Chapter 3

" Zari, gising!" nag mulat ako ng mata at bumungad sa akin ang naka ngiting mukha ni Shaun.

" Bakit ba? Inaantok pa ako." sabi ko at tumalikod sa kaniya.

" Bumangon ka na diyan, panoorin natin ang Sunrise." and with that, agad akong napatayo bago magtungo sa banyo, narining ko pa ang mahinang pag tawa niya. Nag hilamos at nag toothbrush lang ako para makapag bihis pa, hindi ko muna gagawin ang mga kaartehan ko sa mukha dahil minsan lang 'to.

Nag suot lang ako ng floral dress na hanggang tuhod ang haba at nakalugay ang buhok. Bitbit ang camera ay lumabas na ako ng kwarto at naabutan siyang nakasandal, naghihintay.

" Let's go." nakangiting sabi ko.

" Sana lagi kang ganyan." aniya pero masyado iyong mahina kaya hindi umabot sa pandinig ko.

" Ha?"

" Sabi ko halika na." he said then hold my hand. Naabutan namin sila mommy sa baba na nag hahanda ng breakfast.

" Kumain muna kayo." pag aya niya pa.

" Pagbalik na po namin, Ma. Panonoorin kase namin ang Sunrise."

Naka ngiting saad ni Shaun kay mommy kaya tumango lang ito.

Lumabas na kami sa tinutuluyan ng magkahawak ang kamay.

" Sa taas tayo ng bundok para mas maganda ang view." suhestiyon niya kaya naka ngiti akong tumango.

Mabilis kaming nakaakyat sa bundok at laking pasasalamat ko dahil naabutan namin ang Sunrise.

Kinuha niya ang camera sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

" Kukuhaan kita ng litrato." sabi niya kaya nag pose na ulit ako. Naka limang kuha palang siya ng lumapit ako sa kaniya at kinuha angcamera.

" Sumama ka, bilis." wala siyang nagawa nang hilahin ko siya. Nag picture kami ng magkasama at may mga solo and stolen shots pa siya.

Tumunog ang tiyan ko kaya napatingin siya sa'kin.

" Gutom ka na?" he asked. Nahihiya akong tumango. Hinawakan niya ako at inalalayan pababa sa bundok. Hindi naman malayo ang tinutuluyan namin dito sa bundok kaya nakabalim agad kami.

May nakita akong Ambulance sa harap ng Rest house at sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan.

" S-shaun, anong nangyayare?" nanginginig na tanong ko.

Nasagot lang ang katanungan ko ng makita ko si mommy na humahagulgol at ang dalawang tao na may dalang Strecher. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makilala ang nakahiga doon. No! Please....

Sumama si mommy sa loob ng ambulansya, kasabay ng pag alis ng sasakyan ay ang siyang pag bigay ng mga tuhod ko, agad akong hinawakan ni Shaun.

" N-no, please..... No!" ngayon lang nag sink in sa akin ang nakita ko kaya napahagulgol nalang din ako.

" Shhh." pag aalo sa akin ni Shaun at niyakap ako.

" D-dad, please don't leave me..." nanghihinang bulong ko.

" Hindi ka iiwan ng Daddy mo." bulong niya sa'kin.

Lumapit sa amin ang parents ni Shaun.

" M-mama, ano pong nangyari kay dad?" I asked.

" Heart attacked, Hija. Nakwento sa akin ng Mommy mo na may komplikasyon na ang puso ng Daddy mo at anumang oras ay maaari siya atakihin sa puso." napatakip ako sa bibig sa aking narinig.

" S-Shaun, puntahan natin siya." tumango lang siya bago kunkunin ang susi ng sasakyan, sumakay ako doon ng nakatulala.

Lagi nalang bang sakit ang kapalit ng sayang nararamdaman ko? Bakit kailangang mangyari 'to?

Last time na naging masaya ako ay ang araw din ng pinakamasakit na nangyari sa buhay ko, at ngayon..... mukhang mauulit na naman.

Pag hinto ng sasakyan ay bumaba agad ako sa kotse at hindi na hinintay si Shaun. Walang ibang laman ang isip ko ngayon kundi ang ama ko.

Dumeretso ako sa emergency room at doon nakita si mommy na nakaupo sa Sahig. Iyak ng iyak, parang dinudurog ang puso ko ng makita siya. Linapitan ko siya at niyakap.

" A-Ang Daddy mo, natatakot ako..." umiiyak na sabi niya.

Tumingin ako sa loob at parang kinakapos ang hininga ko ng makitang nag aagaw buhay ang ama ko.

Please, Lord. 'Wag niyo po muna siyang kunin sa'min.

Parang nayanig ang mundo ko ng tinigil nila ang ginagawa nila kay Daddy at tumingin siya sa kanyang relo, isa lang ang ibig sabihin non....

" N-no...." mahinang bulong ko kasabay ng walang tigil na pagpatak ng luha ko.

Lumabas ang Doctor sa loob ng kwarto at kahit nanghihina ay lumapit doon si mommy at lumuhod sa harap niya na siyang kinagulat nito.

" P-Please, 'wag kayong tumigil, alam ko m-mabubuhay siya." nanginginig ang kaniyang labi at mga kamay.

" I'm sorry Misis, ginawa na namin ang makakaya namin ngunit tuluyan ng bumigay ang puso ng asawa niyo, Excuse me." he said then left.

Nanghihinang pumasok sa loob si mommy.

I wish this is just a dream or let's just say, a nightmare... gisingin niyo na ako, please.

Pero kahit na gusto kong isipin na isa lamang itong panaginip ay hindi ko magawang maniwala. Dumating si Shaun kasama ang parents niya pero si mommy ay nasa loob pa rin at walang tigil na umiiyak, ako naman ay hindi magawang pumasok sa loob at makita siyang wala nang buhay.

" Hija, ako na ang bahala sa mommy mo." tumango lang ako sa mom ni Shaun bago siya pumasok sa loob.

Kung masakit sa akin ang nangyayari ay alam kong doble nito ang nararamdaman ng ina ko.

Nasa bahay na kami at sila Mama sarah na ang nag asikaso ng burol dahil wala pa ring tigil sa pag iyak si mommy.

" Mom, kumain po muna kayo." umiling lang siya habang yakap ang litrato ni Daddy.

" Mom, baka magkasakit ka na po niyan." tumingin siya sa akin at mugtong mugto na ang mata.

" Gusto kong mapag isa, Zariyah." pagod niyang saad. Napabuntong hininga nalang ako bago iwan sa tabi niya ang pagkain.

Kahit nararamdaman ko na ang pagod ay inaasikaso ko pa din ang mga tao.

" Zari, magpahinga ka muna, ako na dito." sabi ni Shaun ng makasalubong niya ako.

" Kaya kopa, Shaun."

" Kahit kumain ka nalang muna."

" Wala akong gana." napabuntong hininga siya sa sagot ko, parang nauubusan ng pasensya.

" Kahit kaunti lang." hindi na ako nagmatigas ng hilahin niya ako papunta sa kusina dahil ayoko gumawa ng eksena. Naglagay siya ng soup sa maliit na bowl bago ibigay sa'kin, tinitigan ko lang iyon.

" Hindi ka mabubusog sa pag titig mo diyan." panenermon niya. Kinuha niya ang kutsara at siya na ang nag pakain sa'kin. Hindi ko siya maitulak papalayo ngayon dahil alam ko sa sarili ko na....... kailangan ko siya.