Chapter 14
Sa araw-araw na lumilipas ay pagluluto at gawaing bahay lang ang ginagawa ko dahil gusto ko kapag bumalik si Shaun ay magampanan kona ang pagiging asawa niya.
It's been 3 years when he left.
Yes, I still waiting him to comeback kahit na wala akong balita sa kaniya.
I trust him, I know he'll comeback to me.
Sa loob ng dalawang taon ay na depressed ako. Araw-araw ko siyang hinahanap sa bahay, hinahanap ko din ang mga luto niya, ang yakap at mga halik niya.
" Zari, wala ka bang balak lumabas ng bahay? Mag enjoy ka naman, tumatanda kana pero hindi ka manlang nag eenjoy," saad ni ate Zoey at inikutan ako ng mata.
" Ate, ikaw nalang," pag tanggi ko. Napanguso naman siya.
" Samahan mo nalang ako, punta tayong new york." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
" New york? Ang layo non, at isa pa papayagan kaba ni kuya?" ngumisi siya.
" Of course! Takot lang sa'kin non," saad niya at tumawa. I chuckled, lagi kaseng masusunod si ate sa kanilang dalawa.
" Grabe ka talaga, pero ayoko pa rin," napasimangot naman siya sa sinabi ko.
" Zari, please? Wag lang kj!" she began to tantrums. She's doing puppy eyes too and pouted.
" Can you please stop doing that? It's disgusting,"
" I'll stop kapag pumayag kana." I have no choice but to agreed to whatever she wants. Damn.
" Okay, okay. Kailan ba?" tanong ko bago patayin ang stove.
" Mamaya," masayang saad niya. I looked at her, annoyed.
" What? Are you serious? Hindi pa nga ako nakakapag impake! Gosh!" I started to panic.
" Calm down. I'll help you." hinila niya ako paakyat sa kwarto ko at kinuha ang dalawang maleta ko bago pumunta sa closet.
" Ano ba kaseng gagawin natin sa new york?" inis kong tanong habang inaayos ang mga damit at gamit ko sa maleta.
" I have friend there and matagal na din ang huli naming pagkikita so naisipan kong bumisita." napatango nalang ako bago ipagpatuloy ang pag aayos. Mabuti na din 'to para makapag unwind.
" Nasaan pala si Miracle?" tanong ko ng maalala ang pamangkin ko. Nasa sasakyan na kami papunta sa private airplane ni Kuya, bongga.
" She's with her grandparents. Naiiyak ako sa batang 'yon, mas malapit pa sa lolo at lola niya kesa sa aking mommy niya." natawa ako sa pagtatampo niya.
" Sa isip bata mong 'yan, baka kase inaagawan mo ng barbie," pang aasar ko. Humaba naman ang nguso niya kaya tawa ako ng tawa. I'm thankful na dumating sila sa buhay ko dahil kung hindi ay baka sa mental hospital kona hinihintay si Shaun.
Pagkarating sa airport kung nasaan ang private airplane ni kuya ay may nakita akong familiar na tao.
Shaun.
Agad kong binitawan ang maleta ko at tumakbo.
" Excuse me! Excuse me!" hinawi ko ang mga tao na nakaharang.
" Zari!" pag tawag ni ate Zoey pero hindi ko siya nilingon.
My mind is only thinking about him. Sinasabayan nang mabilis na tibok ng puso ko ang pag takbo ng mga paa ko. Nangingilid ang mga luha sa mata ko.
I miss him. His hugs, his kisses... everything about him.
"Shaun!" I called his name but I only receive weird stares from the people here but I didn't stop looking for him. I'm sure it's him!
"Shau–"
"Zari!" Natigil ako nang may humablot braso ko. Hindi yon gaano kalakas ngunit tama na para pigilan ako. Hinarap ko si ate Zoey na agad along binigyan ng isang yakap.
Umaagos ang luha sa aking pisngi ngunit hindi ako nag abala na punasan ito.
"A-Ate.... si Sh-Shaun! I saw him!"
" Shhh!" inalo lang ako ni ate Zoey hanggang sa kumalma na ako bago kami sumakay sa eroplano.
" Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni ate Zoey pagkasakay namin sa eroplano.
" I'm okay now. I'm sorry about earlier but I'm sure that I saw him."
I'm really sure that it's him! Pero bakit hindi siya lumapit sa akin? Bakit bigla siyang nawala? Nagtatago ba siya sa'kin? Pero bakit?
" Sleep first. Gigisingin nalang kita if nasa new york na tayo." tumango lang ako kay ate dahil inaantok din ako.
Nagising ako ng maramdaman kong nakasandal ang ulo ko sa isang bagay... or tao.
Lilingunin ko sana siya nang magsalita siya.
" Matulog ka lang, wife..."
Shaun?
Nananaginip ba ako? Kung panaginip 'to pwede bang wag niyo muna akong gisingin? I just let myself to fall asleep again tutal inaantok pa talaga ako.
" Zari..."
" Hmm?" I hummed as a response.
" We're here," boses 'yon ni ate Zoey kaya minulat ko ang mga mata ko. Napatingin ako sa katabing upuan ko ng maalala ang panaginip ko. Parang totoo.
" Ate?" i called her and look at her.
" Why?" she asked.
" Kanina, nanaginip ako na nandito si Shaun. But parang totoo siya."
" Dinadalaw kana ni Shaun sa panaginip mo, for sure miss kana non." I smiled. I hope that's true.
Pagkarating sa airport ay may pinadalang sasakyan ang kaibigan ni ate Zoey. Dumeretso kami sa isang bahay, or bahay paba 'to? Bakit ang laki?
" Ate, bakit ang daming tao?" tanong ko ng lumabas kami sa sasakyan. Sa labas ng bahay ay may mga nakaparadang mamahalin na kotse.
" Mamaya kona sasabihin, pasok muna tayo at gutom na ako." hinawakan niya ang kamay ko bago kami pumasok sa loob.
" Zia!" pagtawag ni ate Zoey.
Wait.... Zia? Sana mali ang iniisip ko.
Unti-unting lumingon iyong babae sa pwesto namin at nanlaki ang mata ko ng humarap na siya. Kita din sa mukha niya ang gulat.
Ate Zia.