SIYAM

Lakad-takbo ang ginawa ko para lang hindi ako malate sa trabaho ko. Late na kasi kami pinalabas ni Sir sa klase kanina. Sinermunan pa kasi kami kanina dahil may nahuli siyang nagkokopyahan at may nakuhang kodiko sa mga kaklase ko. Isang oras ata niya kaming sinermunan bago i-dismiss ang klase. Sumabay pa ang traffic kung kailan ka nagmamadali saka ka pa nagkandamalas-malas. Nasiraan pa kasi ang jeep na sinasakyan ko at kailangan na lumipat pa sa ibang jeep.

Pagpasok ko sa loob ng café ay busy na silang lahat at mababakas mo ang pagka-excite sa kanilang mga mukha. Dali-dali naman akong pumasok at binaba agad ang mga gamit ko.

"Hala! Late ka na naman, Jam? Magbihis ka na bago ka pa mapansin ni Madam— Bilisan mo."sambit niya at pinagtulakan ako papuntang locker.

"Nand'yan na ba ang special guest?"Tanong ko kay Jing habang inaabot ang mga gamit ko.

"Oo at siguradong matutuwa ka kapag nakita mo sila kaya bilisan mo na magbihis."sambit nito saka ngumiti sa'kin.

"Oo na, huwag mo akong itulak baka madulas ako."sambit ko sa kanya at tinitignan ang bawat paghakbang ko.

Matapos kong magbihis ay pumunta na ako sa pwesto ko at saktong papunta na ang mga special guest sa mesa nila. Masayang nagku-kwentuhan ang pito at parang nagpapalitan pa ng mga suhestiyon sa isa't-isa.

"Dalhin na daw sa mesa ang lahat ng specialty natin sabi ni Madam,"sambit ni Sir Rico ang chef namin dito.

Pwera kasi sa tinapay at kape ay may iba pa kaming tinitinda sa mga customer like cuisine and so on. So, parang Café Restaurant talaga ang pinagta-trabahuhan ko pero mas nakilala kami sa mga bread, pastry at coffee na binebenta namin dito. Nilapag na namin sa mesa ang mga bread, pastry at specialty food na ibinebenta namin dito. Napangiti ako ng masilayan sila ng malapitan.

Gosh! Mukha talaga silang mga anghel na nagmula sa langit pwera lang kay Jiro. Ang savage eh! Charot! Hahahaha... Pinuri nila ang mga pagkain na tinikman nila at sabi nila ay mag-uuwi sila ng mga ito mamaya para ipatikim sa mga kaibigan at pamilya nila.

"May mga darating pala na gamit dito mamaya. Pandesenyo iyon dito sa cafe kaunti lang naman ang idadagdag dito. Pati ang mga camera ay ilalagay na din nila para bukas ay ready na ang lahat."sambit ng producer at tumango naman si Madam.

"We will be here tomorrow at 9 am para ayusin pa ang dapat ayusin. Hmm, kailangan din namin ng isang assistant para bukas,"sambit ng manager nila.

"Ito si Jing siya ang employee of the year namin since 2017 dahil sa kasipagan niya. Mapagkakatiwalaan din iyan,"sambit ni Madam at tinuro siya.

Lumapit naman ang ngiting-ngiti na si Jing at nagpacute sa harap nila. Nakaramdam ako ng inggit dahil doon. Magka-edad lang naman kami ni Jing sadyang nauna lang siyang maging empleyado sa'min at may pagkasipsip pero tulad ng iba nasa loob din ang kulo niya.

"Okay, then Miss Jing ikaw ang tutulong sa SYNCERS bukas,"sambit ng isa sa staff. Lalo naman siyang napangiti na halos mapunit na ang kanyang labi.

"Okay po. I think I'm lucky to be the assistant of SYNCERS,"sambit ni Jing at malagkit na tinignan si Mark.

Tsk! Mabulag ka sana dyan. Argh! Malanding ito!

Maya-maya ay dumating na isang truck lulan ang mga idadagdag na pangdesenyo dito sa loob ng Café. Ang SYNCERS naman ay umalis na dahil may pupuntahan pa daw silang awarding sabi ng producer nila. Sayang hindi ko man lang nakausap si Baymin kahit 'Hi' hindi ko man lang nagawa. Matapos namin maglinis at tumulong sa pag-aayos sa Café ay pinauwi na rin kami agad.

---

Busy kaming lahat ngayon at ang daming tao sa labas ng Café namin. Ito ang kauna-unahang pangyayari na dinagsa kami ng napakaraming tao baka nga kulangin ang mga hinanda naming paninda ngayon. Iyong tipo na ibababa palang ang plato paglapag wala ng laman.

Bakit nga ba kami hindi dadagsain ng ganito kung ang magse-serve sayo ay pitong naggwa-gwapuhang lalaki na para bang galing langit?

May chance ka pa na makausap at makasama sila sa mesa sa loob ng kalahating oras kapag nag-order ka ng isa sa special menu. How lucky?

Thirty minutes talk with one of those seven handsome guys feels like heaven dude! The sad part is hindi kasali ang staff ng Café sa paandar ng SYNCERS kaya nag-iinit ang dugo ko. Nakakamatay ang maiinggit dude!

Sana pala pinagpilitan ko nalang ang pagre-resign kahapon edi my chance akong makipag-usap kay Baymin.

Inaayusan na sila Baymin ngayon dahil malapit ng magsimula ang show. Napatingin ako sa labas at dagsa ang kababaihan doon na nais na atang basagin ang glass door namin makapasok lang dito sa loob at matunghayan sila ng malapitan.

"Limang minuto nalang at magsisimula na tayo. Nasaan na ang mag-aassist sa SYNCERS?"Tanong ng staff kay Madam. Nagkatinginan naman sila Madam dahil wala pa rin si Jing hanggang ngayon.

"Kanina pa po namin siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag namin,"sambit ni Thea.

"Hindi na natin siya maaring hintayin Madam kailangan na natin magsimula ngayon,"sambit ng Director.

"Hays! Ano naman kaya ang nangyari sa babaeng iyon? At ngayon pa talaga siya nawala?"Inis na sambit ni Madam at nagkatinginan nalang kaming mga empleyado niya.

----

Napahilot si Madam sa kanyang sintido saka huminga ng malalim.

"Madam, nagreply na po si Jing!"Humahangos na sambit ni Fuentes.

"Anong sabi niya?"Agad na tanong nito na nakataas ang isang kilay.

"Pasensya na daw po dahil hindi siya makakapasok ngayon. Masama daw po ang pakiramdam niya."Malungkot na sambit nito.

"Bakit ngayon pa?"Medyo may inis na sambit ni Madam.

"Uhmm, can I suggest?"Napalingon kami sa nagsalita at nakita namin si Yohan. Nakasunod sa kanya sila Jackson, Yuri atsaka ang asawa ko este si Baymin pala na naglalakad papalapit sa'min.

"Ano iyon?"Tanong ni Madam

"Pwede bang si Miss ganda nalang? Medyo kilala na rin naman namin siya. So, hindi na kami masyadong maiilang,"sambit niya sabay turo sa'kin.

Sa paraan ng pagkakaturo ni Yohan parang ako na ang the one na makakasama niya for life kaso aayaw ako kasi si Baymin ang gusto ko. Charing!

"Pero..."angal ni Madam ngunit nagpa-cute ang mga loko.

"Please!"Hindi lang pala sila dahil pati si Jackson ay kasama din sa nagpa-cute.

Napaawang naman ang labi ko dahil sa ginawa nila. Feeling ko tuloy napakaganda at special ko sa ginagawa nila. Gosh! Natatapakan niyo na ang mahaba kong buhok. Lumingon naman sa'kin si Madam saka ako tinaasan ng kilay.

"Fine. Ikaw na ang pumalit kay Jing. Don't disappoint me with this Jammy,"sambit ni Madam sabay talikod sa'min.

Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti ng malawak dahil sa narinig ko.

"Let's go, para makapagsimula na,"rinig kong sambit ni Yohan kaya nilingon ko siya at nakita ko na nakangiti siya ng malawak.

"Skrt! Skrt!"Sabay na sambit ni Yuri at Baymin.

"Bubuksan na po namin ang pinto. Wala pong magtutulakan kung ayaw niyong itulak ko kayo palabas ulit."Sambit ni Jiro sa mic sabay nagpakawala ng nakakalokong tawa.

See? Sabi sa inyo, eh! Sa ibang panig iyan nagmula. Binuksan na namin ang pinto at sinunod naman nila ang sinabi ni Jiro. Mga takot din kahit kinikilig at dahil sobrang dami nila ay first one hundred fifty persons lang muna ang pinapasok sa loob.

"What's your order, Miss?"Tanong ni Jackson sa babae.

"You,"deretsang sagot nito at ngumiti ng matamis kay Jackson. Mahinang napatawa naman si Jackson bago sumagot.

"I'm sorry, alam kong yummy ako pero hindi ako kasama sa menu,"nakangiting sagot niya at ngumiti sa kausap.

"Oh? That's sad. Hmm, I want Ice Americano and Red Velvet cake,"sambit nito at nagpacute sa harap ni Jackson.

"Miss?"Napalingon naman ako sa kumalabit sa'kin at nakita si Mark. Halos magkapalit na nga kami ng mukha dahil sa lapit niya sa'kin.

Uh? An angel from heaven. Masikip kasi dito sa counter at hindi maiwasan minsan na madikit sa isa't-isa.

"Yes?"Sambit ko ng maka-recover sa ka-gwapuhan niya.

"Can you help me bring this order to a customer? Busy na kasi ang iba sa pagkuha ng order. Si Jayvee, Baymin at Yuri ay nai-table na,"sambit niya at plinaster ang maganda niyang ngiti.