Chapter 99
Halos hindi ako mapakali habang katabi sina Andi at Warren sa sofa. Nasa magkabilaang couches naman sina Jessy at Mich.
Hindi ko magawang lumingon sa gawi ni Jessy, kung saan nakatayo sa gilid ang dalawang lalaki. Wala paring pagbabago kay Allen dahil nakapwesto na naman ito sa gilid ng pintuan katabi si Drake.
"Ba't niyo naisipang dumiretso dito?" Tanong ni Mich sa karahap na si Jessy.
"Tanungin mo si Drake, sumama lang ako diyan"
Pakiramdam ko nag iba ng kaonti yung pakikitungo nitong lalaki sakin. Pero hinayaan ko na lamang yun dahil hindi narin kami masyadong nagkakwentuhan.
"Wala kaming maisip na puntahan"
Boses iyon ni Drake na walang halong pagbibiro hindi gaya nung dati na palaging kasundo si Warren.
"Tsaka dito lang naman namin nakasama si Rence, hindi gaya niyo na marami rami naring napuntahan kasama siya"
Medyo napaayos kami ng upo at agad nagkatinginan ng mga katabi nung marinig yung sinabi ni Jessy.
"Kami paminsan minsan lang din, nung graduation yung huli kong kita sa kanya" paliwanag ng babae sa tabi ko.
Pilit kong nilibot yung mata sa mga kasama pero tila may kanya kanya itong iniisip.
"Nagkataon lang din na nagkita kami sa Resort nung nakaraang linggo, magkatapos nun wala na"
Mukha yatang iniisa isa ng mga ito yung ugnayan namin sa lalaking hinahanap. Lalo na sa gawi namin ni Andi at Warren.
Walang ibang sumunod na nagsalita kaya inunahan ko agad ang pagsagot.
"Kilala ko yung pamilya niya, matapos nun di na sya nagpakita" sunod kong wika.
Wala akong choice kundi magtago ng iilang detalye kahit alam ko naman na hindi maganda ang kahahantungan nito.
Hindi ko alam, talagang hindi na ako nadala sa nagawa kong paglihim kay Warren.
Napasulyap ako sa dalawang lalaki nakatayo malapit sa pinto. Nagtama yung tingin namin ni Drake pero umiwas rin ito at piniling kumalma na tila hindi ko sya nakita.
"Basta ako pinasama lang ni Mich papunta ng park"
"Yan din ang di ko maintindihan kanina pa, anong meron dun sa park mich?"
Sabay napunta ang lahat ng tinginan sa gawi ng babaeng tinatanong ni Andi. Nakaramdam ito nang pagkailang kaya napaayos sa pagkakaupo.
"Oo nga, tsaka kaming dalawa lang naman ni Erin ang kasama ni Rence nung pumunta sa park".
Kita ko kung paano napabuntong hininga si Mich, naiipit sa mga tanungan lalo na nung nagsalita si Warren.
"Andito si Ginang"
Wika ni Allen na nasa labas yung tingin.
Hinintay naming may pumasok sa pinto at napaayos sa pagkakaupo.
Medyo nagulat pa ito nung makitang marami kaming nandito.
"Hello po"
Hindi pa ito nagsalita, hindi yata inasahan na babalik kaming lahat. Halos kumpleto na maliban na lamang kay Rence.
"Andito na pala kayong lahat, nako sandali kulang tong dala ko"
Dali dali siyang pumunta ng kusina habang may dalang tray na laman ng iilang bibingka.
Hindi ko alam pero hindi yata inasahan ni Ginang ang pagpunta namin dito. Tila meron itong iniiwasan sa amin pero pinabayaan na lamang.
"Antay lang kayo dito ha?"
"Sige po"
Lumabas ulit ito ng bahay kaya agad kaming nagkatinginan ng mga kasama.
"Drake, di niyo ba sinabi ni Jessy na pupunta kami?"
Tanong ni Mich na mukhang may napapansin rin.
Dahan dahan kong ginalaw ang gawi ni Drake na seryoso lang na tumingin kay Mich.
"Agad syang umalis kanina, mukhang nakonsensya rin sa mga plano ni Rence"
Di maiwasang kumunot yung noo ko matapos marinig ang sinabi ni Drake.
Anong plano?