Chapter 15

"ALEX, apo sino ang dumating?"

"Hi, Tita Amanda it's me," sabat ni Mariz.

Napatingin ang ginang sa apo, nagkabit balikat naman si Alex.

"Tita, parang I'm not welcome here?"

Natauhan ang ginang."No, hija, napadalaw ka? Halika doon tayo sa garden."

"Well, Tita, wala kasi akong makausap sa bahay kaya na isipan kung dalawin ka."

"Ako ba o si Ace?"

"Both, Tita."

Patingin-tingin ang ginang sa may pinto baka kasi dumating na sina Ace.

"Tita, may bisita ka bang hinihintay?"

"Oo, Mariz."

"Sino, Tita?"

"Si Ace, at ang girlfriend niya."

"What?"

"Sorry, hija kung nasabi ko. You know me I don’t know how to tell lies.”

Nakadama ng panibugho si Mariz sa nalaman."Sino siya, Tita?"

"Hindi ko pa siya kilala hija, kaya nga I'm invited her to come to know her."

"I want to see her too, Tita."

"Oo naman dito ka narin mag dinner," ayaw sanang sabihin ng ginang ito kaya lang baka makahalata ang dalaga.

Papasok na sa gate ng bahay nila ng makita ito ni Alex ang kotse ng ama kaya tumakbo siyang bumaba ng hagdan. At dumeretso sa garden.

"La, dad, is here," aniya.

"Narito na pala sila come, Mariz," anyaya nito.

Nang makaparada na ang kotse ni Ace, kabadong-kabado si Lynne.

Napansin ito ni Ace ginagap niya ang palad nito at pinisil.

"Sweetheart, relax kasama mo ako," aniya.

"Talagang kinakabahan ako, hindi ko mapigilan, eh."

Ngumiti si Ace. Hinawakan niya ang baba nito at pinaharap sa kanya.

"Sweetheart, just look at me at ito lang ang masasabi ko sina Mama at Papa, ay sobrang bait nila, and my son he like you di ba kaya huwag kang kabahan."

Tumango si Lynne kay Ace.

"Sweetheart, take a deep breath and let's go."

Tumango ulit si Lynne. Ngiting-ngiti naman si Ace dahil sa nakikita niya sa mukha nitong talagang kinakabahan.

"Ready?"

"Oo."

"Wait, para matanggal iyan kaba mo heto pang pa kalma." Sinakop agad ni Ace ang labi nito.

Naunang lumabas si Alex para salubungin ang ama pagkalapit sa kotse kinatok ang bintana kaya mabilis na naghiwalay ang labi ng dalawa.

Napatingin si Ace sa bintana kumaway ang anak sa kanya.

"Istorbong bata," aniya.

"Ace?"

"Totoo naman I want to kiss you more pero nariyan siya eh, hindi na lang niya tayo hinintay sa loob."

"Nagreklamo ka pa."

Umikot si Alex sa may gawi ni Lynne at binuksan ang pinto.

"Hi Tita, o Mommy pala."

"Hi, Alex."

"Himala kay aga mo ngayon ah, Alex?"

"Daddy, gusto kong makasalo kayo sa hapunan."

Bumaba na si Lynne.

"Dad, may asungot."

Napakunot-noo si Ace sa tinuran ng anak.

"What do you mean my asungot, Alex?"

"Si Tita, Mariz, dad, she's here."

"What? Anong ginagawa niya rito?"

"Nakaamoy yata siya sabi niya dinadalaw si Lola, but I know ikaw ang nais niyang dalawin."

Napatingin si Ace kay Lynne nakatingin din ito sa kanya.

"Mommy Lynne, don't worry, hindi iyon gagawa ng gulo takot kaya siya kay Lola."

Nilapitan ni Ace si Lynne ginagap ang palad."Let's go inside," aniya.

Pagpasok nila sa loob tamang nasa may pinto ang ginang at si Mariz.

"Hijo, mabuti naman at napaaga kayo?"

Humalik muna si Ace sa pisngi ng ina.

"Yes, Ma, dahil sa dinner natin."

Napatingin si Ace kay Mariz."Hi," bati niya.

Sa kamay nilang magkahawak nakatingin ito.

Lalong hinigpitan ni Ace ang pagkakahawak sa palad ni Lynne.

"Hijo, hindi mo ba ipakikilala sa akin ang kasama mo?"

"Oh, sorry Ma, Lynne, this is my beautiful mother, and Ma, meet Lynne San Pedro, my GIRLFRIEND," madiin turan ni Ace sa huling sinabi.

"Hija, nice to meet you, welcome and make yourself at home, okay?" Lumapit kay Lynne ang ginang at siya'y niyakap nito.

"Nice to meet you too po ma'am," aniya.

"Don't call me ma'am, Lynne, Tita Amanda na lang okay."

"Opo, Tita."

"That's better, halina kayo nakahanda na ang hapunan natin."

"Ma, si Daddy, nasaan siya?" tanong niya.

"Mamaya pa siya darating, hijo."

"Can we wait for him, Ma?"

"Baka gutom na kayo ni Lynne?"

"Hindi pa po," agad na wika ni Lynne.

"Kung ganon maiwan ko muna kayo sandali, I need to change Ma, Alex, Mariz, kayo muna ang bahala kay Lynne okay."

Napatingin si Lynne dito."I'll be back soon."

"Oo naman hijo, doon tayo sa garden habang hinihintay natin sila."

Mariz looked at Lynne up and down. Well kung ikukumapara siya rito masasabi niyang she's nothing. Siya makikita mo talaga na laking Manila at ito ay isang probinsiya na kahit na maganda pa. Yeah aaminin niya she's had a pretty face.

Lihim na napatingin naman si Lynne kay Mariz, masasabi niyang maganda ito may maputi at makinis ma kutis at mabango kahit sa tingin palang. Kahit sinong babae maiinggit. Siya okay naman pero malayo rito.

Nang nasa garden na sila.

"Mag kuwentuhan muna tayo. Lynne, where are you from?"

"Sa Nueva Vizcaya po, Tita."

"Probinsiyana ka pala?" tanong pa rin ni Mariz.

"Oo."

Pagkabanggit nito sa bayan niya may kabang nadama ang ginang. She knew the place and she never forgot ang lugar na yon.

"La, natahimik ka bigla ng sabihin ni Mommy Lynne, ang place nila?"

"Oh, parang pamilyar kasi sa akin ang lugar nila apo."

"You've been there, La?"

"Hmmm, I think apo matagal na, tila ba hindi ko na maalala ito kung I been there or not, matanda na talaga ang Lola mo apo."

"Hindi naman masyado La, at hindi halata di ba, mommy Lynne?"

"Sinabi mo pa, Alex."

"Kayong dalawa pinagkakaisahan ninyo ako."

Pakiramdam ni Mariz na out of place siya.

"La, nagsasabi lang naman kami ng totoo ni mommy Lynne."

"Oo na naniwala na ako sa inyo mga batang to, oh."

Bumaba na si Ace bagong paligo ito nakakaki pant at t-shirt tinungo na niya ang garden.

"Dad, is here."

Napatingin sina Lynne at Mariz sa kanya.

Hindi matanggal ng dalawa ang mata nila rito kasi naman ngayon lang nila nakitang naka ordinary ito ng suot.

Aminin nila he look so young and attractive at parang magkapatid lang sila ng anak nito kung magtatabi ang dalawa.

Tumabi si Ace kay Lynne.

Kaya naman amoy na amoy niya ang ginamit nitong sabon.

"Ano bang sabon na gamit niya, hindi naman safeguard o Lux at Palmolive iba parang especial, ah," sabi ng isip ni Lynne.

Nakatingin pa rin siya rito kahit nasa tabi na niya ang binata.

"Sweetheart, don't look at me like that. Na te-tense ako sa tingin mo sa akin. At ang dugo ko nagiging active," bulong ni Ace.

Napabaling tuloy ang tingin ni Lynne kay Alex itoy kumindat sa kanya.

Nakita ito ni Mariz naikuyom niya ang kamao.

"Ah dad, alam mo ba ang lugar ni Mommy Lynne? Sa Nueva Vizcaya?"

Napatingin ang ginang sa apo dahil ibinalik nito ang usapan nila kanina.

"Bakit mo naman natanong, Alex?"

"Nothing Dad, I thought you know."

"Yes, I know nadadaanan ko if I'm going to Cagayan."

"Si La, alam din ba niya ang lugar na ito, Dad?"

Napatingin si Ace sa ina na walang kibo."I think yes Alex. But is a long time ago, kailan ba iyon, Ma?"

"Sabi mo La, hindi pa?"

"Ang Lola mo ayaw niya kasing maalala ang Lugar na 'yon, Alex."

"Bakit, Dad?"

"Well, may accident na nangyari noon na nasaksihan ni Mama, maybe na truma siya doon sa nakita niya kaya ayaw nilang maalala ito."

Biglang kumabog ang dibdib ni Lynne sa tinuran ni Ace.

"Kailan ang accident na iyon, Ace?" hindi niya napigilan ang sarili na magtanong.

"It's been a long time, sweetheart."

Nag ngitngit ang kalooban ni Mariz sa narinig niyang tawag ni Ace kay Lynne.

"Kailan at anong taon ito?" pakiramdam ni Lynne may ugnayan ito sa nangyaring accident sa kanila noon. At nadala siya sa kanyang nararamdaman.

Napatitig si Ace sa dalaga."Sweetheart, why are you so aggressive to know?"

Doon na natauhan si Lynne."Sorry, Ace," aniya.

Titig na titig ang ginang kay Lynne may nakikita siya sa mata nito."My god don't tell na meron siyang alam sa nangyari noon."

"Ang mabuti pa kumain na tayo," si Ace.

"Dad, wala pa si Lolo."

"Wait lang at tatawagang ko si Papa."

"Ah, La, anong accident ang nakita mo noon?"

"Apo, gaya ng sabi ng Daddy mo matagal na ito past is past."

"Okay, La, last question na lang."

"Ano, yon, apo?"

"When did the accident happen?" Kaya natanong niya ito bigla kasing nag-iba ang kanyang pakiramdam sa usapin accident.

"Apo?"

"La, naman?"

"Okay, fifteen years ago."

Ang kabang nadama ni Lynne kanina bumalik sa narinig niya.

"Oh, bagong panganak palang ako noon ah, La?"

"O-oo, apo."

"Tama na iyan ang sabi ni Papa, mauna na tayong kumain on the way na siya rito."

"Mabuti pa nga," sang-ayon ng ginang.

Napatingin si Lynne kay Alex, at ngayon lamang niya na pagtanto kamukha nito ang ama noon kabataan nito. And feel something about him." Hindi kaya siya ang kapatid ko?" tanong niya sa kanyang sarili.

Napatingin si Ace kay Lynne at nakikita niyang kay lalim ng iniisip nito.

"Sweetheart, you're thinking so deeply, ano ba ito?"

Tumingin si Lynne dito at ngumiti."Wala," aniya.

Pero hindi kumbinsido si Ace sa sinabi nitong wala.

"Mamaya pagkatapos natin kumain mag usap tayo okay, let's go to eat." Ginagap niya ang palad nito.

Magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng bahay.

Nagpupuyos sa inis si Mariz sa nakikita niya lantaran ipinapakita sa kanya ni Ace na she's really nothing to him, gusto niyang sumigaw pero siyempre nagtitimpi siya she's not there home.