Chapter 61 - Prince

Third Person's POV

Alas kwatro na ng madaling araw, bumalik sina Lavandeir at Ex sa condo kung saan nag-stay ang iba. Para na rin makasabay sila sa ibang kasama nilang pumasok.

Nasa sala naman si Veign na umiinom ng latte mag-isa. Napatingin siya kina Lavandeir at ng leader nila na magkahawak ang kamay ng mga ito. Mahirap mang aminin pero nasasaktan pa rin siya nang husto. Ngumiti sa kanya si Lavandeir kaya nginitian na rin niya ito nang pilit.

'I can see... She's now happy.'

Binitawan na ng dalaga ang kamay ni Ex para puntahan si Natasha. Si Ex naman, pumunta sa kusina para magtimpla ng kape. Bumuntong-hininga si Veign. Kahit nasasaktan siya, tanggap naman niya ang dalawa. Nakikita niyang masaya na ang mga ito at ayaw niyang maging hadlang.

Ilang sandali pa, may nag-doorbell sa labas ng condo kaya pinagbuksan iyon ni Veign. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kapatid ni Lavandeir.

"Wazzup dude!" bati pa nito at nakipag-fist bump. Pilit pa ang mga ngiti nito na  ikinataka niya saglit.

Nakipag-fist bump din si Veign tsaka pinatuloy si Xian. Sinundan siya nito hanggang sa pag-upo sa sala. Napansin ni Veign na parang may hinahanap ito... at isang bagay lang ang pumasok sa isip niya.

"She's in the guest room."

Kumunot ang noo ni Xian sa biglaang pagsalita ni Veign. "Sino?"

"Natasha," simpleng sabi nito tsaka uminom ng latte.

"Ano namang meron d'on?"

"She's still unconscious so you can see her now."

"You don't need to pretend bro. We knew it," sabi ni Ex na kakarating lang galing kusina. May dala-dala pa itong tasa ng kape.

'Tinawag niya akong bro?'

"Ba't 'di mo kasi pinansin eh nag-aalala ka pala." Napatingin din sila sa kakagising lang na si Kevin. Humihikab pa ito at nag-iinat.

Dahil sa mga side comments ng tatlo, padabog na tumayo si Xian tsaka nagtungo sa guest room. "Binigyan ni'yo pa talaga ako ng advise no? Mga batang 'to!"

Wala na kasing silbi kung magde-deny pa siya eh tama naman sila. Pumunta talaga siya rito para tingnan si Natasha. Nalaman niya kasi ang balita about sa nangyari sa dalaga kaya nagmamadali siyang pumunta.

Pinihit na niya ang doorknob at papasok na sana nang marinig niya ang sinabi ni Ex. "We're just three years apart!"

Pumasok na siya at sinara ang pinto. 'Kahit kailan talaga 'tong BF ni manang walang respeto!'

Nakita niya ang kapatid niyang nakaupo sa gilid ng kama at nang ilipat niya ang tingin niya sa kama, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nang makita si Natasha na walang malay.

Nilingon siya ng kapatid niya at nilapitan ito. Niyakap niya ito at bumulong, "aking kapatid!" tsaka humiwalay sa yakap.

"Na-miss kita kuya!"

"Ew!" nandidiri niyang sagot tsaka ginulo ang buhok nito na ikinainis ni Lavandeir. Maya-maya nginitian siya ng kakaiba na parang nang-aasar. "Maiwan ko po muna kayo kuya."

Kinunutan niya ito ng noo hanggang sa makalabas na ito ng room. "Ano bang nakain n'on at mukhang masaya? Gumagalang pa! Ew!”

Nang umalis na ang kanyang kapatid, bumuntong-hininga siya tsaka hinarap niya si Natasha. Nilapitan niya ito at umupo sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang makinis na mukha nito at ilang segundong tinitigan.

“Maldita ka pa rin tingnan kahit tulog ka.”

Lumungkot ang mukha niya nang maalala niya ang pagtrato niya rito.

Oo nakokonsensya siya sa hindi pagpansin at pagiging cold rito. Inaamin niyang sobra ang pagka-disappoint niya sa dalaga noong time na yon. Napansin na niya kasi noon na may nagmamasid sa kanya. Ginawa niya ang lahat para mahuli ito kaya kahit mali na gamitin ang crewmate niya, ginamit niya pa rin ito para mahuli ang taong nagmamasid sa kanya. Hindi niya lang inakalang si Natasha pala iyon.

Hanggang sa nalaman pa niya ang iba pa nitong trabaho. Ang pagpatay, ang pag-blackmail at ang iba pa nitong mga mission.

Nang ma-recruit siya ni Mr. Taki, unti-unti na niyang naiintindihan ang dalaga kaso mahirap maipaliwanag kung bakit ayaw niya pa ring makipagbati rito.

Marami siyang nalaman tungkol sa pamilya nila, sa nangyari sa kapatid niya at sa away ng dalawang mafia. Gulong-gulo ang isipan niya sa mga oras na iyon.

Then now, he received his sister's call talking about Natasha. So he rushed here just to see her condition. He's damn worried! And he doesn't know why those kids knew what he felt!

Nalipat ang tingin niya sa mga namumutlang labi nito… At wala sa sariling hinawakan ito. Hindi na niya maalis pa ang mga mata niya. Lumalakas ang tibok ng puso niya na parang kinakabahan siya. Hanggang sa unti-unti niyang nilapat ang mga labi niya sa labi nito.

Naalala niya no'ng time na naghalikan sila sa kanyang kwarto. Naalala niya ang mainit na sandaling iyon. Hindi niya rin iyon makakalimutan, lalong-lalo na ang malambot nitong labi. At ngayon, naranasan niyang muli.

'Kung gising kaya siya at ginawa ko to? Tutugon kaya siya ulit?'

Kinagat niya ang labi nito sa gigil tsaka mabilis na tumayo. Kinakabahan siya bigla.

'Ba't ba nakakaakit ang mga labing 'yan?'

Kinagat niya ang labi niya para pigilang ngumiti. Kinalma niya ang sarili tsaka nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Nakita niya ang mga kasama niya na busy sa kanilang ginagawa. Nakahinga siya nang malalim nang makitang walang nagsususpetya sa kanya. Para kasi siyang guilty na nakagawa ng krimen.

Palihim siyang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Hanggang sa matapos na siyang uminom, hindi pa rin mawala ang kaba na nararamdaman niya. Para tuloy siyang beginners na hindi maka-get over  sa isang halik.

Pumasok naman sa kusina ang leader nilang si Ex. Hinugasan nito ang tasa ng kape tsaka binalik sa lalagyan. Lumapit ito sa kanya at nagsalin din ng tubig.

“15 seconds…” biglang sabi nito na ikinataka niya.

Hindi naman siya nito tinapunan ng tingin o tiningnan nang masama pero damang-dama niya ang pagiging cold at strikto nito.

'Presensya pa lang nakaka-intimidate na! Nakalimutan ko tuloy na mas bata pa 'to sa kin.'

“You see…” sabi nito ulit. “…my cousin isn't snow white and you're not an assurance to be her prince.”

”Anong pinagsasabi mo?”

“You might think she'll wake up with your 15 seconds kiss.”

Nabitawan niya ang baso pero buti at hindi ito nabasag. “Paanong...” Nanlaki ang mata niya nang ma-realize niyang… “May camera sa loob?” 

'Di man siya sinagot nito pero alam niyang tama ang hinala niya. Nginisihan lang siya ni Ex nang kakaiba kaya kinabahan siya bigla.

“You're giving me an idea of what will I do with your sister.”

Para siyang nakaramdam ng sobrang hiya. Nahihiya siyang nalaman ng leader nila na hinalikan niya ang pinsan nito eh hindi naman niya ito pinapansin.

Dahil sa inis, sinabihan niya si Exseven ng, “may possibility ring hindi ka magiging prinsipe ng kapatid ko!”

“I can change that possibility you're thinking!”

Umalis na ito sa kusina at naiwan siya. 'Siya yong nag-umpisa tas siya yong galit?'

...