Chapter 33 | Traitor
HINDI PA RIN makapaniwala si Nathalia sa litrato na kanyang nakita. Kaya naman ay muli niyang kinuha ang nahulog na photo album at sa nanginginig na mga kamay ay isa-isa niyang tiningnan ang mga litrato na naroon.
Pakiramdam niya ay pangangapusin siya ng hininga nang makitang kasama siya sa lahat ng mga kuha. Hindi man niya maalala ang mga batang kasama niya ro'n ay natitiyak niyang si Stephen at ang mga kaibigan nito 'yon.
Nakagat na lang niya ang ibabang labi, lalo na nang mapansin na kasama rin nila ro'n ang batang sina Mads, Damon, Harold at Albert. Minsan na siyang napapunta sa bahay na tinutuluyan ng mga 'to at nakita ang ilan sa mga larawan nila mula pagkabata. Kaya naman ay hindi siya maaaring magkamali.
'What the hell? Ano ang kinalaman nila sa nakaraang hindi ko maalala?' tahimik na tanong niya sa isip.
Napakurap siya at pilit na pinipigilan ang pagkawala ng luha sa kanyang mga mata. Dali-dali niyang isinara ang photo album at mahigpit 'tong hinawakan.
She needs to hide this one until Stephen came back. Nang sa gano'n ay hindi na 'to magkaroon pa ng pagkakataon para iwasan ang mga tanong niya.
Akmang palabas na siya ng madaanan niya ang ilan sa mga paintings na nakasabit sa pader. Somehow, the paintings look familiar to her.
Maingat ang bawat hakbang na nilapitan niya ang mga 'to. Hanggang sa bumaba ang tingin niya sa pangalang nakalagay sa pinakailalim ng mga 'to.
Natasha Fuentes
She gasped. Nanlaki ang kanyang mga mata, habang nakatakip ang kaliwang kamay sa bibig.
Yes, her biological mother is a good painter. Pero kahit kailan ay hindi nito ipinagbenta ang bawat obra nito. All of her works were made for her own personal collection only.
Kaya paanong nagkaroon ang pamilya Anderson ng ilan sa mga likha nito?
Nathalia's mind is in turmoil. She doesn't know what to think and who to trust anymore. Wondering if the people around her is an ally or an enemy.
Hindi alam ni Nathalia kung paano niya nagawang makarating sa kuwarto nila ng maayos, sa kabila ng panginginig ng kanyang mga binti.
Agad siyang naupo sa ibabaw ng kama dahil pakiramdam niya ay bibigay siya anumang oras. Pagkatapos ay kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa. Nagdadalawang-isip kung dapat niya bang tawagan si Stephen at tanungin na 'to ngayon.
Pero sa huli ay napagdesisyunan niyang ilapag na lamang 'to sa ibabaw ng mesa. Paniguradong hindi lang sila magkakaintindihan ng husto kung sa phone lang sila mag-uusap.
Muli niyang pinakatitigan ang hawak na photo album. She needs to make sure that no one will ever see it until Stephen arrives. Kaya naman ay napagpasyahan niyang itago muna 'to sa ilalim ng kama.
Ngunit bago niya 'to tuluyang ilagay ro'n ay kumuha muna siya ng isang litrato nilang lahat at inilagay sa bulsa.
Napatayo si Nathalia, bago malalim na napabuntong hininga. Gustong-gusto na niyang malaman ang buong katotohanan. Pero tanging si Stephen lang ang makakapagsabi sa kanya ng lahat ng 'yon.
'Sino ka ba sa buhay ko?' muli niyang tanong sa sarili.
She's now pacing back and forth. Hindi niya alam kung magagawa pa ba niyang harapin ang mga kaibigan na nasa labas na tila ba wala siyang natuklasan. Hindi niya lubos akalain na matagal na pala siyang kilala ng mga 'to.
Pero natigil sa paglalakad at pag-iisip si Nathalia nang umalingawngaw sa buong mansyon ang tunog ng security alarm nila. Kasunod nito ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa labas.
Nahigit niya ang hininga, bago dali-daling kinuha ang baril na nakadikit mismo sa ilalim ng kama at sumilip sa kurtina mula sa bintana ng kanilang kuwarto.
Natulos siya sa kinatatayuan nang makitang napasok sila ng mga armadong lalaki na pawang may takip ang mga mukha. Nakikipagbuno at nakikipagbarilan naman ang mga tauhan ni Stephen sa mga 'to.
Hindi makapaniwala si Nathalia sa nakikita. Kung mayroon mang lugar na kahit papaano ay nasisiguro niyang ligtas siya ay rito 'yon sa loob ng mansyon.
"Madame! Nandiyan po ba kayo?"
Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang malakas na sigaw at katok ni Cole mula sa labas ng kuwarto. Tinakbo niya ang distansya mula sa pinto at agad na pinagbuksan 'to.
"What's happening? Who are they?" bungad niyang tanong dito. Ngayon ay mas malinaw niyang naririnig ang pagputok ng mga baril.
"We don't have much time, Madame! Napapaligiran na po ng mga kalaban ang buong mansyon, maging ang labas nito. They manage to break into the security system. Kailangan n'yo na pong makaalis dito." Hingal na hingal ito na tila kagagaling lang sa pagtakbo.
Bago pa man makapagsalita ulit si Nathalia ay agad na siyang hinila ni Cole palabas. Napahigpit naman ang kapit niya sa baril na hawak. Mawawalan ng saysay ang lahat ng pag-aaral na ginawa niya kung pangungunahan siya ng takot.
Habang bumababa sila ng hagdan ay hindi naiwasan ni Nathalia ang maluha nang dahil sa nakita.
Napakaraming dugo at bangkay ang nagkalat sa paligid. Ang bawat isang natitira ay patuloy na nakikipaglaban para sa kani-kanilang mga tungkulin.
Pero sino nga ba sa mga 'to ang may tamang ipinaglalaban?
Pagkababa nila ay napabitiw siya kay Cole at napahawak sa sentido nang bigla 'tong kumirot. Biglang bumalik sa kanyang alaala ang gabi kung saan ay inatake rin sila ng kanyang mga tunay na magulang. Ganitong-ganito rin ang nangyari no'n.
Sunod-sunod siyang napailing. No. Please, not again!
"Lower your head, Madame!"
Natauhan naman si Nathalia nang biglang sumigaw si Cole. Agad siyang yumuko, bago siya nito hinarangan. Pilit niyang pinipigilan ang mapahagulgol.
'Stephen, where are you?' Tahimik siyang nanalangin na sana ay biglang dumating ang asawa.
Pinunasan niya ang natuyong luha sa pisngi at alertong inilibot ang tingin sa paligid. Doon ay nakita niya ang mga kaibigan na pawang nakikipaglaban din. Nang mamataan siya ng mga 'to ay dali-dali siyang pinuntahan at pinalibutan ng mga 'to.
"Cole, we will escort you and Nathalia, so that the two of you can get out of this place safely. Kailangan mo siyang mailayo rito sa lalong madaling panahon at ipaalam kay Stephen ang nangyari," maawtoridad na sabi ni Mads.
Gulat na tiningnan ni Nathalia ang kaibigan. "No! Hindi ko kayo iiwan!"
Hindi siya papayag na malagay sa alanganin ang buhay ng mga kaibigan, habang pinoprotektahan lang siya ng mga 'to. Hindi na siya ang labing-isang taong gulang na bata na walang ibang magawa kung hindi idepende ang buhay sa mga taong malapit sa kanya.
"They're after you, Thalia! Because they'll use you against Stephen. Kaya kailangan mong makaalis ng ligtas dito," seryosong sabi ni Harold, bago itinapon ang dalawang dagger sa dalawang palapit na kalaban.
"But I can fight! Hindi man kasing galing n'yo, pero kaya ko ang sarili ko!" pagpipilit pa ni Nathalia sa mga kaibigan.
"We can't take the risk, Madame. Bukod sa trabaho naming protektahan ka hanggang sa kahuli-hulihan naming hininga ay ginagawa rin namin 'to dahil kaibigan ka namin."
Hindi na niya nagawa pang umimik. Nang mapansin na wala ng kalaban sa paligid ay dali-dali na silang tumakbo palabas ng mansyon.
Ngunit bago pa man sila tuluyang makalabas ay nahagip ng paningin ni Nathalia si Manang Belen na nakikipagbarilan sa kusina. Her mouth hung open the moment she saw how good the old lady is in fighting.
"Wait!"
Dali-dali siyang umalis sa tabi ng mga kaibigan para puntahan ang matanda na magmula palang ng dumating siya sa mansyon ay naging mabuti na sa kanya.
"Nathalia! Bumalik ka rito!"
Ngunit hindi niya pinakinggan ang tawag ng mga kaibigan. Nagpatuloy siya sa pagtakbo papunta sa matanda. Napapikit naman nang mariin sina Cole, Mads at Damon bago mabilis na sumunod sa kanya.
"Manang Belen!"
Gulat na nilingon siya nito, dahilan para hindi nito mapansin ang kalaban na nakapasok mula sa pintong palabas ng kusina.
Nang dahil sa takot na may mangyaring masama sa matanda ay walang pag-aalinlangan na iniangat ni Nathalia ang hawak na baril at pinaputukan ang kalaban. Natigilan siya nang mapansin na sa ulo 'to tinamaan.
I did it!
"Ang batang 'to! Ano pang ginagawa mo rito? Kailangan mo ng umalis! Kami na ang bahala rito." Pilit siyang pinagtatabuyan nito.
Pero hindi 'yon ininda ni Nathalia at mahigpit na hinawakan ang butihing mayordoma sa braso. "Hindi po ako aalis hangga't hindi ko kayo kasama!"
"Madame, kailangan na nating kumilos!"
Hindi na nagawa pang makaangal ni Manang Belen dahil mahigpit nang hinawakan ni Nathalia ang kanyang kamay, bago sila sabay-sabay na umalis. Tila hindi naman nauubos ang mga kalaban na patuloy pa rin sa pagpasok sa mansyon.
But Cole and the reaper's reflexes are way too fast than them. Bago pa man maiputok ng mga kalaban ang baril ay duguan na silang bumabagsak sa sahig.
Ngunit bumungad sa kanila ang mas marami pang bilang ng mga kalaban sa paglabas nila ng mansyon. Damon, Mads and Cole were in charge of the long range fight, since they're all using a gun.
Halos masuka naman si Nathalia nang matamaan ng katana ni Albert ang leeg ng isa sa mga kalaban, na halos matanggal na 'to. Napaiwas naman siya ng tingin nang paulit-ulit na itinarak ni Harold ang dagger nito sa puso ng isa sa mga kalaban.
Pakiramdam niya ay mas lalong nadudungisan ang kamay ng mga kaibihan nang dahil sa kanya. Kahit si Manang Belen ay pinoprotektahan din siya.
"Hindi ko po alam na marunong pala kayong makipaglaban at humawak ng baril," manghang aniya ni Nathalia sa matanda.
Ngisihan naman siya nito. "Nakalimutan ko rin kasing sabihin sa 'yo na rati akong mafia reaper, bago ako nagretiro at nagpasyang maging mayordoma na lang ng mansyon."
Napamaang at napanganga na lang si Nathalia nang dahil sa sinabi nito. Ni minsan ay hindi 'yon sumagi sa isip niya!
They're all busy fighting the enemy around, that they didn't notice a sniper up the tree. The sniper is aiming to Nathalia.
Pero bago pa man nito maiputok ang hawak na riffle ay napaangat ang tingin ni Manang Belen sa direksyon nito.
Tila bumagal ang mga pangyayari sa paligid nang biglang itulak ni Manang Belen si Nathalia. Kasabay ng pagkadapa ni Nathalia ay ang pagbagsak ng katawan ni Manang Belen sa lupa.
Nathalia was lost for a second. Ngunit mabilis siyang nakabawi at napaangat ng tingin, bago sunod-sunod na pinaputukan ang sniper hanggang sa tuluyan 'tong nahulog sa puno. Dali-dali naman 'tong pinuntahan nina Harold at Albert para siguruhing patay na 'to.
Unti-unting nanginig ang kanyang mga kamay, dahilan para mabitiwan niya ang hawak na baril. Muling namuo ang luha sa kanyang mga mata, habang dahan-dahang siyang gumagapang palapit kay Manang Belen.
"No! No! Open your eyes, Manang!" Pilit niyang tinatapik ang pisngi nito at hinihiling na sana ay dumilat ito. Ipinatong niya ang ulo nito sa ibabaw ng kanyang hita at tuluyan nang kumawala ang pinipigilan niyang hagulgol.
'This is not happening!'
Unti-unti naman 'tong dumilat, bago mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. Gumalaw ang labi nito kaya naman ay mas inilapit niya pa ang mukha rito.
"A-Alalahanin mo kung s-sino ka talaga. A-Alalahanin mo ang mga t-taong mahalaga s-sa 'yo. M-Masaya kong makita ka u-ulit bago pa man ako t-tuluyang mawala sa mundong 'to."
Pilit 'tong ngumiti, bago tuluyang pumikit ang kanyang mga mata at dumausdos ang kanyang kamay.
Nanikip ang dibdib ni Nathalia at pakiramdam niya ay bigla siyang nahirapan huminga. She feels like she lost a parent over and over again.
"No! No! Gumising ka, Manang! Sasabayan mo pa ko sa pagkain, 'di ba? Marami pa tayong pagkukuwentuhan! Tuturuan mo pa nga ko magluto!"
Malungkot na tiningnan ni Mads ang kaibigan at mahinang tinapik ang balikat nito. Nakuyom ni Damon ang kamao, bago malakas na sinipa ang bato sa isang tabi. Napayuko at napatiim bagang naman si Cole.
Lahat sila ay pawang nawalan ng itinuturing nilang pangalawa nilang magulang. Bata pa lang sila ay kasa-kasama na nila ang matanda. Ito na ang nag-alaga sa halos lahat sa kanila.
"That bastard will surely pay for this!" Nanlilisik ang mga mata ni Damon.
Ngunit kahit nagluluksa ay kailangan nilang magpatuloy. Lalo pa't muling may mga dumarating na kalaban, na pilit hinaharangan at agad na pinapatumba ng mga natitira pang mafia guards.
"I'll go get the car," paalam ni Cole sa kanila at agad na dumiretso sa kinapaparadahan ng kotse nila.
Pilit namang itinayo ni Mads at Damon si Nathalia at inilayo sa matanda. Iilan na lang ang natitira sa mga mafia guards ni Stephen kaya baka madehado na sila. Kailangan na nilang maialis si Nathalia sa lugar na 'to.
Nag-uunahan naman ang mga luha sa pagbagsak sa mga mata ni Nathalia. Pilit siyang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ng mga kaibigan.
'Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko!' pagsisisi niya pa sa sarili.
Nakabalik na rin sina Harold at Albert at pilit din na pinapakalma ang kaibigan.
"Nasabihan mo na ba si Sarmiento?" tanong ni Damon kay Harold.
"Oo. Malapit na sila."
Doon lang natigilan si Nathalia. Naalala niya bigla ang pagpunta ni Liam at ng mga magulang sa mansyon.
"Bitiwan n'yo ako! Bakit n'yo pa sila pinatuloy rito? Mapapahamak lang sila!" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang boses.
"We need back-up, Thalia. Right now, we can only rely from the Sarmiento mafia," dire-diretsong sabi ni Damon. Sinamaan naman ito ng tingin ni Mads nang dahil sa sinabi nito.
Pero naniniwala si Damon na kailangan na ring malaman ng kaibigan ang tunay na katauhan ng mga taong kumupkop dito.
Napatitig si Nathalia kay Damon. "W-What? Don't tell me..."
"Yes. The Sarmiento's are one of the Anderson's allies." Pagkumpirma nito sa nabuong hinala sa isip niya.
Sakto namang tumigil ang kinuhang kotse ni Cole sa harap niya. Wala na siyang nagawa nang tuluyan siyang isinakay ng mga kaibigan sa loob. Bago nito muling hinarap ang mga kalaban.
But the enemies from the front gate were wiped out, when Liam and Nathalia's foster parents have finally arrived. Walang awa na binunggo nila ang mga kalaban, bago mabilis na umibis ng sasakyan.
Dahan-dahang napaangat ng tingin si Nathalia. Hindi makapaniwalang sinundan niya ng tingin si Liam at ang ama na walang awang pinaputukan sa ulo ang mga papasok na kalaban. Habang ang ina naman niya ay ekspertong itinatapon ang hawak nitong maliliit na kutsilyo, diretso sa puso ng mga kalaban. Pagkatapos ay lalapitan niya ang mga 'to, bago ibabaon ng husto ang kutsilyo at muling huhugutin.
Hanggang sa namalayan na lang niya ang mabilis na pag-andar ng sinasakyang kotse paalis. Napansin niya pa ang ilang nakaparadang kotse sa labas na sumunod sa kanila.
"Don't worry, Madame. They were the Sarmiento's guards."
That made Nathalia calm a bit. Pero hindi pa rin niya maiwasan ang mag-alala sa mga kaibigan at kapamilyang naiwan sa mansyon.
Napatingin ulit siya sa likod. Gano'n na lang ang gulat niya nang mapansin na isa-isang tinatambangan ng mga nakahabol na kalaban ang sasakyan ng mga tauhan ng magulang niya. Habang ang ilan naman ay tuluyan ng huminto upang harangan ang mga 'to at hindi na makasunod pa sa kanila.
"Kumapit ka ng mahigpit, Madame!" Bago pa man siya makapagsalita ay agad ng pinaharurot ni Cole ang sasakyan.
Kung saan-saan sila lumiko at halos hindi natandaan ni Nathalia ang daan. Mapuno na rin ang bahagi na kanilang tinatahak ngayon.
Muli siyang lumingon sa likod. Wala na ni isang sasakyan ang nakasunod sa kanila. Mukhang nailigaw na ni Cole maigi ang mga 'to.
Napaayos na siya ng upo at unti-unti ng bumagal ang pagpapatakbo ni Cole. Kinapa niya ang phone sa kanyang bulsa. Pero natampal na lang niya ang noo nang maalalang nailapag niya nga pala 'to sa ibabaw ng mesa sa kuwarto nila.
"Can I borrow your phone, Cole? Kailangan malaman ni Stephen ang nangyayari! Ang akala ko ba ay inaasikaso niya ang mga kalaban niya ngayon. Pero bakit sa 'tin sila umatake?"
"Masyadong maraming kalaban si Boss, Madame. Hindi natin alam kung sino sa kanila ang umatake ngayon."
Napahilamos ng mukha si Nathalia. Pakiramdam niya ay nahihilo na siya nang dahil sa mga nangyari at nalaman niya ngayong araw.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na miyembro ng mafia ang pamilyang kinalakihan niya. How naive of her! Kaya pala gano'n na lang kung balaan siya ni Liam dati nang dahil sa ginawa niyang pag-iimbestiga kay Stephen.
Ngayon din niya lubos na naintindihan ang ibig sabihin ng tanong sa kanya ni Stephen ng gabing 'yon.
Don't you know the truth about your family now, Nathalia?
Nasa malalim siyang pag-iisip nang mapansin niya ang hilera ng mga sasakyan na nakaharang sa daraanan nila.
"Cole, we need to get back," natataranta niyang sabi.
Pero mukhang hindi siya narinig ni Cole. Kaya naman ay gulat na nilingon niya 'to. He looks so calm. Tila hindi nito alintana ang mga kalaban na nakasalubong sa kanila.
"Cole!" malakas niyang sigaw, bago niyugyog ang balikat nito.
Biglang kumabog nang mabilis ang puso niya nang dahan-dahang inihinto ni Cole ang kotse. Napatingin naman siya sa harap ng bumukas ang isa sa mga van na naroon.
Nahigit ni Nathalia ang hininga nang bumaba mula ro'n ang lalaking kinamumuhian niya. Sinundan niya lang 'to ng tingin hanggang sa tumigil 'to sa tapat ng kotse nila at ngumisi sa kanya.
"Aries Baltazar."
HALOS PALIPARIN na ni Stephen at ng mga kaibigan niya ang sinasakyang mga kotse para lang makarating agad sa mansyon. Akmang tatawagan na niya si Liam upang ipaalam dito ang natuklasan nang mapansin ang text message na galing dito.
Liam
The mansion is under attack! Nahuli n'yo na ba si Aries?
I am trying to call you, man. Call me back asap!
Malakas niyang naihampas ang manibela. "Fuck!"
Dali-dali niya 'tong tinawagan at ni-loudspeaker ang magiging pag-uusap nila. Hindi pa man 'to nakakapagsalita sa kabilang linya ay agad na tinanong niya 'to.
"Where's Nathalia?"
"Man! Don't worry. He's with Cole right now and our men manage to stop that bastard's dog to go after them."
Muli niyang naihampas ang manibela. "Fucking fuck! You need to go after them, damn it!"
"Ano bang—"
"Cole is the traitor! He is Aries older brother and that bastard were not fucking here!"
Mabilis na nawala si Liam sa kabilang linya.
"Damn!" Mas binilisan pa ni Stephen ang pagpapatakbo sa kotse.
'Please make her safe.'
He was about to turn right when suddenly, a van came out of nowhere, with riffles pointing to them from the car window.
"Shit! We're under attack!" rinig niyang sigaw ni Rhyz mula sa earpiece na suot.
Napahigpit ang hawak ni Stephen sa manibela.
'Damn you, Aries! I'll make sure that you rot in hell! Together with your traitor brother!'