Chapter 34 | Bring Back Memories

Nathalia's POV

Alam ko na darating din ang panahon na muli kaming magkikita ni Aries. Pero hindi ko inaasahan na muling magtatagpo ang landas namin sa ganitong paraan.

Nalipat ang atensyon ko kay Cole nang bigla siyang bumaba ng kotse at mabilis na umikot patungo sa puwesto ko. Binuksan niya ang pinto at marahas na hinawakan ako sa braso, bago kinaladkad palabas ng kotse.

Nakaawang ang bibig at hindi makapaniwalang napaangat ako ng tingin sa kanya. This is not the Cole that I used to know.

The Cole I know is sweet, caring and gentle. Mahilig siyang mag-joke kahit corny at kumanta kahit wala sa tono ang boses niya.

"C-Cole, ano bang nang—" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang sumabat si Aries.

"Oh, come on! Big brother! You don't have to be so harsh on her." Napailing siya bago pinalungkot ang mukha nang mapatingin sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa narinig. Gulat na pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa.

"B-Big brother? W-What did he mean—"

Malamig ang tingin na ipinukol sa 'kin ni Cole. Hindi katulad rati na tila palaging nakangiti ang kanyang mga mata.

"Seriously? Do I really need to explain it to you?"

Pakiramdam ko ay nanayo ang balahibo ko nang dahil sa lamig ng trato niya sa 'kin. Nanlalabo na rin ang paningin ko nang muling mamuo ang luha sa 'king mga mata.

Ang sakit sa pakiramdam na muli kang pagtaksilan ng taong pinagkatiwalaan mo.

Pero ayoko pa ring maniwala na magagawa kaming traydurin ni Cole. Ramdam ko ang sinseridad niya sa buong panahon na magkasama kami. Nasisiguro ko na mayroong nangyari, dahilan para bumaliktad siya kay Stephen.

Kinuha ko ang kamay niya at masuyo 'tong hinaplos. Napaigtad naman siya nang dahil sa ginawa ko.

"Cole, you don't need to do this. Hindi ko alam kung anong pananakot ang ginawa niya sa 'yo para pumayag kang makipagsabwatan sa kanya. Pero naniniwala ko na may rason ka kung bakit mo ginagawa 'to. You don't need to pretend to be his brother. You—"

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang bigla niyang iwinaksi ang kanyang kamay. "Paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan. Hindi naman kita pinipilit."

Nagkibit balikat siya bago ako muling kinaladkad at inihagis kay Aries na mabilis naman akong nahawakan sa magkabilang balikat.

"Ikaw na ang bahala sa kanya. I already did my job. Umalis na rin kayo rito. Dahil paniguradong alam na nila ang totoo ngayon." Nagsimula na siyang maglakad patungo sa isa sa mga kotseng nakahinto.

"Wag kang mag-alala, Kuya. Ako na ang bahala sa lahat magmula ngayon. You can take a break if you want."

Cole just raised his middle finger, before he enters the car. Dali-dali naman niyang pinaharurot 'yon paalis.

Tulala kong tinanaw ang papalayong sasakyan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na nagawa niya kong ibigay at iwan kay Aries.

Bukod ro'n ay hindi ko magawang paniwalaan ang panibagong katotohanan na nalaman ko ngayon. Mula pagkabata ay kilala ko na si Aries at kahit kailan ay wala naman akong nakilalang kapatid niya.

Kaya paanong nangyari na magkapatid sila?

Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdaman ko ang pananakit ng ulo. Masyado na kong maraming natuklasan ngayong araw at hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin.

Hindi pa nga ko nakaka-move on sa nalaman ko tungkol sa pamilya ko. Pagkatapos ngayon ay ito naman.

Ano pa ba? Ano pa ba ang hindi ko alam? Tuwang-tuwa ba sila kapag nagmumukha kong tanga?

Napapitlag ako nang biglang lumapat ang kamay ni Aries sa pisngi ko. Agad na iniiwas ko ang mukha nang akmang hahaplusin niya ulit 'to.

"Why so cold, Nathalia? Don't you miss me?" He smirked.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Fuck you!"

Natawa naman siya bago mahigpit na hinawakan ako sa kamay. "Don't worry. Because I will fucking fuck you senseless that will make you want for more!" Napuno nang malademonyo niyang tawa ang buong paligid.

Tila nanlamig ako nang dahil sa sinabi niya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na para bang anumang oras ay bigla na lang 'tong kakawala mula sa pinagkukulungan nito.

No. There's no way in hell that I will let him touch my body. Mas pipiliin ko pa ang mamatay kaysa ang mapagsamantalahan niya.

Masusi kong inilibot ang tingin sa paligid. Kailangan kong makatakas at makabalik kay Stephen. Paniguradong nakarating na sa kanya ang nangyari at malamang na nag-aalala na siya ngayon.

"Now, be a good girl and come with me."

Sinenyasan niya ang mga tauhan na maghanda. Akmang kakaladkarin na niya ko ng walang pagdadalawang isip na hinawakan ko siya sa braso at buong lakas na pinilipit 'to. Naalerto naman ang mga tauhan niya at agad na iniumang ang mga baril nila sa 'kin.

Ngunit hindi ako nagpadala sa takot. Dahil mas lalo lang akong mawawalan ng pagkakataon na makatakas sa demonyong 'to kung patuloy akong magpapadala sa takot.

"Don't shoot— fuck!" sigaw niya sa kanyang mga tauhan, bago napadaing nang malakas ko siyang siniko sa likod at sinuntok sa mukha.

Wala na kong inaksaya pang panahon. Agad na kumaripas ako ng takbo palayo sa kanya at dumiretso sa kakahuyan.

Alam ko na maaari akong bumulagta bigla sa oras na paulanan na nila ng bala ang katawan ko. Pero nasisiguro ko na hindi nila susuwayin ang utos ni Aries.

Kaya naman ay hindi na ko nag-abala pang lumingon at nagpatuloy lang sa pagtakbo. May mga pagkakataon na muntikan na kong madulas dahil pababa ang daan at ilang beses na rin akong nasugatan dahil sa mga nakausling sanga, pero hindi ko ininda ang lahat ng 'yon.

"Nathalia! Wag mo ng pagurin pa ang sarili mo! Wala ka na rin namang asawang babalikan pa dahil paniguradong nakikipaglaro na siya kay kamatayan ngayon kasama ang magagaling niyang mga kaibigan."

Saglit akong natigilan nang dahil sa sinabi ni Aries. Bigla kong nakaramdam ng kaba at tila nanikip ang dibdib ko.

Not my husband and his friends, please! Masyado ng maraming nadamay nang dahil sa 'kin!

"Nathalia!"

Natauhan lang ako nang muli siyang sumigaw. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang sa paglingon ko ay napansin kong nasa likod ko na siya.

Kaya naman ay muli akong nagpatuloy sa pagtakbo. Pero nang dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang putol na sanga na nakaharang sa daan, dahilan para matalisod ako.

Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili na nagpapagulong-gulong pababa. Hindi ko na magawa pang kontrolin ang nangyayari at wala na kong ibang nagawa kung hindi ang tahimik na magdasal.

Lord, please save me and my love ones. Please let us live.

Napapikit na lang ako nang mariin nang makita ang isang malaking bato na babagsakan ko. Tila nakuryente ang buong katawan ko nang malakas na tumama ang ulo ko rito.

Gustuhin ko mang tumayo at magpatuloy pa sa pagtakbo ay hindi ko magawa. Umiikot na ang paningin ko at nananakit na rin ang buong katawan ko.

Hindi nagtagal ay namalayan ko na lang ang sarili na lumulutang sa ere at sa nanlalabo kong paningin ay naaninag ko pa ang nag-aalalang mukha ni Aries, bago tuluyang nagdilim ang paligid.

-----

"Tep-tep? Ano ba! Akin na nga 'yan!"

Nakasimangot kong hinabol ang isang medyo binata ng lalaki na kumuha ng pinitas kong bulaklak.

"No way! Bakit ko ibibigay sa 'yo 'to? Sa garden naman namin galing 'to kaya akin na lang!" Mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo. "And stop calling me Tep-tep! Hindi na ko bata!" Dumiretso siya sa loob ng mansyon.

"Ikaw talaga, Stephen! Ang hilig mong pagtripan si Thalia. Porke't mas bata sa 'yo." Lumapit sa 'kin ang isang tila dalaga ng babae na may dala-dalang bungkos ng pulang rosas.

"Here. Sa 'yo na lang 'to. Wag mo ng pansinin si Stephen. Pikon ka rin kasi kaya gustong-gusto ka niya pagtripan palagi." Iniabot niya sa 'kin ang hawak niyang mga bulaklak.

Tila nagningning ang mga mata ko nang dahil do'n. "Salamat, Shantel!"

Nginitian niya ko at masuyong kinurot ang ilong ko. Ngunit natigilan kami nang biglang may tumawag sa kanya.

"Shan!"

Sabay kaming napalingon sa lalaking tumawag sa kanya.

"Bakit mo ibinigay kay Thalia 'yong mga bulaklak? Pinitas ko ang lahat ng 'yan para sa 'yo!" reklamo niya.

Inirapan naman siya ni Shantel. "Hindi ko naman kasi alam sa 'yo kung bakit gustong-gusto mo akong binibigyan ng bulaklak. Samantalang hindi naman ako mahilig diyan." Tumalikod na si Shantel at umalis.

Napanguso naman ako kay Ace at nakatungong iniabot sa kanya ang mga bulaklak. "Kunin mo na 'to, Ace. Pasensya na kung ibinigay sa 'kin ni Shan."

Napaangat naman ako ng tingin nang mahina niyang tapikin ang ulo ko. "It's alright, Thalia. Sa 'yo na 'yan. I don't mind at all. Ang totoo niyan ay mayroon din akong pinitas para sa 'yo. Kaya lang ay naiwan ko pa ro'n sa basket. Kukunin ko lang, hah."

Napangiti ako at sunod-sunod na napatango sa kanya. Masasabi kong sa lahat ng mga kaibigang kasama ko ngayon rito ay sina Shantel at Ace ang pinakamalapit sa 'kin.

Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang basket. Inilagay ko rin do'n ang mga bulaklak na ibinigay sa 'kin ni Shan, bago namin pinuntahan ang mga kaibigan naming nakatambay sa kabilang parte ng hardin.

Naabutan naming naglalaro sina Ryza at Riley ng chess. Naupo naman ako sa isang bakanteng upuan na naroon at inayos ang mga pinitas na bulaklak ni Ace.

Ngunit naagaw ang atensyon ko nang marinig na nagtatalo na naman silang dalawa.

"Well, what can I do. I'm a genius." Ryza crossed her arms.

Napasimangot naman si Riley. "No way! Pangalawang beses mo ng nananalo. Paniguradong dinadaya mo ako!"

Tinapunan siya ng matalim na tingin ni Ryza. "What the hell? Hindi ko ugaling mandaya para lang manalo! You bastard!"

Napasinghap ako. "Ryza!" Sabay naman silang napalingon sa 'kin. "Don't say that again! It's a bad word!"

Minsan ko na kasing narinig ang isa ko pang malapit na kaibigan na si Aries na sinabi ang salitang 'yon at napagalitan siya ng Mama niya. Bad word raw kasi 'yon.

She just rolled her eyes on me. "Poor baby, Thalia. How innocent of you."

Napakunot noo ako. "What do you mean?"

"Well, you will know soon." Napalingon ako kay Ashter na biglang umakbay sa 'kin.

Sakto namang lumabas mula sa mansyon si Stephen. Nagulat na lang ako nang dali-dali siyang tumungo sa direksyon namin at marahas na inalis ang pagkakaakbay sa 'kin ni Ash.

"Get your filthy hands off her." Tiningnan niya ng masama ang matalik na kaibigan habang umiigting ang kanyang panga.

"Woah! Calm down, man!" Napangisi si Ash habang nakataas ang dalawang kamay.

Napasipol naman si Liam. "How territorial."

"It's not yet official, Stephen. Saka wag ka ngang child abuse," sabat naman ni Rhyz na nakalagay ang isang earphone sa tainga.

"You guys are so noisy! Someone's sleeping here."

Napanganga na lang ako nang makita si Oliver na nakahiga sa taas at sanga ng puno. He's such a sleepyhead. Habang sa kabilang sanga naman ay nando'n si Amelia at nakaupo habang nagbabasa at tila wala ring pakielam sa paligid.

Sa buong tropa ay silang dalawa ang may sariling mundo.

Naguguluhang napatingin naman ako sa kanila. "Ano bang pinag-uusapan n'yo?"

Sa totoo lang ay madalas na may pinag-uusapan ang mga kaibigan ko na hindi ko maintindihan. Palibhasa ay mas bata ko sa kanila ng ilang taon, kaya di hamak na mas matured na sila ngayon.

Ngunit kahit gano'n ay ayaw naman nilang tawagin ko silang mga Ate at Kuya. Kaya ng tumagal ay nakasanayan ko na rin.

Sa pagkakataong 'to ay seryoso silang tumingin sa 'kin. Kahit si Stephen na madalas akong inaasar ay seryoso rin.

Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko.

"Someday, you'll become a queen. And when that day comes, you should be ready."

Napakurap ako sa kanya at isa-isa silang tiningnan. Mas matanda silang lahat kumpara sa 'kin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit madalas na pinaparamdam nila na para bang mas mataas ako sa kanila.

"If that day will ever come, though."

Natigilan kami at sabay-sabay na napalingon sa bagong dating.

Si Aries.

"Naku! Tama na nga 'yan! Nathalia, gusto mo bang tulungan kita sa pag-aayos nitong mga bulaklak?"

Natuon ang atensyon ko kay Mads na nakaupo na ngayon sa harap ko.

Sa isang iglap ay nakalimutan ko ang tila nakakatensyon na usapan kanina. "Sure."

Nakigulo na rin sa 'min sina Damon, Harold at Albert. Silang apat ay anak ng mga bodyguard ni Stephen na madalas naming kasama. Kaya naman ay napalapit na rin kami sa kanila at naging parte na sila ng grupo. Bukod ro'n ay madali ko rin silang nakasundo dahil kaedad ko lang sila.

"Who's that?"

Napaangat ako ng tingin nang biglang nagsalita si Stephen. Halos lahat kami ay natuon ang atensyon sa pinto, kung saan ay nando'n si Tito Isaac kasama ang isang hindi pamilyar na bata.

Don Isaac smiled. "He is the newest member of our growing family. His name is Cole."

"Woah! That's great! How about a game with the newcomer?" suhestiyon ni Ash.

"What game?" kunot noo kong tanong.

He smirked. "Of course, our favorite. Hide and seek."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hanggang sa mapaubo ako nang maramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko.

Ilang beses akong napakurap hanggang sa tuluyan ng naging malinaw ang paningin ko. Napabalikwas ako ng bangon nang mapansin na nasa isang hindi pamilyar na lugar ako.

"Ouch!" Napahawak ako sa sentido ko nang bigla 'tong kumirot. Pero natigilan ako nang mayroon akong nakapa na benda sa noo ko.

Doon ko lang biglang naalala ang pagkakahulog ko sa kakahuyan kanina. Pero kasabay no'n ang pagragasa ng alaala ng nakaraan. Kasama na ang mga eksena sa panaginip ko.

Unti-unting namuo ang luha sa 'king mga mata. Kung hindi ako nagkakamali ay ang pangyayaring 'yon ang kahuli-hulihang pagkakataon na nagkasama-sama kami at nakapaglaro ng tagu-taguan.

Dahil pagkatapos ng araw na 'yon ay nagsunod-sunod na ang bangungot sa buhay ko.

Naitakip ko ang kamay sa 'king bibig, bago tahimik na napahagulgol. Naaalala ko na sila. Naaalala ko na ang lahat.

Pero bakit? Bakit sa dinami-rami ng pwede kong makalimutan ay sila pa?

Kinapa ko ang litrato na inilagay ko sa loob ng bulsa ko kanina. Ngayon ay natatandaan ko na kung sino sila sa nakaraan ko at kung ano ang kinalaman ko sa kanila. They're my precious friends. My family.

Ngunit bakit hindi nila sinabi at ipinaliwanag sa 'kin ang katotohanan? Bakit kailangan nilang magpanggap na para bang bago palang nila kong nakilala?

Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ang dahan-dahang pagbukas ng pinto. Mabilis na itinago ko naman ang litrato sa bulsa ko at pinunasan ang mga luha na patuloy sa paglandas sa pisngi ko.

Naikuyom ko ang kamao nang bumungad sa paningin ko si Aries. Isinara naman niya ang pinto, bago 'to i-lock.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Napangiwi ako nang bigla kong maramdaman ang pananakit ng katawan ko. Sanhi siguro ng pagkakahulog ko kanina. Do'n ko lang din napansin ang mga galos at sugat ko sa braso maging sa binti.

Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Pakawalan mo ako rito."

Napailing naman siya, bago umupo sa ibabaw ng kama. Agad na napasiksik ako sa headboard. Hangga't maaari ay ayokong napapalapit sa demonyong katulad niya. It made me want to vomit.

"Hindi naman sana hahantong sa ganito ang lahat kung sa umpisa palang ay ako na ang pinili ng mga magulang mo para sa 'yo, eh. Eh, di sana ay buhay pa rin sila hanggang ngayon at nagsasama na tayo ng masaya."

Natigilan at napakunot noo ako nang dahil sa sinabi niya. "What do you mean?"

"Wala ka pa rin bang naaalala?"

Napalunok ako bago umiling. Mas makabubuti siguro kung magpapanggap pa rin akong may amnesia. "Wala. Bakit? Ano nga ba ang kailangan kong maalala?"

He shrugged. "Sabagay, kahit namn makaalala ka ay hindi mo naman alam ang tungkol sa bagay na 'yon."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano pa ba ang hindi ko alam?

Damn! Bakit pakiramdam ko ay nabubuhay lang ako para sa kasinungalingan?

Sa isang iglap ay biglang nanlisik ang kanyang mga mata, kasabay ng pag-igting ng kanyang panga.

"Kung no'ng umpisa palang ay ako na ang pinili nila para mapangasawa mo balang araw, sana ay tahimik ang buhay natin ngayon."

Nahigit ko ang hininga at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Pakiramdam ko ay tila pinipilit ang sikmura ko nang dahil sa panibagong rebelasyon na 'yon.

"I-Ibig sabihin ay hindi talaga ikaw—"

Marahas siyang napatayo. "Oo! Hindi ako! Kung hindi si Stephen! Si Stephen ang nakatakda mong mapangasawa no'n!" Napasabunot siya sa kanyang buhok.

Napaawang ang bibig ko. S-Si Stephen?

"Ako ang una mong nakilala at nakasama. Pagkatapos ay ipagkakasundo ka nila sa iba?" Malademonyo siyang natawa bago nagpalakad-lakad.

"There's no way I will let that happen! Kaya humingi ako ng tulong kina Papa para lang mahadlangan ang plano nilang 'yon. Para lang maalis sa buhay natin ang mga hadlang mo ring kaibigan!"

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa 'kin at pinigilan ko ang maiyak nang yugyugin niya ang balikat ko. Ramdam ko pa ang hapdi ng sugat ko ro'n.

"Pero sa kabila ng lahat ng ginawa ko ay nagawa ka pa rin niyang kunin at itago sa 'kin. Matagal din akong nagtiis at naghintay na mabawi ka, Nathalia! Kaya ngayong nasa poder na kita ay hindi ko na hahayaang makuha ka pa niya ulit sa 'kin!"

Halos mahilo ako nang pabalya niya kong binitiwan. Pagkatapos ay mabibigat ang kanyang hakbang na lumabas ng kuwartong kinaroroonan ko.

I can't believe it. It was Stephen. Siya talaga ang nakatakdang mapangasawa ko!

Ngayon ay nasagot na ang tanong sa isip ko kung bakit nagawa niyang takutin ang mga lalaking nagtangkang manligaw sa 'kin no'n. Ngayon alam ko na kung bakit bigla-bigla na lang niya kong pinakasalan.

Bumaba ang tingin ko sa suot na singsing. Napapikit ako bago hinalikan 'yon.

Ngayong alam ko na ang lahat ay mas lalong dapat akong lumaban at makaalis sa lugar na 'to.

Stephen, please save me. Lord, please let me live. I have not yet told him how much I love him.