Chapter 31 | Mafia Reapers and The Photograph
Halos tatlumpung minuto na rin ang nakalilipas magmula ng makauwi ako sa mansyon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko.
"Ouch! Dahan-dahan naman! Ako na nga lang kasi, eh."
Pilit na inaagaw ni Mads ang bimpong hawak ni Damon na mayroong yelo. Dinadampian kasi nito ang pasa niya sa mukha.
Hindi ko naiwasan ang mapangiwi. I felt bad for what happened to Mads. Nabangasan tuloy ang makinis niyang mukha. Kung alam ko lang na siya ang nasa likod ng maskara na 'yon ay naglakas loob na sana kong sumugod bago pa siya masuntok.
"No. Just stay still. Wag ka kasing malikot," maawtoridad na sabi ni Damon bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.
Naalala ko tuloy bigla ang nangyari kanina. No'ng unang beses na nakita niya ang nangyari kay Mads. Kahit bagsak na ang kalaban nang dahil sa ginawa kong pagpukpok dito ng bato ay hindi niya pa rin 'to tinantanan ng sipa at suntok hanggang sa hindi na makilala ang mukha nito.
It's the very first time I saw Damon rage like a fire. Kahit ako ay biglang nakaramdam ng takot sa kanya. Kung hindi nga lang siya inawat ni Mads ay baka lasug-lasog na ang katawan ng lalaking 'yon.
Malalim akong napabuntong hininga. Ang buong akala ko pa naman ay wala silang alam tungkol sa pagiging mafia boss ni Stephen.
But just by the way they fight earlier and looking at their weapon resting on the table right now, I knew very well that they're actually part of Anderson's mafia.
Tumikhim ako nang malakas, dahilan para matuon ang atensyon nilang apat sa 'kin. Nagtabi-tabi pa sila ng husto na akala mo ay mga batang naghihintay na masermunan.
"Naghihintay lang ako. Wala pa rin bang may balak magsalita? Ang mga ikinuwento n'yo sa 'kin dati tungkol sa pag-ampon ni Don Isaac sa inyo sa ampunan, totoo ba ang lahat ng 'yon o pawang kasinungalingan lang?" diretsahan kong tanong. Kanina pa kasi ako naghihintay ng paliwanag mula sa kanila.
Seryoso ko silang tiningnan. Kailangan kong makakuha ng totoong sagot dahil pagod na kong makarinig pa ng kasinungalingan.
Napatungo sila. Puwera na lang kay Mads na sinalubong ang nagtatanong kong tingin. Habang si Cole na kanina pa nakatayo sa likod ko ay tahimik lang.
"Thalia..."
Umayos ako ng upo dahil pakiramdam ko ay bigla na lang akong mabubuwal anumang oras.
"Speak up. I'm listening."
Pinagsiklop niya ang dalawang kamay. "Totoo na inampon kami ni Don Isaac. Pero hindi niya lang kami basta inampon dahil pinili niya kami o kung anuman. May malalim na dahilan kung bakit niya kami kinuhang apat."
Napataas ako ng kilay. "Dahilan? Anong dahilan naman 'yon?"
Napatingin si Mads sa tatlong katabi. Napatango naman ang mga 'to kaya nagpatuloy na siya sa pagsasalita.
"Don Isaac knew our parents. Pero hindi totoong namatay sila nang dahil sa sunog kagaya ng sinabi namin sa 'yo no'n." Kinuyom niya ang kamao.
"Pinatay sila ng isa sa mga kalaban ng mga Anderson. Nang mawala ang mga magulang namin ay sa bahay ampunan na kami napunta dahil wala na rin kaming malapit na kamag-anak dito. Kaya ang buong akala namin no'n ay wala ng dadating para kuhain kami. Kung mayroon man ay natakot din kami dahil baka magkahiwa-hiwalay naman kami," pagtutuloy ni Albert.
"Then Don Isaac came and gave us an opportunity to start again. But at the same time, to avenge the death of our parents. Kaya magmula ng mapunta kami sa poder nila ay nangako kaming manunungkulan sa pamilya nila, kung paanong nanungkulan din ang mga magulang namin. It's our way of giving back as well," aniya naman ni Harold.
Dahan-dahan akong napatango. Kahit papaano ay medyo nagiging malinaw na sa 'kin ang lahat.
"Kung gano'n ay mga mafia guards din ang mga magulang n'yo? That's why you became a mafia guards as well."
Damon shook his head. "We're not a mafia guard. We're a mafia reaper."
Napaawang ang bibig ko. Minsan ko ng narinig si Stephen na kausap si Ashter at may nabanggit siya tungkol sa mafia reaper ng pamilya nila.
"Kung gano'n ay kayo ang ipinapadala niya sa tuwing mayroon siyang ipinapa-assasinate?"
I can't believe it. I can't believe that my friends were raised to kill and that's the kind of duty that they want to fulfill.
Napatango si Mads. "Yeah. Pero magmula ng maging asawa ka naman ni Stephen ay itinalaga muna niya kaming maging tiga-bantay mo. We believe that Cole can protect you. But Stephen being a paranoid himself, won't just calm down when it's come to your safety. Isa pa ay gusto ka rin naming personal na protektahan."
Napakurap ako. Kaya pala gano'n na lang ang laki ng tiwala ni Stephen kahit mag-isa lang si Cole na bodyguard ko. 'Yon pala ay palagi ring nakasunod ang mga kaibigan ko sa 'kin.
Kaya siguro madalas na hindi ko sila makontak. Palagi rin na ako ang nauuna sa school dahil nakasunod pala sila sa 'kin. Kapag uwian naman namin ay pinapauna nila ko lagi umalis.
"We're really sorry if we didn't tell you earlier. Natatakot kasi kami sa magiging reaksyon mo. Isa pa ay baka bigla na lang mag-iba ang tingin mo sa 'min," malungkot na sabi ni Damon.
Tiningnan ko sila isa-isa, bago napailing.
"Kung dati n'yo pa sinabi sa 'kin ang tungkol sa bagay na 'yan ay paniguradong magugulat talaga ko. Pero sa umpisa lang naman 'yon. Dahil kahit anong mangyari at malaman ko tungkol sa inyo ay tatanggapin ko pa rin kayo."
Sa wakas ay napangiti rin silang apat. Tumayo sila bago lumapit sa 'kin at sinugod ako ng yakap.
"Group hug!" malakas na sigaw ni Albert.
"Sali ka rin sa 'min, Cole!" anyaya naman ni Harold.
Natatawang hinampas na lang namin siya sa likod. Natutuwa ko dahil bumalik na ulit ang kakulitan nila.
Parang hindi kasi sila ang mga kaibigan na nakilala ko, habang pinapanood ko silang nakikipaglaban kanina.
Pero sa kabila ng hindi nila pagsasabi sa 'kin ng katotohanan ay naniniwala ko na tunay naman ang mga ipinakita nila sa 'kin magmula palang ng magkakilala kami.
"Wait!"
Napakalas kami sa yakap nang biglang sumigaw si Albert. Naguguluhang nakatingin lang kami sa kanya, habang nagmamadali niyang kinuha ang phone. Pero napasinghap ako nang mapansin na akmang tatawagan niya si Stephen kaya dali-dali ko siyang pinigilan.
"Why?" nagtataka niyang tanong.
"Bakit mo tatawagan si Stephen?" Hindi ko pa rin binibitiwan ang phone niya.
Natampal naman ni Mads ang noo. "Oh, shit! Nakalimutan nating mag-report."
"I was about to call him also," sabat naman ni Cole.
Sunod-sunod akong napailing. "No! Walang magsasabi ng nangyari kay Stephen." Nakapameywang na hinarap ko silang lahat. "Saka wag n'yo ring ipapaalam kina Mama at Liam ang nangyari. Ayoko ng mag-alala pa sila."
No'ng unang beses kasi na nangyari ang ganito ay gano'n na lang ang pagwawala ni Liam ng sumugod siya sa mansyon.
"Pero Thalia—"
"Please. 'Yon lang naman ang hinihiling ko."
Nagkatinginan silang lima. Halata sa mukha nila ang pagtutol.
"Please," pagmamakaawa ko pa sa kanila.
Mariin silang napapikit bago napatango. "Sige. Pero paniguradong malalagot kami kay Stephen kung sakali mang malaman niya." Napahilot sa sentido si Damon.
Nginitian ko sila. "You don't have nothing to worry about. I can handle him."
Pero unti-unting napawi ang ngiti ko nang may bigla kong maalala.
"Wait." Sabay-sabay silang napatingin sa 'kin. "Ibig sabihin ay alam n'yo ring kinidnap ako ni Stephen no'ng araw ng birthday ko?"
Napalunok sila.
"We're very sorry, Nathalia. Alam naman namin na hindi ka sasaktan ni Stephen kaya hindi na rin kami umalma pa. Saka magpakasal ka man sa kanya o hindi ay damay ka na sa gulo ng grupo. Lalo pa at may nasaksihan kang hindi dapat. Ginawa lang din naman niya ang bagay na 'yon dahil mas mapoprotektahan ka niya kung nasa poder ka niya," paliwanag ni Damon.
"Pero bakit niya ko kailangang protektahan? Hindi ko maintindihan. Wala naman siyang dapat na pakielam sa 'kin, 'di ba? Ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit niya ko pinakasalan?"
Sobrang naguguluhan ako. 'Yon ang isa sa mga tanong na matagal ko ng gustong mahanapan ng kasagutan.
Nilapitan ako ni Mads at mahigpit na hinawakan ang dalawa kong kamay. "We can't really tell, Thalia. Hindi namin pwedeng pangunahan si Stephen. Kung ano pa ang mga bagay na gusto mong malaman ay tanging si Stephen lang ang makakasagot no'n."
Tinapik naman ni Albert ang balikat ko. "Don't worry. Sa oras na matapos niya ang dahilan ng naging pag-alis niya ay nasisiguro namin sa 'yo na sasabihin na niya ang lahat ng kailangan mong malaman."
Marami pa sana kong gustong itanong sa kanila. Pero mukhang wala na talaga silang balak na magsalita pa.
Siguro nga ay mas maigi na hintayin ko na lang si Stephen para itanong sa kanya ang lahat. Wala na talaga kong palalampasin na pagkakataon sa oras na makauwi siya.
Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na rin sila. Kailangan daw kasi nilang bisitahin ang mga hotel na pagmamay-ari ni Stephen, maging ang kumpanya. Mahirap na raw at baka may kalabang makalusot.
Mula sa bintana ay tinanaw ko ang papalayo nilang mga sasakyan. Lahat sila ay nakasakay sa kanya-kanyang motorsiklo. Mukhang kailangan ko ng masanay na makita silang tila sasabak lagi sa aksyon.
Napatingala ko sa kalangitan. Who would have thought that my friends were actually a mafia reaper?
-----
Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa 'king balat. Halos manginig ako dahil wala kong suot na jacket, pero hindi ko na 'yon ininda pa.
Napahinga ako nang malalim bago masuyong hinaplos ang nakaukit na pangalan ni Mama sa lapida, bago ang kay Papa. Pinaglipat ko ang tingin sa puntod nilang dalawa.
"Ma, Pa. Gulong-gulo na po ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may kinalaman si Stephen sa nakaraan ko. Kung sakali man ay hinihiling ko na sana ay hindi siya parte ng grupong umatake sa 'tin no'n. Dahil kapag nagkataon ay hindi ko po alam kung anong magagawa ko."
Araw ng Sabado ngayon at naisipan kong dalawin ang mga yumao kong magulang. Kahit sa kanila ay marami akong gustong itanong. Dahil alam nila ang tungkol sa nakaraang hindi ko pa rin maalala.
Pero kahit ilang beses ko naman silang tanungin ay alam kong wala na kong makukuhang sagot. Kaya naman ay lihim kong ipinapanalangin na sana ay mayroon akong makilala na kahit isang tao na naging parte ng nakaraan na 'yon. Para naman may makapagsabi sa 'kin ng iba pang mga pangyayari dati.
Pilit akong ngumiti. "Pero wag po kayong mag-alala sa 'kin. Mabait po ang mga kumupkop sa 'kin at mayroon akong mga kaibigan na hindi po ako iiwan at gusto akong protektahan. Isa pa ay mayroon po akong mafia boss na asawa. Mas maigi na rin po 'yon kaysa kung si Aries po ang napangasawa ko katulad ng orihinal n'yong plano."
Nakuyom ko ang kamao. "Siguro kaya ko po hindi nakalimutan si Aries ay para maipaghiganti ko ang nangyari sa inyo. Pero kahit gaano ko pa po kagusto na ilagay sa mga kamay ko ang batas ay hindi ko naman po gagawin. Hahayaan ko siyang magdusa sa kulungan habang-buhay. Magsisilbi lang akong instrumento para madakip siya. Sinisiguro ko po 'yan sa inyo."
Kinurap ko ang mga mata nang biglang manlabo ang aking mga paningin, upang hindi matuloy sa pagbagsak ang mga luha ko.
Ilang minuto pa kong nanatili rito, bago taimtim na nagdasal. Nang matapos ay tumayo na ko at pinagpagan ang pantalon ko. Nagpaalam muna ko sa mga magulang ko, bago tuluyang umalis. Tinanguan ko lang si Cole na naghihintay sa labas ng kotse.
"Wala ka na bang ibang pupuntahan?" tanong ni Mads.
Nakaparada lang sa likod ng kotse ang mga motor nila. Wala na rin naman daw kasing silbi kung susundan nila ko mula sa malayo dahil alam ko na ang tungkol sa kanila.
"Wala na. Mas gusto kong manatili sa mansyon ngayon. Tinatamad akong gumala. Tatambay naman kayo ro'n, 'di ba?"
Napatango siya. "Yeah. Sasamahan ka namin. Wala naman kaming mahalagang misyon ngayon."
That made me smile. Kahit papaano ay nabawasan ang kalungkutan na nararamdaman ko dahil makakasama ko ang mga kaibigan ko ngayon.
"That's good to hear, Silver."
Mads rolled her eyes. "Mukhang tuwang-tuwa ka talaga sa codename namin, ah."
Natawa na lang ako. Kanina ko lang kasi nalaman na may mga codename pala sila.
Mads as Silver, Damon as Light, Albert as Red and Harold as Blue. Mads and Damon both use a gun in battle, while Albert uses a Katana and Harold uses a dagger.
Nakakatakot siguro sila para sa iba. But for me, my friends are cool.
Hindi naman nagtagal ay nakabalik na rin kami ng mansyon. Napagkasunduan naming mag-picnic sa garden area sa likod, kung saan ay nando'n ang swimming pool.
Pagkabanggit ko ng plano kay Manang Belen ay agad na nag-asikaso siya sa kusina. Pinauna ko na ro'n sina Cole at ang mga kaibigan ko dahil napagpasyahan kong magpalit muna ng damit. Nang matapos ay palabas na sana ko ng kuwarto ng biglang tumunog ang phone ko.
Dali-dali ko 'tong kinuha mula sa bulsa at gano'n na lang ang ngiti ko nang makitang si Liam ang tumatawag.
"Hey," I greeted him.
"Hey. Nasa mansyon ka?"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang malakas na pagkakasara niya ng pinto ng sasakyan.
"Yup. The gang is here as well." Dahan-dahan na kong bumaba ng hagdan.
"Oh. Great! Kaya pala ko tumawag ay para sabihing papunta rin kami nina Tita Marcel at Tito Edwin diyan ngayon."
Natigilan ako sa pagbaba at mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Seryoso ba? Sige. Sasabihan ko si Manang na dagdagan 'yong iluluto nila."
"Okay. See you later, princess!"
"See you. Take care!" I hung up. Halos talunin ko na ang hagdan nang dahil sa excitement na nararamdaman.
Agad na pinuntahan ko sina Manang sa kusina para sabihan sila na darating din sina Mama. Sa kauna-unahang pagkakataon ay madadalaw rin nila ko sa mansyon.
Kahit wala si Stephen ngayon ay masasabi kong kahit papaano ay gumaan naman ang loob ko. Alam kong ginagawa rin ng mga kaibigan at magulang ko ang lahat para hindi ko maramdaman na nag-iisa ko.
Napasipol na lang ako habang binabaybay ang hallway na papunta sa likurang bahagi ng mansyon. Pero natigilan ako nang muling mapadaan sa misteryosong kuwarto na narito.
Napalunok ako bago inilibot ng tingin ang paligid. Nang mapansin na wala namang bantay na rumoronda rito ay mabilis na bumaba ko ng hagdan.
Ilang beses pa kong napahugot ng hininga, bago itinapat ang kanang mata ko sa eye sensor security system na narito. Hindi naman nagtagal ay lumabas ang "Access Granted" na salita mula sa screen nito.
Dahan-dahan kong pinihit pabukas ang pinto. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unti ko 'tong mabuksan. Muli akong tumingin sa likod, bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Natigilan ako nang bumungad sa 'kin ang samot saring mga painting na nakalagay sa pader, habang ang ilan naman ay nakalapag na sa sahig. Mayroon ding isang mahabang mesa sa gitna, kung saan ay nakapatong ang mga nakaayos na photo album, libro at kung anu-ano pa.
Napakunot naman ako ng noo nang mapansin ang mga laruang pambata na nakalagay sa tabi. Hindi kaya mga laruan 'to ni Stephen no'ng bata pa siya?
In fairness to him. It seems that he cherished his childhood memories that much.
Pero ang mas nakakuha ng kuryosidad ko ay ang mga photo album. Kaya pala wala kong makita na mga photo album sa kuwarto ay dahil nandito ang lahat at nakaimbak.
Dahan-dahan akong lumapit sa mesa, bago napahawak sa kabilang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit tila mas dumoble ang pagkabog ng puso ko.
Napahinga ko nang malalim bago kinuha at binuklat ang photo album na nasa pinakaibabaw. Pero napasinghap na lang ako nang dahil sa nakita. Naglikha ng malakas na ingay ang pagkalabog ng photo album dahil sa pagkakalaglag nito sa sahig.
It can't be!
B-Bakit may picture ako rito kasama ang ilan pang mga bata?