niya sa'kin. Pati ilang beses ko ng sinabi sayo hon na gusto ko pinagsisikapan at pinaghihirapan ang lahat ng bagay. Diba?" Medyo tumataas na ang tono ng pananalita ni Seb dahilan para magsalubong ang kilay ni Kath.

"Are you mad at me?" May bahid na ng inis ang tono ng dalaga. Napameywang naman si Seb at mabigat na napabuntong hininga.

"Hon I'm not mad okay! Ayoko lang na pag-usapan natin ang personal na desisyon ko lalo na sa financial status ko." Pigil ni Seb na mapabulyaw. Mas lalong sumimangot si Kathalina at napahalukipkip pa.

"So wala pala akong karapatan na malaman ang totoo sa buhay mo? Ano pala ang tingin mo sa akin huh Seb!?" Bakas na ang galit sa tono ni Kath. Napahilamos naman agad si Seb sa kanyang mukha at napatitig sa nobya.

"Hindi naman sa ganun hon! Ayoko lang na dagdagan ang alalahanin mo. Hindi ko naman hahayaan na madamay ka sa problema ko. Sa buhay ko." Pilit na paliwanag ng binata sa kanyang kasintahan.

"Paano kung sabihin ko sa'yo na binayaran ko ang 5 million na bigay sayo ng boss mo? Huwag mong sabihin na magagalit ka sakin because of that?"

Napaawang ang labi ni Seb at halatang hindi makapaniwala sa ginawa ng kanyang kasintahan. Ang kaninang pagtitimpi niya ay napalitan na ng galit.

"Bakit mo 'yon ginawa Kathalina!? Diba sabi ko sa'yo ayokong nagbibigay ka sakin ng kung ano-ano!--pero ano 'tong ginawa mo? You pay my debt without telling me? Halata na ang galit sa boses ni Seb kaya mas lalong uminit ang ulo ni Kath.

"Bakit? Kung sasabihin ko ba sayo na babayaran ko ang binigay o hiniram mo sa boss mo papayag ka? huh!" Tumaas na rin ang tono ng boses ni Kath. Napasuklay naman si Seb sa kanyang buhok at napahilamos sa palad niya.

"Damn! Bakit ba ang hilig mo mangialam sa problema ko huh Kath!?" Hindi na mapigilan ni Seb ang sarili na taasan ang boses sa kanyang kasintahan. Dinuro naman siya kaagad ni Kath while frowning.

"Don't damn me Saviour! Wala kang karapatan para murahin ako." Galit na turan ng dalaga.

"Wala ka rin'g karapatan na pakialaman ang personal na buhay ko! It's my problem and not yours." Pagtitimpi muling mapasinghal ni Seb sa nobya.

"Fine! Dahil lang sa pera nag-aaway na tayo ng ganito. Hindi ko akalain na bawal na palang tulungan ang boyfriend ko sa personal niyang problema." Galit na sumbat ng dalaga kay Seb sabay lakad at kuha sa kanyang bag at umalis ng hotel room. Naiwan naman si Saviour mag-isa sa loob na tahimik at malalim na napabuntong hininga.

Hindi niya ginustong magalit sa kasintahan pero hindi niya mapigilan ang sarili dahil nga sa binayaran ni Kath ang utang niya kay Cookie, na kung tutuusin hindi naman talaga 'yon utang dahil kusa 'yong binigay sa kanya ng kaibigan. Ayaw niya lang talaga tumanggap ng libre dahil hindi niya maatim na gastusan siya ng pera nang ibang tao. Nasanay kasi siyang pinaghihirapan ang lahat ng mga bagay na gusto niya. He hate to admit this pero talagang pinapairal niya ang pride niya pagdating sa paghingi ng tulong sa ibang tao.

Alam niyang nasaktan niya ang kalooban ni Kath ngunit mas pinili niyang hindi na muna ito istorbohin at kausapin. Dahil kakagaling pa lang nito sa allergies niya. Halos isang linggo na ang lumipas at hindi man lang nagparamdam si Kath kay Seb kaya punong-puno na nang pag-aalala ang binata at miss na miss na rin nito ang kasintahan. Alam niyang mali siya dahil nasigawan niya ang nobya at higit sa lahat mas galit pa siya dahil sa ginawa nitong pagtulong sa kanya. Which is wrong, kaya panay suyo nito ng text kay Kath. Ngunit hindi siya nirereplayan nito at kahit sa call hindi siya sinasagot kaya napagpasyahan niyang puntahan nalang ang nobya sa kanilang bahay.

-----------

Maraming salamat po sa mga nakasubaysabay at bumoto sa aking mga story 😊 kakaunti man but it means a lot to me po ☺