WALO
Bumaba na ako kaagad sa kotse at dumiretso doon. Hinila ko pababa ang isang babaeng umaakyat sa gate. Bumagsak siya sa lupa at galit na galit akong tinignan.
"Ano bang problema mo?"Asik niya sa'kin.
"Hindi mo ba alam na trespassing ang tawag d'yan sa ginagawa mo?"Sigaw ko din sa kanya ng taas-kilay.
"And so? Ikaw ba makakasuhan? Pakialam mo ba?"Bulyaw niya ring saad sa'kin saka tumayo.
"Pwede ba umalis na kayo at huwag niyong guluhin si Baymin,"may inis na sambit ko. Tinignan naman ako ng babae mula ulo hanggang paa.
"Sino ka naman para sundin ko? Ikaw ang umalis,"sambit nito at itinulak ako.
"Ikaw sabi, eh,"sambit ko at tinulak rin siya.
Nauwi ang pagtatalo namin ng babae sa sabunutan at pinigilan lang kami ng mga guard sa lugar na iyon saka sapilitang pinaalis. In short, we're banned!
"This is your fault!"Sigaw no'ng maingay na babae na gulo-gulo na ang buhok ngayon.
"Fault-Faultin mo mukha mo!"Inis na sigaw ko sa kanya.
"Pwede ba magtigil na kayo kung gusto niyo ipagpatuloy niyo iyan sa loob ng selda,"galit na sambit ng pulis.
"Argh! Fine. Bitawan mo nga ako kaya ko maglakad mag-isa!"Galit na sambit nito saka ako tinignan ng masama.
Ano naman kung banned ako? Ang importante banned ka ding bwisit ka! May ibang way pa naman para makita ko si Baymin. Hmp! Umuwi ako kaagad matapos iyon.
"Bakit puro galos at kalmot ka?"Tanong ng ka-dorm ko.
Hindi ko siya sinagot sa tanong niya at umiling lang ako. Naglinis nalang ako pagkaraan ay humiga na sa'king higaan. Napatitig ako sa kisame at naisip ang plano na hindi ko akalaing gagawin ko.
-
Matapos ang klase namin ay dumiretso ako sa café kung saan ako nagpa-part time job. Magre-resign na ko dito dahil buo na ang desisyon ko. May ipon naman na ako at sapat na siguro iyon.
"Tuloy..."Narinig kong sambit nito matapos kong kumatok ng tatlong beses sa pinto ng opisina niya.
"Uhmm.. Magre-resign na po ako at ito po ang formal resignation letter ko,"magalang na sambit ko.
Tinignan niya ang letter na hawak ko pagkaraan ay tumingin sa'kin. Saglit siyang napanganga bago umayos ng upo.
"Bakit bigla-bigla naman?"Tanong nito nito na tila nanghihinayang.
"H-Hindi ko po kasi kayang pagsabayin ang pagta-trabaho at pag-aaral ko,"sambit ko sa kanya.
Totoo naman kasi talaga iyon. Napatango siya dahil sa sinabi ko pagkaraan ay huminga ng malalim.
"Pasensya ka na at hindi ko matatanggap iyan sa ngayon,"sambit niya at binaba ang hawak niyang ballpen at seryosong tumingin sa'kin.
"Bakit naman po?"Takhang tanong ko dahil wala namang kaso kahit umalis ako. Part-time lang naman kasi ang trabaho ko dito.
"Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo muna ang pagre-resign mo? May big event kasi tayo at ang café natin ang napiling lugar para sa segment na iyon. After that segment at hindi pa rin nagbabago ang desisyon mo. Then, I will let you go. This is the first time we will handle a big event kaya pasensya na. Hindi kita mapagbibigyan ngayon. Can you do this favor for a last time?"Tanong nito at pinagsaklop ang mga palad. Nakiki-usap ang mga mata nito sa'kin at pinahihiwatig na pagbigyan siya sa kanyang pakiusap sa huling pagkakataon. Saglit akong nag-isip saka huminga ng nalalim bago nagsalita.
"Hmm... Ano po bang segment iyan at parang napaka-importante?"Tanong kong muli sa kanya. Nakita ko naman na kumurba ang ngiti sa kanyang labi at parang na-excite sa kung ano mang sasabihin niya.
"Napili kasi ng Sync Entertainment ang Café natin. Dito nila gaganapin ang segment ng Syncers na Gotcafé hindi ko alam kung anong klase ang segment na iyon. Ang importante dadagsain na ang cafe natin ng maraming tao dahil magkakaroon na tayo ng exposure tapos babayaran pa tayo."Tuwang-tuwa na sambit nito.
Gotcafé? Pasegment ng Syncers para sa nalalapit na anniversary ng friendship kaya nila iyon.
Hmmm... Makahanap kaya ako ng t'yempo no'n para mapalapit kay Baymin? Magiging close kaya kami? Sana...
"Sige po, pumapayag na ako."Sambit ko sa boss ko.
"That's nice to hear. Pupunta ang Syncers rito bukas at ang ibang staff para tignan ang buong café natin."Sambit nito at tumango naman ako bilang sagot.
Nagpaalam na ako sa kanya matapos namin mag-usap. Ibinulsa ko naman ang resignation letter ko pagkalabas ko ng opisina ng boss ko. Siguro after ng event na iyon ay maibibigay ko rin ito sa kanya.
"Magreresign ka na?"Tanong ng katrabaho kong si Thea.
"Hindi pa. Siguro pagnatapos na ang big event na sinasabi ni boss,"sagot ko sa kanya pagkatapos ay sumandal sa counter saka humarap sa pintuan ng cafe.
"Big event? Anong big event?"Gulat na tanong nito ngunit mababakas mo ang pagka-eksayted sa boses niya.
"Lalabas din mamaya si Madam para i-discuss ang big event na sinasabi ko,"sambit ko sa kanya.
Matapos namin magkwentuhan ay bumalik na ako sa pwesto ko. Maya-maya ay lumabas na din si madam sa office niya at pinatawag kaming lahat upang magpulong.
"Bukas ay may mga special guest tayong pupunta dito para i-check ang café natin kaya maaga tayong magsasara ngayon para linisin ang cafe."sambit ng Boss namin.
"Sinong special guest?"Tanong ng isa sa mga katrabaho ko.
"Maganda po ba?"
"Sexy?"
"Artista po ba?"
"Singer?"
"Gwapo po ba?"
"Magsikalma kayo. Bukas niyo malalaman kung sino iyon. Ang café natin ang napili nilang location para i-shoot, kaya ito na ang time natin para ipakita sa lahat na ang café natin ay maipagmamalaki. I trust all of you kaya goodluck to us. Baka dahil rin sa pagbisita ng special guest natin ay dagsain na tayo ng maraming customer. Always remember our etiquette, rules and regulations, Okay?"Masayang sambit ni Madam at mababakas mo rin ang sobrang kagalakan sa boses niya.
"Yes po."Sagot naming lahat.
"Okay! Magsasara tayo ng 2pm kaya kapag 1:30 na ay huwag ng magpapasok at tumanggap ng mga customers. Nagkaka-intindihan ba tayo?"tanong nito at mabilis kaming sumagot ng oo. Agad naman siyang naglakad pabalik sa kanyang opisina.
"Madam, sino po ba talaga ang special guest natin bukas?"Pangungulit nila ngunit sadyang ayaw niyang sabihin kung sino nga ba talaga ang mga ito.
"Madam, sabihin niyo na kasi?"
"Artista po ba o singer?"
"Girl group o boygroup po ba? O baka naman po banda?"tanong ng mga ito.
"Malalaman niyo din bukas,"sagot nito bago tuluyang isara ang pinto.
"Aww..."Reaction nilang lahat dahil hindi nila nakuha ang sagot na ninanais nila.
"Pabitin si Madam,"sambit pa ng ilan saka bumalik na sa kanya-kanya nilang trabaho.