Chapter 13
" Zari! Lumabas kana diyan, hindi kapa nakain!" sigaw ni kuya sa labas ng kwarto namin ni Shaun.
" Wala akong gana, kuya!"
Maya maya pa ay nagulat ako ng may umiyak na.... sanggol? Baby? May baby dito sa bahay?
" Lumabas ka, may ipapakilala ako sa'yo." agad kong binuksan ang pinto at nakita si kuya na may buhat na baby. May anak na si kuya? Omg!
" P-pwedeng pahawak?" I asked while looking at the baby girl.
" Sure." inabot ko ang baby ng nanginginig ang kamay.
" Hi, baby.... I'm your tita Zari," naluluhang pagpapakilala ko. My heart warmth when she smile at me.
Kung naging maayos ang pagsasama namin ni Shaun at hindi siya naaksidente, may anak na din kaya kami?
Napabaling ang tingin ko sa babaeng tumabi kay kuya. She looks like an angel. Eto kaya ang asawa ni kuya? Swerte naman netong tukmol na'to, naka bingwit ng angel, chos!
" Zari, she's Zoey, my wife." nakangiting pagpapakilala ni kuya.
" Hello, Zari!" nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Zoey. I chuckled.
" Hon, bumitaw ka nga. Baka maipit 'yung anak natin." saway ni kuya sa asawa niya.
" Omg!" tili ni Zoey bago bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
" Samahan mo kami sa baba, Zari. May dalang pagkain ang ate Zoey mo, baka lumamig 'yon." tumango lang ako sa kaniya bago sumunod sa kanila habang buhat ang baby.
" Ano palang pangalan ng anak niyo, kuya?" tanong ko at hindi inaalis ang tingin sa bata. Kamukhang kamukha siya ni kuya.
" Miracle," nakangiting sabi ni kuya.
" Why miracle, kuya?" I curiously asked.
Huminto siya bago lumingon sa akin.
" Hmm, let's just say na bago siya dumating ay maraming milagro ang nangyari sa buhay ko." nakatingin siya kay Miracle habang sinasabi iyon.
Kumain lang ako ng kaunti para hindi naman nakakahiya kanila ate at kuya. Pasalamat nalang din ako dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanila.
" Aalis na kami, Zari. Babalik nalang kami bukas, hmm? Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka."
" Yeah, I'll call you. Take care!" he kissed my forehead bago sumakay sa sasakyan niya.
Pagpasok ko sa bahay ay kasabay ng pagbuhos ng luha ko. Did Shaun leave me because I'm not good to him? I can do better naman e.
Nasaan kana ba, Shaun hmm?
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maagang nambulabog si kuya.
" Bilisan mo magluto, Zari. Nagugutom na ako." napaikot nalang ang mata ko.
" Bakit kase pupunta ka dito hindi kapa nakain?" pagtataray ko. Hindi nga ako marunong magluto tapos ako paglulutuin niya? Nababaliw naba siya? Bahagya akong natigilan sa isipin na baka dahil hindi ako naging maayos na asawa kay Shaun ay naisipan niya akong iwan.
" Hindi ako marunong magluto," nakasimangot na saad ko. Humalagapak naman siya ng tawa.
" Really, lil'sis? Hindi ka marunong magluto?" natatawang tanong niya.
" Bwisit! Kung mang aasar ka lang ng maaga umuwi kana, sinisira mo araw ko," inis na sabi ko bago siya talikuran.
" Nagbibiro lang ako! Tuturuan kitang magluto," automatic na huminto ang mga paa ko sa paglalakad bago siya lingunin.
" Talaga?" masayang tanong ko. Gusto kong matutong magluto para kapag bumalik si Shaun ay mapagsilbihan ko siya.
Babalik ka kaya, Shaun?
Unang tinuro ni kuya sa akin ay ang pagluluto ng adobo, basic lang daw kase, he's right naman.
Pagkatapos kong lutuin ang adobo ay pinatikman ko ito sa kaniya.
" So.... how's the taste?" kinakabahang tanong ko.
" Damn, isang beses ka palang sumubok pero bakit ang sarap agad ng luto mo?" natuwa naman ako sa sinabi niya.
" Ako lang 'to, kuya," i said then winked at him. Natawa naman si kuya sa ginawa ko.
I'm thankful that kuya is here dahil kung wala siya ay alam kong buong araw lang akong iiyak at iisipin ang dahila ng pag iwan sa akin ni Shaun.
" Kuya, favor lang sana," napalingon si kuya sa akin sa sinabi ko. Tumigil din siya sa pagkain bago magsalita.
" Hmm, what is it?" napalunok ako bago sabihin sa kaniya ang hihingin kong pabor.
" Pwede bang ano.... uhm ikaw ang pumalit sa pwesto ko sa company? Tutal sa'yo naman talaga 'yon before diba?" napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
" You mean... ako ang magiging CEO?" he asked. There's something in his eyes, I know his happy since dati niya pa pangarap ang maging CEO ng company ni Dad.
" Yeah, baka kase mapabayaan ko rin ang company. You know my situation right now, hindi ako makapag isip ng maayos." yinakap ako ni kuya.
" If that's what you want then I'll go for it, always remember that kuya is always here for you, hmm?" nakangiti akong tumango bago siya yakapin pabalik at pumikit bago tahimik na umiyak sa balikat niya.
" So anong plano mo ngayon?" tanong ni kuya. Nasa verenda kami ngayon pagkatapos kong umiyak kanina.
" I don't know, kuya. Sa tingin mo, bakit kaya ako iniwan ng asawa ko?"
Natawa ako ng mapakla. Maybe he's really tired of me. Pero handa naman akong magbago e. Bakit kung kailan handa na akong panindigan ang pagiging asawa niya doon naman siya umalis? Hindi manlang ba niya ako hinanap ng magising siya? O baka naman nakalimutan niya na ako.
" Ang taray mo kase," biro ni kuya at tumawa ng mahina. Alam kong sinusubukan niya lang pagaanin ang loob ko.
" W-wala talaga akong makitang rason para umalis siya. Maayos naman kami bago mangyare 'yung aksidente e...." I cried again ng maalala 'yon.
I'll wait you, Shaun.