Chapter 60 - Success

Lavandeir's POV

"Ex..."

Kitang-kita ko ang paghawak niya sa buhok niya at binu-brush niya ito paitas. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili.

"Hmmm?"

Tinanggal niya ang USB tsaka pinatay ang computer. Humarap siya sa 'kin tsaka pinakita ang USB. "I will take this. I need to check Yumi's information first before helping you."

Tiningnan niya ang wristwatch niya. "It's already late Lav. Sleep well."

Hinawakan niya ang ulo ko tsaka hinimas ang buhok. Natigilan ako nang halikan niya iyon. Pagkatapos ay umalis siya sa tabi ko tsaka lumabas ng kwarto.

Naiwan naman ako doong nakatulala. Hindi ko naman in-expect na gan'on pala ang laman ng video. Mga ilang minuto bago ako muling nabalik sa realidad. Pinulot ko ang phone ko sa sahig tsaka tinawagan si Kern.

"Hi Lava! Hahahaha! How's his reaction?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"He seems mad hahaha. We're just teasing him. Ako ang nagsabi sa kanyang may binigay kaming USB sa 'yo at kailangan niyang makita ang laman n'on. I just didn't think you're watching it together! Hahahaha! Anyway, if you feel like I was behind this, I'm not. This is master's plan. Bye!"

Hindi man lang niya hinintay na magsalita ako, pinatay na niya agad ang tawag.

'Kernel!'

Hindi ko man maintindihan ang sinabi niya, binalewala ko na muna iyon. Kailangan kong kausapin si Ex baka galit siya sa 'kin. 'Di man ako siguradong galit talaga siya pero may part sa 'kin na dapat akong magpaliwanag sa kanya.

Hinanap ko kagaad siya pero wala siya sa sala. Wala rin siya sa kusina, sa labas, at kahit sa guest room kung nasaan si Natasha.

Nasaan ba 'yon?

Napabuntong-hininga na lang ako tsaka umupo sa gilid ng kama ni Natsy.

Bakit ba 'di ko 'yon naalala? At sana pinanuod ko na lang 'yon nang mag-isa!

Mga ilang minuto bumalik ako sa sala nang dumating si Veign. May dala itong malita at isang bagpack na ikinataka ko.

"Saan ka pupunta?"

"Dito na muna ako titira. It's safer."

Kinunuton ko siya ng noo pero dumiretso lang ito sa kwarto ni Ex na akala niya sa kanya iyon. Bumukas muli ang pinto at dumating si Kevin na may dala ring mga gamit. Tatanungin ko rin muna siya nang inunahan na niya ako.

"It's safer," sabi pa nito.

Wala ba talagang privacy ang may-ari nito?

"Don't worry gan'to na talaga kami 'pag kailangan."

Nagdadalawang-isip naman akong tumango na parang naiintindihan ko siya. Tinawanan lang niya ako tsaka pumasok na rin sa kwarto ni Ex. So it means silang tatlo diyan?

Dahil wala na akong ibang magawa, nasa terrace lang ako at tinatawagan sina Marj while hinihimas ang katawan ni Kite na nakahiga sa may lap ko. Nakaupo kasi ako sa sahig.

At kahit ano pang pagpupumilit ko sa tatlo na sabihin kung anong ginawa ko no'ng time na nalasing ako, hindi pa rin nila sasabihin. Kundi, tatawanan lang nila ako.

Pinatay ko na ang tawag tas inis kong ginulo ang buhok ko. Bakit iyon pa ang 'di ko maalala? Gaano ba ako kalasing n'on?

Dinaramdam ko na lang ang malamig na hangin na humahampas sa aking balat. Ang sarap sana sa feeling kung wala akong maraming inisip ngayon.

Unang-una, iniisip ko kung anong gagawin ni Justine ngayon. Kung sinabi ba niya iyon sa Elites or sinunod niya ang utos ko.

Pangalawa, paano nalaman nina Kern na magkasama kami ni Ex na pinanuod namin ang video...

Isa lang naman ang maisip kong dahilan do'n... 'Yon ay kung merong system or server dito sa condo ni Ex, posibleng na-hack iyon ni Ethird.

Pangatlo ay saan kaya pumunta si Ex?

Nag-vibrate ang phone ko tas nakita ko ang  message ni Marj.

*From 09000000000:

I saw exseven. Hes w/ kernel. heres the address.*

Mabilis akong napatayo nang mabasa ko iyon. Hindi na ako nagdalawang-isip pa para puntahan ang address. Maayos akong nagpaalam kina Veign kasi baka mag-aalala silang lumabas ako kahit malalim na ang gabi.

Paglabas ko ng building nagulat ako nang makita si Master na nakasakay sa isang motor. Kitang-kita ko siya dahil sa puting outfit niya.

"In a hurry?" tanong niya.

Kahit nagtataka ako ay tumango ako sa kanya. Nahihiya pa ako nang pinaangkas niya ako sa motor. At kahit 'di ko sinabi kung saan ako pupunta, parang alam na alam na niya ang address. Sobrang bilis pa ng pagpapatakbo niya. Buti na lang hindi na ako takot.

"I have to say sorry for this favor but... can you please accept my son and stop hurting him?"

Sobra akong natigilan sa sinabi niya at the same time ay nagulat. Sa lahat ba naman ng favor niya ay iyon pa? Isa pa, hindi ko naman sinasaktan ang anak niya.

"P-po?"

"This is the only way that he'll accept me again as his father."

Hindi agad ako nakapagsalita ng ilang minuto. Parang mas mahirap pa i-process sa utak ko kesa sa mga lesson sa course ko.

Hindi ko siya sinagot. Wala kasi akong masagot. Hindi ko alam kung pa'no tugunan ang favor niya. Mga 15 minutes lang ang byahe bago kami dumating.

"We're here."

Bumaba na ako sa motor tsaka binigay sa kanya ang helmet.

"Also don't tell this to your father. Thanks!"

Hindi pa nga ako nakapagsalita nang agad na siyang umalis. Ngayon alam ko na kung saan nagmana ang pagiging straightforward ni Ex.

Nang pinasok ko ang lugar, nalaman kong isa itong private club. Marami pa ring mayayamang tao ang nagsiksikan at nagsasayawan sa dance floor. Marami pa ring nag-iinuman at kung anu-ano pa na makikita sa club. Madilim ang paligid at maingay.

Hinanap ko kaagad sina Ex at Kernel. Dahil malaki ang club, natagalan akong makita ang mga ito. Pero nang makita ko na ang pwesto nila, tumayo na si Kernel tsaka uminom ng isang basong alak at umalis. Tinapik pa niya ang likod ni Ex na ngayon ay nakatulala.

Hahabulin ko na sana si Kern nang nakipagsiksikan siya sa mga kumpol ng tao tas bigla na lang itong nawala.                                                                                   

Tiningnan kong muli si Ex. Dahil medyo malayo ako sa kanya, kahit sumigaw pa ako para tawagin siya, hindi pa rin niya iyon marinig.

Siniksik ko ang sarili sa mga taong sumasayaw para lang makapunta sa pwesto niya. Nakaupo kasi siya sa isang mahabang sofa at patuloy na umiinom.

May mga babae namang tumabi sa kanya sa sofa at nakipag-usap sa kanya pero hindi niya iyon pinapansin.

Kumunot naman ang noo ko sa mga babae. Bakit ba pinipilit nila kahit ayaw makipag-usap nung tao?

Malapit na ako sa kanya nang tumayo siya at umalis sa pwesto niya. Tatawagin ko na sana siya nang may babaeng napaka-sexy na biglang humablot sa kanya at pumulupot sa bewang niya. Kumunot aking noo nang makitang iyon pa rin ang babaeng biglang tumabi sa kanya sa sofa.

Sinamaan niya ng tingin ang babae. Inis niya rin itong pinaalis sa kanya tsaka pinagpagan pa niya ang sarili niya na parang nadudumihan siya. Umalis na siya at lumabas ng club.

Aalis na rin sana ang babae nang agad ko itong nilapitan at hinawakan ang braso. Hinila ko ito tsaka kinaladkad sa dulo kung saan medyo walang tao. Hindi ko siya pinansin kahit nagmumura na siya sa akin.

Inis ko naman siyang binitawan tsaka tinaasan ng kilay. "Next time don't force yourself to others when it's very clear that he doesn't want you!"

Sinamaan ko siya ng tingin tsaka aalis na sana nang hahawakan niya sana ako pero agad kong nataboy ang kamay niya. Nagalit siya nang sobra at parang papatayin niya ako rito.

'Ako dapat ang galit dito at hindi siya!'

"And who are you?" mataray niyang tanong.

Nilapitan ko siya. Kitang-kita ko kung paano siya umatras sa paglapit ko. Nilapit ko pa ang bibig ko sa may tenga niya.

"To him, I'm more important than a trash like you!" Sasampalin niya sana ako nang, "Try slapping me then you'll realize this will be the last minute you can breath!"

Sinamaan ko siya ng tingin na parang gusto ko na talaga itong patayin. Tinalikuran ko siya tas agad akong lumabas at sinundan si Ex. Pagkalabas ko nakita ko na itong kakaalis lang habang nakasakay sa motor niya. Nawalan tuloy ako ng pag-asang masundan pa siya.

"What a dramatic scene you really have!"

Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na nagsalita. Nakita ko si Kern na nakasandal sa kanyang motor sa gilid malapit sa pinto habang nakangisi sa akin ng kakaiba.

"Hindi kapa umalis?"

"I know you need me that's why," pagyayabang niya.

Nilapitan ko siya tas binigyan niya ako ng helmet. "Where do you want to go milady?"

"Sundan mo siya. Alam mo naman kung bakit ako nandito."

Alam ko kasing pinagmamasdan niya ako. Dahil na rin sa sinabi niya kanina na plano ito ni master. Wala akong idea kung anong goal or anong mission nila ngayon, pero alam kong may kinalaman kami ni Ex.

"Aye aye captain!"

Pinaandar na niya ang motor ng mabilis para masundan pa namin si Ex.

"Ano palang pinag-usapan ni'yo?" tukoy ko sa pag-uusap nila ni Ex.

"Di mo na dapat malaman pa binibini. It's better na 'di mo alam para may thrill! Yiieeh! Hahaha!"

Ang sarap talagang sapakin nito! Kundi lang sana 'to nagd-drive nasapak ko na 'to! Nagtatanong ako nang maayos dito eh!

Hindi ko na lang siya kinulit kung anong pinag-uusapan nila ni Ex. Kasi kahit anong gawin ko, mukhang wala siyang balak sabihan ako.

Mga ilang minutong pagd-drive ni Kern ay napapansin ko ang daan na sobrang familiar. Nang pumasok kami sa isang village, nagkaroon na ako ng idea kung saan pupunta si Ex.

Sa totoong bahay niya.

Dinala niya ako rito last time kaya nalaman ko ang lugar na 'to. Nandito rin kami n'ong nalaman namin ang nangyari kina Kevin at Casey.

Bumaba ako sa tapat ng gate ni Ex tsaka inabot ang helmet kay Kernel. Nginisihan niya ako nang kakaiba. Or parang nang-aasar siya sa tingin niya.

Sinimangutan ko naman siya na ikinatawa niya. Kahit kailan talaga 'to!

"Aalis na ako para magka-moment na kayo. Baka masaktan na naman 'yon. Hahaha! Tsaka tawag ka lang kung kailangan mo 'ko! Good luck! Pft!"

'Di ko na pinansin ang pagpipigil niyang tawa at nagpaalam na lang. Huminga naman ako nang malalim. Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Ngayong nandito na ako nawalan ako ng dahilan kung ba't ako nandito. Parang na-blanko ang utak ko.

'Ano bang sasabihin ko? Anong itatanong ko? Paano ako magsisimula ng topic?'

Mabilis lang akong nakaakyat sa gate kahit nakasarado ito. Ewan, natatakot akong mag-doorbell.

Huminga ako nang malalim para paalisin ang kaba ko. Nasa tapat na ako ng pinto at kakatok na sana ako nang bigla itong bumukas.

Napatras ako sa gulat, hindi dahil sa bigla itong bumukas kundi dahil sa tumambad siya sa harapan ko.

'Alam ba niyang nandito ako?'

"You're not planning to sneak in, are you?"

"A-ano... hmm kasi..."

Bakit? Ano bang sasabihin ko? Ba't wala akong maisip? Ba't ko ba siya sinundan? Ba't ko rin siya gustong sundan? Natanggap ko lang ang text na magkasama sila ni Kern ay agad na akong pumunta sa club para makita si Ex.

"I told you, this place has full security support. I know who's trying to sneak in."

"Pero hindi naman ak..."

Hinila niya bigla ang braso ko tsaka pinalapit sa kanya para yakapin.

"A-anong gin..."

"I know you like me hugging you woman. You can't deny it in front of me."

Lumakas na naman ang tibok ng puso ko sa kaba. Nag-iinit din ang aking mukha dahil sa pagiging straightforward niya. Ang dami ko pang iniisip, sumali pa 'tong nararamdaman ko.

"H-hindi nam..."

"And I know the reason why you're trying to kiss Kernel..."

Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang aking mukha para iharap sa kanya. Napatingala naman ako at sinalubong ang mga makahulugan niyang titig.

"Because that time you thought I was him..." 'Di ko napagilang napanganga sa sobrang gulat dahil sa narinig ko. "And I love you too Lav!"

Mabilis niya akong hinalikan sa labi na mas lalong nagpatibok ng puso ko. Nafe-feel ko ang maiinit niyang labi na humahalik sa labi ko... At hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya.

'Mahal din kita!' gusto ko sanang sabihin iyan pero 'di ko kaya.

...

Third Person's POV

Nakatingin sa binocular si Kernel sa malayo habang nakasakay pa rin sa motor niya. Napangiti naman siya sa kilig na nararamdaman habang tinitingnan ang malalim na halikan ng dalawa.

"How is it?" excited na tanong ni Marj mula sa earpiece.

"Master it's a success! They're kissing! Hahaha!" report ni Kernel. Nakikinig din kasi si Ace of Spade mula sa earpiece.

The moment they saw Lavandeir acting like that when she was drank in her training, Esh already planned something. And it's a success. He hoped that his son will finally forgive him.