Chapter 7

Ano ba ang alam ni Gabriel sa mga pinagdadaanan ko? Kahit kailan ay hindi siya nagseryoso sa babae. Ang lahat para sa kanya ay isa lamang laro.

Natawa ako sa isip ko. Pareho lamang sila ni Nicolo. Ang kaibahan lamang ay lantaran at garapalan ang kababuyan ni Gabriel samantalang si Nicolo ay pasikretong binababoy ako.

"At least nagmahal ako," sabi ko at itinuro ang sarili. "At minahal ako, Gabriel..." pagmamalaki ko sa kanya.

Umangat ang gilid ng labi ni Gabriel. "Pero iniwanan ka lang. Kasi, nagamit ka na niya."

Para niya akong tinutukan ng baril at saktong pumutok iyon sa mukha ko. ‘Nyeta! Shit na Gabriel 'to! Ang sakit no'n, ah. Pero tama naman siya, hindi ba? Ginamit lang ako ni Nicolo!

Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at dalawang palad ang tumakip sa mukha ko upang itago sa kanya ang pait, ang sakit, ang hapdi ng pagluha ko. Alam kong nakikita ngayon ni Gabriel ang kahinaan ko. Alam kong yumuyugyog ngayon ang balikat ko dahil hindi mapigilan ang pagdaloy ng mga luha ko. Siguradong pinagtatawanan na niya ako ngayon. Siguradong bukas, makalawa at sa susunod pang mga araw, babastusin at aasarin pa akong lalo ni Gabriel.

But suddenly, I felt a warm pat on my back. "I'm sorry…" mahinang tinig ni Gabriel pero rinig na rinig ko. "Just cry. Iiyak mo lang iyan, Kara. Release it all. Just like the way you're going to get rid of that man from your life."

Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Gabriel. "Gago ka 'no!" bulyaw ko sa kanya. "Asarin mo na lang ako, Gabriel! Mas masakit pa iyang sinasabi mo ngayon kaysa sa mga kabastusan mo!"

Natawa siya sa sinabi ko. Pinanood ko siyang tumayo. May kinuha siya saka umikot at tumabi sa akin. Iniabot niya ang lata ng beer sa akin. "Drink. Magpakalunod tayo sa beer. Sasamahan kita kahit hanggang umaga." Nakangiti niyang alo sa akin.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Kinuha ko ang beer at muling uminom. “Nasaan na nga pala si Ingrid?” tanong ko sa kanya habang pinapahid ang mga luha.

“Who?” he asked.

I turned to him and saw him staring at me. “Iyong babaeng kasama mo kagabi? Bakit nag-iisa ka ngayon?”

“Hindi ako nag-iisa, Kara. Nandito ka…” Bigla siyang umiwas ng tingin. “Besides, she’s not really good in bed. Maghahanap na lang ulit ako ng iba.”

Napabuga ako ng hangin. “Bakit? Ano ba ang good para sa ‘yo? Mayroon bang level pati ang sex? One to ten? Kapag ten, ibig sabihin perfect? Para kang nasa heaven? Iyong hindi mo na namamalayan ang oras o kung ano pa ang ginagawa n’yo? Basta sobrang sarap? Hindi mo na maiisip kung may suot kang proteksiyon o wala?” May bumikig sa lalamunan ko dahil sa sinabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit lumakas ang loob ko na makipag-usap ng ganoon kay Gabriel.

“You know what's a perfect sex for me, Kara?” Gabriel asked. Uminom muna siya bago nagpatuloy. “Someone who trusts me in bed. Someone who will give me her permission to dominate her…” Tumigil siya sa sinasabi kaya napatingin akong muli kay Gabriel.

Napalunok ako nang magtama ang tingin naming dalawa.

“Dominate her body, dominate her mind and her heart. Wala pa akong makitang babaeng ganoon, Kara. Kaya hindi ako titigil hangga't 'di ko siya nahahanap,” pagpapatuloy niya sa kanyang sinasabi. Bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid. Marahil dahil napaparami na ako ng inom. Umiwas ako ng tingin. “Tanga lang ang babaeng papayag ng ganoon lalo na kung ikaw, Gabriel Ballarat.”

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Nag-inuman kami ni Gabriel hanggang madaling araw. Nakinig siya sa mga kuwento ko. Nakitawa siya sa mga kabaliwan ko. Nalungkot siya sa mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang naging seryoso sa pakikinig sa akin. Perhaps out of pity. Pity that I was so vulnerable in front of him and that I couldn't hide from him my broken heart.

Idinilat ko ang mga mata ko. Napakunot ang noo ko dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman ko. Parang binibiyak at sobrang kirot. Pumikit ako at muling nagmulat. At nabigla dahil may nakabukang bibig sa tapat ng mukha ko. May makapal na kilay, mahahabang pilikmata, matangos na ilong at mapulang labi. Ang pisngi niya ay mamula-mula na ang sarap kurutin.

Wait!

Where am I? Am I dreaming?

Pero muli akong nagulat nang may humapit sa akin. May kamay na nakadagan sa baywang ko. May paang nakapatong sa binti ko. At ang mga kamay ko, nakayakap sa matipunong katawan ng isang lalaki.

Sheeeeeeeet!

Did I just sleep with Gabriel?

"Gabrieeeeeeeeeeel..."