Chapter 8
Sinuntok, sinipa, tinadyakan at pinagpapalo ko si Gabriel. Hindi ko na inisip kung anong parte ng kanyang katawan ang tamaan ko.
"S-Sandali... Kara, why? Ano ba? Stop!" ilag ng manyak.
"Tarantado kang walanghiya kang bastos! Ano'ng ginawa mo sa 'kin, huh! Ano?" Kulang na lang ay saksakin ko siya ng may kalawang na kutsilyo. Para bukod sa mabutas ang tiyan niya ay matetano pa siya.
Biglang hinawakan ni Gabriel ang nagwawalang dalawang kamay ko. Nagpumiglas ako ngunit… shit! Bakit ang lakas niya?
"Ano'ng ano ang ginawa ko sa ‘yo? Ginawa natin, Kara. Ikaw pa nga ang nasa ibabaw ko. Sabi ko ako na, pero pilit ka nang pilit na mas masarap sa ibabaw..."
Napasigaw ako! Ayaw kong marinig ang mga sinasabi niya. Panay pa rin ang pagpupumiglas ko.
"Sabi mo pa nga, I want more... more..."
"Ahhhhhh!"
Gusto kong magwala. Gusto ko siyang kalmutin pero mariin ang mga kamay niyang nakagapos sa akin. Iginagalaw ko na nga pati mga tuhod ko para tamaan siya.
"Bastos! Bastos ka talaga, Gabriel!" bulyaw ko.
"Hindi kaya! Ikaw ang bastos dahil ikaw ang walang suot!"
‘What? Anong walang suot ang pinagsasabi niya?’
Napatingin ako sa sarili ko. Wow! As in, wow! Am I really naked in front of Gabriel? My breasts were bulging while I moved to hit him. My uhm, letter V was totally exposed while I was trying to kick him. And he was wearing his boxers. Sino nga naman ang mas bastos sa aming dalawa?
"Ahhhhhh!" Napahiyaw akong muli.
‘Maloloka na ako! Nababaliw na ako!!!’
***
Ilang oras ang lumipas. Nasa harapan ko ngayon ang manyak. Hindi na rin ako bastos dahil may damit na ako. Pero si Gabriel, mukhang walang balak magbihis. At naiinis ako dahil nakaumbok iyong ano niya. Alam mo iyon? Ang hirap mag-concentrate na wala iyon doon!
Naiinis akong humigop ng kape. Sabi niya, pampawala raw ng hangover. Si Gabriel ang nagtimpla. Mula kanina, nakangiti lang siya. Pinagsisilbihan ako dahil siya ang nagluto ng breakfast namin, naghanda ng mesa, inalalayan akong umupo at ngayon ay itinapat pa sa akin ang electric fan para raw lumamig ang ulo ko. Pero sa totoo lang, kanina ko pa gustong ibuhos sa kanya ang kapeng hawak ko.
Umupo si Gabriel sa tapat ko. Nagsalin siya ng sinangag at pritong itlog sa plato ko, ‘tapos ay sa plato niya. Masama ko lang siyang tinitingnan habang inuunti-unti ko ang kape ko.
Ngumunguya siya nang iabot ang cellphone niya sa akin.
"Ano iyan?" singhal ko sa kanya.
"Cellphone." Nagsisimula na naman siyang mang-asar.
"Alam kong cellphone iyan. Pero bakit mo ibinibigay sa akin?” masungit na tanong ko.
"Basahin mo. Nag-message si Ate," aniyang nakangiti pa rin. Parang kanina pa hindi naaalis ang mga ngiti niya. Nakakaasar tuloy lalo, para kasing may iniisip siya na kasali ako. Kung bakit hindi ko talaga maalala ang nangyari kagabi. Ang huling natatandaan ko ay nag-iinuman kami at nagtatawanan habang pinagpapalo ko siya ng unan.
Kinuha ko ang cellphone ng pahablot. Ingat na ingat ako na huwag tumama ang balat ko kay Gabriel.
Tiningnan ko ang screen. Mga palitan ng messages ni Susana at Gabriel. Viber messages, mas matipid kaysa regular text dahil nasa California si Susana ngayon. One month siya roon para sa isang training. Boss ko siya sa trabaho, pinatira ako rito sa bahay nila ng libre dahil matagal na rin kaming magkaibigan. Kahit na mas matanda siya sa akin ng tatlong taon ay magkasundo naman kami sa maraming bagay. Nasa Palawan ang mga magulang nila at may magandang negosyo roon. Gaya ko, ayaw nilang magkapatid sa probinsiya lalo na ang magpatakbo ng napakalawak na resort. Kaya nga kahit hindi magtrabaho ang magkapatid ay mabubuhay sila. Na-feature pa nga sa isang magazine ang resort nila dahil sa dami ng turistang pumupunta roon.
Sis: Huwag mong tatakasan ang kaibigan ko, Gabriel or isusumbong talaga kita kina Daddy at Mommy.
Iyon ang unang mensahe na nabasa ko. Napakunot-noo ako. Sinong kaibigan ba ang tinutukoy ni Susana? Ini-scroll ko paitaas.
Hot Gab: Sis, may nangyari sa amin ni Kara ;)
Simula pa lang ng message, gusto nang umusok ng tainga ko.
Sis: What? Gab, don't you ever make a joke like that. Alam kong matagal mo nang crush si Kara pero maawa ka naman sa kanya. Napakababaero mo at napakainosente naman niya.
Hot Gab: Walang ibang babaeng para sa akin kundi siya lang, Ate. Kaya nga pinagbigyan ko na siya kagabi. Nakakaawa naman kasi. Harhar!
Bumibilis ang paghinga ko dahil sa mga nababasa ko. Pero hindi pa rin ako kumibo. Kailangan kong malaman ang totoong nangyari.
Sis: Isa pa, Gab! Huwag kang magbibiro ng ganyan. Alam kong hindi ka papatulan ni Kara...
Ah shit! Hindi nga ba? Pero bakit wala akong saplot kanina paggising ko? Wala naman akong galos para masabing nanlaban ako.
Tinitigan ko muna si Gabriel. Ngiting-ngiti pa rin ang walanghiya samantalang nanggagalaiti na ako rito. Muli kong binasa ang message.
Sis: Did you really have sex?
At ang sagot ay isang salita in bold letters…
Hot Gab: YES!
With exclamation point na parang excited pang magkuwento ang manyak.
Sis: Huwag mong tatakasan ang kaibigan ko, Gabriel...
Iyon iyong unang nabasa ko na may karugtong pa pala.
Sis: Huwag mong tatakasan ang kaibigan ko, Gabriel... You have to marry her. ASAP.
"Hindi puwede!" sigaw ko. Binagsak ko ang cellphone ni Gabriel sa ibabaw ng mesa. "Hindi ako pakakasal sa ‘yo! Hindi isang Gabriel Ballarat lang ang papalit kay Nicolo. Hindi ikaw!" Dinuro ko si Gabriel at pinakatitigan ko siya.
Nakita kong napalis ang mga ngiti ni Gabriel bago nagsalita, "I was the one who devirginized you, not that Nicolo,” he emphasized.
Natakpan ko ang sariling bibig. Ngayon ko napatunayang hindi siya nagsisinungaling. Paano niya malalaman na wala pang nangyayari sa amin ni Nicolo kung...
"Kahit na!" bulyaw ko. Nagmatigas pa rin ako. "Hindi mo ako kailangang pakasalan dahil hindi naman ako buntis. Walang mabubuo sa isang gabing pagkakamali."
Kumuyom ang palad ni Gabriel at napahinto rin siya sa pagkain. Ngayon, alam na niyang hindi ako nagbibiro. Kung totoong may naganap sa pagitan naming dalawa, dapat ay umayos siya at magseryoso. Hindi biro ang kasal!
Uminom siya ng tubig. "Fine," sabi niyang napatayo at saka tumalikod nang hindi na ako tiningnan.
Naihilamos ko ang mga palad sa aking mga kamay. Ganito ba ang naging pakiramdam ni Nicolo nang magkamali siya at pinatulan si Letty? Ganoon ba ako katanga para patulan si Gabriel?
Napatiim-bagang ako. Hinding-hindi ako makapapayag na makasal sa isang babaero at manloloko. Kung sa isang matinong lalaki na kagaya ni Nicolo ay nagawa akong saktan, lalo na ang isang tulad ni Gabriel na hindi nakukuntento sa iisang babae lang.
Gabriel was lying to Susana…
‘Walang ibang babaeng para sa akin kundi siya lang…’
Liar!