Chapter 3:
Limang buwan na ang lumipas mula ng maging customer namin ang YoBay at hindi na ito naulit pa. Naging busy na din ako sa trabaho ko at sa huling check ko sa aking SNS accounts ay nalaman ko na matatapos na ang kontrata ng YoBay bilang duo sa Sync Entertainment wala oang announcement kung magre-renew ba ang mga ito. Sa nalalabi nilang tatlong buwan ay naging busy sila sa nagdaang mga araw upang maipakita ang pasasalamat nila sa kanilang mga fans.
May mga video din na nagkalat about sa YoBay expressing themselves how thankful they are. Ang mga fans naman nila na nanunuod sa kanila sa kanilang concert ay nag-iiyakan dahil sa mensaheng sinabi nila. Galing sa kilalang pamilya si Baymin at anak ng isang business man kung kaya naman ay pinag-iisipan nito kung ipagpatuloy nalang nito ang business nila dito sa pilipinas o itutuloy niya ang pagiging singer niya.
Ang isa pang mahirap sa pagiging fangirl ay ang mainlove ka sa idol mo at alam mong hindi iyon masusuklian pabalik. Lalo na kung hindi ka nag-eexist sa mundo niya.
Paano naman kaya ako makakapasok sa mundo mo Baymin Aisler, kung ang mundo ko ay hindi maabot ang mundong ginagalawan mo?
Should I make a move para lang maabot kita o hahayaan ko nalang na habang buhay nalang kitang tanawin mula sa malayo?
Habang tumatagal ay iba na ata ang nararamdaman ko para sa'yo. I really want to see you again, Baymin. I hate what I feel right now but I love it at the same time. I love to be with you and risk my life just to have you. Just wait for me and I will enter your world. Then later on, in your heart.
---
Pabalik na ako sa cafe dahil tapos na ang break time namin ng matipalok ako at matumba sa daan. Nagkaroon ako ng galos dahil sa katangahan ko at may lumapit sa'kin upang tulungan ako. Napatigin naman ako sa taong tumulong sa'kin at nakasuot ito ng sunglasses at naka-hood habang naka-cup. Sisigaw na sana ako dahil akala ko ay manyak ang tumulong sa'kin ngunit napatigil ako ng magsalita ito.
"Okay ka lang?" Tanong nito sa'kin.
Napaawang ang labi ko ng makilala ang boses niya at matulala nalang sa kanya. Hinawakan naman niya ang palad ko at tinignan ang sugat ko doon.
"Hala? Baka ma-infect ito," sambit niya saka nag-aalalang tumingin sa'kin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Ayos lang. Maliit na sugat lang naman ito at malayo sa bituka," sambit ko at binawi ang kamay ko. Pasmado kasi nakakahiya. Umiiling naman siya saka luminga-linga sa paligid.
"Tara na," sabi niya at hinila ako papunta sa isang bench. Hindi na ako nag-inarte dahil hawak niya ang kamay ko at nagpahila nalang.
"Wait here. Gamutin natin iyang sugat mo," sambit niya at umalis sandali.
Makalipas ang limang minuto ay nakabalik na siyang muli at may bitbit na plastic bag at sa aking palagay ay naglalaman iyon ng panggamot sa sugat. Kinuha niya ang kamay ko upang gamutin ngunit agad ko din naman itong hinila pabalik.
"Ako nalang ang maggagamot. Wala ka namang kasalanan kung bakit ako nadapa." sambit ko sa kanya ngunit nginitian niya lang ako saka muling kinuha ang kamay ko upang gamutin ang aking sugat.
"Alam ko pero kahit sino naman na makita ko sa kalagayan mo ay tutulungan ko lalo na at isa ka sa mga fans ko," sambit niya na nagpamula sa'kin kaya na nahimik nalang ako sa kanya bilang tugon.
"Ayan, okay na," sambit niya sa'kin at itinapon na ang kalat sa malapit na basurahan, "Pabalik ka na ba sa cafe?" Tanong niya sa'kin na ikinagulat ko.
"Ah, naka-uniform ka pa kasi sasabay sana ako dahil may bibilhin din naman ako sa cafe niyo."
Napa-iwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya akala ko kasi ay binabantayan niya na lahat ng kilos ko. Assumera talaga ako.
"Oo, pabalik na ako— Hala? Late na pala ako kanina pa pala tapos ang lunch break ko." Tarantang sambit ko ng makita ang oras sa relo ko at napatayo.
Nagmamadali akong bumalik sa cafe at nakalimutan kong kasama ko nga pala si Baymin. Nasa tapat na ako ng cafe ng mapahinto ako dahil panigurado ay papagalitan na naman ako ng boss ko. Pangalawang beses ko na kasing na-late at alam kong ayaw na ayaw ni Madam ang late na empleyado. Kumunot ang kilay ni Madam ng makita niya ako at mabilis na lumapit sa'kin. Napapikit nalang ako habang papalapit siya. Ire-ready ko na ang sarili ko sa sermon niya.
"Hello po," rinig kong sambit ni Baymin.
Napadilat naman ako at nakita ang boss ko na nakaawang ang labi habang nakatigin sa gilid ko kung nasaan si Baymin. Nice one! Buti nalang at kasabay ko siya.
"Ma'am, pakisara po ang inyong bibig baka mamahay ang langaw," sambit ko sa kanya. Tinignan niya naman ako ng masama pagkatapos ay humarap uli kay Baymin. Amp, marupok sa pogi.
"Anong maipaglilingkod ko, pogi?" Tanong nito sa kanya.
Napangiwi ako sa narinig ko dahil halatang nagpapacute ito. Tsk! Pasalamat siya, ayaw ko matanggal sa trabaho kaya papayagan ko siya ngayon na magpacute sa bebe ko.
"O-order lang po sana ako ng pastries atsaka cold americano tig-pitong piraso," sambit ni Baymin at saka lumingon sa nakatulala kong amo.
"S-Sige, ang gwapo mo pala talaga sa malapitan. Kung bata pa ako marahil ay hinahabol-habol din kita tulad ng mga batang babae diyan na kasing edad mo."
"Naku! Bata pa naman po kayo tignan," sambit ni Baymin sa kanya na tila ba ikinakilig nito. Pft! Nagpabola naman si Madam sa sinabi ni Baymin.
"Ano ka ba? Baka may maniwala sa'yo at sabihan akong twenty years old lang," sambit nito kaya napa-ubo nalang ako ng malakas. Napatigil ako ng bigla niya akong lingunin at mula sa pagiging maamo ay tinignan ako nito ng masama saka sumimangot.
Ah! Totoo nga pala talaga ang Devil in disguise. Ang boss ko ay mukhang angel lang sa harap ni Baymin ngunit makikuta mo ang totoong siya aa harap ko. Amp!
"Hoy, Jammy! At dahil late ka na naman, ikaw ang maghanda at mag-askaso ng order nitong gwapong ito. Now na!" Asik niya sa'kin saka niya ako inirapan. Nang malingon siga kay Baymin ay agad na ngumiti ito.
Duality ba boss?
"Opo, madam," agad kong sambit sa kanya.
Nagmake-face naman ako pagtalikod niya saka dumiretso sa kusina. Pagkatapos ko ihanda ang order ni Baymin ay nilagay ko na ito sa paper bag at naabutan siyang naka-upo malapit sa counter habang nagse-cellphone. Lumapit ako sa pwesto niya ng matauhan akong matagal na pala akong nakatitig sa kanya.
"Uhm, ito na pala yung order mo," utal na sambit ko at tumingin sa kanya. Inabot ko ang paper bag sa kanya at siya namanay lumingon sa'kin.
"Salamat," sambit niya saka ngumiti sa'kin bago kinuha ang order niya. Tumayo na siya at nilagay ang cellphone niya sa kanyang bulsa.
"Welcome. Salamat din sa pagsabay mo sa'kin dito dahil sa'yo hindi ako nasabon ng boss ko," natatawang sambit ko kaya napatawa din siya.
"Sige na. Bumalik ka na sa trabaho mo baka matuluyan kang masabon. Magbanlaw ka nalang pagkatapos. Hahaha..." Nag-wave siya sa'kin bago tuluyang umalis.
One of my best day ever! Waah!
I see him again masaya ako ngayon kahit na mapapagalitan ako ng boss ko mamaya. Haha.