Epilogue

XIAN

Sa isang building na may 35th floors, seryosong nakatayo si Xian habang naghihintay sa harap ng elevator at nakatayo ang personal secretary nito sa gilid niya. Of course, with eight body guards behind them.

He's wearing business attire; a charcoal grey suit with a white dress shirt, dark blue polka dot tie, and a black leather dress shoes. His wet-looked and slicked back hairstyle that makes him looks dashing and gorgeous. Ang napakaseryoso niyang mukha at walang emosyong mga mata ay malayong-malayo na talaga sa Xian noon. His aura is darker and colder than Exseven now.

Ilang taon na ba?

Ilang taon na ba simula no'ng parang nawalan siya ng kasiyahan at naging gan'to siya? Na parang kung may makakita sa kanyang kakilala noon, 'di makapaniwalang ito na si Xian ngayon.

Apat na taon.

Apat na taon na simula nang parang nawalan siya ng gana sa lahat ng bagay. Mas tinuon niya ang kanyang sarili sa pag-manage ng underground organization at ang lahat ng legal business nila ng Dakumasuta na pinapa-handle sa kanya ng kanyang lolo at ng kanyang ama. Hindi na nga rin niya masyadong kinakausap ang kanyang kapatid, kakausapin lang niya ito kapag kailangan. Isa pa, palagi siyang walang pagkakataong makipagkwentohan kay Lavandeir sa sobrang busy niya.

Pumasok siya sa loob ng personal elevator niya na siya lang ang gagamit. Siya lang ang pwedeng gumamit no'n, wala ng iba maliban sa kanyang ama at lolo.

Pagkabukas ng elevator, may dalawa pang body guard ang naghihintay sa kanya at nag-bow ang dalawa nang makita siya. Nang naglalakad siya sa ground floor kasama ang secretary at ang sampung body guard sa likuran, lahat ng employee ay nakayuko ito as a sign of respect. No one dares to stare at him.

Once in a blue moon lang nakikita ng mga empleyado ang kanilang boss kaya kung dadaan ito sa harapan nila, napakaswerte na nila. Kaya ang iba ay nagnanakaw lang ng tingin kapag nakadaan na ito sa harapan na nila.

He just stayed at the building for just an hour then he's leaving again for other business proposals. Being the CEO of all their companies, at the same time being a mafia boss of Dakumasuta, Xian is always busy.

Hindi naman talaga binigay sa kanya lahat ng responsibility ng kanyang lolo pero siya na ang nag-request na siya na ang magma-manage lahat. He needs something that will distract him from thinking Natasha. He's still regretful.

Biglang lumapit ang kanyang secretary sa kanya at may binulong, "Boss, there is a problem!" seryoso nitong bulong. His secretary is obviously part of Dakumasuta and he's also his right hand man.

Sinabi naman ng secretary kung anong problema. Habang patuloy na naglalakad, hindi nagdalawang-isip si Xian na sagutin ito, "... kill him," nakapamulsang sabi niya.

Tumango ang kanyang secretary tsaka may tinawagan mula sa earpiece. Nang makalabas na sila sa building, pinagbuksan siya ng dalawang bodyguard para sumakay sa isang mamahaling kotse.

Hindi na rin palasalita si Xian ngayon kaya walang nakakaalam kung ano talaga ang mga iniisip nito. Palagi lang nilang nakikitang expressionless ito at minsan parang wala sa mood.

Nang umalis sila, may apat pang black car ang nakasunod rito. Iyon ang mga body guards niya na palaging nakasunod sa kanya.

Who would've thought that Xian will change so much?

Halos limang oras matapos siyang makipag-meeting sa mga business partners for proposals. When the meeting is already finish, he hurriedly get inside his car.

He signaled his secretary about their secret sign kaya nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin. Hindi na pinasunod ng secretary ang lahat na bodyguards tas pati na rin ang driver nila ay pinalabas din. Ito na mismo ang nag-drive.

His secretary has been doing this for years so he's already familiar with what Xian wanted to do.

They bought cheese cake, Mcdonald's spaghetti, and sprite in can first before proceeding to their destination. Umabot ng kalahating oras bago nila marating ang lugar. Nang makapasok sila sa main gate, mga sampung metro pa bago nila marating ang nag-iisang magandang bahay na pinapalibutan ng malawak na Bermuda grass.

Dala-dala niya ang mga binili niyang pagkain habang mag-isang pumasok sa loob ng bahay. Ang kanyang secretary naman ay hindi na sumama sa kanya sa loob kasi gusto niyang walang ibang makapasok doon maliban sa mga taong mahalaga sa kanya at ng head nurse.

'I miss her so much,' sa isip ni Xian.

Dahil sa anim na buwan siyang hindi nakapunta rito dahil sa mga business trips niya, sobrang na-miss niya ang kanyang fiancé. The only time he felt he's alive was when he visits here.

Naglakad siya sa malawak na sala tsaka dali-daling pinuntahan ang room ng kanyang fiancé. He's excited to look at her face.

Pagkabukas niya sa room nito, natigilan siya nang makita ang head nurse na walang malay na nakahilata sa sahig. Agad niyang tiningnan ang higaan nito pero wala nang nakahiga rito. Nabitawan niya ang kanyang mga pinamiling pagkain.

Tumibok ang kanyang puso sa kaba na nararamdaman. Dali-dali niyang tinapik ang mukha ng head nurse at chineck kung humihinga pa ba ito, buti na lang at humihinga pa.

'The f*ck happened? Did those rats know this location?' tukoy niya sa mga kalaban ng Dakumasuta. Sobra siyang kinabahan kung gan'on nga ang scenario.

Nilingon niyang muli ang higaan, tanging ang machines na lang ang nandoon at wala na ang nakahiga.

'Nasaan siya?'

It's been four years since comatose ang dalaga kaya bakit ngayon 'di niya ito nakikita?

May naramdaman siyang presensya sa kanyang likuran kaya mabilis niyang inilagan ang bagay na ipapalo sa kanya. Mabilis niyang nahawakan ang kamay nito at agad na tinulak ito sa higaan at kwenelyuhan.

Mula sa nanlilisik na mga mata ni Xian, unti-unti itong napalitan nang pagkagulat nang makita ang dalaga. Nanlalaki din ang mga mata nito at nakanganga habang nakatingin sa kanya.

"X-Xian?" 'di makapaniwala at nagtataka nitong tanong.

He doesn't know what to react. His heart is beating so fast that he's almost out of breath. Tinitigan ni Xian ang mukha ng dalaga. Tiningnan niya ito mula kilay, mata, ilong, bibig at tsaka muling sinalubong ang mga mata nito.

"N-Natasha?" halos pabulong niyang tanong.

Nang ma-realize niyang si Natasha nga ito, mabilis siyang bumitaw sa mahigpit na hawak niya sa kwelyo ng dalaga tsaka tinulungan itong tumayo. Muli niya itong tinitigan pero mula ulo hanggang paa. Hinawakan pa niya ang mga kamay nito, ang balikat tsaka ang pisngi.

"It's really you!"

Kinunotan siya ng noo ng dalaga. "A-anong nangyari? Nasaan tayo? Ba't ka nandito at ba't..." sinuri siya ng dalaga mula ulo hanggang paa ng dalawang beses. "At ba't ganyan ang..."

'Di na natapos ng dalaga ang mga tanong niya nang bigla siyang niyakap ni Xian nang mahigpit na mas lalong ikinataka niya, at the same time ay ikinatibok ng kanyang puso.

"Thanks God you wake up! I waited for you for four years! Thank you for waking up!"

Tears fall from his eyes because of too much happiness. It seems this is just a dream to him. He really missed her! Kahit nakatayo pa ito sa kanyang harapan, parang ang hirap paniwalaan.

"What?" takang-tanong ni Natasha tsaka humiwalay sa mahigpit na yakap ni Xian.

Instead na sagutin ni Xian ang tanong ng dalaga, agad niya itong sinunggaban ng halik.

"T-teka!"

Nagpatuloy lang si Xian sa paghalik kay Natasha na parang sabik na sabik siya sa mga labi nito. Kahit kinikilig ng sobra ang dalaga, nagtataka pa rin siya ng husto sa mga nangyayari. Pilit niyang pinatigil si Xian kaya tumigil ito sa pag-angkin ng labi niya.

"Wait! Wait! Tell me first what really f*cking happened and let's help that nurse over there!" turo nito sa head nurse na walang malay pa ring nakahilata sa sahig.

Napakagat sa labi si Xian tsaka natawa saglit. If his secretary saw this, he's lucky enough seeing his cold boss this lively and happy

Xian doesn't lose hope. He's waiting for Natasha to wake up. Even though all the ladies love him and seduce him, he doesn't care.

...

Nakaupo silang dalawa sa sala na magkatabi. Sinabi ni Xian ang lahat ng nangyari. Na after no'ng laban, na comatose ang dalaga at umabot ito ng four years. Naikwento rin niya lahat ang tungkol sa underground organization at sa pagmamaneho niya ng companya ng pamilya nila. Sa nangyari sa Elites at ng ECU. As expected, Natasha can't believe it really happened to her and it took her four years to wake up. But what shocked her the most was finding out what is her relation to Xian.

"You're my what?" 'di makapaniwalang tanong ng dalaga.

"You're already my fiancé and you cannot back out!" Xian emphasizing the word 'cannot.' Aangal pa sana si Natasha nang muling nagsalita ang binata. "Exseven already approved to this. Why? Don't you want it?"

"I... I..." Natasha can't find the right words. Of course she wanted to say 'of course! There's nothing to think of!' but it's too sudden for her. Bigla naman niyang naalala ang kanyang pinsan kaya tinanong niya kung nasaan si Exseven.

"He's with his father. We didn't dig any deeper since it's my sister's request. It's been three and a half years since he left."

"Ano? Bakit daw?"

Xian just shrugged. "Let's not talk about them for now. I waited four years Natasha so please just focus on me..."

Medyo nagulat ang dalaga sa sinabi nito. Hindi dahil sa nag-e-English ito kundi dahil sa mautoridad nitong boses. Masasabi talagang hindi na ito normal lang na tao. Natasha can't still believe that Xian is now the mafia boss of the number 1 rank Mafia all over asia.

Tinitigan siya ni Xian at naramdaman niya ang pagtingin ng binata sa kanya. Parang n'ong una siya nitong tiningnan, sobrang cold ng mga titig nito at nanlilisik pa na parang handa ng pumatay ng tao. N'ong akala nitong isa siyang kalaban.

"If I will propose to you again, will you marry me, Natasha?"

Sobrang seryoso nito kung makatitig sa kanya. Parang ang lakas ng impact pa ang pagkakasabi nito na mas lalong nagpatibok ng puso ng dalaga. Pinamulahan siya at nag-init ang kanyang mukha.

Tinitigan pa niyang mabuti si Xian. Mula sa napakaayos nitong itim na buhok hanggang sa suot nito. Tumingin siya sa mukha nito at masasabi niyang parang mas nag-improve si Xian. Parang ang layo sa Xian na nakilala niya na isang abnoy. Also the way he talks, it is full of authority. The way he sits, he really looked dashing and handsome.

'Why he became that sexy?' sa isip ni Natasha.

"Kiss me if yes then push me if no."

Nabalik naman siya sa realidad nang muling nagsalita si Xian. Tumitibok ng sobrang lakas ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung kinikilig ba siya masyado o ano.

"W-what if I choose no?"

"I will pull you with me when you push me."

For these years feeling always like he's not alive, this is the first time that he's this so nervous especially waiting for his girl's answer. He can't take away his eyes because he's afraid that if he will look away, Natasha might think he's insincere.

Xian don't want to regret again.

Umiwas ng tingin ang dalaga kaya parang gumuho ang kaloob-looban niya... pero ilang sandali lang. "Xian..."

Ipinulupot ng dalaga ang isang braso niya sa leeg ng binata at agad na hinalikan ito. Xian automatically responds the kiss.

In between their kisses, he smiled.

...

Lavandeir's POV

"You can now proceed to your assigned room Ms. Trinidad. Here's the list of your students..." Inabot ko naman ang isang papel na inabot niya. "... and you are their 5th adviser of this year. Hope you will last longer. You can now go."

Bago ako tumalikod sa kanya, nabasa ko sa expression niyang parang nag-expect na siyang hindi ako magtatagal. Hindi man niya sinabi sa 'kin ang tungkol sa section na iyon pero alam kong lahat ng mga naunang guro ay buma-back out.

'I'm now curious about the students.'

I am a high school teacher at some prestigious school which very similar to ECU before.

Naglalakad na ako sa hallway kung saan ang section na in-assign sa 'kin. Malayo pa lang ay may nakita na akong isang maliwanag na bagay na parang kumislap sa gilid ng bintana malapit sa pinto. Maliit lang ito. Inayos ko ang eyeglasses ko tsaka tiningnan ang bagay na 'yon.

'I see...'

Isang maliit na salamin na nakalusot sa bintana.

Tiningnan nila sa salamin kung dadating na ba ang bago nilang guro, which is ako. Narinig kong napakaingay nila tas nang malapit na ako sa pinto, biglang tumahimik. Napangisi na lang ako nang palihim. Parang may alam na ako sa binabalak nilang gawin.

Sinulyapan ko ang bintana pero wala na 'yong salamin. So kung gan'on 'di na nila makikita ang gagawin ko. Tiningala ko ang ibabaw ng pinto at may nakita akong parang likido na tumulo sa gilid. Hindi ito mapansin agad kung 'di ko tinitigan.

'4th year – Black,' basa ko sa section nila.

Nilingon ko ang paligid ng hallway at buti walang nakakita sa 'kin dito. Hindi ko binuksan ang pinto at tsaka umupo sa gilid ng bintana kung saan nila nilulusot ang salamin. Tiningnan ko ang relo at 30 seconds na akong nakagan'on nang bigla akong nakarinig ng mga boses.

"Carl! Ano ba! Ba't 'di pa pumasok ang bagong teacher na 'yon? Tingnan mo nga!" galit na sigaw sa isa nilang kaklase.

Tiningala ko ang bintana at nakita ko ngang nilusot muli nila ang salamin. Dahil nakaupo ako, di nila ako makikita sa reflection ng salamin.

"Nawala si Ms.!" sigaw n'ong Carl.

"Ano? Sabi mo papalapit na!"

"Wala ngang tao sa labas! Papalapit naman talaga 'yon dito!"

Muling inalis n'ong Carl ang salamin kaya muli akong tumayo nang maayos. Pinagpagpag ko ang suot ko at inayos ito. Nang maramdaman kong may isang papalapit na presensya sa pinto, agad ko itong sinipa kaya bumukas ito nang malakas.

"What the f*ck!"

Napahiyaw sa gulat ang kanilang mga kaklase. Na parang napalpak ang kanilang plano tsaka classmate pa nila ang nabiktima.

Saglit kong tinaas ang isang kilay tsaka umaktong nagulat sa nangyari. Dahil sinipa ko ang pinto nang papalapit siya rito, siya ang natamaan at hindi ako.

'So ito pala ang dahilan kung ba't maraming nag-back out na guro.'

"What happened here?" kunwaring nagtataka ako.

Sinulyapan ko saglit ang lalaking nagngangalang Carl, hindi ko naman talaga kilala kung sino 'yong Carl pero siya kasi ang nakaupo sa bintana malapit sa pinto.

Alam kong gulong-gulo na siya.

Nagmumurang lumabas ang lalaking natamaan ng paint tsaka natahimik silang lahat. Pareho silang gulat at nakatitig lang sa 'kin. Pumasok ako sa loob na parang wala lang at pumunta sa harapan nila. Tiningnan ko ang hindi gaano kaliit na baldi ng paint sa sahig at tsaka tiningnan silang lahat. I expected them to look away since they know I will get angry because of this, but they didn't.

'Spoiled brats!'

Hindi muna ako nagsalita kaya sobrang tahimik ng room. Mas marami ang mga boys sa room na ito at ¼ 'yong girls.

Hindi ko rin nilagay ang mga gamit ko sa table at 'di rin ako umupo kasi kanina ko pa naamoy ang baho ng paint dito. N'ong nasulyapan ko 'to kanina, alam kong nilagyan din nila ang upuan ko ng paint.

"Were you all involved to this?"

Walang sumagot sa kanila at 'yong iba nagngisihan lang. Nanatili lang silang nakatitig sa 'kin at parang may balak na namang gawin. Nag-crossed arms ako sa harapan nila habang hawak pa rin ang papel na may list of students tsaka muli silang tinanong.

"If no one will answer then all of you will be punished by me..." dahan-dahan ko silang tiningnan lahat. Tinitingnan sila mata to mata. "... anyone can point who's the culprit of this will be exempted by the punishments."

Natawa naman 'yong karamihan sa kanila. "Who cares about your punishments? Hahahaha! We can kick you out anytime we want!" Muli na namang nagtawanan ang karamihan.

Tiningnan ko ang aking kuko na parang wala akong paki sa sinabi ng isang lalaking estudyante.

"Then try to kick me out Mr..." tinaasan ko siya ng kilay para tanungin ang pangalan niya. "Veco," sagot niya. Tinanguan ko siya. "Kick me out if you can Mr. Veco."

Tiningnan ko ang pangalan niya sa list of students para malaman ko ang full name niya. Nakita ko pang 'di niya inasahang gan'on ang sasabihin ko sa kanya.

"Are you challenging me Ms. Tiny Newbie Teacher?" nakangisi niyang tanong sa 'kin. I looked at him. He's full of confidence. He's wearing a very expensive clothes and shoes. Also a very expensive watch. Most of the girl sgudents here were fantasizing him which possibly he's the leader of this room.

"I am..."

Kinuha ko ang phone ko tsaka may tinext kay Ethird. Tinanggal ko ang aking eyeglasses tsaka nilinis ang lenses nito sa harapan ng mga magiging estudyante ko.

"So confident ma'am!" in-emphasize pa niya ang 'ma'am'. "Let me call my father first!" Nginisihan niya pa ako na hindi ko naman ikinabahala.

"No need! Your father will call you in five minutes. Wait for a while," walang gana kong sabi sa kanya na ikinataka niya at ng mga estudyante ko.

Aangal na sana siya nang muli akong nagsalita. "If your phone will ring, answer it 'cause it's your father. He will tell you to drop out to this school. Let's give it a try Mr. Veco."

Pareho silang nagtataka sa mga pinagsasabi ko. Muli kong sinulyapan ang nagngangalang Carl kanina na may hawak ng salamin tsaka ko siya nginisihan. Alam kong litong-lito pa siya sa nangyari kanina no'ng 'di niya ako makita sa labas.

Tiningnan kong muli ang wristwatch ko tsaka nakatitig lang doon. 'Yong iba naman ay mukhang naghihintay din ng five minutes kung totoo ba ang sinabi ko.

"Five minutes is up!"

Pagkasabing-pagkasabi ko n'on ay tumunog nga ang kanyang phone na ikinabigla ng lahat lalong-lalo na siya. Napasinghap ang katabi niya at napabulalas na, "It's really your father!" sabi nito nang makita ang screen ng phone ni Veco.

Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa 'kin. Sinamaan niya ako ng tingin tsaka niya sinagot ang tawag. Muli kong tiningnan ang akung kuko dahil wala naman talaga akong pake sa reaction niya. Expected ko na kasi.

"What!" sigaw niya habang nanglalaki ang kanyang mata.

Pinatay ng kabilang linya ang tawag tsaka nakatulala siyang napaupo sa upuan. Napuno ng bulungan ang buong room at silang lahat nay nagtataka sa 'kin.

"Now tell me, point the person who planned this prank to me. I will only punish the culprit. If you won't then Mr. Veco will leave this school tomorrow."

Nagkatinginan silang lahat sa isa't-isa. Base sa mga tinginan nila, mukhang alam ko kung anong gagawin nila.

"Siya po Ms.!"

Gusto kong matawa nang tama nga ang aking hinala. Alam kong tuturuin nila si Carl kahit alam nilang hindi ito ang may kasalanan. I can easily read someone's expression and action so I know who and why.

"Totoo ba 'yan. Carl?"

Nagulat pa siya nang malaman ko ang pangalan niya.

...

Third Person's POV

Nakita naman talaga ni Carl mula sa reflection ng salamin na papalapit na ang bagong teacher nila kaya nag-thumbs up siya para malaman ng lahat na papasok na ang guro. Buong kaklase nila ang may kagagawan at napilitan lang siyang sumunod sa mga utos nila para tigilan na siya sa kanilang pagbu-bully.

Tinago niya ang salamin at hinintay na lang na pumasok ang guro. Kapag bubuksan nito ang pinto, tiyak matatapunan ito sa ginawa nilang patibong at mababasa ito ng paint. Ito ang palaging rule ni Carl sa section na ito. Ang taga-look out ng mga paparating na teacher. Lahat ng mga kaklase niya ay puro mayayaman. Hindi naman siya gaano kahirap at tamang-tama lang pero malayo ang status niya sa mga kaklase nila.

Lahat sila nakatutok at ilang segundo na eh hindi pa rin pumasok ang bagong teacher nila. Inutusan siyang tingnang muli kung papasok ba talaga iyon. Muli niyang inilusot ang salamin sa bintana at nagulat siya nang 'di na niya makita ang guro sa labas. Alam niya sa kanyang sarili na papasok na talaga ito sa room nila. Kitang-kita niya iyon.

'Nasaan iyon?' takang-taka si Carl.

Tinayuan tuloy siya ng balahibo. Sa isip niya ay baka hindi tao 'yong nakita niya kanina.

Lumapit ang isa nilang kaklase sa may pinto para tingnan ang butas nito para makita kung may tao ba sa labas o wala. Pero nang pagkalapit ng kaklase nila, agad bumukas nang malakas ang pinto dahilan nang ito ang natamaan ng paint.

Mas lalo pa siyang nagtataka at nagulat sa ginawa ng kanilang new teacher kay Veco. Siya lang ang teacher na gumaganto sa kanila. Lalo pa't nalaman nito ang pangalan niya.

'Paano? Eh hindi pa kami nagpapakilala sa isa't-isa,' tanong ni Carl sa isipan niya.

Bago mag-break, gustong makipag-usap ni Ms. Trinidad sa kanya one on one. 'Yong mga kaklase naman nila ay napangisi at nagpipigil ng tawa kasi mapaparusahan siya.

N'ong recess, nakaramdam siya ng sobrang kaba habang lumapit siya sa table ni Ms. Trinidad. Wala nang ibang tao sa loob ng room kundi sila na lang dalawa kasi break time. Inutusan pa siyang i-lock ang pinto para walang makapasok na iba.

"Were you bullied by them?" tanong nito sa kanya.

Muli siyang nagulat sa tanong ni Ms. Lavandeir. Paano nito nasabing bullied siya eh first day pa lang naman siya rito? Impossible!

Huminga siya nang malalim kasi nagdadalawang-isip siyang sabihin kay Ms. Lavandeir ang totoo.

"I want you to tell me honestly so that I can help you."

Hindi kalauna'y tumango na siya habang nakayuko. May kinuha namang papel ang guro nila at tsaka may isinulat doon. Binigay ito sa kanya kaya binasa niya.

"Location?" takang tanong niya nang mabasa ang address na nakasulat sa papel.

Nginitian siya nito ng kakaiba tsaka tinanguan siya.

"Be one of my trainees Carl."

...

Lavandeir's POV

Isang lingo na ang lumipas simula n'ong unang araw akong naging adviser ng section na ito. Nagtataka nga ang principal kung pa'no nga nakaya ko ang isang linggo na pagiging guro ng section na ito.

'Yong iba kong estudyante ay mas matangkad pa nga sa 'kin, lalo na 'yong ibang lalaki. Mostly six years ang gap ko at ng mga estudyante ko kaya may posibilidad na mas maliit pa ako sa kanila.

Ilang beses pa nilang tinry na i-prank ako at para mapaalis sa school nila pero wala pa ring effect. They don't really know me. Alam kong unti-unti nilang natatanggap na hindi nila ako kayang paalisin. I stayed mysterious to them for them to only focus on me. Ito ang paraan ko para makuha ko ang loob nila at mapalapit na rin sa kanila. They are just spoiled brats. They need a teacher that can really teach them.

Gabi na ako natapos sa mga reports ko kaya nagligpit na ako ng gamit. Pagkalabas ko ng room, tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Natsy. 'Di ko naman mapigilang ngumiti nang sinagot ko ang tawag niya.

"Yes?"

"OMG Vanvan! Your CEO Brother introduced me to all of his employees that I am going to be his bride! He invited them for the wedding tomorrow! What should I do?"

Natawa ako sa boses niyang natataranta. Alam ko namang kinikilig lang siya kaya nagsumbong siya sa 'kin. Kahapon nagrereklamo pa siya kung bakit ang daming nagkakagusto kay kuya tas ngayon sobrang excited na niya.

Isang taon na rin simula n'ong gumising si Natsy. Akala ko nga tuluyan na siyang 'di magigising kasi 'yon ang palaging sinasabi ni Ate Violy. Si ate Violy kasi ang personal doctor niya tas 'yong head nurse naman ay kapatid ng personal doctor ng Black Chili noon.

Patuloy lang kaming nag-uusap ni Natsy hanggang sa marating ko ang aking sasakyan. Pagkatapos naming mag-usap, nakangiti kong tinago ang phone sa bulsa ko pero ilang segundo lang ay napaseryoso ako.

'May nagmamasid sa 'kin!'

Hindi ko ito masyadong pinansin. Umakto lang akong parang wala lang tsaka pumasok na sa loob ng sasakyan at nagsimula nang mag-drive. Alam kong mas magaling pa ako sa sumusunod sa 'kin kasi 'di ko mabibisto ang presensya niya kung 'di siya magaling.

Sinulyapan ko ang front view mirror at nakita ko sa reflection na sinunsundan nga ako. Kung hindi sana ako sanay sa gan'to, hindi ko aakalaing sinusundan na pala ako kasi marunong siyang magmasid.

Ginamit ko ang isang kamay sa paghawak ng manubela at 'yong isang kamay ko naman ay inabot ang maliit na parang belt na may mga dagger na nasa bag ko. Buti at naka-pencil skirt lang ako ngayon. Sinuot ko 'yong belt sa isa kong leg at tinali iyon nang mahigpit tsaka tinakpan ng aking palda.

Muli kong tinuon ang aking sarili sa pagmamaneho at 'di ko rin binilisan ang pagd-drive para 'di niya malamang napapansin ko na siya. Dahil wala akong maisip na lugar, doon na lang ako pupunta, sa rooftop na nakita namin ni Ex noon.

Pagkatapos kong mag-park sa parking lot, hinintay ko muna saglit ang sumusunod sa 'kin. No'ng narinig ko na ang tinig ng motor na paparating, agad akong pumasok sa elevator. Ginawa ko 'yon para pasunurin siya kung saan ako pupunta. Pagkasara ng pinto, tinalian ko ang aking buhok para hindi sagabal. Incase lang naman.

Tinanggal ko rin ang aking eyeglasses tsaka naglagay ng contact lenses. Inayos ko muna ang sarili at tiningnan ang aking reflection sa pinto ng elevator. Pagkalabas ko, binuksan ko rin ang pinto ng rooftop para alam niyang dito ako pumunta.

Hinanda ko ang sarili tsaka sumandal sa gilid ng pinto at hinintay na lang iyon na dumating.

Nilibot ko ng tingin ang lugar na ito. Muli ko namang naalala si Ex. 'Musta na kaya 'yon?'

Napahinga ako nang malalim. 'I miss him.'

Hindi nga ako nagkamali, biglang lumabas sa pinto ang lalaking sumusunod sa 'kin kanina. Nilibot pa niya una ang tingin sa rooftop kaya 'di pa niya ako nakikita kasi natatakpan ako ng pinto. Hindi niya naman mararamdaman ang presensya ko kasi hindi naman siya gaano kagaling. I've been training newbies in Dakumasuta for 2 years now so I can tell if he's skilled or not.

"Are you looking for me?"

Mabilis niya akong nilingon at gulat na gulat ang kanyang mukha.

"You can't tail me unnoticed. Who are you?" taas kilay kong tanong. Hindi ko kilala ang pangalan niya pero namumukhaan ko siya. Isa rin siyang fourth year high school sa paaralang pinagtrabahuan ko ngayon. Isa siyang lalaking teenager na magkasing-tangkad ko lang.

Umayos naman siya ng tayo at napakamot sa buhok. "Tama nga ang sinasabi nila, you are very mysterious po Ms. Trinidad."

Tiningnan ko pa siya nang mabuti at sinuri kung nagsasabi ba siya ng totoo or umaakto lang. Umayos naman ako ng tayo nang nagsasabi nga siya ng totoo.

Kumakamot pa rin siya sa kanyang ulo at nahihiyang tumingin sa mata ko. "Sa totoo po ma'am crush po kita!"

Nakita kong kinagat niya ang labi niya dahil pinipigilang ngumiti tsaka kinamot niya ang noo niya at ginulo ang kanyang buhok. A sign that someone's nervous.

"Mas maganda ka pala ma'am kapag walang eyeglasses."

Napakurap ako sandali tsaka in-extend ang kamay ko sa harap niya. "Give me your ID first."

Natataranta naman niyang kinuha ang ID niya sa may bulsa, nakalukot pa rito ang lanyard.

"I see you're 19. You're allowed to have a motorbike..." binalik ko sa kanya ang ID tsaka nag-crossed arms sa harapan niya. "... but you're not allowed to stalk me Mr. Alfonso."

May mga sinabi pa siya sa 'kin tungkol sa kung paano niya ako hinahangaan. Nag-request pa nga siya ng form para lumipat sa section na hina-handle ko kaya medyo natawa ako sa kanya. Sandali ko lang siyang pinagsabihan tsaka pinaalis na. Pero bago siya umalis, bigla pa niya akong ninakawan ng halik sa pisngi. Nahihiya pa siya bago tuluyang pumasok sa loob.

"Ma'am we're just five years apart!"

Napalingo-lingo na lang ako tsaka huminga nang malalim. "Yong batang 'yon."

Tumalikod naman ako at pinagmasdan ang mga city lights. Nililipad din ang mahaba kong buhok sa malamig na hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

'Kailan ko kaya siya muling makita?'

Muli akong naglabas ng malalim na hininga. Nasaan na kaya si Ex? Bakit 'di na siya nagpaparamdam sa 'kin?

Isang taon at kalahati pagkatapos siyang umalis ay maayos naman ang aming communication. Pero dahil unti-unti kaming naging busy, hindi na namin naa-update ang isa't-isa. Hanggang sa bigla na lang siyang hindi nagparamdam sa 'kin. Hindi ko naman siya gustong puntahan kahit sobrang layo n'on. Aside sa busy din ako kasi minsan tinutulungan ko si kuya sa underground org pati na sina Marj, Kernel, Ethird, at ang mag-asawang sina ate Violy at kuya Hero, hindi ko rin gustong pagdudahan si Ex.

Alam ko namang may mga rason ang lahat ng ginagawa niya kaya I still trust him. 'Di ko lang talaga maiwasang ma-miss siya. Everytime I miss him I always come here. Reminiscing our memories together and what we did here.

Pumatong ako sa batong fence at muling dinamdam ang malamig na hangin habang nakatingin sa mga city lights.

Ang ganda talaga!

Kapag pumupunta ako rito, nawawala ang lahat ng iniisip ko. I really thank him for bringing me here.

"Is it allowed to let the student kiss the teacher, Ms. Trinidad?"

Nanayo ang aking balahibo nang biglang may nagsalita sa 'king likuran. Hindi dahil sa hindi ko naramdaman ang kanyang presensya kundi dahil sa kilalang-kilala ko ang may-ari ng boses.

Nilingon ko siya at napanganga ako nang makita ko siya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa mukha niya. Humaba rin ang kanyang buhok. Mas naging klaro ang pagiging masculine niya.

Naka-crossed arms siya tsaka nakasimangot habang lumapit sa 'kin.

"How are you Lav?"

"E-Ex!" halos hindi ko mabanggit ang pangalan niya sa klase-klaseng emosyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko ma-explain kung anong feelings ko.

Ngumiti siya sa 'kin tsaka binuka niya ang dalawang braso niya na parang yayakapin niya ako. Nanginginig ko namang hinawakan ang kamay niya nang tinulungan niya akong makababa.

Mabilis niya akong niyakap kaya napayakap ako pabalik. Mas lalo rin siyang tumangkad at hanggang dibdib niya lang ako. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya para 'di niya makita na naluluha ako.

'Di ko alam. Sobra lang siguro akong natuwa nang makita siyang muli.

"I didn't able to communicate with you because it's dangerous. Every number that I'm contacting was always been traced. So I don't have a choice. I am really sorry Lav."

Mas lalo akong napapikit nang hinaplos niya ang aking buhok habang nakayakap nang mahigpit, 'yong klaseng yakap na ngayon ko lang ulit naramdaman.

Tumango lang ako sa kanya habang nakabaon pa rin ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi ko pa rin kasi magawang huminto sa pagluha. I now felt relieved. Honestly, there are times I was scared that maybe he won't come back. Because I don't know what he has been doing for three and a half years. I don't have an update about him.

Hinawakan niya ang aking mukha at pinaharap sa kanya. Natawa naman siya habang pinapahiran ang luha sa 'king mata. "Masaya lang akong dumating ka na."

"Of course, I promised I will come back in five years. I don't want you to worry Lav. Thanks for still waiting for me."

...

Pareho kaming nakaupo sa bato na fence ng building habang nakatingin sa magandang city lights. Nakasandal ako sa dibdib niya at para lang kaming nasa park na nagde-date sa isang bench.

Marami siyang kwenento sa 'kin na lahat ng naranasan niya n'ong kasama niya ang kanyang ama. Nag-aaral din siya roon as civil engineering habang ginagawa ang kanyang mga missions.

Kahit malayo siya, binibigyan pa rin pala siya ng mission ni kuya kung anong mga gagawin. Habang lumalaki kasi ang Dakumasuta at naging number 1 rank sa lahat ng mafia, mas maraming gusto kumalaban sa 'min. But of course, dahil si kuya ang may hawak, mas marami pa rin ang takot sa amin. Ang Aeon naman ay naging known na sa lahat at kung paano ito kagaling kung gumawa ng mission, pero hanggang ngayon ay wala pa rin nakakakilala sa mga members nito.

"You became more beautiful Lav," biglang sabi niya habang hinihimas ang aking kamay. "That's why even those students were infatuated to you. Tsk! They're still young for you!" biglang reklamo niya.

"Those students? Isa lang naman ah!"

"No!.. Tsk! Nevermind!"

Tinawanan ko naman siya. Hindi pa rin kasi siya nagbago. Masungit pa rin at umiiral ang pagkaseloso minsan.

"Di mo ba gusto 'yon? Hinahangaan nila ako?"

"I just want everyone around you to respect you not fall in love with you. I am the only one who's allowed."

"Oo na! Mahal din kita!" sabi ko habang natatawa.

Humiwalay naman siya sa 'kin tsaka tumayo at bumaba sa sahig. Pinababa niya rin ako at hinawakan ang aking kamay.

"I didn't come here without bringing you a gift woman," nakangisi niyang sabi.

Hinawakan niya ang aking kamay gamit ng isang kamay niya tsaka may kinuha rin siya sa kanyang bulsa. Nang mahagilap ko kung ano iyon, 'di ko mapigilang panlakihan ng mata.

Binitawan niya ang aking kamay para buksan ang maliit na box at kunin ang singsing doon. Parang ang daming kabayo ang nagsitakbuhan sa 'king dibdib sa lakas ng tibok ng puso ko. Hiniwakan niya muli ang aking kamay.

"Your father already gave me his permission to marry you..." nginitian niya ako nang matamis. Mas lalo tuloy nanlamig ang aking kamay sa kaba. "Will you marry me Lavandeir?"

Muli na naman akong napaiyak. Klase-klase na namang emosyon ang aking nararamdaman katulad kanina pero mas dumoble naman iyon. Mabilis akong tumango sa kanya kaya sinuot niya ang singsing sa aking kamay.

"I love you very much Lavandeir! Thank you!"

Muli niya akong niyakap nang mahigpit. Para siyang nanggigigil sa 'kin.

"S-Salamat din Ex..."

Humiwalay siya sa 'kin at hinawakan niya ang aking mukha at pinahid ang mga luhang tumulo sa 'king pisngi.

"I told you, it's too early to say thank you woman...

... because I will

always do something for you that will make you thank me."

After those words, he kissed me passionately.

We kissed at the rooftop under the moonlit night.

.

...

A/N: Huwag po masyadong mag-expect sa special chapter. Please vote and follow! Thanks for reading!