CHAPTER TWENTY-SIX | HELP YOU REMEMBER

Colby

"I'LL help you to remember then,"

I bridged the space between Kriselle and me and cupped her face to seal her lips with a kiss. That's what happened the night when I let her sleep in my unit. Kriselle kissed me after saying she wanted to keep me by her side. The memory she blocks in her mind due to mental blackout is based on Erian's diagnosis. Sandali siyang hindi nakahuma sa ginawa ko at natagalan bago tinugon ang bawat paghalik ko sa kanyang labi.

Iyong isang kamay ko'y dahan-dahang bumaba mula sa kanyang mukha at pumapalupot sa kanyang baywang. I pulled Kriselle closer to me to deepen our kiss which she didn't stopped. Nanantya pa ang paghalik ko sa kanya dahil baka bigla niya ako itulak ngunit nang pumapalupot sa batok ko ang dalawang kamay niya, nagkampante na ako. I carried and pressed her gently on the wall. Hinawi ko ang buhok niya at mas pinalalim pa ang paghalik sa kanya.

Sandali akong huminto para alisin ang salamin ko sa mata at ihagis iyon kung saan bago siya binuhat papunta sa couch saka hinalikan ulit. I sat on it and let her straddled me. Sinandig ko ang aking ulo sa sandalan ng couch habang tinutugon ang halik niya. Masuyong humagod sa likod niya ang kamay ko habang patuloy siyang hinahalikan. Lumipat iyong ulit sa kanyang magkabilang pisngi at inipit ko sa likod ng tainga niya ang takas na buhok na humaharang sa mukha.

I groaned when she stopped from kissing me. Naghabol halik pa ako at dinama ang kamay na nakatuon sa aking dibdib. "D-do I have to take my blouse off?" she inocently asked,

I chuckled, and that made Kriselle bury her face in my chest.

"Depende sayo." I slouched and put my hand on her sides. "If you don't want to continue, then we will not. I just did what I did to help you remember everything." Mahinang bulong ko sa kanya saka hinalikan ang kanyang batok at maging ang kanyang balikat. We're in an awkward position and this gave me a boner. Ayoko siyang pilitin kaya tingin ko kailangan ko maligo ng malamig na tubig ngayon.

"I didn't mean to draw line between us, Colby. Natatakot lang ako at dahil sa stress, nakaranas ako ng mental blackout."

"And I didn't mean to avoid you nor draw the line either."

"So, sinundan mo ako dito?"

"Yes, because I'm worried. When Erian confided to me, I called Engr. Ortega immediately, and he said he approved your one-month leave." May konting sama ng loob dahil pinili niyang sabihin sa iba kaysa ako ang kausapin. Pwede naman namin pag-usapan ang tungkol hindi bilang doktor-pasyente, kung 'di bilang dalawang tao na may mutwal na damdamin para sa isa't-isa.

"Naka-leave ka rin?" Hindi ko masabi kung leave ba ito. Basta umalis ako at sinabi ko kay Erian na may pupuntahan lang ako. It's like I left an establishedment for a while and let it run itself alone.

"For a week. I have a hospital to run back home."

Kahit gusto na mag-stay dito nang matagal ay hindi pa rin pwede. Pumunta lang talaga ako para i-check si Kriselle dahil natakot ako na pagdaanan niya ang mga pinagdaanan. I felt all alone back then. Natatakot ako ibukas ang aking sarili sa iba dahil sa judgement. Then, Kriselle happened. She came crashing into life and change it in an instant.

"What are we now?"

"I don't know. You name it, Kris." Sa isip ko girlfriend ko na siya pero dahil ayokong biglain siya minabuti kong siya na ang magdesisyon. "Whatever your decision, I'll respect it and will remain your friend forever."

***

KUNG NAKAKAMATAY ang titig ni Lola Irene, kanina pa ako tumimbuwang dito. Hindi siya nagsasalita at iyon ang nakakatakot. She invited me to dine with her and Mercy after I came back from Boracay. Special dinner dapat ito na may kinalaman sa graduation permit ni Mercy. Finally, magkakapag-tapos na ang kapatid ko. Pero hanggang ngayon wala akong ideya kung kanino niya nalaman na doon ako galing at sinabi naman ni Erian na hindi siya ang informant ni Lola. Isa na lang ang naiisip ko at iyon ang bibo niyang secretary na malamang sinundan ako.

Halata sa balat niya na galing siya sa beach. Bihira magbakasyon si Edwyn dahil dedicated masyado sa paglilingkod kay Lola. Kung ako ang masusunod, patatayuan ko siya ng rebulto sa labas ng bahay na 'to. Masyadong loyal sa Lola ko at pati ang privacy ko'y nakokompromiso.

"I still can't accept that you chose that engineer over the best candidates to be your wife I chose, Colby." May halong pagtatampo sa tinig ni Lola.

"That engineer has a name, Lola. It's Engineer Kriselle Bonifacio, and if it's a sin to choose her, I'm willing to be a sinner."

"Ano ba ang pinakain sayo ng babaeng iyon?"

Binaba ako ang kubyertos at matamang inalis sa aking kandungan ang table napkin. Basta ko na lang iyon nilapag sa gilid ng plato ko.

"Kuya..." Tumingin ako agad kay Mercy.

"I'll treat you next time, Mercy. Congratulations and I won't miss your graduation." Hinalikan ko ang tuktok ng ulo Mercy. "La, you're the first person whom I wish will understand my decision. Kriselle isn't just a regular woman I met. She saved me many times. Siya ang dahilan kaya kasama niyo pa po ako ngayon."

Hindi ko na hinintay si Lola na makapagsalita pa. I walked out after kissing my grandmother's cheek. Ayokong magkaroon kami ng alitan dalawa dahil importante siya akin. Mag-iiba 'man ang priority ko, mananatili siyang may puwang sa puso ko. Minahal at inalagaan niya ako nang walang pag-a-alinlangan simula ng mamatay ang aking mga magulang.

Dumiretso ako sa isang bar na malapit sa aking unit. Gusto ko lang mag-unwind muna bago umuwi at matulog. Kanina pa ako hinihila ng aking katawan pabalik sa Boracay kaso may mga trabaho ako dito. Gusto ko na lang tuloy hilahin ang araw para bumalik na si Kriselle. Without her presence, my day is incomplete.

"Hey, narito ka lang pala. Sabi ni Madam ay hanapin kita," untag ni Erian sa akin.

"We had a small misunderstanding."

"And you chose to walked out. Natural na magtampo ang Lola mo. The older we get, the more we became emotional. Inaral natin iyan, ah."

"I know that. Ang gusto ko lang mangyari ay maintindihan niya ang desisyon ko."

"I didn't expect you to be this bold, Col. Para sa babae, kinalaban mo ang Lola mo na sobrang mahal na mahal mo."

"Love can make humans do the least expected."

Tumawa si Erian at sinabi niya sa akin na mas mabuting balikan ko si Lola. Huwag ko na tikisin at maaari ko naman ipaintindi ang desisyon ko sa kanya. Sinunod ko ang sinabi ni Erian at bumalik nga ako sa bahay ni Lola Irene. Naabutan ko si Lola sa harap ng altar kung nasaan ang larawan ng mga magulang ko. She particularly lifted up my Dad's picture frame.

"Three decades have passed, Paul. Hindi ko pa rin sukat akalain na mauuna ka pa kaysa sa akin. Are you watching your son from wherever you are? He grew up exactly like you. Pati sa pagdedesisyon sa taong mamahalin, ikaw na ikaw. Tulungan niyo akong kinalalanin at matutuhang mahalin ang babaeng mahal ng apo ko."

That wish touches my heart. Hindi ako nag-atubiling lapitan si Lola at yakapin nang mahigpit.

"I'm sorry, 'La." Tinapik-tapik niya ang braso ko.

"Bakit ka bumalik?" Niluwagan ko ang yakap sa kanya at marahan siyang pinihit paharap sa akin.

"Hindi ako makakatulog na may tampo ka po sa akin. Alam ko po na pasaway ako at lagi ko pinasasakit ang ulo niyo. But, trust me on this one. You'll love her the way you loved Mommy."

"Kikilalanin ko muna. Wala naman na akong magagawa dahil nakapagdesisyon ka na."

"Tone down your kontrabida voice. Wala tayo sa teledrama, 'La." Hinampas ako ni Lola sa aking braso. "You won't regret meeting Kriselle. Siya ang dahilan kaya nakaligtas ako mula sa suicide attempt ko noong malaman ko na may cancer po ako."

Hindi na nakakibo si Lola Irene. Alam ko na matagal na niya gustong malaman kung sino iyong nagligtas sa akin noon. She even promised that she'll reward that kind person, and I think her approval will be enough for us, I guess...

***

NAPAHINTO AKO sa pagkain nang may maglapag ng folder sa aking harapan. The same person who put the pile of papers in front of me took the seat across mine. Hindi ako agad nakakibo nang makita si Kriselle na nakasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin.

"Masarap ba iyong almusal na bigay ng nanay ng pasyente mo, Doc?" Tinuloy ko ang pagnguya at inusod palayo sa akin ang pagkain. "Why did you stop?"

"It's not tasty at all." Umayos ako ng upo at kinuha iyong mga folder na nilapag niya. Hindi galing sa relative ng pasyente ko ang pagkain. It's unethical to accept gifts from my patient's relatives. "Tapos na bakasyon mo?"

"I must finish it immediately because my boyfriend is enjoying his free time, entertaining his patient's relatives."

Umarko ang isang kilay ko. Isang linggo palang ang lumipas mula nang makabalik ako dito sa ospital at heto na siya agad. Hindi pa sagad iyong bakasyon na meron siya sa Boracay. May pagkakataon talaga na impulsive itong si Kriselle at basta na lang nagdedesisyon kahit makakasama sa kanya.

"Boyfriend?" Matalim niya akong tiningnan lalo. Should I buy her confirmation of our relationship? I didn't expect her to be this bold in confirming our relationship, knowing that a soul can hear it. Hindi ko muna iyon masyadong pinatuunan ng pansin at tinuloy lang ang pagpirma. "I hope you're here to work, not watch me around, Engr. I want my girl to trust me more than she entertains her gut feelings."

"Fine!" she said, pouting her lips. Natutukso akong halikan siya pero kailangan ko magpigil dahil nasa trabaho kami. "Can I ask you out for dinner later? Ito ang kainin mo huwag iyong galing sa iba na baka may gayuma." Inusod niya ang lunch box sa harap ko na mainit pa. "It's a date later, Doc." Kumindat siya at kinuha na ang mga folder sa akin.

"Why she's so cute?" Sinundan ko ang palayong bulto ni Kriselle na parang bata na nagkakadiririt.

"Sino?" tanong na pumukaw sa akin. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Erian na mas pinagtuunan ng pansin ang bitbit ko na lunch kaysa sa tinutukoy ko. "Uy, parang masarap ito." Inagaw ni Erian iyong lunch box na mabilis ko naman binawi sa kanya.

"This is mine, gawa ng girlfriend ko. Ayun ang kainin mo."

"Girlfriend? Teka... Hindi nga!"

"Whatever!" Iniwan ko na siya bitbit ang lunch box na bigay ni Kriselle at tinalunton ko iyong dinaanan niya kanina. Maabutan ko pa siya kung bibilisan ko ang lakad at nagawa ko nga. I gently pulled her inside the storage room and we went out there then enter my office. "Are you my girlfriend now?" tanong ko kay Kriselle.

"Ayaw mo ba? Pwede ko naman -" Hindi ko na siya pinatapos na magsalita at agad na hinalikan ang kanyang labi. I badly want to do this since I saw her a while ago. Hindi siguro ako mahilig sa PDA at tingin ko'y maiintindihan naman ako ni Kriselle. I continue kissing her until she answered my kisses diligently. I nibbled her lower lip before stopping which made her groaned a bit louder. "I hate you."

Masuyo kong pinisil ang pisngi niya saka muling pinatakan iyon ng magaan na halik.

"I have to stop myself. Hindi na ako makakatrabaho kapag pinagpatuloy ko ang paghalik sayo."

"Kissing you will be another hobby for me,"

I smiled at her. "Same here," I said, planting a kiss on her lips once again. "I'll see you at dinner."

Inayos niya ang kwelyo ng suot kong lab gown pati iyong napapatungan noon at necktie ko. I kissed Kriselle again before letting her go and do her job. Walang pasabi ang pagdestino niya dito at hindi ko alam kung ano pang surpresa ang naka-abang sa akin bago matapos ang araw na ito. Masyadong pinaganda ng pagiging possessive ni Kriselle ang araw ko. Sobrang cute niya magselos kahit hindi naman intentional iyong ugat ng pagseselos niya.

I have to remind myself to clear things with Kriselle later before overthinking will ate her up. Mahirap pa naman iyong isip ng isip ng kung ano-ano at hindi pa talaga tapos ang kanyang bakasyon. Overthinking may cause her another series of mental blackout if not taken care of.

Damn, I want to keep on kissing her!