Chapter 14

COFFEE BISTRO tumuloy sina Ace. Pagkaupo nila."Order what you want, ladies." aniya.

Ngiting-ngiti si Maan paano naman kasi ladies eh ang narinig nila. Saka ibang-iba ngayon ang boss nila parang boyfriend material siya. Napatingin siya sa walang imik na si Lynne."Sir, thank you sa pa dinner mo sa amin," aniya.

"Maan, nasa labas na tayo ng opisina tawaging mo na lang ako sa pangalan ko."

"Talaga, Si... Oh, Ace pala. Eh, si Lynne, ano ang itawag niya sa iyo, Ace?"

Napatingin bigla si Lynne kay Maan."Ano bang pinagsasasabi mo, Maan. Siyempre, Ace, rin."

"Ayaw mo ba nang sweetheart, Lynne?"

"Maan?"

Ngiting-ngiti naman si Ace. And he wanted to tease her."Yeah, sweetheart, it's good, right, sweetheart? "

Hindi makapaniwala si Lynne sa sinabi ni Ace. Oo nasabi na nito kanina ibig bang sabihin talagang sweetheart na ang tawag nito sa kanya.

"Lynne, ano call him sweetheart too, ang sweet kaya."

Oh yes gusto niya pero parang hindi tama, dahil wala naman ligawan nagaganap sa pagitan nila ni Ace halikan meron."Maan, paano ko naman tawaging sweetheart si Si..." Napatingin siya kay Ace munting na niyang tawaging itong sir,"Hindi naman niya ako nililigawan, Maan, saka bago palang kaming magkasama sa trabaho."

Ace looked at her so deep. Well tama naman ang tinuran nito."Is that what you want, na ligawan pa kita, okay I can do it," aniya.

Napailing si Lynne."Hindi naman yata tama, dahil may girlfriend ka di ba?"

"You mean, Mariz? Yeah but you heard naman di ba? So, sa tingin mo ba kami pa, sweetheart? And yes I have a girlfriend now. At alam mo kung sino ito right?”

Ngiting-ngiti naman si Maan. Mapapahay na lamang siya. Dahil may pagkakaunawaan na nag dalawa. Eh, alam naman niya kahit hindi sabihin ng boss nila tinamaan ito kay Lynne.

Naiilang si Lynne na tawaging siyang sweetheart ni Ace pero aminin niya from the bottom of her heart she like it.

“Sweetheart, wala ka man lang sagot diyan?”

Lalong napangiti si Maan ang sweet talaga ng boss nila kung siya ang sabihan ni Ace na sweetheart my gosh baka nakahawak na siya sa kamay nito feel his skin at nakahilig pa ang ulo niya sa balikat nito. Naku naman ang sarap batukan itong si Lynne eh, hayan na nga eh, lumalapit na sa kanya si Ace. Pero hindi niya masisisi ito at tama naman ang sinabing bago palang sila magkakilala at hindi pa kilala masyado ang isat isa kahit na boss kaya nila ito.

Dumating ang kanilang order kaya nabaling nag attention nila rito.

"Let's eat muna," sabi ni Ace.

Patapos na silang kumain ng may lumapit sa kanila."Ace La Trinidad?" sabi nito.

Napatingin silang tatlo sa nagsalita."Yes I am," may pagtatakang tugon niya rito.

"Oh, Leon Sanchez, magka-meeting sana tayo kaninang tanghali pero nagkaroroon ng problema sa office ko kaya na cancel ito."

Agad na tumayo si Ace."Leon, nice meeting you." Inabot ang kamay sa lalaki.

"Nice meeting you too, Ace." Napatingin ito kina Lynne at Maan."Who's this two lovely lady with you, Ace?" tanong nito.

Gustong kumunot ng noo ni Ace aba pati ba kasama niya pinansin pa at ang mata nakatuon kay Lynne. Lalaki siya kaya alam niya ang ibig sabihin ng ganyang tingin. Well aminin niya guwapo rin ito."Oh, she's Maan, my secretary." Turo muna niya rito," And she's my girlfriend, Lynne." deretso niyang sabi.

Lihim naman sinipa ni Maan ang paa ni Lynne sa ilalim ng lamesa. Para sabihin na hayan na girlfriend kana niya.

Kaybilis ng pagtibok ng puso ni Lynne sa narinig sino ba ang hindi harap-harapan kanang pinakikilala nito.

"Oh, I see. Oh, I see. Nice to meet you ladies."

Napatayo bigla sina Maan at Lynne.

"Nice meeting you too, Sir." si Maan na ang sumagot.

"Hindi ko na kayo aabalahin pa, maybe our meeting is tomorrow, Ace, if you're not busy."

"Sure anytime, Leon. Just call my secretary para ma set ito.”

Tatatango ito at umalis na.

Naupo muli silang tatlo."Anything you want to eat more?" tanong ni Ace sa dalawa.

Umiling si Lynne dahil busog na siya.

"Ikaw, Maan, may gusto ka pa bang kainin?"

"Wala na, busog na ako, Ace."

"So, Let's go para makapagpahinga na kayo."

Tumayo na sila Ace pay the bill in the counter. Pagkatapos niya agad na silang lumabas.

Habang nasa daan sila walang imik si Lynne ayaw din magsalita ni Maan baka saan na naman mapunta ang usapan nila.

Iginagalang naman ni Ace ang pananahimik ng dalawang babae, para sa kanya may araw oras na mag-uusap sila ni Lynne about their feeling dahil sa ngayon nasa first step palamang sila.

Pagkadating nila sa bahay ni Maan."Ace, thank you ha, dahil isinama mo pa ako sa dinner ninyo na sana kayong dalawa lang."

"Your welcome, Maan, meron ka kasing partipasyon sa amin dalawa ni Lynne, because of you I meet her."

"Ang tawag d'yan destiny."

"Yeah, you right Maan. So, sweetheart take a rest okay and sleep earlier." Baling niya kay Lynne.

Tango ang tungong ni Lynne kay Ace. Ewan ba niya bigla yatang namasyal ang boses hindi niya maibuka ang bibig.

"So, paano I have to go."

"Take care, ingat sa daan." Si Maan ang sumagot.

"Thanks, Maan, how about you, sweetheart wala bang goodnight kiss or take care man lang," baling niya kay Lynne ayaw sana niyang pansinin ito dahil nga nananahimik ito but his heart want it.

Napatingin si Lynne kay Maan na abot hanggang tenga ang ngiti nito.

"Lynne, kiss daw, oh," tudyo pa niya at ngumuso pa.

"Goodnight, take care," sabay halik niya sa pisngi ni Ace. Ayaw sana niyang gawin ito ewan ba niya bakit nagawa niya ibig sabihin nito na she's accepted na sila na nga.

"May ganon sa pisngi lang ang boring mo ha, Lynne." Reklamo ni Maan aba siya pa ang may ganang mag reklamo eh.

"Maan?"

"Huwag kanang mahiya sa akin no, I'm just watching."

"Maan, nahiya pa siya ako na lang, goodnight sweetheart, dream on me." Kinabig niya ito upang yakapin at hinalikan sa labi.

Ayaw bitawan ni Ace ang labi niya, ngiting-ngiti si Maan sa nakita.

"Oyyy! Tama na iyan na iinggit na ako, at baka parating na ang mga langgam."

Agad na naglayo ang dalawa.

Sumakay na si Ace sa kanyang kotse."Bye, see you tomorrow."

Kaway ang tungong ng dalawang dalaga.

Pagpasok nila sa loob ng bahay.

"Lynneeeee!" sigaw ni Maan.

"Grabe ka ha, Maan, bakit ka ba sumisigaw?"

"Inilabas ko lang ang nais kong gawin kanina habang nagtutukaan kayo ni Sir, I'm so kilig you know."

"Maan, ang bilis ng pangyayari, sabi ko nga hindi siya nangliligaw sa akin."

"Mabuti nga 'yon ano ka ba. Saka hindi na uso ngayon panahon ang ligawam epek na iyan, Lynne. At wala tayo sa probinsiya ano ka ba."

"Pero may kasabihan di ba?"

"Huh? Anong kasabihan 'yon?"

"Sabi nila kung mabilis na nangyayari ang isang bagay, mabilis din itong wala."

"Hoy! Lynne, hindi totoo iyan no, mga kasabihan walang katotohanan, at huwag kang maniwala hindi pa naman napapatunayan ito."

"Nasabi ko lang, Maan."

"Huwag mong isipin na mangyari iyan sa inyo ni Sir Ace, don't worry ipagdasal ko na kayo ang magkakatuluyan."

"Bet na bet mo talaga siya, ah."

"Oo naman dahil alam kung mabuti siyang tao, Lynne, you're in a good hand kaya huwag mo nang pakawalan pa si Sir, okay."

"Ikaw kasi, eh."

"Ha bakit ako?"

"Daig mo pa si Kupido."

Natawa si Maan."Hay, sana ako rin. Wish ko lang na sana may mag kupido rin sa akin."

"Malay mo parating na, Maan."

"Sana, Lynne, matulog na tayo sabi ng sweetheart mo sleep earlier di ba? And dream on him.”

Ngumiti si Lynne kay Maan.

Habang nagpapaneho si Ace hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya.

"Lynne, alam kung ikaw na ang pupuno ng kulang sa buhay ko, hindi ko na matatagalin ang lahat, I will gonna marry soon, Well I'm gonna marry her first then ang ligawan nais niya ay gagawin ko," aniya.

Pagkadating niya sa bahay nila nakita ang inang nakaupo sa sala."Hi, Ma good evening," may ngiting bati niya.

Napatitig ang ginang sa anak at napansin nito ang ngiting nakapaskil sa labi ni Ace.

"Good evening to hijo, hmmm you look so great and happy ngayon ah, my I know why?"

"I know, La," sabat ni Alex na bumababa ng hagdan.

"So, tell me Apo if you know."

"Dad, is in love iyan ang alam ko kaya masaya siya and he has a good aura now."

"Hmmm, can I confirm it, hijo?"

"Yes, Ma, Alex, said it was true."

"Wow, and who's the lucky woman?"

"I know that again, La."

"Really apo, ang dami mong alam ngayon sa Dad mo."

"Slight lang, La."

Hinayaan lang naman ni Ace ang anak na mag salita.

"Okay who's she?"

"Her name is Lynne, my mommy soon."

"Akala ko si Mariz, ang sasabihin mo apo."

"La, you know naman na I don't like her di ba?"

"Hijo, totoo ba ang sinabi ng anak mo?"

"Well yes, Ma."

"Kung ganon. I want to meet her, Ace."

"Don't worry, Ma, you will meet her soon."

"Hijo, ayoko ng soon I want tomorrow night na makikilala ko na siya."

"Agad, Ma?"

"Yes hijo, kaagad."

"Go Dad, don't worry kung ayaw ni La sa kanya, me I like her for you, Dad."

"Apo, wala akong sinabi na ayaw ko, kahit sino pa ang magustuhan ng daddy mo I will accept her into this family."

"Ang bait talaga ng Lola ko, I love you, La."

"Binubola mo na naman ako, apo."

"No, La, di ba Dad, Lola is the best and Lolo too?"

"Yes."

"Hay naku pinagkaisahan ninyo akong mag ama ah, basta bukas hijo, bring her here okay."

"You're the boss, Ma. I will. Now I want to rest. "

"Goodnight, dad."

"Goodnight, sa iyo din, Ma."

"Sige na hijo, goodnight, at ikaw rin apo go to sleep."

"Opo La." Humalik ito sa pisngi ng ginang at umakyat na.

Kinabukasan maagang nagtungo si Ace sa office niya ganon din sina Lynne at Maan maaga rin pero na una sila sa boss nila.

Nakaupo sila sa kanilang mga table ng dumating si Ace. Huminto ito sa harapan ni Maan at binati.

"Good morning, Maan." masiglang bati niya.

"It's really a good morning sir, kung ganito ba lagi ang makikita namin sa iyo, a very nice smile on your handsome face."

"Magmula ngayon, Maan, this smile everyday you will gonna see it," sabay kindat niya dito.

Wala naman imik si Lynne. Lumapit sa kanya si Ace. At yumukod ito.

"Ang tahimik naman ng sweetheart ko, good morning!" At inilapit niya ang mukha dito.

Nanglaki ang mata ni Lynne kasi naman nag sipagdatingan na ang mga kapwa niya employee.

"Sir," nawika niya para awatin sana ito.

Lalong nanglaki ang mata ni Lynne ng biglang sakupin nito ang labi niya.

Napahinto sa paglalakad ang mga employees nakatingin ang mga ito sa kanila.

"Hoy! Kayo doon na lakad na," Pabulong na turan ni Maan.

Nang bitawan ni Ace ang labi ni Lynne."Remember what I said to you yesterday? If you call me sir, I will kiss you right." He knew he wasn’t a showy person and even he wondered to himself why he was able to do this. Especially since they are at work, he just wants to show that Lynne is his woman now.

Tumango si Lynne."Fine with me na tawagin mo akong sir every minutes, para mahalikan kita."

Narinig ng mga employees niyang babae ang kanyang sinabi.

"Sir, sir, sir, sir," turan ng mga empleyada niya.

"Aba, ang mga bruha gustong mag mahalik din kay sir," si Maan.

Napatuwid ng tayo si Ace. At humarap sa mga ito."Yes," sagot niya.

"Kami, may kiss din ba?"

Napatawa ng malakas si Ace sa tinuran nila.

Tawang ngayon lamang narinig ng mga employees niya.

"Sorry ladies, my kiss is exclusive to my sweetheart only," aniya.

Napatingin ang mga ito kay Lynne."Congrats," anila sa kanya.

Ngiting tipid ang tungon ni Lynne sa kanila.

Naging maayos ang lahat sa araw na iyon para sa dalawa. Naging busy silang lahat at may meeting si Ace kay Leon si Maan ang sinama muna niya.

Hapon pinatawag ni Ace si Lynne.

"Lynne, ang sweetheart mo tawag ka,"

"Bakit daw?"

"Na miss ka yata eh, at baka gustong humalik sa iyo."

"Maan, ha."

"Huh? Sige na pumasok ka na your prince is waiting for her princess."

"Ikaw talaga, Maan."

"Don't mind me Lynne, kinikilig lang ako sa inyong dalawa go na."

Kumatok muna si Lynne."Come in."

Pagbukas ni Lynne ng pinto."Pinatawag mo daw ako si... Ace."

Napangiti si Ace tumayo siya at lumapit sa dalaga at agad na niyakap.

"Yes, may sasabihin kasi ako sa iyo."

Isinandal ni Lynne ang mukha sa dibdib nito dinig na dinig niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito.

"Anong sasabihin mo at dito pa baka kung ano ang isipin nila."

"Mag dinner tayo sa bahay mamaya."

Napatingala si Lynne rito."Bakit?"

Kinantalan muna ni Ace ang labi nito ng halik bago sumagot.

"Si mommy, gusto ka niyang makilala."

"Sinabi mo na sa kanya?"

"Yes, bakit pa ako maglilihim, I know to myself na mahal kita."

Nanggigilid ang luha ni Lynne sa sinabi nito."Ace?"

"Yes, mahal kita, ikaw mahal mo ba ako?"

"Magpapahalik ba ako sa iyo kung hindi."

"Then tell me if you love me."

"Mahal kita!"

"I love you too, sweetheart."

Ace gave her a very loving kiss, and Lynne kissed him back with love.

After the kiss they hug very tight yakap na walang makakapaghiwalay sa kanila.

Napapikit si Lynne alam niyang kaybilis ng pangyayari sa pagitan nila ni Ace, anong magagawa niya ang kanyang puso ang kanyang sinusunod. Love at first sight yes ito ang kanyang nadarama para sa boss.

"So, sasama ka sa akin mamaya sa pag uwi ko?"

Tumango si Lynne.

"Good, huwag kang magalala sweetheart my mother won't bite you, just stare at you like she wants to eat you. "

"Tinatakot mo ako?"

"No, before my mother eat you, siyempre ako muna."

"Ano, lahi ba kayo ng carnivals?"

"Well, you see it yourself, sweetheart."

"Hmmm, parang ayaw kung sumama ah."

"You said yes na di ba?"

"Ikaw kasi kung ano-ano ang sinabi mo."

"I'm just joking sweetheart, paano hintayin mo na lang ako ha."

"Oo, sige lalabas na ako."

"Hmmm, how about samahan mo na lang ako rito."

"Ace?"

"I know, you can go now."

Lumabas na si Lynne.

"Ano?" bungad ni Maan.

"Maan, mag dinner daw kami sa bahay nila mamaya."

"Talaga, wow, Lynne, ang masasabi ko mahal kang tunay ni sir kasi ipakikilala ka na niya sa kanyang pamilya."

"Oo nga eh, pero kinalabahan ako, Maan."

"Huwag kang kabahan Lynne, nakita ko na ang magulang ni sir sobrang bait nila sinisigurado ko yan sa iyo."

"Talaga?"

"Oo kaya relax ka lang, Lynne."

"Sana nga, Maan."

Pagsapit ng hapon sa bahay nila Ace abala ang mga tao sa paghahanda ng hapunan nila.

"Hi, La, too much busy ba?"

"Ang aga mong umuwi apo?"

"Siyemmpre La, my future mother is coming tonight di ba?"

"Oo kaya maghanda kana mamaya nariyan na sila."

"Opo La," paakyat na ito ng hagdan ng may nag doorbell.

"Apo, ikaw nga ang tumingin kung sino ang nasa labas busy kami rito," sigaw ng lola niya.

"Yes, La," sagot niya.

Tinungo na niya ang gate at binuksan ito umasim ang mukha ni Alex ng makita kung sino ito.

"Hi, Alex," bati nito.

"Tita, Mariz?"

"Yes it's me parang nagulat ka?"

"Hindi naman, Tita, nagtaka lang ako bakit narito ka."

"Well dadalaw ako sa Lola mo."

"Walang sakit si Lola."

"I mean is gusto ko lang siyang kamustahin, Alex."

"Ah, si Lola okay naman siya strong and healthy pa rin."

"Hindi mo ba ako papapasukin, Alex?"

"Oh sorry, pasok ka, istorbo ka lang, eh," bulong nito sa huling tinuran.

"What did you say?"

"Wa-wala naman, ah."

"I hear like you said istorbo."

"Sinabi mo pa," deretsong sagot ni Alex."

Mariing tinitigang ni Mariz ang binatilyo sinalubong naman nito ang kanyang titig.