Chapter 12
Pagkarating sa bahay ni mommy ay agad ko siyang hinanap.
" Mom! Nasaan kapo?"
" Sa kusina!" sigaw niya kaya hinila ko si kuya papunta doon. Pagkarating namin sa kusina ay nakatalikod siya sa amin at nakaharap sa niluluto niya.
" Galing kaba sa hospital? How's Shaun? Gising naba siya? Isang buwan-" naputol ang sinasabi ni mommy ng bigla siyang lumingon sa amin. Nalaglag din ang hawak niyang sandok sa sahig.
" A-anak?" tanong ni mama na nagsisimula ng maluha. Then I looked at kuya and nod at him. Lumapit naman siya kay mommy na ngayon ay gulat pa rin.
" Anak!" tuluyan nang umiyak si mommy bago tumakbo kay kuya at yakapin ito ng mahigpit. I'm crying while looking at them. Ang tagal na ng huli kong makita ang saya sa mata ni mommy, na kahit ako ay hindi maibigay sa kaniya. Kahit ginagawa ko lahat bilang anak niya, alam kong hindi pa rin sapat 'yon at may hinahanap- hanap pa rin siya, at 'yon ay si kuya.
Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan silang dalawa na nag k-kwentuhan.
" Ikaw zari, may asawa kana pala?" kuya asked me. I suddenly felt the pain in my chest when I remember my husband's condition.
Matamlay akong ngumiti. " Yeah, and he's in the hospital right now," kita ko ang gulat sa mata ni kuya.
Hinawakan ni mommy ang kamay ko.
" Sige na, bumalik kana kay Shaun," aniya. Tumango naman ako.
" Ihahatid na kita," sabi ni kuya bago tumayo.
" Ma, alis napo kami."
" Sige, mag iingat kayo." tumango lang kami at yinakap siya bago lumabas ng bahay.
" Kamusta ang buhay may asawa? May pamangkin naba ako?" kuya asked while driving. Halos masamid naman ako sa sarili kong laway sa tanong niya.
" W-wala pa," utal na saad ko, he chuckled.
Pagkarating sa hospital ay sinamahan ako ni kuya hanggang loob dahil gusto niya daw makita ang asawa ko.
Pagpasok ko sa kwarto ni Shaun ay kinabahan ako ng hindi siya makita dito, wala din ang mga gamit niya at nakaayos na ang higaan.
Where's my husband? Is he awake?
" Nasaan ang asawa mo?" tanong ni kuya sa likod ko, nagtataka.
" N-nandito lang siya kanina,"
Lumabas ako sa kwarto at saktong nakasalubong ko ang nurse na naka assign kay Shaun.
" Miss, where's my husband?" nagtataka naman siyang nakatingin sa akin.
" Hindi niyo po alam?" kunot noong tanong niya.
" Magtatanong ba ako kung alam kong nasaan siya? Damn it, sabihin mo nalang!" hindi ko na napigilan ang pag sigaw kaya hinawakan ni kuya ang balikat ko.
" Hey, calm down,"
" G-gising napo siya," utal na sabi ng nurse. Naramdaman kong nagsisimula nang pumatak ang mga luha ko.
" Nasaan siya?" i asked. Gusto kong makita ang asawa ko. Damn, I miss him.
" L-lumabas napo sila ng hospital kanina," kinakabahang saad niya.
" Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Bakit hindi sinabi sa akin ni mama? Bakit hindi nila ako tinawagan? Damn!
" Zari! Saan ka pupunta?" sigaw ni kuya, hindi ko siya pinansin at dumeretso sa sasakyan niya.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, saya, kaba, at takot.
" Ikaw mag mamaneho?" kunot noong tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at nagmaneho nalang.
" Shit, zari! Slow down!" sigaw ni kuya ng bilisan ko ang pagmamaneho. Hindi ko siya pinansin, ang gusto ko ngayon ay makita na ang asawa ko.
Pagkarating sa bahay ng parents ni Shaun ay hininto kona ang sasakyan, napalingon ako kay kuya ng hindi siya gumalaw. Gusto kong matawa sa itsura niya dahil para siyang nakakita ng multo.
" Are you okay?" i asked worriedly. Napalingon siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.
" Damn it, zari. Papatayin moba ako? Hindi tayo nakikipag karerahan." napanguso naman ako sa sinabi niya bago lumabas ng sasakyan.
" Shaun! Mama! Nasaan po kayo?" pag tawag ko pagpasok ng bahay nila pero ang tahimik ng bahay. Nakita ko si manang, ang katulong nila kaya linapitan ko ito.
" Oh hija, may kailangan kaba?"
" Nasaan po sila Shaun?" tanong ko, napakunot naman ang noo ni manang.
" Anong sinasabi mo, hija? Diba ay nasa hospital ang asawa mo?" tanong niya.
" Nakalabas napo sila ng hospital," nagulat siya sa sinabi ko.
" Hindi pa sila umuuwi dito," napakagat ako ng ibabang labi bago tumango sa kaniya.
" Sige po, manang. Salamat, una napo kami," tumango lang siya bago ako bigyan ng matamis na ngiti.
" Ako na ang mag mamaneho," seryosong sabi ni kuya kaya tumango nalang ako.
Habang nasa sasakyan ay sinusubukan kong tawagan sila mama pero nakapatay ang cellphone nila. Napahilamos nalang ako sa mukha ko.
Nasaan ka, Shaun?
Pagkarating sa bahay naming dalawa ni Shaun ay pumasok agad ako sa loob.
" Shaun! Nandito kaba?" umaasang tanong ko. Pumunta ako sa kwarto namin pero wala siya doon.
Wag kang mag isip ng kung ano-ano, zari.
" Tinawagan kona si mommy pero wala daw doon ang asawa mo," sabi ni kuya pagkababa ko ng hagdan. Nanghihinang napaupo naman ako sa dulo ng hagdan at nagsimulang umiyak.
" S-shaun..." i cried harder.
Paano kung iniwan na ako ni Shaun?
No....