SAMPO

Wala naman ako sa sariling napatango dahil nalulunod ako sa ka-gwapuhan niya. Pero wait! Nai-table si Baymin? Hinanap ko naman si Baymin sa mga mesa. Nandoon siya malapit sa bintana at nakikipag-kwentuhan. Buti nalang at lalaki ang kausap niya. Mas okay nang manlalaki siya huwag lang mambabae.

Kinuha ko na ang order na dadalhin sa customer at sinundan si Mark. Pumunta kami sa isang long table kung saan sa palagay ko ay may thirty persons ang nakaupo doon. Tulad kanina ay naka-plaster pa rin ang ngiti ni Mark na makalaglag panty.

Napansin ko din na nandoon si Jayvee at nagsasalin siya ng inumin para sa babaeng kaharap. Sila Yohan at Yuri ay nandoon at nakikipag-kwentuhan na din. Si Mark naman ay inaaya na maupo sa kabilang mesa ng mga highschool student. Nagpapacute pa nga ang babaeng kulot kay Mark.

Nakakainggit! Bumalik na ako sa counter matapos magserve sa kanila.

Kung kanina nasa counter ang SYNCERS ngayon naman ay nasa mesa na sila ng mga customer at nagpapalipat-lipat para mapuntahan silang lahat. Pinalitan naman sila ng mga kasamahan ko.

Hindi na nga nila sinunod ang rules na kapag may o-order lang ng special menu saka nila makaka-usap ang ang mga ito. Sabi kasi ng SYNCERS na umorder naman ang mga customer sapat na daw iyon para makausap sila. They know how to warm the hearts of their fans. Luckily, I'm on the same nest with them.

"Ito para sa table #5,"sambit ko at inabot kay Yohan ang tray na hawak ko. Tumango naman siya at ngumiti sa'kin. Hindi ba pwedeng araw-araw nalang ganto?

"Jam, kumuha ka pa nga ng mga cups at tissue sa stockroom,"sambit ni Yoon sa'kin tumango naman ako sa kanya. Kanina pa kami nagse-serve at wala pa kaming panghinga. Pagod na kami at nagugutom pa.

Tsk! Paano pa kaya ang pitong iyon? Kanina pa sila nagse-serve at pinag-aagawan sa ibat-ibang mesa. Oo nga at maganda ang concept na ito for fans. But, I also hate the fact na napapagod na sila still pinipilit nila na maging masaya sa harap ng fans at hindi magreklamo.

Napatigil ako sa pag-iisip ng mapansin kong nasa tapat na ako ng stockroom. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at binuksan iyon para hanapin na ang mga kukuhanin ko.

"Hmm, nasaan na ba ang mga cups?"Tanong ko sa sarili ko habang naghahanap ako ng mga cups.

Nang makita ko ang tissue ay nilibot ko ang paningin ko sa loob ng stock room at napasimangot ng makitang nasa taas ang mga cups. Hiyang-hiya naman ako sa height ko. Naghanap ako ng matutungtungan ngunit wala akong makita. Sinikap kong abutin iyon ngunit bigo ako. Argh!

Nakakainis naman!

Kumuha din ako ng stick para sundutin nalang ito pero nahihirapan ako. Umakyat nalang ako sa istante kahit na nahihirapan ako. Pagnalaglag talaga ako dito sasapakin ko si Yoon mamaya dahil pinahirapan niya ako sa pagkuha ng paper cups.

"Let me do it,"narinig kong sambit mula sa likod ko.

Lilingon na sana ako ngunit naramdaman ko ang pagdikit ng katawan niya sa likod ko na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa estante pang-suporta habang ang isang kamay niya ay inaabot ang paper cups sa taas. Pigil ang hininga ko dahil nararamdaman ko ang hininga niya sa batok ko.

Gosh! Kailangan ko kumapit ng mahigpit kundi mahuhulog ako sa pinagkakapitan ko.

Bakit kasi hindi muna ako pinababa ng lalaking ito bago niya kuhanin ang paper cups sa taas? Hirap na kaya ako dito tapos ganto pa ang posisyon namin nakakakiliti ang paghinga niya sa batok ko!

Nasa ganoong posisyon lang ako habang inaabot niya ang paper cups sa taas. Napakunot ang noo ko ng marealize ko na pamilyar ang kamay niya pati na rin ang boses niya.

"Here,"sambit niya ng makuha ang isang plastic na may lamang mga paper cups at bahagyang lumayo.

Tinulungan naman niya ako na makababa kaso kalahating tanga ako kaya dumulas ang isang paa ko at nalaglag. Mabuti na lang at mabilis siya. Nahagip niya ako sa pamamagitan ng pagsalo niya sa'kin sa beywang at nahila niya ang isang kamay ko paharap sa kanya. In short, parang nakayakap siya sa'kin habang nakahawak ang isang kamay niya sa palapulsuhan ko. Iyong para bang magsasayaw kami.

Hindi ko maiwasang amuyin siya dahil humahalimuyak ang kanyang pabango. Hindi maipagkakailang mayaman nga siya dahil para bang iyon ang ipinaliligo niya. Hindi pa rin nawawala ang mabilis na tibok ng puso ko na tila ba mas dumoble pa dahil sa posisyon namin ngayon.

"Okay ka lang?"Rinig kong tanong niya sa'kin. Napatingin naman ako sa kanya at naaninag ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Ayos—"

"Bakit ang tagal mo naman ata Jam? Sabi ni Yoon kanina ka pa niya inutusan—"Rinig kong sambit mula sa labas saka nagbukas ang pinto.

"Ops! Nakaka-istorbo ata ako?"dagdag na sambit nito saka napangisi habang palipat-lipat ang tingin sa'min ni Baymin. Bahagya ko namang naitulak si Baymin dahil naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi at nakaramdam ng hiya. Agad kong kinuha ang paper cups na hawak niya.

"S-Salamat,"sambit ko saka nagmamadaling lumabas sa stockroom at iniwasan ang makahulagang tingin ni Bella. Pagkalabas ko ay agad na akong tumulong sa kanila. Hanggang ngayon kasi ay naka-plaster pa rin sa mukha ni Bella ang nakakaasar niyang ngiti at ang sarap niyang sapakin kung hindi lang maraming tao ang nakatingin sa'min.

"Kaya pala ang tagal mo sa stockroom Jam, nagmo-moment pala kayo ni Baymin. Sana naglagay kayo sa pintuan ng 'Do not disturb'. Edi wala sanang nagtangkang pumasok,"sambit nito ng makalapit sa'kin at mas ngumiti ng nakakaloko. Masamang tingin lang ang iginawad ko sa kanya. Siya naman ay umakto na para bang wala siyang sinabing masama at nagpatuloy sa ginagawa niya.

"Pikon,"rinig ko pang sambit niya.

Napatingin ako kay Baymin na ngayon ay nagse-serve sa isang customer. Wala lang naman iyon sa kanya pero sobrang lakas ng impact no'n sa'kin. Napatingin siya sa pwesto ko ng ibabalik niya na ang tray na dala niya. Ngumiti siya kaya ngumiti din ako pabalik sa kanya.

"Oy! Miss, puno na iyang sinasalinan mong baso,"nagulat ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko at nakita si Yuri na kunot-noong nakatingin sa'kin.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko na puno na nga ang basong sinasalinan ko at tumapon na iyon sa mesa. Bahagya pang nabasa ang apron na suot-suot ko kaya agad kong binaba ang pitsel na hawak ko. Agad namang kumuha ng tissue si Yuri at pinunasan ang tumapon na tubig sa mesa.

"So-sorry,"utal kong sambit at tinulungan na rin siyang magpunas.