Chapter 16: Fast Talk With Mr. Ramirez
"Gusto kong hiwalayan mo na ang anak ko,"
Agad na bungad na ani Mr. Ramirez kay Saviour.
Pagdating ni Seb sa bahay ng mga Ramirez. Si Alfredo Ramirez agad ang nakaharap niya at niyaya naman siya ng maayos ng matandang Ramirez na makipag-usap. Magkaharap silang nakaupo ng matanda at walang patumpik-tumpik at deretsahan siyang binungad ng hiwalayang usapan. Between him and Mr. Ramirez daughter. Napailing si Seb at hilaw na napatawa.
"Ah-- may ginawa po ba akong hindi --"
"Wala kang dapat na gawin sa anak ko Seb. Dahil kung mayroon ka mang magawa sa anak ko for sure ako ang makakaharap mo! Alam mo naman siguro kung ano ang pinagkaiba ninyo ng anak ko diba?" Matipunong turan ng matanda without breaking aye contact with him.
"Alam ko naman po 'yon, pero mahal na mahal ko po si Kathalina Mr. Ramirez hindi ko po kayang iwan si Kath." May panginginig na wika ni Seb sa matandang Ramirez. Pinukol siya ng matalim na titig ng matanda at walang kurap na tinitigan.
"Nandiyan na tayo sa mahal mo nga siya, but the point is -- kaya mo bang ibigay sa anak ko ang buhay na nararapat sa kanya? Sa pagkakaalam ko ang anak ko pa ang nagbayad ng utang mo sa boss mo para lang matubos ang lupa niyo, hindi ko alam kung bakit hindi si Kath agad ang hiniraman mo but the fact that my daughter pay your debt was disappointing. Alam mo ba kung gaano pinaghihirapan ni Kathy ang pera niya para magawa niya lang lahat ng gusto niya? Sana ganu'n rin ang gawin mo. Hinding-hindi ko kayo tututulan na magmahalan dahil alam ko naman kung gaano ka kamahal ng anak ko, but for now kailangan mo munang patunayan sa amin na kaya mong ma-secure ang future ng anak ko."
Mr. Ramirez firmly say. Natahimik nalang si Seb at napayuko, iniwan naman siya ni Mr. Ramirez dahilan para umalis rin siya ng bahay nito nang hindi nakakausap ang nobya.
'Tama nga si Mr. Ramirez, hindi ako nararapat kay Kath. Mayaman sila at ako'y simpleng trabahante lamang sariling lupa nga namin hindi ko matubos-tubos, kung hindi pa ako kaawaan ng ibang tao at pahiramin ng pera hindi ko mababawi ang lupa namin. Shit!' Paninisi ni Seb sa sarili.
-----
Kakauwi lang ni Kath mula sa buong araw na pagtatrabaho, wala ang mga magulang nito dahil biglaan ang pag-alis nito papuntang canada kaya sila lang ni Alistaire ang naririto maliban sa mga katulong. Sinalubong siya ng isa sa mga katulong nila at napatigil siya sa pag-akyat ng hagdan nang sinabi nito na dumalaw si Seb.
"What!? Pumunta si Saviour rito?"
Gulat niyang tanong.
"Opo ma'am, kaso nasa trabaho po kayo kaya si Mr. Ramirez ang humarap sa kanya."
Paliwanag ng katulong.
'Bakit hindi man lang binanggit ni daddy na dumalaw rito si Seb.' Curious na tanong ni Kath sa sarili.
"Sige yaya salamat sa pagbalita,"
Sabay hakbang pabalik ng pinto para lumabas. Pupuntahan niya ang nobyo at kakausapin. Ilang araw silang hindi nagkakausap at buong akala niya hindi na siya mahal nito at kinalimutan na siya dahil hindi na ito nagpaparamdam. But she was all wrong.
Pagdating niya sa bahay ng nobyo ay kumatok muna siya ng ilang beses bago siya napagbuksan nito, agad naman niya ito inundayan ng mahigpit na yakap saka humikbi sa dibdib nito. Miss na miss na niya ang kasintahan at kahit kailan hindi niya ito kayang kalimutan. Halatang nagulat si Seb sa ginawa ng dalaga ngunit napangiti siya ng marinig niya ang paghikbi nito kaya't inharap niya ito sa kanya.
"Bakit ka umiiyak mahal ko?"
Seb asked to his sobbing girlfriend while smiling.
"K-kasi akala ko t-tuluyan mo na akong iniwan a-at hindi mo na ako mahal kaya hindi kana nagpaparamdam." Pahikbing sagot nito. Marahan na naptawa si Seb at hinalikan ang noo ni Kath.
"I will never ever forget you hon, mahal na mahal kita at hinding-hindi magbabago 'yon."
Sincerong turan ni Seb at marahang hinaplos ang pisngi ng kasintahan habang titig na titig rito.
"Bakit hind ka nagparamdam sa'kin? At b-bakit hindi mo sinabi na pumunta ka ng bahay?"
Agad na tanong ni Kath habang nagpatuloy sa paghikbi. Saviour sighed and hug her tight. Gusto niyang sabihin rito ang totoo but he can't, ayaw niyang masira ang magandang ugnayan ni Kath at ng Ama nito. So he lied again.
"Hon, kakagaling mo lang sa sakit at ayokong makadagdag alalahanin sa'yo. Perhaps, ikaw ang dapat magpaliwanag sa'kin kung bakit hindi mo sinabi na bawal ka pala sa chicken at egg?" Seryosong wika nito ngunit may ngiting nakaguhit sa labi. Gumanti ng mahigpit na yakap si Kath at diniin ang mukha sa dibdib ni Seb.
"K-kasi baka isipin mo porke't mayaman ako ang arte-arte ko masyado at pihikan sa pagkain, kaya hindi na lang ako nagsabi, sorry."
She softly explained, hinalikan naman ni Seb ang kanyang bunbunan at muli siyang pinaharap.
"It's very understandable hon kung nagsabi ka lang sa'kin ng totoo, alam mo bang nilagay mo sa kapahamakan ang sarili mo nung mga araw na 'yon at talagang kinatakot yun ng buong pagkatao ko." Seb seriously say, nangungusap ang mga mata ni Kath na nakatitig lamang kay Seb saka biglang pinakita ang maganda nitong ngiti. Dahilan para mapatawa ng bahagya si Seb.
"Ang pasaway mo nga Kathalina," Tanging sambit ni Seb.
"Natakot ka pala na mawala ako nung araw na 'yon hon?" Ngiting wika nito na ginawang biro ang kanyang kapahamakan. Napatikom ang bibig ni Seb at napatitig sa hitsura ng nobyo na nakahalukipkip.
"Seryoso Kath?"
"Oo nga," Kath answered,
"Syempre hon natatakot ako mawala ka, damn! Hindi ko nga kaya na makita kang nasa loob ng hospital room." Halos hindi na magawang mangiti ni Seb sa nobya at bakas na talaga ang pag-aalala rito.
"Sorry mahal ko, p-pero bakit hindi ka nagpakita sa akin sa hospital hangang sa makalabas ako? Tapos umuwi kana lang bigla."
May bahid ng pagtatampong tanong ni Kath.
"Kasi nga natatakot ako hon, sising-sisi ako sa sarili ko dahil sa nangyari sa'yo at hindi ko ma attempt na makaharap ang pamilya mo-- kasi dahil sa'kin kaya lumabas ang allergies mo at nagka-gastrointestinal tract ka."
Paninisi nito sa sarili. Hinawakan naman ni Kath ang magkabilang pisngi ni Seb saka matiim itong tinitigan.
"Kahit kailan huwag na huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari sa'kin, ginusto ko 'yon saka since birth may allergies na ako na trigger lang siya kasi kumain ako ng bawal. So don't you ever blame yourself of what has happen that day. Okay?" Kath sweetly smiled, nagpakawala naman ng malalim na paghinga si Seb at tumitig rin sa nobya.
"Okay! But nextime can you please tell me kung ano-ano pa ang mga bagay na hindi pwede sa'yo at ayaw mo para hindi ako patayin ng sobrang pag-aalala." Pakiusap ni Seb sa dalaga, agad naman tumango si Kath bilang pagsang-ayon saka dinampian ng halik ang nobyo. Tinugon naman 'yon ni Seb and they end up climbing on the bed and shared love together.
--------------