Chapter 32 | One Step Closer

Third Person's POV

MAHINANG NAPAMURA sina Ace at Shantel nang sa pagdating nila sa mansyon na pakay ay sinalubong sila ng mga nagkalat na bangkay sa labas nito.

"What the hell just happened here?" hindi makapaniwalang bulalas ni Shantel.

"Mukhang may nauna ng nagpunta rito at katulad ng pakay niya ang sa 'tin." Sinenyasan ni Ace ang mga tauhan na palibutan ang buong mansyon.

"Suriin n'yong maigi ang paligid maging ang mga bangkay. Baka mayroon pa sa kanilang nakatakas o buhay pa."

Tinanguan siya ng mga tauhan, bago mabilis na naghiwa-hiwalay. Habang si Shantel naman ay inutusan ang mga tauhan na tingnan ang mapuno at masukal na parte. Mahirap na at baka mayroon pang nagmamatyag na kalaban sa paligid.

Nang magkanya-kanya na ng puwesto ang mga 'to ay dahan-dahan ng pumasok sina Ace at Shantel sa loob ng mansyon. Iniumang nila ang mga hawak na baril at alerto na inilibot ang tingin.

Maging ang loob ng mansyon ay puno rin ng nagkalat na bangkay. Halos hindi na nila mawari ang amoy nang dahil na rin sa mga dumanak na dugo.

Nang masigurong wala ng natirang buhay sa mga 'to ay dumiretso naman sila sa itaas. Inisa-isa nila ang lahat ng kuwarto na nandoon. Ngunit sa pagbukas ni Shantel sa dulong pinto ay napasinghap na lang siya nang makita niya ang head ng Del Valle mafia na kanilang pakay sa lugar na 'yon. Nakahandusay 'to sa sahig at may tama ng bala sa ulo.

Dali-dali niya 'tong nilapitan at pinakiramdaman ang pulso nito. Pero katulad ng inaasahan ay patay na rin 'to.

"Damn!" Malakas na nasuntok niya ang sahig nang dahil sa inis na nararamdaman.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Ace na biglang bumungad sa labas ng pinto. Ngunit gano'n na lang ang panlulumo niya nang matuon ang atensyon sa nakaratay na katawan ni Del Valle.

"I think I already know who did this. Naisip niya sigurong maaari nating puntahan si Del Valle at para hindi na 'to kumanta pa ay tinuluyan na niya 'to." Kinuyom ni Shantel ang kamao.

"Demonyo talaga ang Aries na 'yon. Kahit ang sarili niyang kakampi ay walang pag-aalinlangan niyang papatayin para lang sa sarili niyang kapakanan." Napailing na lang si Ace.

Malalim na napabuntong hininga si Shantel, bago sinimulang libutin ang buong kuwarto. Gano'n din ang ginawa ni Ace. Inisa-isa nila ang mga cabinet at drawer na nandoon. Nagbabakasakaling makakita ng iba pang impormasyon na mag-uugnay kay Aries.

Hanggang sa matigilan si Shantel nang makapa ang isang tagong safe sa loob ng isang cabinet. Kinuha niya 'to at sinubukang buksan. Pero hindi niya magawang hulaan ang code nito.

"Ace, I need a help in here." Agad naman siyang nilapitan ni Ace. Napakunot ang noo nito nang makita ang hawak niya.

"Sa tingin ko ay may kung ano sa loob nito na maaaring makatulong sa 'tin. Can you break it?" Iniabot niya ang safe kay Ace.

Kinuha 'to ni Ace at inilapag sa mesa na nandoon. Pagkatapos ay may inilabas siya mula sa bulsa. Ito rin ang kaparehong bagay na ginamit ni Rhyz no'n sa yate. Mas maliit nga lang 'to.

Nagtatakang napatingin si Shantel kay Ace. "Paano ka nagkaroon niyan?"

Ace shrugged. "Humingi ako kay Rhyz. Just in case of emergency."

Hindi na umimik pa si Shantel at pinanood na lang si Ace na ikabit ang maliit na explosive device sa safe. Nang matapos ay lumayo muna sila rito. Mabuti na lang at kahit papaano ay hindi gano'n kalakas ang impact nito. Pero sapat na para bumukas ang safe.

Mabilis na tiningnan naman ni Shantel ang loob nito at agad na kinuha ang isang kulay brown na envelope ro'n. Binuksan niya 'to at isa-isang inilabas at binasa ang mga dokumento na nandoon.

But her eyes widened in shock because of what she read. The documents had all the information about Aries and what she found out is beyond her expectation. Nanginginig ang kamay na iniabot niya ang mga 'yon kay Ace.

Halos malukot naman ni Ace ang hawak na papel nang dahil sa nabasa.

"Wait. Kung si Aries at ang mga tauhan nga niya ang nanggaling dito, sino ang minamatyagan nila Stephen ngayon?"

Natigilan at nagkatinginan silang dalawa nang dahil sa sinabi ni Shantel.

"Fuck! Tawagan mo si Sarmiento. Ako na ang bahala kay Anderson. Kailangan natin silang mabalaan lahat sa lalong madaling panahon."

SA KABILANG dako ay tahimik naman na nagmamanman si Stephen kasama ang iba pang mga kaibigan at tauhan nila.

"Rhyz, nakita mo na ba kung saan ang eksaktong lokasyon niya?" mahinang bulong ni Stephen at mas lalo pang idiniin ang suot na earpiece.

Nakarinig siya ng mabilis na pagtipa mula sa kabilang linya bago 'to sumagot. "Yes! I got him. Mayroong isang maliit na opisina sa basement. Nando'n siya at kausap ang ilan sa mga tauhan niya."

Napangisi si Stephen. Mukhang pinapanigan siya ng suwerte ngayon. Kaya naman ay sisiguraduhin niyang matatapos na ang buhay ni Aries sa araw na 'to.

Sinenyasan niya ang mga kaibigan na pawang nakatago sa likod ng mga nagtataasang puno at damo. Napatango ang mga 'to, bago sila sabay-sabay na lumabas sa pinagtataguan nila.

Ang mga may dalang baril ay pawang naka-silencer upang hindi gaanong maglikha ng malakas na ingay. Maaari kasi nitong maalerto ang iba pang mga kalaban at si Aries na nasa loob. Kapag nagkataon ay baka makakuha pa ng pagkakataon si Aries para tumakas.

It's been two days since they finally found his location. Masusi nilang minatyagan ang galaw ng bawat miyembro ng organisasyon. Hindi naman sila nabigo dahil ang isa sa mga 'to ay namataan nilang nakipagkita kay Aries. Si Rashen Del Valle na head ng Del Valle mafia. Dahil do'n ay nagawa nilang sundan 'to hanggang sa hideout nito.

Habang nakabantay sina Stephen kasama ang iba pa mula sa labas ay maingat namang pumasok sa loob ng bodega no'n si Rhyz upang makapaglagay ng maliliit na camera sa bawat sulok nito. Mabuti na lang at matagumpay naman nitong nagawa ang misyon.

Kaya naman sa nagdaang mga araw ay wala silang ibang ginawa kung hindi ang manmanan ang bawat kilos ni Aries maging ng mga tauhan nito.

Sa kanilang paglabas ay sabay-sabay na napalingon sa direksyon nila ang mga kalaban. Pero bago pa man tuluyang makapagpaputok ang mga 'to ay agad na iniumang na nila ang kanya-kanyang mga sandatang dala.

"Where the hell is Ace and Shantel? What's taking them so long?" naiinip na tanong ni Ashter habang walang habas na nagpapaputok ng baril sa bawat makakasalubong nito.

"They're looking for an information about Aries that may lead us to whom the traitor is. Kaya kung sino man ang ahas na 'yon ay sinisiguro kong kasabay niyang babagsak si Aries." Umigting ang panga ni Stephen, bago dumapo ang kanyang kamao sa mukha ng kalaban na akmang aatake sa kanya.

"Anderson! Dumiretso ka na sa loob! Kami na ang bahala rito," malakas na sigaw ni Riley habang ekspertong iniiwasan ang mga kalaban at mabilis na inilalatay ang latigo sa katawan ng mga 'to.

Bukod sa mga kaibigan ay kasama rin ni Stephen ang kani-kanilang mga tauhan. They all gather most of their men from their respective headquarters.

Napatango naman si Stephen, bago mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bodega. Ang bawat kalaban na nagtatangkang lumapit sa kanya ay agad na natutumba sa lupa nang dahil sa mga shuriken na sunod-sunod na ibinabato ni Oliver sa mga 'to.

However, since Oliver is busy making the way clear for Stephen, he didn't see an enemy from behind that was about to stab his back.

Luckily, Ryza catch a glimpse of the enemy. She quicly throws her chain to wrap it around the man's neck and choke him to death.

Sakto namang napalingon si Oliver. "Thanks," hinihikab nitong sabi kay Ryza.

Napasimangot naman si Ryza sa kanya. "Seriously, Oliver? Anong oras ka ba natutulog at palagi kang—" her words were cut off when Oliver suddenly throws a shuriken that almost hit her cheek.

She gasped. "What the hell? You almost hit me!"

Nagkibit balikat lang si Oliver, bago nilampasan ang kaibigan. Ayaw na niyang marinig pa ang mga sentimyento nito sa buhay.

Dali-dali namang kinuha ni Ryza ang compact mirror mula sa bulsa upang tingnan ang kanyang pisngi. Nakahinga siya nang maluwag nang masigurong wala 'tong kahit na anong daplis. She's skin conscious, that's why. Pero halos mapatalon siya sa gulat nang paputukan siya ng isa sa mga kalaban.

"Shit, you fucker! You don't hit a woman when she's not looking around!"

Bago pa man 'to makapagpaputok ulit ay dali-daling tinawid ni Ryza ang distansya nila. Inihagis niya ang kadena sa braso ng kalaban at hinila 'to upang kaladkarin sa lupa. Nang may makitang malaking bato sa isang tabi ay malakas na inihampas naman niya 'to ro'n.

Ashter whistled. "Such a badass, Jones!"

Ryza just raised her middle finger on him.

Samantala ay natigilan naman si Stephen nang makapasok na siya sa loob ng bodega. Hindi na niya inaalala pa ang mga kalaban sa labas dahil ang mga kaibigan at tauhan na nila ang bahala sa mga 'to.

Pero napakunot noo siya nang salubungin ng tahimik na kapaligiran. Alerto ang kanyang mga mata na naglibot ng tingin. Ngunit wala siyang nakita ni isang kalaban.

"Man, there are three men behind you!" rinig niyang sigaw ni Rhyz mula sa kabilang linya.

Maliksi namang tumalikod at yumuko si Stephen, bago iniumang ang hawak na baril. Pero wala siyang nakita ulit.

"Are you fucking kidding me? There's no one in here!" naiinis na sigaw niya kay Rhyz.

"What? But I can see them clearly here on my laptop!" Narinig ulit ni Stephen ang mabilis na pagtipa nito mula sa kabilang linya.

Mas lalo namang naguluhan si Stephen. Kaya naman ay dali-dali niyang pinuntahan ang basement na nabanggit ni Rhyz kanina kung saan ay mayroon daw na isang maliit na opisina upang malaman ang mga nanyayari.

Pero natigilan si Stephen nang sa pagbukas niya ng pinto ay isang tahimik at malinis na opisina ang bumungad sa kanya. Muli ay wala ni isang tao ang nandoon.

"Rhyz! Aries is not here! It seems that we fell in his trap again," nanggagalaiting sigaw ni Stephen. Malakas na sinuntok naman niya ang pader dahil naisahan na naman sila ng kalaban.

"What the hell?" Muli 'tong nagtipa mula sa kabilang linya. Hindi nagtagal ay malalim na napabutong hininga si Rhyz.

"You're right. Someone's manipulating the surveillance cameras. I'm sorry, man."

"Fuck! Fuck! Fuck!" Sinipa ni Stephen ang mga silya na nandoon bago itinumba ang mesa.

Nanlilisik ang kanyang mga mata at nakakuyom maigi ang mga kamao. He can't believe that they were fooled twice.

Ayaw sana niyang paghinalaan ang mga kaibigan. Pero hindi niya maiwasang isipin na baka isa sa mga 'to ang traydor. Lalo pa at muling napurnada ang lakad nila.

Hindi nagtagal ay dumating na rin sina Ashter, Ryza, Riley at Oliver.

"Anderson! Where's Aries?" Inilibot ni Ashter ang tingin sa paligid.

Napailing si Stephen. "He's not here. He's not here to begin with. Pinaniwala niya lang tayo na nandito siya ngayon."

Napasinghap si Ryza. "What? If he's not here, then it means..."

Nagkatinginan silang lima. Nanlaki ang mga mata ni Stephen nang mapagtanto kung saan 'to maaaring pumunta.

"No way!"

Mabilis na tumakbo sila palabas, nang biglang tumunog ang phone ni Stephen. Mabilis na kinuha niya 'to mula sa bulsa at agad na sinagot nang makitang si Ace ang tumatawag.

"May nakuha ba kayong bagong impormasyon?" tanong niya habang patuloy pa rin sa pagtakbo.

Pagkalabas ng bodega ay saktong nandoon na si Amelia. Tinanguan lang niya 'to, bago sila dali-daling dumiretso sa kani-kanilang mga sasakyan. Si Amelia at ang grupo na nito ang bahala sa mga nagkalat na bangkay.

"Anderson, you wouldn't believe what we have found out! Nathalia is in danger. You need to go to her now!" nagpa-panic na sagot sa kanya ni Ace.

Natigilan sa akmang pagsakay si Stephen. Gano'n din ang mga kaibigan niya at nagtatakang napatingin sa kanya.

"What did you find out?" Hindi niya alam kung bakit pero bigla na lang siyang nakaramdam ng kaba.

Narinig niya ang malalim nitong paghinga mula sa kabilang linya. "Aries Baltazar has an older brother named Ariston Baltazar. But he's using an alias right now."

Kumunot ang noo ni Stephen. He didn't know that. Well, at least all of them. Paanong hindi nila agad nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon?

"Who the hell is he?" Halos pigil niya ang hininga habang naghihintay ng sagot ni Ace.

Pero tila biglang bumagal ang lahat sa paligid ni Stephen nang banggitin na ni Ace ang pangalang gamit nito ngayon. Ang pangalan ng traydor sa grupo.

Napaawang ang kanyang bibig at dahan-dahang napailing. Agad na nilapitan siya ng mga kaibigan nang dahan-dahang dumausdos mula sa kanyang kamay ang phone na hawak.

"Anderson! What is it? What's happening?" nag-aalalang tanong ni Ashter.

Napapikit siya nang mariin bago umigting ang kanyang panga. Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. Ayaw niyang maniwala sa nalaman niya.

It can't be. Why does it need to be him?

Idinilat niya ang mga mata at matalim ang tinging inihagis niya sa mga kaibigan. Agad na ibinahagi niya ang impormasyon na nalaman mula kay Ace at halos malaglag ang panga ng mga 'to sa gulat.

"Kailangan nating mapuntahan agad si Nathalia, bago pa tayo maunahan ni Aries," maawtoridad niyang sabi sa mga 'to. Napatango naman ang mga kaibigan na nakakuyom ang kamao.

Gusto niyang magwala. Ang buong akala niya ay tama ang naging desisyon niyang umalis para alisin ang mga balakid sa buhay nila. Pero mukhang maingat ng naplano ni Aries at ng kapatid nito ang lahat ng nangyayari ngayon.

Dali-dali ng sumakay sa kotse si Stephen at pinasibad 'to paalis. He's already one step closer to get rid of Aries and he will make sure not to waste any opportunity to do so.

Even if it means killing a friend in the process.