Chapter 4:
Kanina pa nakaalis si Baymin dito sa cafe ngunit heto pa rin ako at nakatayong parang t*nga malapit sa counter. Hindi ko maialis ang ngiti kong abot tainga habang nagtata-trabaho.
"Hoy! Galaw-galaw. Muntikan na kitang mapagkamalang mannequin. Umalis na si Baymin dito sa café thirty minutes ago pero nakatayo ka pa din diyan? Tawag na ba ako ng magbubuhat sa'yo o baka sa mental hospital nalang ako tumawag?" Narinig kong sambit ni Tricia. Isa siya sa mga katrabaho ko at ka-close ko dito sa Café.
"Loka-loka!" sambit ko sa kanya saka bumalik sa pwesto kong hindi inaalis ang malawak kong ngiti. Kung ganito ba naman lagi na nagkikita kami ni Baymin ay gaganahan ako araw-araw pumasok at magtrabaho. Ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo dahil sa pangyayari ngayong araw.
-
Mag-aalas dose na ng gabi ng makauwi ako sa bahay. Ang daming customer kanina kung kaya't gabing-gabi na kami nakauwi. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may bagong post sa Inspiregram si Baymin sa account niya. Wala siyang latest post pero may latest Inspiregram story siya. Iyong hotdog commercial niya.
Hm... Jumbo hotdog?
Napailing nalang ako sa kung anumang kalokohan ang inilalabas ng imahinasyon ko. Mabuti nalang at wala rito ang ka-dorm ko kung hindi sasabihan na naman akong baliw ni Ann kapag nakita niya ako nangi-ngiti na parang ewan.
"Goodnight, Baymin baby," ngiting-ngiting sambit ko sa litrato niya bago ilagay ang cellphone ko sa lamesa at natulog na.
---
Humahangos akong dumating sa room at lahat ng mata nila ay nakatuon sa'kin. Paano ba naman ay thirty minutes na akong late sa first subject namin.
"Late again, Ms. Peige?" Mataray na sambit ng baklang prof ko.
"S-Sorry po, Sir. Gabi na po kasi kami nakauwi galing sa work kaya na-late ako ng gising." Hinging paumanhin ko sa kanya.
Napabuntong-hininga naman ito bago tumango. Mabuti nalang at aware sila sa mga working students at ina-acknowledge nila ang mga cons at prons namin bilang estudyante.
"Take your seat, Ms. Peige." sambit nito at nagpatuloy sa pagdi-discuss sa harap.
Natapos ang klase na wala akong naiintindihan dahil pinipigilan ko ang mata ko na pumikit. Antok na antok pa rin kasi ako. Nag-inat ako paglabas ng professor namin at papungay-pungay pa ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Kinuha ko ang cellphone ko at nagising ang buong diwa ko ng makitang live sila ang Syncers sa Inspiregram kaya dali-dali kong binuksan ang app at pinanunood sila.
'Uhm... You should put a cream on your face because it's too cold today,' sambit ni Baymin.
"Luh! Naku, naman Baymin. Ang sweet mo. Yiee!" sambit ko sa screen na animo'y naririnig niya ako.
'How's married life, Jiro?' Tanong naman ni Jackson at inakbayan si Jiro. Napatingin ako sa relo ko at thirty minutes na ang lumipas. Late na ang professor naming sa klase niya.
"Sana naman huwag na siyang pumasok dahil live sila ngayon. Hays!" sambit ko at muling binaling ang paningin ko sa screen.
‘Tanungin mo si Baymin baka alam niya,’ natatawang sambit ni Jiro kay Jackson.
'Aba! Bakit ako ang tatanungin niyo? Malay ko dyan? Sa ating pito kayo palang ni Yuri ang sinakal este ikinakasal,' sambit ni Baymin na ikinatawa ng crowd.
"Don't worry bebe loves magpapakasal din tayo soon. Just wait! On-going na pagiging Mrs. Baymin Aisler ko," sambit ko sa sarili ko habang parang tangang nakangiti kaso napasimangot ako ng marinig ko ang mga katagang,
"Sorry class, I'm late. Tinapos ko pa kasi iyong meeting namin kasama ang Dean," sambit ng professor naming sa Math at ngiting-ngiti pang nakaharap sa'min. Mapunit sana labi mo nyeta ka! Hmp! Argh! Nakakainis naman! Dapat hindi na siya umattend ng klase, eh. Twenty minute nalang naman at break na.
'Do you know prof hindi pwede masira ang kinabukasan ko sa Syncers?'
Syempre charot lang! Aral muna bago sila, kaso pasaway ang kamay ko at may sarili atang buhay ito pati na ang mga mata ko dahil hawak ko pa rin ang cellphone ko. Panakaw-nakaw na nanunuod ng live nila. You’re so bad self!
"Goodmorning class," bati ng prof namin.
"Goodmorning, Ma'am Clee." bati namin pabalik. Nagsimula na siyang mag-discuss sa harap samantalang ako ay nagsimula na rin magmulti-tasking. Listening to the discussion while taking notes and watching Syncers.
'What are you guys doing?' Nakangiting tanong ni Yuri sa screen.
'Watching you...' Comment ng isang fan sa live nila.
'That's nice just watch us!' Natatawang sambit ni Jiro at nagtaas-baba pa ang kilay niya.
'Lets all say skrt-skrt!' sambit muli ni Bamin at nag-apir pa sila ni Yuri. Nakigaya naman si Jackson at Yohan sa kanila habang si Jayvee at Mark naman ay ginawang salamin ang front camera.
"Sige na, kayo na ang pogi," bulong ko sa sarili ko.
'Do you know guys? My professor is discussing right now but still I'm watching you,' komento ko sa live nila.
'That's bad! Makinig ka muna sa prof mo,' sambit ni Jayvee.
'We should end now, so she can focus on her studies,' sambit naman ni Mark.
Hindi ko naman napigilang tumawa ng malakas ng malaglag si Baymin sa kinauupuan niya dahil sa paghaharutan nila ni Yuri at Jackson.
"Anong tinatawa-tawa mo d'yan, Ms. Peige?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang galit na boses ng prof namin. Dahan-dahan akong napatingin sa harap at nakitang nakatingin silang lahat sa'kin at ang ilan ay tumatawa-tawa pa habang nagbubulong-bulungan.
"Ms. Peige, I'm asking you?" Muling tanong niya.
"Po?" Na sambit ko nalang sa sobrang kaba ko.
"Ano ka kong pinagtatawanan mo diyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" sambit niya at tinaasan pa ako ng kilay. Napalunok naman ako habang nag-iisip kung ano bang palusot ang sasabihin ko. Bakit ba kasi ako tumawa ng malakas? Argh! Kabobohan!
"Amm! W-Wala po," utal na sambit ko at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Nakita ko naman ang pagkunot ng kilay niya.
"Wala ba talaga? Eh! Kanina pa kita nakikita na nagse-selpon diyan," may inis na sambit niya. Inilahad naman niya ang kamay niya sa harapan ko.
"Akin na," sambit niya.
"Ang ano po?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko naman talaga kung ano ang hinihingi niya.
"Iyong cellphone mo ibigay mo," sambit niya at pilit na humihinahon.
"Pero po," sambit ko.
"Nakakabastos kasi na nagdi-discuss ako dito sa harap tapos ikaw nagse-cellphone lang kung ikaw man ang nasa sitwasyon ko maiinis ka." sambit niya at huminga ng malalim. Napakalakas nang kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba ko. Hihinga na sana ako ng maluwag ng bawiin niya ang kamay niya ngunit...
"Kung ayaw mo ibigay ang cellphone mo umalis ka sa klase ko," inis na sambit niya at tinalikuran ako.
"Sorry po," sambit ko at naglakad papalapit sa kanya saka binigay ang cellphone ko sa kanya. Tinignan niya lang ako pagkatapos ay pinabalik niya na ako sa upuan ko.
"Iyan cellphone pa!" Pangangantyaw ng kaklase ko. Tinignan ko naman siya ng masama at tinawanan niya lang ako sabay nagpeace-sign.
Nagpatuloy na sa pagdi-discuss ang prof namin habang ako naman ay iniisip ko kung paano ako magso-sorry sa kanya mamaya para mabawi ang cellphone ko. After an hour natapos na rin ang klase. Hinintay ko na muna magsilabas ang mga kaklase ko hanggang sa ako na lang ang matira.
"Sorry po, hindi na po mauulit." sambit ko pagkalapit sa kanya at binigay ang buong sinseridad sa pagsasalita ko.
"Next time huwag mo na uulitin. Kung hindi pasensyahan tayo. Kapag nakuha kong muli iyan ay sa katapusan nang klase mo na iyan makukuha." sambit niya at inabot sa'kin ang cellphone.
“Opo, hindi na pop talaga mauulit.” Tumango naman ako at umuwi na kaagad dahil sa kahihiyan.