Chapter 1
" Wife, kumain ka muna ng agahan bago pumasok." hindi ko siya pinansin at nilagpasan lang siya. Huminto ako sandali at nag salita ng hindi siya hinaharap.
" Don't call me wife, wala sila mom dito." malamig kong saad, narinig ko siyang bumuntong hininga.
" Ihahatid nalang kita, ayoko namang isipin nila mama na pinababayaan kita." hindi na ako sumagot pa at nauna ng sumakay sa likod ng sasakyan.
Nagsuot lang ako ng earphones at nag soundtrip at pumikit. Mas gusto ko pang makinig ng music kaysa marinig ang boses niya.
Naramdaman kong huminto na ang sasakyan kaya dumilat na ako. Agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa building ng hindi siya tinatapunan ng tingin.
Sumakay agad ako sa VIP elevator at naabutan ko doon si daddy.
" Good morning, dad." pag bati ko at niyakap siya.
" Good morning, where's your husband?" agad niyang tanong.
" Dad, nakakatampo ka ah. Ako 'yung anak mo pero siya ang hinahanap mo." I said and pouted.
" That's not what I mean, kamusta kayo? Ayos lang ba ang pag sasama niyo?" sunod-sunod niyang tanong.
" Okay lang naman po," tipid kong sagot.
" Pupunta kami ng mommy mo kasama ang parents ni Shaun mamaya sa inyo," saad ni Daddy kaya nanlaki ang mata ko.
" Pero-"
" Plano na namin iyon, anak." aniya.
Bumukas na ang elevator, tinapik niya ako sa balikat bago lumabas. Napabuntong hininga nalang ako.
Kahit ayoko ay wala akong nagawa kung hindi ang I-text siya para sabihan, tsk!
Pagpunta ko sa office ay nagulat ako dahil nandito ang hayop!
" What the hell are you doing in my office?!" galit na sigaw ko. Saan siya dumaan? Akala ko umuwi na siya.
Nagkakape siya at prenteng naka upo sa upuan ko.
" Nagkakape," pilosopong sagot niya.
This guy is getting into my nerves!
" Leave." madiing saad ko, ayokong gumawa ng eskandalo dito sa company ni Daddy, sigurado akong magagalit 'yon.
Tumayo siya sa upuan at lumapit sa akin, inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko bago bumulong.
" Huwag kang gumawa ng eskandalo dito kung ayaw mong malaman ng Daddy mo ito." bulong niya at ramdam kong naka ngisi ito.
Ayokong malaman nila Daddy na hindi ayos ang pag sasama namin dahil alam kong they will get disappointed with me. Damn it!
Huminga muna ako ng malalim bago lumayo sa kanya at umupo sa upuan ko.
Kalma lang, Zariyah.
Umupo siya sa Couch at nakatingin sa akin ng may mapang asar na ngiti sa kanyang labi. Bwiset! Inikutan ko lang siya ng mata bago ituon ang pansin sa mga papel na nasa desk ko.
Hindi ako makapag concentrate dahil ramdam kong nakatitig siya sa akin.
" Can you please just leave?" nauubusan ng pasensyang sabi ko.
" Why would I? Wala naman akong pupuntahan."
" Don't stare at me." sabi ko kaya natawa siya. Anong nakakatawa? Baliw na ba siya?
" It means you're affected." nakangising saad niya. Napakuyom ang kamao ko, damn him!
Dinala ko nalang ang mga papeles na kailangan reviewhin at pumunta sa mini office ni Dad. Ang kapal ng mukha niya!
Naabutan ko doon si Dad, akala ko wala siya dito, hays.
" Anak, nandito pala si Shaun kaya sasabay siya sa atin mamaya mag lunch." aniya. Anong meron sa araw na'to? Bakit parang ang malas ko naman. Damn this life!
Padabog akong umupo sa couch at nilapag sa mesa ang mga dala ko. Ilang oras na akong naka titig sa mga gamit sa mesa pero ang nasa isip ko lang ay bakit ang malas ko? Tiningnan ko ang orasan at alas dose na. May kumatok sa pintuan at pumasok doon ang secretary ni Daddy.
" Ma'am, mag lunch na daw po kayo."
Tumango lang ako bago dalhin ang bag ko at sumunod sa kaniya. Feeling ko makita ko palang ang mukha ng lalaking 'yon mawalan agad ako ng gana.
Ano ba kaseng meron kay Dad at gustong gusto niya kaming makasama ng madalas?
Nakita ko silang nakaupo at parang may hinihintay. May pagkain na rin sa mesa. Lumapit ako sa kanila at umupo agad.
" Let's eat na po, gutom na ako e." ani ko at sinimulan ng kumain para hindi na sila mag salita. Nakakapagod din kaseng mag panggap.
Tahimik lang kaming kumakain at ramdam kong nasa aming dalawa ang tingin ni Dad.
" Shaun, napansin ko lang na parang hindi kayo sweet?" tanong ni Daddy kaya nabulunan ako ng wala sa oras.
Inabutan agad nila ako ng tubig.
" Dad! Hindi naman kailangan maging sweet ng mag asawa." inuubong sagot ko.
" Sabagay, masyado kang masungit. Naawa ako kay Shaun."
" Dad naman, ako anak mo tapos sa kaniya ka maaawa?" inis na saad ko. Narinig kong tumawa ng mahina si Shaun. Gustong gusto niya talagang naiinis ako, bwiset!
Bakit ba kase masyadosilang close? Feeling ko tuloy sila ang mag ama dito e.
Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa office ko, buti naman at hindi na sumunod ang tukmol na 'yon.
Maghapon siyang wala dito kaya sa tingin ko umuwi na siya. Mabuti na 'yon dahil sa wakas natapos ko ang mga trabaho ko.
Bumukas ang pintuan at pumasok doon si Dad.
" Let's go, Anak. Nag hihintay na sila sa bahay niyo." tumango lang ako bago sumunod sa kaniya.
Pagkauwi sa bahay ay naabutan ko si Mommy and mommy ni Shaun na nag tatawanan. Lumapit ako sa kanilang dalawa at niyakap sila.
" Anak, nasa kusina ang asawa mo. Mag bihis ka na at tulungan mo siya." kinikilig na sabi niya.
Bakit ganito sila? Ang tanda na nila pero sila ang kinikilig.
Wala akong choice kaya pumunta na ako sa kwarto ko at nag suot lang ng over size na shirt at maong shorts.
Pumunta akong kusina at naabutan ko siyang nag luluto. Lumingon siya sa'kin sandali bago ibalik ang tingin sa niluluto.
" Anong ginagawa mo dito?" he asked.
" Maliligo," sagot ko at inikutan siya ng mata.
" Kung pinapatulong ka nila dito, 'wag ka na tumulong. Guguluhin mo lang ako."
" Ikaw nga ang gumulo ng buhay ko diyan," saad ko at iniwan na siya doon.
" Mom, siya nalang daw po ang mag luluto." sabi ko bago maupo sa tabi nila.
" Ang sweet naman ng batang iyon, baka ayaw ka niyang mapagod." mom said.
Hindi ko nalang sila pinansin at itinuon nalang ang atensyon sa T. V.
" Kain na!" rinig kong sigaw sa kitchen, tumayo na sila kaya sumunod na ako papunta ssila kaya sumunod na ako papunta sa dining area.
Pagkakita ko sa mga pagkain sa mesa ay medyo namangha ako. Paano niya naluto lahat ng 'yan? Nakakahiya mang aminin pero kahit babae ako ay hindi ako marunong mag luto.
Pinag hila niya ako ng upuan at inalalayaang maupo kaya iyong parents namin ay kinikilig na naman, tsk!
Sinimulan ko nalang kumain at hindi nalang sila pinansin.
Pagkatapos kumain ay nagkanya kanyang gawain na sila, si mommy and mama ay nag chichikahan na naman at ang pagkakarinig ko sa usapan nila ay about sa pag kakaroon ng apo, juiceko!! Hindi ko kinaya ang aking naririnig kaya naisipan ko nalang pumunta sa labas ng bahay, wow! Ang daming stars.
Habang pinag mamasdan ang mga bituin ay nahagip ng mata ko sila Daddy at Shaun sa Garden na nag uusap. Lumapit ako ng kaunti at nakita kong seryoso ang mga mukha nila. Anong pinag uusapan nila?
Umakyat na ako sa kwarto ng makaramdam ako ng antok. Nakatulog ako habang iniisip kung ano ang pinag uusapan nila.