Chapter 94

"Magagalit na naman si Drake nito pag nalamang kasama ko kayo"

Nakikinig lang ako sa dalawang kasama na nasa harap habang busy ako kakascroll sa fb account ni Erika.

Hindi ko masyadong alam yung lugar dahil tanging labas lang nang bahay nito ang naalala ko.

"Wala parin Cath?"

"Wala talaga, basta sa gawing kanan lang yun"

Yun na nga rin ang problema dahil wala itong nilagay na mismong address sa fb account. Unless tatanungin ito ng diretso.

"Ayokong e chat baka may galit yun sakin"

Paliwanag ko naman sa kanilang dalawa.

"Si Mich yata yung kumausap dun diba?"

"Wait, tatawagan ko"

Tumango lang ako kay Andi habang pinagtuunan ng pansin ang bawat lugar na nadaanan namin.

Tirik na tirik ang araw sa labas at tanging mga sasakyan lang ang gumagawa ng ingay sa daan.

Mag aalas dos na yata ng hapon nung sumakay kami sa hiniram na kotse ni Warren. Mukhang nakaistorbo pa yata ako sa first date 'kuno' nitong dalawa.

"Yes Mich, nasan kayo?"

Di ko maiwasang tingnan si Andi nung may kausap na ito sa kabilang linya.

"Oh siya update mo kami agad pag nasa park na kayo"

Nagtaka ako sa narinig, maging si Warren na nagdadrive ay tumingin ng ilang segundo sakin bago binalik ang tingin sa daan.

"Kung wala dun kahit saan"

Ewan ko pero may namumuong hinala sa isip. Di ko lang sure pero may kutob ako kung saang park yung tinutukoy ni Mich.

"Nakablocked? Grabe naman yung babaeng yun"

"Baka nainis sa kanya, hayaan mo na"

Patuloy parin kami sa byahe kahit di namin alam kung saan kami pupunta. Baka nga nadaanan na namin o malayo layo pa rito.

Nagkagulo na naman yung mga ideya sa isip. Kung paano namin malalaman yung address ni Erika at bakit sa park unang pupunta sila Mich?

Naiangat ko ang hawak na phone nung marinig ang ingay nito.

*Papa Calling

"Yes pa?"

"May balita na kayo Erin?"

Napalunok ako nung walang ano mang balitang isasagot.

"Papunta palang pa, kasama ko na sila"

"Sige ingat kayo, hindi ko na rin alam pano patahanin tong Mommy niya, ayaw naman ipaalam sa pulis"

"Ha? Pulis?

Sabay lumingon ang dalawang kasama, tila nagtaka rin sa mga sagot ko dito.

"Sandali pa, saan nakatira si Erika?"

"Yung girlfriend niya? Asan ka ba?"

"Papunta dun"

Di yata inasahan ng Ama yung lugar na pupuntahan namin. Ibinaba niya ang tawag at ilang sandali pay nag text ng mismong Address ni Erika.

"Ha? Nadaanan na natin yan!"

Nadismaya kami ni Andi nung marinig ang sinabi ni Warren matapos kong ipakita yung mensahe ni Papa.

Wala kaming choice kundi bumalik sa dinaanan.

"Update ko lang sa groupchat baka may magtampo na naman"

Hindi namin pinansin ang sinabi ni Andi dahil busy ako kakalinga sa bawat bahay.

"May naalala ka na Erin?"

"Hindi dito eh"

Pakiramdam ko may dinadala akong kasalanan na sobrang hirap mahanapan ng solusyon.

"Wait, dito yata yun!" Turo ko kay Warren.

"Si Drake tumatawag sagutin ko muna"

"Sandali, san banda?"

Nagkahalo halo na yung mga sinasabi namin, sabayan pa ng init ng araw kaya mas nakaramdam kami ng pagmamadali.

Wala sanang nangyaring hindi maganda kay Rence.