Chapter 2
Nagising ako ng maramdaman kong may nakayakap sa'kin. Pag tingin ko ay si Shaun pala, wtf?!
Agad akong bumangon sa higaan at pumunta sa pintuan. Lalabas na sana ako ng marinig ko siyang nag salita.
" Sana palaging nandito sila mama," saad niya. Napaikot nalang ang mata ko bago tuluyang lumabas ng kwarto niya na dapat ay para sa amin. Lumilipat lang naman ako doon para ipakitang ayos kami kahit hindi.
Linggo ngayon kaya wala akong pasok, I know I'm going to be bored here so naisipan ko nalang na maligo at mag bihis para mamasyal.
Pagkatapos maligo at mag bihis ay lumabas na ako ng kwarto ko, naabutan ko siya na nanonood ng T. V.
" Saan punta mo?" he asked.
" Wala kang pake." sagot ko, doon siya tumingin sa akin." May pakealam ako dahil asawa mo ako." seryosong saad niya. Kahit medyo kinabahan ako ay hindi ko iyon pinahalata.
" Sa lugar kung saan wala ka," saad ko bago tuluyang lumabas ng bahay.
Hindi niya na ako sinundan pa.
Pumunta nalang ako sa paborito kong shopping mall para mag relax. Sa bahay kase mukha palang niya makita ko nakaka stress na. Minsan naiisip ko rin naman kung sumusobra naba ako sa ginagawa ko but in the end, I still don't care.
Namili ako ng, bags, perfumes, shoes and etc.
Hindi ako nag groceries 'cause hindi ko alam 'yon. I admit that I'm a spoiled brat, and selfish. Ako na mismo ang magsasabi na hindi maganda ang ugali ko so let's see kung matatagalan niya ako. Tsk!
Pagkatapos mamili ay dumeretso ako sa isang sikat na restaurant. Mas gusto ko pang ubusin ang oras dito sa labas kaysa manatili sa bahay na kasama siya.
Habang kumakain ay nag vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko ito. Natawag si Dad kaya sinagot ko agad.
" Hello po, Dad." masiglang pagbati ko.
" We're having a vacation tomorrow so be prepared. Don't worry about your work, naka leave na kayo."
" Hindi naman po kasama si Shaun diba? Family vacation lang, ganern." umaasang tanong ko.
" Shaun is your husband now so pamilya na din siya."
Napabuntong hininga nalang ako bago patayin ang tawag.
Inubos ko na ang kinakain ko para makauwi na. Pagkauwi sa bahay ay ang tahimik, pumunta muna ako sa kwarto ko para ilagay doon lahat ng pinamili ko.
Pagkatapos magligpit ay pumunta ako sa kwarto niya at doon ko siya nakitang natutulog. Lumapit ako at tumayo sa gilid ng kama niya.
" Hoy." mahinang pagtawag ko pero hindi siya kumibo.
" Hoy, gumising ka." kinalabit ko na siya pero hindi pa rin nagigising.
The fudge! Tulog mantika. Tatalikod na sana ako ng may humawak sa pulsuhan ko at hinila ako kaya napahiga ako sa kama kasabay ng pag tili ko.
" Hey." malambing na aniya kaya tumaas ang mga balahibo ko. Napansin ko na ang lapit ng mukha niya sa akin kaya agad akong napabangon.
The fudge! Ano iyong nangyare?!
Dali-dali akong lumabas ng kwarto niya. Pero bakit parang nakaramdam ako ng hiya? No! Hindi 'to pwede.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago bumalik sa kwarto niya. Kainis!
Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakaupo na siya sa kama at may ginagawa sa loptop niya.
" Sabi ni Dad may vacation daw bukas kaya mag impake ka na," saad ko bago lumabas agad ng kwarto niya.
Bumalik na ako sa kwarto ko para mag impake. Dawalang maleta ng dadalhin ko dahil marami akong kaartehan sa katawan, inaamin ko 'yon.
***
" Bilisan mo nga, ang bagal mo." inis na sabi ko kay Shaun. Parang mas babae pa siya sa'kin kung kumilos e.
" Eto na, ang sungit talaga ng asawa ko." natatawang aniya kaya muntik na akong masamid sa sarili kong laway.
" Gross, asawa mo mukha mo." nauna na akong sumakay sa kotse dahil baka masapak ko langsiya.
Pagkasakay niya sa sasakyan ay pang aasar ang bungad niya.
" O bakit tumabi kana sa'kin ngayon?" he asked while laughing.
Lilipat na sana ako sa likod ng pigilan niya ako.
" Just kidding, hindi ka mabiro."
" Hindi tayo close para mag biro ka." mataray na sabi ko.
" Tsk, asawa na nga kita."
" Mag drive ka nalang ng maayos, kung gusto mong mamatay 'wag mo ako idamay," saad ko bago pumikit. Matutulog nalang ako kaysa makausap siya.
Pagkadating sa bahay nila Dad ay sabay-sabay na kaming pumunta sa airport. Pagkasakay sa eroplano ay magkatabi kami ng tukmol, shit talaga.
Natulog nalang ako para makapag enjoy mamaya.
Nagising ako ng may humahaplos sa pisngi ko. Pag mulat ng mga mata ko ay si Shaun na naman ang bumungad, Arghhhh!
" Halika na." hinawakan niya ang kamay ko bago alalayan sa pag labas.
Hinayaan ko lang siya dahil kasama namin sila Daddy.
May nag aabang na sasakyan sa'min kaya hindi na namin kailangan mag commute papunta sa Resort ng kaibgan ni Dad. Sumakay ako sa may likod at syempre, katabi ko na naman 'yung impakto!
" Mom, malapit na ba tayo?" I asked her para kung malayo pa, matutulog ulit ako. Napaka antukin ko talaga, hays.
" Yeah, pwede nga lang lakarin e." natatawang aniya. Tama nga siya dahil wala pang 20 minutes ay huminto na ang sasakyan.
Naunang lumabas si Shaun at pinagbuksan ako ng pintuan.
" Alipin?" bulong ko ng makababa ako at mukhang narinig niya 'yon.
" Handa akong magpaka alipin para sa'yo." he said then winked. Natawa ako ng mahina pero hindi ko iyon pinahalata, hindi bagay sa kaniya.
Kinuha ko ang camera ko bago tumakbo papunta sa tabing dagat. Shit! Naabutan ko ang Sunset! Busy ako sa pagkuha ng litrato sa papalubog ng araw ng may mag salita sa likuran ko.
" You really love Sunset." mahinang aniya, sapat na para marinig ko. Tumango lang ako habang nakangiti.
The Sunset, Sunrise, moon and Stars are really my happiness.
" Kuhaan mo ako ng litrato." masayang saad ko sa kanya bago ibigay sa kanya ang camera. Naka tingin lang siya sa'kin kaya pinitik ko ng mahina ang ilong niya.
" Sabi ko kuhaan mo'ko ng litrato, bilis! Baka tuluyan ng lumubog ang araw." inis na ani ko.
Doon siya natauhan kaya pumwesto na ako at nag pose. Matapos ng napakaraming kuha niya ay siyang tuluyang pag lubog ng araw. Inagaw ko sa kaniya ang camera ko at tiningnan lahat ng pictures. Damn! Napaka galing niya kumuha ng litrato.
" You're so fucking beautiful." manghang saad niya at titig na titig sa'kin, ngumiti ako sa kaniya.
" Thank you."
Hindi ko namalayan na sa sobrang saya ko ay nakausap ko siya ng maayos. Sa ilang linggo naming pag sasama ay puro away at asaran lang ang nangyayari pero iba ngayon...