Chapter 20

NAKAHANDA NA ANG LAHAT sa pagpunta nila Ace sa United Kingdom para sa kanyang surprise proposal kay Lynne. Balak sana niya sa asia lang sila pupunta pero naisip bakit sa malapit pa tutal naman bakasyon niya ito lubos lubusin na nila ito lalo pa at kasama ang anak.

Nasa kanyang opisina si Ace nang mag ring ang cellphone niya.

"Hello," agad niyang sagot.

"Hello, hijo."

"Pa, napatawag ka?"

"Alam mo na ba ang balita, hijo?"

"News? About what, Pa?"

"Nasa television now hijo, panuurin mo."

Kaagad na binuksan ni Ace ang television.

Breaking news ang pag bagsak ng isang malaki at sikat na investment company sa America.

Hindi makapaniwala si Ace sa napanood.

Bigla siyang na tutula at pakiramdam niya hapong-hapo siya.

"Hijo, anong gagawin natin ngayon?"

"Pa, I don't know, totoo ba ito?"

"Yes, hijo, tumawag na ako sa America sa tita Via mo and she confirmed it."

"Pa, I talk to you later okay."

"Okay hijo, bye."

Nang wala sa linya ang ama tumayo si Ace.

Siya'y nakatayo ngayon sa wall class ng kanyang opisina. Nakatingin sa mga nagtatayugang building na nasa harapan niya. Gulong-gulo ang isip dahil sa biglang pagbagsak ng isang sikat na investment company sa America kung saan dito niya inilagay ng kanyang pera kasama na rito ang account ng company niya.

"Damnit! What I'm gonna do now, paano na ang pag-alis namin bukas?"

Nang magsawa siyang tumingin sa labas nagpalakad-lakad naman siya sa loob ng kanyang opisina.

"Ahhh, saan ako kukuha sa ipapalit ko sa pera ng company damn! Kahit sa banko hindi sila basta-basta maglabas ng ganon kalaking halaga."

Dahil gulong-gulo ang isipan ni Ace at hindi alam ang gagawin kumuha siya ng wine sa mini kitchen ng office niya. Yeah he have a wine inside his office, minsan kasi pag may gumugulo sa kanya hindi na siya umuuwi sa bahay nila he stayed in his office at umiinom narin to make his mind calmed.

"Lynne, pakibigay naman kay sir ito para mapirmahan niya."

"Need mo na ba now, Maan?"

"Oo para ma-progress na ito."

"Sige." Tumayo si Lynne tinungo ang office ni Ace. Kumatok muna siya.

Sa loob kahit naririnig ni Ace ang katok binalewala nito ito because his mind was blowing dahil sa nangyari.

Nakailang katok na si Lynne walang sumasagot alam naman niya na nasa loob ang boss nila.

Pinihit niya ang doorknob at siya'y sumilip.

Nakita naman niyang nakaupo sa swivel chair si Ace.

"Sweetheart?" aniya.

"Come in," walang ganang sagot ni Ace na pinagtaka ni Lynne.

Pumasok siya sa loob nakita niya ang wine na nakalahati na ito.

"Sweetheart, may problema ka ba?"

Ngumiti si Ace dito. Ngiting hindi umabot sa mata.

Lumapit si Lynne sa nobyo."Sweetheart, kung ano man ang problema mo sabihin mo sa akin baka sakaling matulungang kita."

"Sweetheart, you can't do anything about my problem right now."

"Kahit wala sabihin mo naman sa akin, kahit na hindi ko kayang ibigay ang pinuproblema mo sa ngayon, ang pagdamay ko ang kaya kong ibigay sa iyo."

Alam niya ito pero sa ngayon hindi niya kailangan ang pagdamay pera ang kailangan niya para sa company niya. Pag bumagsak ito marami ang wawalan ng trabaho kung siya lang ang mawawalan okay lang sa kanya pero hindi eh marami."Sweetheart, I want to be alone." matamlay na turan niya.

Tumango si Lynne."Pakipirma muna ito need ni Maan," aniya.

"Put down on my table.

Pagkapatong ni Lynne agad na siyang lumabas.

"I'm sorry, sweetheart," ani ni Ace ng wala na ito.

Napaisip si Lynne kung ano ang nangyayari kay Ace. Matamlay na tungo ni Lynne ang table niya dahil sa biglang pagbago ng pakitungo ni Ace sa kanya.

"Ano bang problema niya? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Kahit wala naman akong maitulong sasamahan ko siya kung ano man ito." aniya sa sarili.

"Lynne, nasaan na ang files na pinapirma mo kay, sir?"

Deretso lang si Lynne sa paglalakad niya.

"Huh! Anong nangyari sa babae ito? Nagkatampuhan ba sila parang wala sa sarili, ah."

Hinayaan na lang ni Maan ito sa isip niya baka may tampuhan nga ang dalawa.

Samantala sa bahay nila Mariz.

Nagwawala ito sa galit dahil nalaman niyang paalis sina Ace patungong UK.

"Hija, stopped!" awat ng ama bawat mahawakan nito na binabato.

"Dad, I thought you do something para makasal kami ni Ace?"

"Hija, is not that easy na pasukin ko ang buhay niya."

"Do something, Dad!"

"Okay I know now. He will gonna marry you, hija." bilang ama hangad niya ang kaligayahan ng anak kahit na alam niyang hindi tama ito. Para naman sa kanya natuturuan ang puso na magmahal.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Mariz sa tinuran ng ama."Talaga, Dad?"

"Yes, hija."

"Paano, Dad?"

"Wait I call him now hija."

"Do it, Dad," excited na wika nito.

Malalim na nag-iisip si Ace nagulat pa siya ng tumunog ang cellphone niya walang ganang kinuha ito at sinagot."Hello."

"Hello, hijo it's me, Franklin."

"Oh, Tito Franklin, napatawag ka?"

"I know what happened, Ace."

Napakunot ng noo si Ace."You know what, Tito?"

"Ang pagbagsak ng isang matatag at sikat na investment company sa America. I know you invested in that company, right, hijo? "

"Yes, Tito."

"So, paano ang gagawin mo para makabangong ka, hijo?"

"I really don't know, Tito. "

"I have an offer for you, hijo."

"What is it, Tito?"

"Ibibigay ko ang kailangan mo kahit na magkano pa ito pero may kapalit hijo and no need to pay it. Di ba ang gaan para sa iyo?"

Kahit alam na ni Ace kung ano ang sasabihin ng kausap sa kabilang linya."Anong kapalit, Tito?" tanong pa rin niya.

"Marry, my daughter, Ace."

Naikuyom ni Ace ang kamao. Napabuntong-hininga siya ng lihim. Ang offer nito ay pabor sa kanya pero ang kapalit ay hindi pabor sa kanya lalo na kay Lynne."Damnit!" sigaw ng isip niya."Marry her?"

"Yes, marry my daughter, ang problema mo ay tapos hijo."

Napangiti si Ace, at napaisip niya tama nga ito pero papaano si Lynne ang babaeng mahal na mahal niya.

"Dad, anong sabi niya he take it your offer?"

Itinaas ng ama nito ang kamay bilang tanda na tumahimik muna ito.

"Hijo, are you still there?"

"Yes, Tito."

"Pinag-iisipan mo na ba ito, hijo?"

"Is not that easy Tito na papayag ako kaagad sa gusto mong mangyari."

"I know that Ace, you need to think about it, lalo pa'at may girlfriend ka di ba?"

"How did you know that, Tito?"

"Mariz, tell me."

"Tito, did your daughter command you to ask me to wed her?"

"My daughter loves you so much, Ace, even though she's not told me. I will tell you to marry her."

"I wouldn't accept your proposal Tito, mahal na mahal ko ang akin girlfriend hindi ko kayang saktan siya." yeah sa ngayon ito ang nasa isip niya but deeply inside him the offer he told was good.

"Well it's up to you, Ace, basta sinabi ko ito sa iyon. But remember, no one can give you that kind of amount. It is a millions. kahit ang banko pa, If you're done thinking about it, Ace, just give me a call. Then the money that you need in a minute is in your hands. Good day, hijo, bye."

Napabuntong-hininga muli si Ace dinig ito ng ama ni Mariz, at alam nito na hindi tatangihan ng binata ang offer niya.

"Damn you, marry, Mariz, Ahhh!" impit na sigaw niya.

"Dad? Ano?"

"Hija, gave him a chance to think about it okay saka hindi maganda na minamadali ang isang bagay o tao."

"Dad, he said yes ba?"

"Hija, hindi ganon kadali. You know, he has a girlfriend, right?"

Tumango ito."Sa ngayon hija, hayaan muna natin siyang mag isip I know him hindi niya hahayaan bumagsak ang company nila.

"Ibig sabihin niyang Dad. Eh, tatangapin niya ang sinabi mo sa kanya."

"I'm not sure hija, but he will."

"Thank Dad, I love you," masayang wika nito.

"I love you hija." Ngumiti ito sa anak.

Napipiga na ang isip ni Ace kung ano ang dapat niyang gawin kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kanyang kaibigan na si Lance.

"Hello, Ace, napatawag ka?" sagot nito.

"Lance, samahan mo ako."

"Saan?"

"Sa dating gawi."

"Problem?"

"Yeah, I want to forget for a while. I'm sick of thinking about it. "

"Okay, now na ba?"

"Are you free?"

"Yeah."

"Oo now na bukas naman na ito.

"Okay I meet you there, Ace

"Okay."

Kaagad na tumayo si Ace kinuha ang jacket niya at lumabas na ng office.

Napatingin sina Lynne at Maan sa boss nila dahil dere-deretsong naglakad ito hindi man lang sila tinapunan ng tingin nito.

Napatingin si Maan, kay Lynne, nagtatanong ang mata niya rito.

Yumuko si Lynne dahil ano man sandali nagbabadya ng pumatak ang luha niya na saktan siya sa pagbaliwala sa kanya ni Ace ngayon.