Chapter 5:

Eksayted ako habang bumababa ng sasakyan ngayon kasi ang fan event ng Syncers. Malayo palang ako sa mismong gaganapan ng event ay nakita ko na ang haba ng pila. Makalipas ang kalahating oras ay nakapasok na rin ako sa loob.

"Magsi-upo na po kayo. After five minutes magsisimula na po ang event." sambit ng isang staff at nagsimula nang magsigawan ang mga tao. Siyempre isa ako sa sa mga nakisigaw. Hindi ako papakabog dahil masaya akong makadalo sa event na ito.

Nag-dim ang ilaw at isa-isa silang lumabas mula sa backstage na may spotlight na nakatutok sa kanila habang naglalakad papunta sa gitna. Unang lumabas si Jayvee. Sumunod si Yohan at Yuri na kumakaway-kaway pa sa mga fans. Si Jackson naman ay muntikan nang madulas mabuti nalang at naalalayan siya kaagad ni Baymin.

Waah! JackMin ship heart!

Si Jiro naman ay nagsolo entrance sa kabilang bahagi ng stage habang nakapameywang. A real prince, indeed.

Lalong lumakas ang hiyawan ng makita nila ang pito na nasa mini stage na. Umupo na sila sa kanya-kanyang upuan kung saan nakalagay ang pangalan nila. Kaliwa't-kanan ang pagkaway nila sa mga tao. Lahat ata ng direksyon ay nais nilang kawayan ultimo ata sa ilalim ng mesa. Kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mukha.

Hindi siguro nila akalain na ganito karami ang pupunta sa fanmeet nila. Masaya rin ako dahilang daming fans na pumunta dito ngayon. Nakikita ko na walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman nila katulad din ng nararamdaman namin.

Tumayo silang muli at pumunta sa harapan. Nagperform sila sa gitna, kumanta sila na siyang sinabayan ng mga manonood at sumayaw na siyang kinagiliwan namin.

May mga mapapalad na fans na nahawakan ang kamay nila especially iyong mga nasa harapan. Hindi mo maiiwasan na makaramdam ng inggit sa mga taong masu-swerteng nakakapag-papicture kasama sila. Nahahawakan ang kamay at nayayakap sila lalo na kung bias mo ang taong iyon. Hihilingin mo na sana ikaw nalang iyon ang taong iyon.

"Pwede na po kayong pumila," sambit ng staff sa'min ng bumalik na ang Syncers sa upuan nila.

Tumayo na ako at nakipila sa kanila. Syempre inuna ko ang bebelabs ko.

Original muna bago sa kabit. Char! Haha. Ang haba ng pila at feeling ko ay hindi ako umuusad. Kalahating oras na ang lumipas at mga limang hakbang palang ata ang nagagawa ko.

"Waah! Ang guwapo ni Baymin,"sambit ng babaeng parang kiti-kiti sa likod ko dahil sa sobrang likot niya.

"Aray ko!" Reklamo ko ng masiko niya ako ng malakas. Napapikit ako ng mariin para pigilan ang sarili ko dahil naiinis na ako sa kanya.

Napatingin ako sa pwesto nila Jayvee at Jiro. Kumakaway-kaway si Jiro sa isang babaeng fan para kunin ang atensyon nito. May sinasabi din si Jiro sa girl na naging dahilan ng pagtawa ni Jayvee. Malayo kasi ako doon at hindi ko marinig kung anuman ang pinag-uusapan nila. Nakaka-curios tuloy ako.

Nakita ko si Jiro na kumuha ng stuff toy at iniharang iyon sa harap ni Jayvee at ng babae. Ibinalik naman ng babae sa pwesto ni Jiro ang stufftoy at may sinabi dito. Hindi ko napigilang tumawa ng malakas ng makita ko ang gulat na expression sa mukha ni Jiro. Si Jiro naman ay tumawa at tumingin sa babae na parang hindi makapaniwala sa ginawa nito sa kanya. Napatawa din si ate girl pagkatapos ay nagpaalam na sa kanila.

"Sorry," sambit ko sa babaeng nasa harap ko dahil naitulak ko siya sa kalikutan ng babae sa likod ko.

"Pwede ba huwag kayong malikot nakakasakit na kayo," inis na sambit ko with matching tiger look pa.

"Ah, Sorry po," hindi ko naman napigilan na mapataas ang kilay ko. Kumukulo na kasi ang dugo ko kakatulak niya sa'kin mula pa kanina.

"Sorry? Tapos mauulit na naman? Pwede ba hindi ka kiti-kiti para maglilikot di'yan. We're here to enjoy the day with Syncers so don't ruin others mood." Mataray kong sambit sa kanya. Nakita ko naman na namutla ang mukha ng babae saka tumango.

"Good," sambit ko at tinalikuran siya. Pagkaharap ko sa unahan ay nagulat ako dahil ako na pala ang susunod.

"Ikaw uli?" gulat niyang sambit sa'kin at ngumiti.

"Huh?" Takhang sambit ko sa kanya.

"I mean, nagkita tayo muli. Last time I saw you ay sa coffee shop." Sambit niya at ngumiti sa'kin

"Yep, yep," sambit ko at ngumiti ng magets ko ang sinabi niya.

"Nice to see you again,"

sambit niya at ngumiti pa ng malawak.

"Nice to see your handsome face too," sambit ko na nagpatawa sa kanya.

"Mas handsome ako sa kanya," biglang sambit ni Jackson at nagpacute pa.

"Oh my! Seunnie you're so cute," umiling naman siya at ngumuso .

"It's handsome. H. A. N. D. S. O. M. E. Handsome + Hot = Jackson," sambit niya at tinulak naman siya ng mahina ni Baymin habang tumatawa.

"Iba ka din, bro. Buhat sariling bangko ba?"

Natatawang sambit ni Baymin.

"Oo. HAHAHA! Do you agree Miss?" Tanong ni Jackson sa'kin. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.

"That's good dahil d'yan this is your reward," sambit niya at binigay sa'kin ang mini bear stuff toy na hawak niya.

"Thank you," sambit ko sa kanya.

"Hmm, pwedeng magpa-picture?" Tanong ko kay Baymin.

"Sure! Cellphone mo?" Tanong niya sa'kin. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at binigay ito sa kanya. Tumayo naman siya at medyo lumapit sa'kin kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

"1, 2, 3," bilang niya bago pinindot ang click button.

"Isa pa," sambit niya at naka-peace sign kaming dalawa saka ngumiti sa harap ng camera.

"Here," sambit niya sabay abot ng camera sa'kin.

"Ito papirma din," sambit ko at inabot sa kanya ang solo poster niya. Kinuha naman niya iyon at nakangiting pinirmahan pagkatapos ay binalik niya na sa'kin ang poster.

"Salamat." masayang sambit ko sa kanya.

"Wait!" pigil niya sa'kin nang aalis na sana ako.

Yiee! Ayaw akong paalisin ng Baby ko. Ano ba self? Umayos ka nga!

"Ano iyon?" Nagtataka kong tanong sq kanya.

"Lagi tayong nagkikita pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo." sambit niya na naging dahilan para bumilis ang kabog ng dibdib ko.

Napakamot siya dahil nakita niya siguro ang gulat kong ekspresyon habang nakatingin sa kanya. Bahagya siyang ngumiti bago muling nagsalita.

"Ahh, Ano? Gusto ko lang malaman ang pangalan mo kasi lagi tayong nagkikita, 'di ba? Para naman sa susunod na magkita tayo matatawag na kita sa pangalan mo. Iyon lang 'yung dahilan," sambit niya sa'kin.

"It's Jammy. Jammy Peige," sambit ko sa kanya at ngumiti ng malapad.

"Nice name. Nice to meet you, Miss Peige." sambit niya sa'kin at nakipag-shake hands pa. Pagkatalikod ko ay impit akong tumili dahil nahawakan ko ang malambot na kamay ni Baymin.

"Miss Peige," nagulat ako ng bigla akong pigilan ni Baymin sa paglalakad at may pinatong sa balikat ko.

"B-Baymin," nauutal ko pang sambit dahil naramdaman ko na nagsalita siya malapit sa tenga ko.

"You should take my jacket..." Bulong na sambit niya. Napalingon naman ako sa kanya at nakita ang pamumula ng mukha niya.

"Why?"

Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil hindi siya makatingin ng diretso sa'kin.

"Uhmm... M-May.. May tagos ka." Bulong niyang sambit at namula lalo ang kanyang mukha.

"G-Ganon ba? S-Salamat," hiyang sambit ko at nangamatis yata ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Matapos kong sabihin iyon ay tumakbo na ako papalabas ng event hall.

This day is one of my most unforgettable moments and, at the same time, is my embarrassing moments in my life.