Chapter 11

Nagulat ako nang biglang pumasok sa kuwarto ko si Susana. Alam kong kanina pa siya dumating. I want to see her, yet I still don't want to talk about anything that involves her brother. Pero heto siya ngayon sa harapan ko.

"Tell me the truth, Kara. May nangyari ba sa inyo o wala?" Umiral na naman ang pagka-bossy ni Susana. Ang taray ng dating niya sa tanong niya.

"No comment," tinatamad na sabi ko. Nahiga ako at saka nagtalukbong ako ng kumot.

"Bumangon ka nga riyan!" bulyaw ni Susana. Hinila niya ang kumot ko.

Bumalikwas muli ako. Inayos ko ang nagulong buhok at niyakap ang unan.

Naupo si Susana malapit sa aking tabi. "I know he's been too much. Hindi dapat siya nag-take advantage sa ‘yo noong time na nag-break kayo ni Nicolo…" sabi ni Susana. Siguradong si Gabriel ang nagkuwento sa kanya ng lahat ng iyon. Kahit ilang beses akong magsinungaling kay Susana, ilang beses din siyang kukulitin ng kapatid niya para sabihing may nangyari nga sa aming dalawa.

"Kara, I know my brother. At ayaw kong hindi niya pagbayaran anoman ang naging kasalanan niya sa ‘yo. Kailangan niyang panindigan–"

"Kailangan niyang panindigan ang nangyari sa akin?” putol ko sa sinasabi niya. “Sa mga drama lang sa TV nangyayari ang mga iyon, Susana. Ano siya? Si Nicolo? Na sinasabing ako ang mahal niya pero ibang babae ang inanakan niya? Kaya ibang babae ang paninindigan niya?"

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "I'm sorry, Kara. Sorry about you and Nicolo."

Alam kong galit at nagtatanong pa rin ang utak ko. Bakit nagkaganito kami ni Nicolo? Bakit humantong kami sa hiwalayan? Hindi na siya nagpakita pagkatapos ng gabing iyon. Hindi tumawag, hindi nag-text. I tried reaching him out. Pero paano kung talagang ayaw na niya akong makita? So, I already laid my candle on his grave.

***

Weeks have passed. Nagbitiw si Letty sa trabaho. Baka nga magpapakalayo-layo na sila ni Nicolo. Bahala sila sa buhay nila! Pero ang ipinagtataka ko, sobrang tahimik ng bahay nina Susana. Ilang araw nang walang Gabriel Ballarat na umuungol sa gabi at tinatawag ang pangalan ko. Ang dahilan ay sigurado akong hindi ang Ate Susana niya na nagbalik dito sa Pilipinas. Dahil madalas pa rin namang nagta-travel si Susana at ilang araw hindi uuwi rito.

Buwisit! Nasaan na ba kasi ang mokong na iyon?

Kasalukuyan akong nanonood ng TV sa silid ko nang may maulinigan akong mga boses.

"Gab, I miss you, babe. Buti pumayag kang sumama ako sa ‘yo rito ngayon..." boses iyon ng babae.

Napamura ako. Mukhang may malanding babae na naman ang hayop. Usually, hindi ko pinapansin ang mga usapan nila. I hate eavesdropping! Pero ewan ko kung bakit bigla akong napatayo ngayon at nakasandal sa likod ng pintuan ko.

"Ohhh, babe, ang galing mo talaga..." ungol ng babae.

Napapikit ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil parang may tumarak na kutsilyo sa dibdib ko. Pati mga mata ko, parang may gustong pumatak na mga luha.

"Babe, 'di ba nandiyan si Kara? Iyong housemate n’yo? Hindi ba niya tayo maririnig?" anas ng babae.

Sino ba ang babaeng iyon at kilala niya ako? Mapakla akong natawa. Marahil natandaan na nila ang babaeng inaasar palagi ni Gabriel. Ang babaeng palaging tinatawag ni Gabriel kapag nag...

"Mahal mo ba siya, Gabriel?"

Napalunok ako sa narinig ko. Sobrang naging mabilis ang pintig ng puso ko. Sinong ‘siya’ ang tinutukoy ng babae? May minamahal na ba si Gabriel? Iyong seseryosohin na niya? Iyong aalagaan na niya at hindi sasaktan?

Katahimikan ang naging kasunod. Paano kung ang sagot pala ni Gabriel ay mga salitang ayaw kong marinig? Paano kung sa mga sandaling ito, niyakap na pala niya ang babaeng iyon at hinila sa kuwarto? Paano kung ang pag-aya sa akin ni Gabriel na pakasalan ay isa lamang palang kalokohan? O dahil isa lamang akong katatawanan sa kanyang paningin na pinagtaksilan ng nobyo at tinraydor ng kaibigan? Na dapat lang akong kaawaan?

Napaupo ako sa aking kinalalagyan. Bigla na lang nanghina ang mga tuhod ko. At hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Nasasaktan ako. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Am I still not over with Nicolo? But why am I not thinking about him as much as I used to? Why am I crying like a stupid, foolish woman behind this door?

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya?" muli akong may narinig na boses. Gusto kong takpan ang mga tainga ko pero pati mga kamay ko ay nanlalambot. Dahil may isang katotohanang ayaw kong tanggapin. Katotohanang ngayon ko lamang naintindihan.

"Mahalaga ba kung sasabihin ko sa kanya o hindi?" boses iyon ni Gabriel.

Nakagat ko ang labi ko nang marinig ko ang tinig niya. Parang mas lalong sumasakit ang nararamdaman ko. Pero tama nga si Gabriel. It's not important. I'm not even important to him.

"Why?" tanong ng babae.

"I'm not her kind of man. Hindi isang katulad ko lang ang bagay sa kanya. I've done so much in my life at nakakahiya ang mga pinaggagagawa ko." Bahagyang natawa ang tinig ni Gabriel.

"Then why did you propose to her?" the woman asked again.

Propose? May ibang babae ba na nag-propose si Gabriel? Bakit pakiramdam ko, ako ang pinag-uusapan nila? Dahil ba umaasa ako? Dahil ba, gusto ko, ako naman ang gustuhin ni Gabriel?

"Perchance."

"Perchance? What do you mean, Gabriel?"

"Perchance that perhaps… She does like me after all. Perchance that she might say, yes. She might see my true intentions..."

"And that intention is…?"

"That I want to spend the rest of my life with her."

Nanginig ang labi ko sa aking narinig. Ano ang gusto niyang sabihin? Bumilis ang paghinga ko.

"So, you do love her," tinig ng babaeng tila hindi naman nagagalit sa nalaman niya mula sa kausap. Naghintay pa rin ako sa mga susunod na pangungusap.

Ngunit wala na akong narinig pa. Ilang sandali, ilang oras. I was even expecting na ang kasunod ay ang mga ungol at halinghing na magmumula sa silid ni Gabriel. At mga mapang-inis na sigaw ng pangalan ko. But there was nothing but silence.