Prologue
Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Naka suot ng wedding gown na walang emosyon ang mukha.
I've never imagined that my wedding day is not the best thing in my life.
Sabi nila na ang pag papakasal ay isa sa mga masasayang pangyayari sa buhay mo, pero sa lagay ko.... this is my nightmare.
May kumatok sa pintuan ng kwarto ko at pumasok doon si mommy, pilit akong ngumiti.
" You're so beautiful, sweetie." maluha luhang saad ni mommy.
" Hmm, I know po."
" Ready ka na? Nag hihintay na ang groom mo." walang gana akong tumango. Inalalayan niya ako sa pag lalakad palabas ng kwarto ko. May dalawang nakaalalay sa paghawak sa likod ng gown ko.
Paglabas ng hotel ay may puting kotseng nag hihintay sa akin.
Pagsakay ko sa sasakyan ay agad itong umandar. Pumikit nalang ako.
Ilang minuto ang lumipas ng maramdaman ko na ang paghinto ng sasakyan. Bumaba na ako sa sasakyan, pinagmasdan ang malaking simbahan na nasa harapan ko.
Huminga muna ako ng malalim.
" This is it." mahinang bulong ko bago mag lakad patungo papalapit sa malaking pintuan.
Maya-maya pa ay bumukas na ang pintuan, bumungad sa akin ang napakaraming tao at sa hindi kalayuan, nakita ko ang taong magiging dahilan ng walang gana kong buhay.
Mabigat ang pag hakbang ko papasok sa loob ng simbahan, sinalubong ako ni mommy at daddy.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako, umiiyak ako hindi dahil sa masaya ako, kung hindi ay dahil sa galit ako.
Habang papalapit sa kaniya ay lalong pag bagal ng hakbang ko, na parang may nakasabit na mabigat na bagay sa paa ko.
" Are you okay?" mom whispered at me worriedly. Tumango lang ako at pilit na ngumiti.
Pagkarating namin sa harapan ay siyang lalong pag bigat ng dibdib ko.
Inabot ni daddy ang kamay ko sa kanya.
" I trust you, ikaw na ang bahala sa anak namin." emotional na sabi ni daddy. Nakangiti naman siyang tumango bago kunin ang kamay ko.
" I will, dad." sagot niya.
Dad? Ang kapal ng mukha niya!
Inalalayan niya ako bago humarap kay Father.
Sinimulan na ni Father ang pag sasalita pero wala akong maintindihan kahit isa dahil blangko ang utak ko.
Namalayan ko nalang na may suot na akong singsing at tapos na sa pagsasalita si Father, ihahagis ko nalang ang bulaklak. Ganon ba talaga ako kahindi interesado sa kasal namin? Tapos na rin kaya ang kissing scene? Pero as if naman hahalikan ko siya.
Paghagis ko ng bulaklak ay tiningnan ko kung sino ang nakakuha, simple lang siya pero maganda. Ngumiti lang ako ng pilit sa mga tao.
Sisiguraduhin kong hihiwalayan mo agad ako, Perez.