CHAPTER THIRTY-ONE | FORGIVENESS
Kriselle
KUNG MAY CHOICE lang ako, hindi ko naman gagawin ito. Ayoko na makita pa si Papa at patuloy na marinig ang mga kasinungalingan niya. Pero kailangan ko gawin para naman maisara ko na itong bukas na libro sa buhay ko. Kinakabahan ako kaya naman sinamahan ako ni Colby pero nasa sasakyan lang siya at naghihintay sa'kin.
Maaga akong dumating dito pero wala pa rin si Papa. Iniisip ko na baka hindi na siya tutuloy. Pero magbabakasakali pa rin ako at maghihintay pa ng ilang minuto. Huminga ako nang malalim at luminga-linga sa paligid bago binalik ang atensyon sa aking cellphone.
From: Babe
Still not there?
Iyon ang text na nabasa kong pinadala ni Colby. Dinampot ko iyon at magta-type na ng message nang may pumasok sa loob ng restaurant. Pagtingin ko ay agad ko namukhaan si Papa. Kakawayan na sana ngunit nakita ko na kasama niya ang kapatid ko saka nanay nito.
Does he forget that he scheduled a meet up with me? Alam ba niya kung ano ang dapat ko i-set aside para lang pagbigyan ang hiling niya?
Sayang lang paghihintay ko. Up to this moment, he cannot be true to his words. Talagang hindi na niya ako iniisip bilang anak niya o kahit ituring 'man lang. Nilikom ko ang gamit ko at tumayo na ako saka tumungo sa cashier para kuhain iyong take out ko na pagkain namin ni Colby.
"Hi! Can I get my take out now?" Magiliw kong tanong saka inabot ang waiting number ko.
"Engr. Kriselle?" Pukaw sa akin ng tinig at kung hindi ako nagkakamali ay si Ms. Lopez iyon. Mrs. Mercado na pala dahil kasal na sila ni Papa. "What are you doing here? Kasama mo ba si Dr. Levezque?"
"I had a meeting, but he didn't show up. Colby is in our car, waiting for me."
"Can you call him? I have favor to ask in him kasi,"
"Mommy..." pigil ni Eden, kapatid ko pero ako lang ang may alam.
"Zara." There he goes. May boses naman pala siya.
Huminga lang ako nang malalim at binalinga ang staff na nag-abot sa akin ng orders ko. Inayos ko ang pagkakahawak ko doon at hinayon ang tingin ko sa kanilang tatlo.
"I have to go now. May seminars pa kami na kailangan puntahan ni Colby." Bahagya akong yumukod at aktong tatalikod na sana ngunit nagsalita si Zara
"Sayo ko na lang hihilingin na isama sa entourage niyo ang anak ko." Kumunot ang noo ko bigla. Kitang-kita ko kung paano siya pigilan ni Eden habang si Papa naman ay napayuko na lang. "Half sister mo naman ang anak ko kaya dapat lang na invited kami at nasa entourage. Your Dad will escort you on the aisle."
Alam niya?
Mapait akong ngumiti. Tungkol lang pala dito ang pagkikita na 'to na hiniling ni Papa. Is he expecting me to allow him to escort me on the aisle? Isasama ko pa ang kapatid ko sa entourage... Another stress na naman sa end ng mga nag-aayos ng kasal namin ni Colby. Ni-hindi niya nga inayos ang lahat at nang akala ko na aayusin na niya dahil willing siya kausapin ako, ito lang pala ang ipapakausap sa akin.
It is unbelievable. Hindi ko lubos maisip na inasahan ko siya na magpapakalalaki kahit sa kahuli-hulihang sandali.
"My friend will escort me on the aisle, Ms. Zara," I said without breaking my eye contact with Papa. "And for the entourage, nagawa na ang invitation namin at nasa process na distribution. You could have told me earlier that you knew me, but I will try to squeeze in her name on the list of remaining invitations we haven't sent."
Muli akong yumukod sa kanila at tumalikod na. Tuloy-tuloy akong lumakad palabas ng restaurant hanggang sa makarating ako sa parking lot.
"Kris..." Tawag sa palayaw ko na kahit hindi ko lingunin ay alam ko na si Papa iyon.
I sniffed before facing him.
"What? Huwag mo na po ipilit na baguhin ko pati ang maghahatid sa akin sa altar, 'Pa. Malaking sakripisyo na iyong pagpayag ko kanina. Iregalo niyo na po sa akin ang araw ng kasal ko, please? Qouta na ako sa sakit dahil sa inyo."
Tuloy-tuloy iyon at nang matapos saka palang ako huminga. Halos hindi ko na makita si Papa dahil sa luhang namuo at unti-unti bumabagsak mula sa akin mga mata.
"It's not that, anak. Desisyon mo iyon at ginagalang ko. Gusto ko lang magpasalamat at hindi mo dinamay ang kapatid mo."
"Wala naman siya kasalanan. Biktima lang din siya... gaya namin ni Mama."
"I know. Kulang ang sorry lang at hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon ay binigo kita." Huminga nang malalim si Papa bago muling nagsalita. "Zara saw our text conversation earlier. Kaya sila sumama para makausap si Dr. Levezque tungol nga sa entourage niyo. She believed that Eden has a right to be your maid of honor."
Hindi ko na alam kung alin ba ang paniniwalaan. Mas malinaw pa rin sa akin na gusto lang nila akong saktan ngayon.
"I'm sorry po pero hanggang sa entourage lang. Ako po ang ikakasal, 'Pa. As much as possible I want that special day be intimate and exclusive for us. Sa'min ni Colby." Tumango-tango si Papa sa sinabi ko. "Sabi po pala ni Mama, pinatawad ka na niya."
Doon napaiyak si Papa. Alam niyang malaki ang kasalanan niya kay Mama kaya siguro napaiyak ng ganito. Naglakas loob akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat.
"Pinatawad na din po kita pero ayos na po tayo sa ganito. Salamat po sa lahat ng binigay niyo noon. Naging masaya naman tayong tatlo kahit sandaling panahon lang. Salamat po, Papa."
Iyon lang at tinalikuran ko na siya. Tuloy-tuloy akong lumakad hanggang sa maisipan ko magtago sa isang konkretong pader. Dahan-dahan ako napatalungko at niyakap ang dalawa binti matapo ilapag ang bitbit na order ko. Inisip ko lahat ng sinabi ko kay Papa kani-kanina lang. Patuloy akong suminghot at hindi ko maiwasang umiyak na parang bata na inagawan ng kendi.
"Babe..." Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin at nakita ko si Colby. Nagtuloy-tuloy ang agos ng luha ko matapos ko makita ang human sponge ko. "Stop crying like that. Nalulukot ang mukha mo kaya," hinampas ko siya ngunit imbis na masaktan ay tumawa lang ito. "Tayo na diyan. Ililibre kita ng ice cream job well done, babe."
"Talaga ba?" umiiyak ko na tanong. "I'll squeeze Eden's name on our invitation."
"Kaya ng well done, babe. You did it."
Inalalayan niya ako makatayo matapos kunin ang take out na pagkain namin. Niyakap niya ako agad inalo sa pamamagitan ng paghagod sa aking likod. Para tuloy siyang may inaalo na bata sa katauhan ko at mabuti na lang kami lang narito sa parking lot. Paulit-ulit niya sinabi sa akin na nagawa ko at proud siya sa akin. Mga salitang sapat na sapat na para kumalma ako nang tuluyan.
***
TINULUNGAN KO si Mercy na ilabas lahat ng niluto ni Lola Irene para sa family dinner namin. Sa labas naroon si Erian at kasamang nag-iihaw ni Colby. Pagkalapag ko sa pagkain at nilapitan ko ang aking boyfriend at pinunasan ang pawis niya. Bagay na kinainis ni Erian kaya tinulak-tulak niya ako pero hinarang ni Colby ang katawan sa akin.
"May iba tayong bisita?" tanong ko kay Colby.
Kumunot noo niya nang makita iyong sasakyan na huminto sa harap ng bahay ni Lola Irene.
"Baka magso-solicit lang kay Madam." Sabat ni Erian na patuloy na nag-iihaw. Rolls Royce ang sasakyan, magso-solicit? Gano'n pala mag-solicit ang mayayaman. Dahil nasa likod kami, bigo kaming makita kung sino ang bumaba at ipagsasawalang bahala na sana namin kaso itong si Colby usiserong tunay.
"Manang, may bisita po ba si Lola?" tanong niya sa matandang katiwala ni Lola Irene.
"Nako, nandyan na naman ang feelingerang inaanak ng Lola mo sa kasal, si Zara at iyong anak niyang retokada." Napatingin sa akin si Colby.
Alam ko na hindi sila inimbita ni Lola Irene. Sinabi na ni Colby ang relasyon na meron ako sa kanila. Isang dahilan kaya hindi na ito kumontra nang sabihin ko na si Sean ang maghahatid sa akin sa papuntang altar. Maigi na daw na iba kaysa magkagulo na naman kaso mukhang ayaw talaga patalo nitong si Zara.
"Hindi naman po sila inimbitahan ni Lola?"
"Nako hindi. Ang bilin ng Lola mo, ang mga Ortega at kaibigan ni Kriselle lang ang bisita natin dito."
Kumpleto na ang mga bisita ko at nakaupo na sa harap ng hapag kainan. Lahat kami'y natigil sa pag-uusap nang dumating si Lola Irene kasama si Zara at Eden. Nagpadagdag itong plato dahil malamang ay nahirapan na paalisin ang dalawa. Pinili ko na manahimik kahit sa mga mata ng kaibigan ko ay ang tanong na bakit narito sila. Tinawag kami ni Lola Irene para mag-umpisa na kumain at siya na ang nanguna sa pagdarasal.
Mahabang pasensya po, Lord ang kailangan ko ngayon.
"Narito pala si Engr. Ortega. Balita ko ikaw daw ang maghahatid kay Kriselle sa altar. Hindi ba off dahil nagkaroon kayo ng relasyon dalawa?" Simula ni Zara na dahilan para ibagsak ko hawak na kubyertos. Gano'n din si Sheena at magkapanabay sila ni Colby na hinawakan ang kamay namin pareho.
"It's inappropriate to talk about that in the presence of my wife, Ms. Mercado. Panauhin tayo ni Madam Levezque at desisyon ng ikakasal na ako maghatid sa kanya sa altar." Binalingan ni Sean si Lola Irene. "My aplogies, ma'am."
"It's okay, Engr. Ortega. I know that you are Kriselle's only family aside from her friends." Kahit paano'y kumalma ako. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Zara nang mabanggit ni Lola Irene na si Sean at mga kaibigan ko lang ang pamilya na meron ako. "Can we not talk about inappropriate things, Zara? I might ask you to leave if you continue making may guests and my grandson's fiancé uncomfortable."
Tumingin ako kay Sheena at kumindat lang siya sa akin. Nagpatuloy ang dinner at panay lamang ang pagbibida ni Zara sa anak niyang si Eden. Feeling at home kahit hindi naman siya welcome dito. Walang kaso kung kapatid ko lang dahil sabi ko nga, wala siyang kasalanan sa nangyari. Mga biktima lang kami at iyong dapat magbayad ang mga maguoang niya.
"The audacity of that woman to talk about your past with Sean. Nakakainis sobra!" Hera said while removing my worn-out nail polish.
"Si Sean pa ang aaryahan niya eh isang matabil na dila din iyon. Buti at sport si Sheena." Segunda naman ni Beauty.
"Akala ko nga bubulyawan niya eh. Dragona daw si Sheena sabi ni Sean diba?" Dagdag ni Autumn na dahilan ng pagtawa namin. "Huwag mo i-na-nag ng malala si Colby, ha." Paalala pa niya sa akin.
"Siya ang nagger sa kanilang dalawa ng kaibigan natin. Sa dami ba naman ng online purchase nito, mapipikon ka talaga." Hera said, which made me frown. "Pero seryoso ka? Dinagdag mo tapaga ang half sister mo sa invitation."
"Naihabol naman mga sampung invitation din iyong nabago. Naipadala na sa kanila kaya nga siya sumugod dahil abay lang. Akala siguro ay papalitan ko ang maid of honors ko."
"Asa naman siya na papakabog kaming tatlo?" Autumn said then we laughed. Nagpaiwan sila para may girl night out daw kami dito sa bagong bahay ni Colby. Dalawang kanto ang layo mula sa pinaggalingan naming bahay ni Lola Irene. Nasa baba si Colby kausap ni Erian at one on one sila sa inumang dalawa.
"Hindi ko na iyon papalitan. Sapat na iyon na hindi ko dinamay ang anak nila. Wala siya kasalanan at nagkataon lang na nasa mali ang nanay niya at si Papa."
"So kasama siya sa bridal shower mo sa susunod na buwan? O baka mag gate crash din siya sa house warming nitong bahay niyo," ani Hera.
"Colby doesn't allow guests who's not related or close to us. Kayo-kayo lang syempre tiga-OCG ang may gawa nito."
Sinabi ng mga kaibigan ko na masarap pagkain sa dinner kanina. Iyon nga lang dahil sa sobrang hangin ni Zara hindi nila masyadong na-appreciate. Mabuti at nagpabaon sa amin si Lola Irene dito sa bahay na siyang nasa harapan naming apat ngayon.
"May bridal shower na tayong apat ngayon. Hindi na natin ma-e-enjoy kapag nasa eksena ang half sister mo." Suhestyon ni Beauty.
"Wala si Mercy at Sheena." Sabi ko na sandali nila kinatahimik.
"Eh 'di mag batch 2 tayo ng bridal shower. Kasama na sila sa susunod kaya ngayon tayong muna. Sakto may dala ako mga laruan dito na pwede ko ituro sayo," wika ni Hera.
Napatili lahat pero pinaka-malakas sa akin nang ilabas na ni Hera ang baon niya at ipakita sa amin. Hindi ko sukat akalain na nag-exists ang ganitong klase ng laruan at pulos tungkol na sa sex ang usapan namin. Sabi nila, mukhang expert naman si Colby kaya wala daw akong dapat ikatakot pero sa kwento palang nila, sunod-sunod na ang paglunok ko ng malala lalo nang mag-umpisa mag-usap tungkol sa mga posisyon. Kayanin ko kaya lahat ng sinabi nila? Ang scary na nakaka-curious kung pakikinggan.
Nawa'y gabayan ako ni Lord lapag first na namin..