CHAPTER THIRTY | PROPOSAL
Colby
MALALIM akong huminga matapos ko sipatin ang sariling repleksyon sa salamin. Ngayon ko balak mag-propose kay Kriselle at humahanap lang ako ng tiyempo. Kanina pa ako nakalayo sa kanya dahil sa dami ng kakilala dito sa party ni Director Limon. I heaved another sigh before leaving the comfort room. Paulit-ulit ko sinabi sa aking sarili na mag-po-propose ako, hindi bibitayin.
Paglabas ko, agad ko ginala sa paligid ang aking paningin upang hanapin si Kriselle. I last saw her standing near the punch table, drinking endlessly.
But where is she now?
"Colby!" Tawag ng magiliw na boses mula sa aking likuran. Sa paglingon ko mukha agad ni Olesya ang aking nakita. "Are you looking for your girlfriend?"
"Yeah," maikli kong tugon saka muling ginala ang tingin sa paligid.
"She went out after I told her I went out with you on a date several times." Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Olesya.
She did what?
Hindi bago kay Kriselle na may mga naka-blind date ako pero 'di na namin pinag-uusapan iyon. It's all in the past and not appropriate to discuss with my current relationship. Akala ko iba siya sa mga babaeng nakilala ko at matino siya kausap. Binigyan niya lang ng rason si Kriselle para humina ang loob bigla.
Agad ko tinalikuran si Olesya at tumungo ako sa labas para hanapin si Kriselle. Naniniwala ako na hindi siya uuwi dahil bukod sa mahirap sumakay sa lugar na 'to, gabi na rin at delikado lalo kung may tama pa siya ng alak.
Patuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa garden. Masyadong malawak itong bahay ni Director Limon at para sa katulad ni Kriselle na madaling makalimot ng daan, maaari siyang maligaw. Hinubad ko na ang suot ko na coat at naisipang ipagpaliban muna ang planong pagpo-propose. Ang importante ngayon ay mahanap ko siya at makauwi na kaming dalawa.
The past days since Lola Irene invited her to had lunch, Kriselle became a little distant to me. Hindi naman ako galit at pinili ko lang na tumahimik saka huwag na pag-usapan ang bagay na tungkol sa nangyari na. I learned about Lola putting a lot of pressure on Kriselle instead of me. Nabigyan nga kami ng approval, gusto naman agad-agad ay magpakasal na kaming dalawa. Pinalis ko iyon sa aking isipan at tinuloy na ang paghahanap hanggang sa makita ko si Kriselle sa may garden.
"The party is inside, not here, babe." Lumingon sa akin si Kriselle pagkarinig sa sinabi ko.
"I prefer to party here alone."
"Mind if I join you?"
Umiling siya. "You don't belong here. Go back inside, that's where your world is." Pagkatapos ituro ang nagaganap na party sa loob ay nagsalin siya ng champagne sa baso. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyong bote na hawak. Base sa inaakto niya, may tama na siya ng alak at nagiging makulit na rin siya. "Are you still mad at me?"
"Why would I?" She smiled and then shook her head several times. Huminga ako nang malalim saka nilapitan siya. "Let's go home now, Kriselle."
Agad na sumama sa akin si Kriselle pauwi at sinurender na rin niya ang alak na iniinom. Buong biyahe ay tahimik lang siya at hindi rin naman ako kumibo. Pinili ko na huwag dahil baka pagmulan lang ng away naming dalawa.
Pagdating naman sa unit nagulat na lang ako nang bigla niya ako halikan sa labi. It's unlike of her as if I'm dealing with Kriselle other self. Hinayaan ko siya na gawin ang gusto niya hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nilulukob na rin ng init. Halata na sa paraan ng paghalik ko sa kanya. I pulled her closer to deepened our kiss until Kriselle ended it.
Napatingala ako at hindi nagawang pigilan na umalis si Kriselle. Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa buksan nito ang fridge upang kumuha ng maiinom na tubig. She was drunk and it's my to take advantage of her state. Hindi ko dapat ginawa iyon kaya naisipan ko na lang na lapitan siya saka akapin mula sa kanyang likuran. Parang pagod na pagod niya sinandig agad ang ulo sa aking dibdib.
"I'm sorry," Kitang-kita ko kung paano niya isara ang mga mata sa sandali. Maraming natakbo sa isipan niya at sigurado ako doon. "Nadala ako sa sinabi ni Lola Irene na unahan ka. Nakalimutan ko na iba ka pala sa mga lalaking nakilala ko. And those words from that germs about me stuck on my head. I'm starting to feel that I may not be enough to you."
Kung 'di ako nagkakamali, yung germs na tinutukoy niya ay ang manyak niyang ex-boyfriend. The one that I tripped off before.
"It's okay. I'll cook something to eat. Para may laman ang tiyan at hindi sumakit ulit." Niluwagan ko ang pagkakayakap sa kanya at aktong bibitaw na ngunit may naalala akong sabihin sa kanya. "Whatever is in your head right now, take it away. You're more than enough to me and you don't need to take initiatives to provoke me. Plano ko na din talaga ito gawin at kumukuha lang ako ng tamang tiyempo."
Tuluyan akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya at pinihit siya nang marahan paharap sa akin. Dahan-dahan akong lumuhod habang nakahawak sa isang kamay niya ang kamay ko at isa naman ay kinakapa ang ring box sa loob ng coat na suot ko. Ito na ang tamang tiyempo na kanina ko pa hinihintay para gawin ang plano ko na mag-propose sa kanya. It's an intimate proposal since only the two of us are involve. Tumingin ako sa kanyang mga mata at sandaling binitawan ang kanyang kamay para mabuksan ko iyong kahita.
"Kriselle, will you marry me?"
Kriselle wide eyed gazed met mine and all I get to do is to smile at her while showing the ring I bought in Hawaii. Matagal na sa akin ang singsing na ito. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sundin ang aking nararamdaman at alukin siya ng kasal. May kaba akong nararamdaman dahil wala akong ideya kung papayag ba si Kriselle. And if not, I'll try again someday.
Hindi rason para iwan ko siya dahil normal lang na kilalanin niya muna ako bago ako pakasalan o tanggapin ang aking alok.
"Yes, I'll marry you."
Hindi ko inasahan ang magiging sagot niya. Agad akong tumayo at niyakap siya nang mahigpit.
"I love you," I said, sliding the on her finger. Muli kaming nagyakapang dalawa. I kissed her forehead, her nose, and lips repeatedly.
***
NAUBOS ANG ORAS namin ni Kriselle kakausap tungkol sa mga detalye ng kasal. She wanted a simple wedding and it will be held in Batangas. Doon mismo sa simbahan na dinalaw namin noong nakaraan. Gumawa siya ng list para wala kami nakalimutan pero may isa palang pinaka-importante na kahit wala sa list ay 'di maaaring kalimutan. No one will accompany Kriselle while walking in the aisle.
"Does it matter?" Narinig ko na tanong ni Kriselle sa coordinator na nakausap namin. Kinuha na lahat ng coordinator ang pangalan ng mga guardian namin at hindi binigay ni Kriselle iyong kanya. "I don't have a family. My mother died almost nine years ago. Just leave it all blank but do not remove Lola Irene's name. She's the only family that he has."
Tumingin sa akin si Kriselle saka ngumiti. May kailangan ako gawin pero baka ma-off siya kapag inunahan ko siya sa pagdedesisyon.
"Do what the bride says you to do." Iyon na lang ang aking nasabi. Ang kasal namin ay araw para sa aming dalawa at gano'n na rin sa malalapit sa amin.
Nag-proceed na sila sa theme ng kasal at bohemian wedding na akma naman sa garden altar ng simbahan na pagkakasalan sa amin. I already asked Edwyn to go there and secure the date we both wanted to get marry. Tinawagan na rin ni Kriselle ang kakilala niyang pari at pumayag na ito na ikasal kami.
"Stop staring, babe. May nagawa ba akong kasalanan?" tanong niya sa'kin nang kaming dalawa na lang naiwan.
"Are you sure about not inviting your father?"
"He cut ties with me. Binigay na niya sa anak niya yung mana ko kay Mommy. Palabas lang niya na para sa kasal ko iyon. He used the money to give his other daughter a debut she deserved to have."
"Okay. If that's what you want, it will happen."
"I can ask Sean to walk me down the aisle. Kapatid naman turing niya sa akin. Pwede rin na samahan akong maglakad ng tatlo kong kaibigan dahil mga kapatid ko rin sila. Maraming option, babe, don't worry."
"We will skip the pamamanhikan part, right?"
"Yes, but if Mama were still alive, she'll approve you. Magiging kampante iyon na aalagaan mo ako kahit na anong mangyari."
"Pwede ko na ba siyang harapin?"
"Pwede naman na,"
Kriselle and decided to set a date when we will visit her mother's tomb. Naisipan namin na gawin iyon next weekend dahil jampacked na bukas. Aalis kami para pumunta personally sa Batangas at dalhin ang mga requirements naming dalawa. Hindi kasi sapat na na-secure lang ni Edwyn at natawagan ni Kriselle ang kakilala niya. Kailangan pa rin na may naipasa na kaming requirements para sa kasal sa ibang lugar.
Kasama na ang permit sa munisipyo ng Lipa, Batangas at dito sa Maynila. Maraming lakarin at kailangan ito para mabigay ko ang pangarap na kasal ni Kriselle.
***
NATULOY ANG PAGPUNTA namin sa puntod ng nanay ni Kriselle. Heto ako at mag-isang nakatayo sa harap ng puntod ni Mrs. Bonifacio. Ang sabi ni Kriselle, bigyan ko lang siya ng signal kapag tapos na ako kausapin ang nanay niya. Marami akong gustong sabihin sa kanya dahil pinagdaanan ko rin iyong dinaanan niya noong nabubuhay. I was diagnosed with cancer almost nine years ago.
Dahil sa pagkakasakit ko at pagiging hopeless, nakilala ko si Kriselle. I wasn't able to meet her mother that time but I know that Kriselle's mom had a low chance of surviving unlike me. Pakiramdam ko talaga ay nadugtong sa akin ang buhay ng nanay ni Kriselle para magkita pa kaming dalawa at heto na nga iyon. Nagkita nga kami at nagawa na naming ituloy ang pagmamahalan na nagsimula halos siyam na taon na ang nakalilipas.
"I don't know what to say, ma'am. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako gayong malabo naman ho kayong makasagot. Ah... Ako nga po pala ang lalaking magpapakasal kay Kriselle, Colby Levezque. Unfamiliar but I knew you through your daughter's story. Likas ho na madaldal ang anak niyo kaya hindi ko maiwasang mainis noong una."
Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.
"I am going to marry your daughter, ma'am. Narito po ako para personal na hingin ang kamay niya sa inyo. Hindi po ako mangangako bagkus ay gagawin ko at ipapakita sa anak niyo kung gaano ko siya kamahal. Nababali ang pangako kaya hinding-hindi ko gagawin iyon o sasabihin kay Kriselle. She experienced a lot of broken promises in the past and I don't want her to experienced another again."
Malakas na umihip ang hangin at nilipad ang mga dahon na nagkalat sa paligid. Napatingin ako sandali bago tumingin sa muli sa puntod ni Mrs. Bonifacio. Sa kabilang malakas na ihip ng hangin, hindi namatay ang kandila na sinindihan ko kanina. Alam ko na si Mrs. Bonifacio iyon at iyong malakas na hangin ay hudyat na pinapaubaya na niya sa'kin si Kriselle. Binalingan ko si Kriselle na nakatayo sa harap ng kotse ko at kinawayan siya para lumapit dito.
"Hi Mama! Nakilala mo na ang boyfriend ko? Ang gwapo niya no? I wish you were here with us to witness our wedding." Malungkot na salita ni Kriselle nang makalapit at natapos sindihan ang kandilang dala-dala. "I'm sorry if I didn't fulfill your last words when we met in my dreams. Masyadong masakit po kasi at kahit magsisimula na ako ng sarili kong pamilya, mananatili ito dito. Time will heal and I will be able to forgive him sooner or later."
Inakbayan ko si Kriselle saka marahang sinapo ang kanyang pisngi saka pinalis ang luha doon. Sinabihan ko siya na ayos lang magpatawad pero hindi ibig sabihin noon ay maibabalik na sa dati ang isang relasyon. May mga klase nga relasyon na mas mainam na hindi buuin kaysa makapanira pa. Iyong kay Kriselle at sa tatay niya ay isang klase ng relasyon na mas mainam kung hindi buuin. Magpapatawad ang kasintahan ko ngunit malabo na tanggapin niya si Mr. Mercado.
"Huwag ka po mag-alala, Mama, susubukan ko para hindi maging mabigat ang pagpasok ko sa panibagong mundo kasama ang mahal ko. Iyong mundo na kay Colby at sa pamilyang meron kami iikot."
Tumingin siya sa akin saka ngumiti. Gano'n din ng balak ko at ang ipaubaya ang lahat sa Diyos ang tanging sandigan na meron ako ngayon. Lahat ay itinataas ko na sa Kanya...