Chapter 4

" Mom, dalawang araw ka nang hindi nakain." naiiyak na sabi ko sa kaniya. Kapag pati siya ay nawala, baka mabaliw na'ko.

" Y-your Dad... he always makes me special. He always wanted me to feel that I'm the best wife and a mother in the world." pag kwento niya habang ang mga luha niya ay nag uunahan sa pag tulo, ganon din ang sa akin. I hugged her tight.

I let her cry in my shoulder for almost 2 hours, alam kong kailangan niya ako ngayon kaya hindi ako pwedeng maging mahina.

Kaninang umaga ay nag t-text na at tumatawag ang board members pero hindi ko muna iyon binibigyan ng pansin. Tumawag din ang secretary ni Dad at sinasabing kailangan na ng papalit bilang CEO ng company. Pero hindi pa ako handa para sa ganong kataas na posisyon.

Pumunta din ang mga kamag anak ni Daddy galing pang ibang bansa kaya pinaghanda ko sila ng makakakain. Hindi nila makausap ng maayos si mommy at buti nalang naiintindihan nila iyon.

Tinulungan ako ni Shaun sa pag hahanda, kita ko sa mata niya ang pagod dahil galing siya sa trabaho tapos tutulong pa siya dito.

I was so childish noong inisip ko na magiging isa siyang malaking sagabal at gulo sa buhay ko. Hindi ko alam na siya lang ang maasahan at masasandala ko ngayon.

" May dumi ba sa mukha ko?" he asked. Nakatitig pala ako sa kaniya!

" Thank you." tanging nasabi ko. Ngumiti lang siya bago lumabas sa kusina.

***

Ngayon na ang libing ni Daddy at eto si mommy, ayaw lumabas ng kwarto niya.

" H-hindi ko kaya, Zariyah. Hindi ko kayang tuluyan siyang pakawalan."

Malakas at matapang na babae ang pagkakakilala ko kay mommy pero ngayong wala na si Daddy, parang siya ang pinakamahinang babae sa mundo.

" M-Mom, libing ni Dad ngayon. Kailangan mong pumunta." kalahating oras ko siyang pinilit bago siya mapapayag.

Habang nagdadasal si Father ay iyak ni mommy ang pinakamalakas. Isa-isa kaming nag hagis ng bulaklak sa kabaong at sinilayan ito sa huling pagkakataon.

" Goodbye, Dad.... You're the best Father in the world." bulong ko bago tuluyang matabunan ng lupa ang kabaong.

Pagkauwi sa bahay ay nagkulong agad sa kwarto si Mommy.

" Shaun, dito muna ako para masamahan si mommy." tumango siya bago ako yakapin.

" Just call me if you need anything." tumango lang ako kaya lumabas na siya sa bahay.

Kinabukasan ay kailangan ko na talagang pumunta sa Company kaya no choice ako kundi ang pumunta.

Pagpasok ko palang sa company ay nagsisiyukuan na ang mga empleyado. Pagdating sa board meeting ay nagsisimula na silang mag usap-usap. Nang makita nila ako ay sabay-sabay silang tumayo ay binati ako.

" I think Ms. Zariyah can handle the CEO's position." sabi ng isa pero may mga hindi sumangayon kaya napataas ang kilay ko. What's wrong with them?! Ang mga hindi lang naman sumangayon ay 'yung mga natarayan ko dati, hays. They act unprofessional!

Nag botohan at kampante naman akong mas maraming boboto na maging CEO ako.

Tama nga ako dahil mas marami ang bumuto na ako ang maging CEO.

Pagpunta palang sa office na Daddy ay naiyak na naman ako.

I miss him....

Natigil ako sa pag iyak ng may kumatok sa pintuan.

"Pasok!" sigaw ko at nagulat ako ng makita si Shaun.

" Anong ginagawa mo dito?" I asked.

Lumapit siya sa akin bago ako yakapin.

" Congrats, your the CEO now." bulong niya sa tenga ko.

" But I'm not happy, Shaun." umiiyak na saad ko. Wala na akong pakealam kahit umiyak ako sa harapan niya, besides he's my husband.

" Shh, don't cry, pumapanget ka lalo." aniya kaya napalayo ako ng wala sa oras at masama siyang tiningnan.

" Doon ka na nga!" inis na sabi ko bago maupo sa couch, nakita ko ang desk ni Dad at ang daming mga papeles. Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil siguradong stress abot ko nito.

" Okay ka na ba?" he asked softly matapos ng mahabang katahimikan.

" I miss him, Shaun..." lumapit siya sa'kin at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

" Cry." pagkasabi niya non ay wala ng tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Kailan ba kayo mauubos?

Hindi ko lubos maisip na magiging ganito kami matapos ng pakikitungo ko sa kaniya noong bagong kasal kami. Habang nasa balikat niya ako ay... it feels like home.

He let me cry to his shoulder for almost 1 hour at kahit wala na akong mailuha ay tuloy pa rin ako sa pag hikbi.

" Okay ka na?" he asked softly. Tumango lang ako bago umayos ng upo.

" Thank you sa time." mahinang sabi ko.

" Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng kausap." sabi niya at hinalikan ako sa noo bago lumabas sa office.

Napaisip ako, kinasal kami dahil sa mga magulang namin. Mahal niya kaya ako? Kase ako.... I slowly falling inlove with my husband.