Chapter 75 - Last Chapter

Lavandeir's POV

"N-Natsy!"

"F*ck that brat!" Babarilin pa sana ulit ni Ms. Lovely si Natsy nang biglang may nagpaputok ng baril sa kanya. Napatingin siya sa may pinto at napamura tsaka nagmamadaling umalis sa room.

"Let me take care of her!" Napalingon ako sa kakarating lang na si papa. Saglit lang niya akong tiningnan tsaka agad sinundan si Ms. Lovely na nakita kong tumalon sa lobby.

Nanginginig kong tiningnan si Natsy habang umagos na ang marami niyang dugo sa likod. Dalawang bala ang nakabaon sa likod ng balikat niya, na parang inisang target lang ni Ms. Lovely.

'Di ko na inintindi ang kamay kong nabaril din kanina. Mahigpit kong hinawakan ang mukha niya at pilit na pinatingin sa 'kin. Nagsimula na ring lumabas ang dugo sa bibig niya kaya nanginginig ako lalo.

"Di mo na sana ginawa 'yon!" Humagulhol ako habang nanginginig pa rin. "Hindi kaya ng konsensya ko 'pag pati ikaw mawala sa 'kin! Natsy!"

Nakapikit na ang mga mata niya at 'di na ako magawang tingnan pero nakuha pa rin niyang pumikit. "I-I did t-the right t-thing..." Nahihirapan na rin siyang huminga. Nilingo-lingo ko ang aking ulo sa sinabi niya. Nagiging blur na rin ang aking paningin dahil sa mga luha ko. "T-tell your b-brother that..."

Mas lalo akong napahagulhol nang 'di na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil nawalan na siya ng malay. "No! Natsy!" Muli ko siyang niyakap.

Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko ang lahat! Dahil sa akin ang daming taong importante sa 'kin ang nadamay. 'Di ko alam kung kakayanin ko pa ba. Wala na si Casey, ayokong mawala rin siya sa 'kin.

"Natasha!"

Agad kong tiningnan si Ex na kakarating lang. Pagkakita niya ni Natasha, agad siyang lumapit sa 'min at tsaka niyakap ang pinsan niya. Puro pasa at sugat ang mukha niya na halos 'di na masyadong klaro ang features niya. Napuno pa ng dugo ang kanyang suot.

Biglang dumating si kuya at si Mr. Taki na parehong kinakapos ng hininga. Mukhang galing pa silang dalawa sa pakikipag-away kasi gusot na gusot ang kanilang suot at napupunit na rin. May mga sugat din ang mga ito.

Hindi ako nagawang tingnan ni kuya nang makita niya si Natsy na walang malay. Hindi siya nagsalita... Hindi siya nakapagsalita. Nilapitan niya agad ito nang walang imik tsaka nanginginig at namumutlang hinawakan ang mukha ni Natsy.

"Let's get out of here! Maraming back-up ang pumunta rito na mga kasama n'ong Ms. Jackson. Xian already planted bombs and this school will explode! We need to hurry!" saad ni Mr. Taki.

Umalis naman si Ex sa pagkayap kay Natsy kaya si kuya ang pumalit sa pwesto niya. Parang naaawa ako kay kuya. Alam kong pinipigilan lang niya ang sarili niya kaya 'di siya nagsalita. Kinagat niya ang kanyang labi at namumuo ang luha sa kanyang mga mata habang hinahaplos ang mukha ni Natsy.

Walang sabi-sabi'y binuhat ni kuya si Natsy. 'Di na niya napigilan pa at napaluha na talaga siya. Hanggang sa 'di na tumigil ang pag-agos ng luha niya. Nasasaktan ako lalo sa kanya.

"Lav!" Mabilis akong nilapitan ni Ex tsaka tiningnan niya ang aking kamay na may tama ng baril. Pinunit niya ang suot niyang upper gamit ang dagger tsaka tinali niya iyon sa kamay ko. Mas lalo kong nakita ang katawan niyang punong-puno ng hiwa at pasa.

"Let's get out of here!"

Hinawakan niya ang isa kong kamay. Pinahid ko ang luha ko tsaka sumunod kami kina kuya na lumabas. Nauuna sina kuya habang kami ay nahuhuli. Pagkarating namin sa ground floor, bigla silang napatigil kasi may humarang sa 'ming maraming men in black suit.

"Mauna na kayo kuya!" sigaw ko na agad naman niyang ikinatango.

Hinarangan namin ang mga kalaban para makadaan sina kuya.

Nang umalis na sila, binatawan ko ang kamay ni Ex para ihanda ang aking sarili sa paglaban.

"Mr. Taki, pwede po bang samahan mo na lang sina kuya please?" pakiusap ko. Bahala na kung anong mangyari. Mas importante pa rin si Natsy. Kung hindi agad siya matulungan, baka mahuli pa kami.

Binaril naman ni Mr. Taki ang mga limang kalaban tsaka tumango sa 'min. Hinagis niya ang extra niyang baril kay Ex tsaka sumunod na ito kay kuya.

"These bastards!" gigil na sabi ni Ex. Alam kong nanghihina na rin siya pero pinilit lang niyang magpakatatag.

Hindi na kami nag-usap ni Ex at pareho kaming lumaban sa mga men in black suit.

Bago ako mabaril ng isang tauhan, nag-bend down ako nang kunti tsaka sinipa mula sa ilalim ang kamay niyang may hawak na baril. Tumilapon ang baril paitaas kaya bago pa ito mahulog ay sinipa ko na sa abdomen ang kaharap ko. Nang patumba na siya, agad kong sinalo ang baril tsaka binaril sa ulo ang kaaway.

Mas easy lang sa 'kin ang kumilos lalo na't may baril na ulit ako. 'Di na ako nagdalawang-isip na barilin agad sila sa ulo kahit kasing edad ko pa ito o kasing edad ni papa.

Nanggigigil ako sa nangyari. Bawat tira ko ay parang wala akong patawad. Walang sinasanto, lalo na't naalala ko ang nangyari kay Natsy.

Nahila ako ng isang kaaway sa aking leeg at paputokan na sana ang ulo ko nang mabilis kong nahawakan ang baril niya tsaka tinggalan ng magazine ang baril niya. Pagkatapos n'on inuntog ko siya sa ulo gamit ang ulo ko tsaka hinarap siya at binaril na rin.

Nang naubos na naming patayin ang kalaban ay sabay kaming nagkatinginan ni Ex sa mata. Tinanguan niya ako kaya tumango ako pabalik sa kanya. Tumakbo na agad kami paalis.

Lumingon-lingon din ako sa paligid para hanapin kung saan nagpunta sina papa pero 'di ko makita kahit anino niya.

Nakita ko naman sa isang lobby ng HRM building na kaaway ni Master ang right hand ni Ms. Lovely. 'Yong palagi niyang kasama noong nasa school trip pa rin kami. Isa rin siya sa pinagdududahan ko ng kilos noong nasa school trip kami. Bakit binalewala ko lang 'yon?

Sinabihan ko naman si Ex na si Ms. Lovely ay si Ms. Jackson kaya agad siyang napatingin sa 'kin. Base sa reaction niya, 'di rin siya makapaniwala. Pinakita niya rin sa 'kin ang spray bottle na bigay ni Jax sa kanya.

'Di ko naman maiwasang mapanganga sa ginawa ni Jax. Sabi ko na nga ba may kakaiba sa kanya.

"I want to check him out right now but we don't have time. Our fight still not finish yet but I don't care anymore if he dies there! It's his choice after all!" kunot-noo niyang sabi.

Parang labas sa ilong pa ang pagkakasabi niyang iyon. Alam kong binabagabag pa rin ang isipan niya tungkol kay Jax.

Nang malapit na kami sa parking lot, nakita namin sina Marj at Kernel na tinutulungan sa pakikipaglaban sina Veign at Kevin. Nagtaka rin ako nang nakita ko rin si Clent na nakikipag-away din sa mga men in black eh part naman siya ng Yumi. Lahat kasi sila ay nilalabanan ang maraming tauhan ni Ms. Jackson.

Sumali na rin kami ni Ex at tinulungan sila.

"What happened?" tanong ni Ex kina Veign.

"We killed Kei! Matigas kasi ang ulo niya at 'di nakikinig sa 'min. Habang si Clent naman ay kumampi sa 'min!" sagot ni Kevin. Umiwas agad si Kevin sa dagger na tatama sana sa kanya tsaka agad na sinuntok sa mukha ang isa pang kalaban.

Binaril ko naman agad ang bumato n'ong dagger.

"He needs to know the message of Kim that she left to you!" sabi sa 'kin ni Veign.

"Ako na bahala niyan. Kailangan na nating makaalis dito!" saad ko sa kanya.

"Lava! Buti at buhay ka pa!" sigaw ni Kernel na busy rin sa pakikipaglaban. Mas mabilis nga itong kumilos at nakuha pang kumaway sa 'kin.

"Hindi pa nauubos ang mga walangya!" reklamo pa ni Marj.

Umabot ng mga sampung minuto ang pagpatay namin sa mga tauhan ni Ms. Lovely. Agad kaming tumakbo nang mabilis at walang tigil palabas ng ECU. Doon kasi naka-park ang van na hinanda namin para sa labang ito.

"Here!"

Mabilis naming nilapitan si Ethird na kumakaway sa loob ng van habang nakalusot ang ulo niya sa bintana. Nang makasakay na kami, mabilis kaming umalis sa eskwelahan. Si kuya Hero din ang nagd-drive sa 'min ngayon at 'di ko nakikita si ate Violy.

"Were coming!" sabi ni kuya Hero sa earpiece. Tiyak si ate Violy ang pinagsabihan niya.

"They can't follow us! Binutasan na ng Maroon Chili at ng mga members ko ang mga sasakyan nila bago ko sila pinaalis sa ECU," saad ni Kernel na agad kinuha ang first aid kit at hinagis sa 'min ni Ex.

"Pa'no ni'yo nalamang may bomba ang ECU?" curious na tanong ni Kevin. Nakita kong nawala na rin sa tenga niya ang earpiece kaya siguro 'di niya alam.

"I planted it together with master and Xian," sagot ni kuya Hero.

"How about the media? I'm sure they will investigate this case kapag sumabog ang pinakasikat na eskwelahan," tanong ni Veign.

"It's very easy for us to fool the media. We already did it many times," si Marj na ang sumagot.

"Your fathers' only time is five minutes to finish them. Or else, they will also die," update ni Ethird sa 'min ni Ex.

Nag-aalala ako masyado sa sinabi niya. Hinawakan naman ni Ex ang kamay ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang tinding sakit sa parteng iyon.

"They will be okay. They are the so-called legendary trio," tukoy ni kuya Hero sa papa namin ni Ex tsaka ni Mr. Taki.

Nauna na si Mr. Taki, ang inaalala ko na lang ay sina papa.

...

Third Person's POV

"Stop this Elly!" sigaw ni Liander sa kapatid niya. Matagal na kasi siyang nagtitimpi rito.

Magkaharap silang dalawa ngayon sa loob ng underground kung saan dinala noon si Lavandeir.

Mapakla namang tumawa si Elly which is si Ms. Lovely sa kuya niya. "Kill me first and this will end! Or else... we'll both die when the bomb you planted will explode," kalamado ang boses nito pero puno ng galit ang mga mata nitong nakatitig kay Liander.

"You can't beat me Elly! You know that!" composed ding sabi ni Liander.

Para lang silang simpleng nag-uusap na hindi inaalala na sampung minuto na lang ay sasabog na ang mga bomba.

"DON'T!.." biglang sigaw nito tsaka muling inayos ang sarili. "... don't call me by that name that you already abandoned!"

"No matter what you say, this is still the right thing to do sister... I don't want to be like you, I don't want to be part of that family!"

At the young age, Liander was already aware of the fact how their family were doing. It's very wicked. He can't even share the story about his family to others except to his wife—Ambria.

He knew why his sister became this desperate to kill him and his daughter, it's because of vengeance.

Elly lost her daughter when she was still pregnant to her eight months old daughter in her tummy. Liander was the reason of it and he knew he was at fault.

When Liander knew that Elly was always setting a trap to Ambria and him, he had lost control and tried to choke her when she was pregnant. Ambria and Elly were both pregnant at the same time and Ambria almost lost her daughter because of the accident that was planned by Elly.

"You killed my child Lian! Because of you!" Puno ng galit ang kanyang mga mata tsaka may tumulong luha rito. Inaalala ang panahon noong pa'no siya nakunan dahil sa tinangka siyang patayin ni Liander.

"If taking my life will make you stop and satisfied, I am willing to give it to you!" malamig na sabi ni Liander.

He needs to sacrifice himself for his son and daughter. If Yumi will be gone, he will be satisfied at the very least.

"I just killed this underling of hers Lian. We only have five minutes left!" paalala ni Esh mula sa earpiece. Narinig pa niyang may binaril si Esh ng tatlong beses tsaka muling nagsalita. "Oh! Striking these three extras!" tukoy pa nito sa tatlong tauhang kumalaban sa kanya.

"Got it!' sagot lang ni Esh tsaka muling tinuon ang atensyon kay Ms. Lovely.

"Even if you will backward the time, I will still do the same things Elly! I know I won't be able to change your mind now. I know I can't stop you without my intension of killing you..." Dahan-dahang tinutok ni Liander ang kanyang baril sa kapatid niya. Gan'on din ang ginawa nito sa kanya. "Forgive me if I will do this to you for my own good!"

Liander always has the chance of killing her but he always hesitated. That's also the reason why he didn't tell Aeon about Ms. Jackson's information and pretended he was cut off from all the properties and access of Yumi. Because he still hopes someday that his sister will understand him. He thought he knew her well 'cause he's the one who raised her and understand her. She's still his sister after all...

Until today...

This fight happened because of his hesitation of eliminating his sister. His daughter almost got killed. The chaos. Many lives were sacrificed and naïve others just got eliminated without any concrete reasons...

The reality hits him.

"Three minutes bro! Don't want to die with you. Still want to witness my son and your daughter's wedding..." simpleng paalala ni Esh mula sa earpiece na parang ginigising lang niya si Liander para papasukin sa eskwelahan. Hindi man lang ito nakaramdam ng kaba o pagkataranta. "Hmm! I hope they got twins... What you like bro?" dagdag pa nito.

Liander know Esh is just helping him to decide what to do. Esh knew he's still hesitating to kill his sister.

Nanginginig sa galit si Ms. Jackson habang nakatutok ang baril sa walang emosyon niyang kapatid. She wants him to die with her so that she'll be satisfied.

Wala nang ibang makakapigil kay Elly kundi si Liander lang at alam ng lalaki iyon. Huminga siya nang malalim at inisip ang pinagsasabi ni Esh sa kanya.

The moment he opened his eyes, he already decided.

Ms. Jackson is as fast as the legendary trio but Liander can always defeat her. Whatever he does, she always follows. That's the reason why Ms. Jackson is still under him because her brother is always on the lead.

"Don't forgive me and hate me to hell, Elly!"

Hindi nila iniwas ang tinginan nila at sabay na kinalbit ang gatilyo. Parang nag-slowmo ang lahat. Sabay silang umilag pero 'di inasahan ni Ms. Jackson na may binato pa palang dagger si Liander kaya napatingin na lang siya sa kanyang tiyan at hinawakan ang matalim na bagay na bumaon dito.

"You're expert at manipulating people and its situation but you still can't defeat me when it comes to fighting, little sister."

Muling tinutukan ni Liander si Ms. Jackson ng baril at pinikit ang kanyang mata. "Say hi to father for me," saad pa niya tsaka kinalbit na ang gatilyo.

Sapol sa ulo ng kapatid niya ang bala at isang segundo lang ay natumba agad ito.

Tinitigan niya si Ms. Jackson while feeling guilty killing her.

'I'm sorry! I also just want you to rest in peace little sister,' sa isip ni Liander tsaka umalis na sa underground.

Nakita niya sa labas ng underground si Esh na nakasakay sa motorbike habang nakatulala sa pintong nilabasan niya. Parang bored lang itong kakahintay sa kanya.

Nang makita siya ni Esh, nag-thumbs up naman ito sa kanya. "What you did is right," komento nito.

Agad na umangkas si Liander sa likod ni Esh kasi malapit nang sumabog ang bomba. Mabilis namang pinaharurot ang motorbike ni Esh.

Pagkalabas na pagkalabas nila sa gate ng ECU ay nagsimula namang sumabog ang mga bomba nang sabay-sabay.

Kung iba pa ang nakaangkas sa likod ng motorbike, tiyak aalisan ng kaluluwa sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito.

"Also twins... when she's 28," sabi ni Liander na ikinangisi lang ni Esh.

...

Lavandeir's POV

Anim na buwan na ang lumipas magmula ang labang iyon. Maraming nangyari na 'di ko na namalayang nangyari na pala.

Tahimik akong tumayo at niligpit ang aking notebook at folder tsaka lumabas ng room. Mag-isa lang ako sa paaralang ito, walang kaibigan at nakakapag-aral ng tahimik. Dito ako nag-aral sa isang 'di sikat na university. Nagpalit din ako ng course at 'di na commerce ang kinuha ko kundi education na.

Hindi ko kasama si Ex kasi hindi naman siya nag-aaral dito.

Ang nangyari sa pinakasikat na Elites College University ay naging usap-usapan ng karamihan kahit hanggang dito sa bago kong pinag-aralan. Naging mysteryoso sa lahat ang nangyari. Walang ibang nakakaalam maliban sa amin at sa mga estudyante ng ECU noon.

'Di ko alam kung pa'no pinatahamik nina Mais ang mga estudyanteng iyon at hindi ipinagkalat ang totoong nangyari. Meron din namang lumabas na mga rumors kahit papaano. May gumawa nga ng libro tungkol sa nangyari at lahat na naganap sa ECU pero hindi na mga katutuhanan ang laman ng libro.

Naging fiction ito kaya hanggang ngayon ay mysteroso pa rin sa iba ang totoong nangyari. Lumabas din naman ang balita na ang Elites ay ang naghari-harian at sila ang sinasanto sa mga estudyante ng ECU. May lumabas ding balita tungkol sa loser which is ako. At balita tungkol sa mysteryosong L which is ako pa rin.

Dito, walang nakakakilala sa 'kin. Walang interesado at walang gumugulo sa buhay ko. Nakuha ko pa rin ang rank 1 kahit papaano. Sina Veign at Kevin ay nag-aaral sa private school malayo sa lugar na ito. Kasama nila si Clent ngayon at sabay silang nag-aral doon.

Hiniling ko kasing gusto ko ako lang mag-isa para makapag-aral ng payapa at tahimik.

Kinabukasan no'ng pagkatapos noong huling laban ay nilapitan ko si Clent at sinabi sa kanya ang pinapasabi ni Kim. Sobra siyang nasaktan sa pagkawala ni Kim kaya masasabi talagang mahal niya ito. Humingi siya ng patawad sa 'kin at sa lahat ng nagawa niya. Sobrang na-depressed pa siya ng dalawang buwan buti na lang ay bumubuti na siya ngayon, kahit na hindi pa rin niya makalimutan si Kim.

"Kung mayaman lang sana kami, doon na sana ako nag-aral sa ECU para ma-witness ko lahat ng kaganapan doon. Nakaka-curious talaga ang katotohanan!"

Hindi ko masyadong pinansin ang sinabi ng babaeng kasabay ko sa paglalakad kasama ang mga kaibigan niya. Ilang buwan ko na rin kasing narinig ang mga katagang iyon kaya nasanay na ako.

Nag-vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko kung sinong nag-text.

*From: Ex

Im waiting. Parking area.*

Nireplyan ko naman siya ng, 'papalabas na.' tsaka tinago sa bulsa ko ang phone. Lahat ng importanteng kakilala ko ay nilagyan ko na ng contact name.

"Totoo bang may boyfriend na si Ms. President?"

"Oo eh! Nakita nilang gwapo daw iyon."

Kahit saan pa ako pupunta, hindi talaga mawawala ang mga gan'tong klase ng tao. Puro lang sila bulungan na naririnig ko naman pero okay lang kasi 'di naman nila ako tinatanong directly. Nirerespeto nila ako at 'di inaano. Sobrang iba kesa sa naranasan ko sa ECU.

Pagdating ko sa parking lot, nakita ko si Ex na naka-crossed arms habang nakasandal sa motor niya. Nginitian ko siya nang kinawayan niya ako. Narinig ko pang nagtilian ang mga estudyanteng nagbubulungan kanina bago ako lumapit kay Ex.

"How's your day Ms. President?"

Sinuot niya sa 'kin ang isang helmet tsaka umangkas na ako sa likuran.

"Marunong ka na palang mang-asar?" nakangiti kong tanong sa kanya na ikinibit-balikat lang niya.

"Ba't gwapo ka ngayon?" ganti kong asar sa kanya. Nahihiya kasi siyang sabihan ko siya ng gan'on. Dinadaan niya pa sa pagsusungit ang hiya niya.

"No comment!"

Natawa na lang ako sa kanya.

...

Umabot ng isang oras nang marating namin ang lugar na ito. Malayo kasi ito sa pinag-aralan ko ngayon.

Hapon na kaya malamig na ang hangin at papalubog na rin ang araw kaya kitang-kita kung gaano kaganda ang sunset sa lugar na 'to. Nandito kasi kami sa rooftop. Sa rooftop kung saan niya ako unang hinalikan.

Nakayakap siya sa akin mula sa likuran at pinatong niya ang mukha niya sa balikat ko. "How's your brother?" tanong niya sa 'kin kaya nagbuntong-hininga ako.

"Gan'on pa rin. Sobrang laki ng pinagbago niya simula n'ong nangyari iyon kay Natsy. Nalulungkot pa rin nga ako. Noon, palagi kong hinihiling na sana umayos na si kuya at 'di na isang abnoy pero ngayong mas cold pa siya sa 'yo, na parang ang hirap isiping abnoy siya noon, na-miss ko tuloy ang dating siya."

"Yeah... We all understand him yet there's nothing we can help."

Ilang minuto kaming hindi nag-uusap at nakatulala lang sa papalubog ng araw. Parehong dinadamdam ang malamig na hangin hanggang sa dumilim na ang paligid.

Nag-vibrate naman ang phone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan. Nakita kong kang Kern galing ang message kaya agad ko itong binasa.

*From: Mais

Sana all may kayakap! T_T Kainggit! Makaalis na nga!*

Pinakita ko ito kay Ex kaya pareho kaming natawa. Sumunod pala 'to sa amin.

"Kahit kailan talaga ang abnoy na 'to! Kinareer na niya ang pagiging abnoy ni kuya," natatawang sabi ko.

"Yeah! But I saw him dating someone at the coffee shop."

Kumunot naman ang aking noo. "Talaga? Seryoso na ba 'yon?"

"I think he is. These days, he stopped going to the club."

Alam kasi ni Ex kasi minsan kasama sila sa mga mission. Pati nga sina Kevin ay pumupunta pa rin naman sa hideout, ako lang 'yong hindi. Mas nag-focus pa kasi ako ngayon dahil sa exam at pagiging student council president ko.

Tumango lang ako at muli kaming natahimik. Ilang sandali bigla siyang bumulong, "Can I kiss you right now?"

Agad naman akong natigilan tsaka nanayo ang aking balahibo. Once in a bluemoon lang kasi siyang mag-request n'on sa 'kin. At palagi niya muna akong tinatanong bago niya ako hahalikan. Binantaan kasi siya ni papa na dapat hingin pa ang permiso ko kaya nakakatawa.

Humiwalay ako sa yakap niya tsaka siya hinarap. Tinanguan ko naman siya kaya napangiti siya sa 'kin.

Pinikit ko kaagad ang aking mata nang idinampi niya ang mga labi niya sa 'kin. Wala namang pinagbago kung anong way ng paghalik niya sa 'kin. Mabagal at parang ingat na ingat sa akin.

Nagsimula akong sumabay sa kanya kaya kinuha niya ang dalawang kamay ko at ipinulupot sa kanyang leeg. "I will wait 'till you're 28," sabi niya nang hindi tinigil ang halikan namin kaya 'di ko maiwasang mapangiti. Ilang years pa kaya bago ako mag-28.

Muli na naman akong natigilan nang maramdaman ko ang dila niya sa loob ng bibig ko. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya ito sa 'kin pero nahihiya pa rin ako kapag ginagawa niya ito.

Umabot pa ng isang minuto bago siya humiwalay sa halik tsaka agad naman akong niyakap saglit. "Lav..." banggit lang niya. Ga'non naman siya. Gusto niyang binabanggit ang pangalan ko.

Naisipan naming tumayo sa fence at muling dinamdam ang malamig na hangin ng gabi. Tiningnan ko ang ibaba, tiyak kapag may mahulog dito ay hindi na talaga mabubuhay sa sobrang taas ng building.

Magkatabi kaming nakatayo sa bato na fence. Nakapamulsa siya habang ako ay nakatayo lang. Napakasarap talaga sa feeling na ito. Na para akong lumilipad. Gan'on pa rin ang ganda ng mga city lights kapag gabi ang view dito.

"I have something to tell you woman," seryosong saad ni Ex kaya nawala ang aking ngiti.

Alam ko namang may gusto siyang sabihin sa 'kin kanina pa. Kinabahan naman ako bigla sa 'di malamang dahilan.

"Ano iyon?" Nilingon ko siya at sinalubong ang titig niya.

"My father asked me to join his journey. He said he needs me there to help my mother, she's dying. He also wanted me to train about his personal business. So... ahm..."

Iniwas niya ang kanyang tingin sa 'kin. Para tuloy akong nalungkot dahil sa sinabi niya. Pero alam kong hinihingi niya ang permission ko. Wala naman akong magawa kasi iyon ang gusto niyang gawin at hindi ko hawak ang buhay niya.

Nginitian ko siya tsaka hinawakan ang mukha niya.

"Susuportahan kita kahit saan ka man at ano ang gusto mong gawin sa buhay. Palagi mo naman akong sinusuportahan sa mga gusto ko kaya this time, gusto kong supportahan din kita."

Tinitigan niya ako saglit tsaka muling ngumiti sa 'kin. Napahinga pa siya ng malalim na parang nabunotan ng tinik ang puso niya sa kaba.

Hinawakan ko ang kamay niya. Hinigpitan naman niyang paghawak pabalik.

"Years ka bang mawawala?" tanong ko. Kinakabahan ako pero 'di ko pinapahalata sa kanya.

"Five years. Wait for me for five years Lav."

Sobra akong nalungkot sa narinig ko pero 'di ko pinapakita sa kanya. Nalungkot lang ako kasi gan'on katagal ko siyang di makikita pero natuwa naman ako kasi sinisigurado niyang babalik naman siya.

"If it's only for you, I will," sagot ko sa kanya tsaka sabay kaming tumingin sa mga city lights.

"Let's enjoy this view 'till the city lights are gone."

...

... At iyon ang huling araw na nakasama ko siya.