Chapter 10
Tinitigan ko si Gabriel na ngiting-ngiti pa rin na tila nag-eenjoy sa company ng mga babaeng kulang na lang ay maghubad sa harapan niya. Bakit ba bigla na lang akong nainis at naartehan sa kanilang lahat?
Tumayo ako at ang lahat ng mga maaarteng kaopisina ko ay napatingin sa akin. Nasa kalagitnaan pa kami ng pagkain. Pero wala na akong pakialam. Kailangan kong ilayo si Gabriel dito.
"Gab! I said let's go!" napalakas na tawag ko sa lalaking nakikipaglandian sa mga katabi. Katapat ko pa naman sila at iritang-irita na talaga ako!
At parang nananadya hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng manyak!
"B-Babe?" Napatingin kaming lahat kay Letty na biglang sumeryoso. Saka siya tumutok sa akin. "Tinawag mo bang ‘babe’ si Gabriel?" tanong ni Letty.
"Tinawag mo 'kong, babe?" nagulat na tanong din ni Gabriel. Noon lang yata napansin ng manyak na nakatayo na ako.
"H-Hindi ba si Nic—"
Pinutol ko ang sasabihin ni Letty. "Oo. Si Gabriel ang babe ko! What's it to you, Letty?" nakataas ang gilid ng labi kong tanong.
"T-Talaga, Kara? Ako ang babe mo?" usisa naman ni Gabriel. Pulang-pula ang mukha ng manyak na nagtanong. Halatang hindi makapaniwala.
Nagtataka naman ang lahat sa mga nakikita nila mula sa aming tatlo. At wala akong planong magpaliwanag sa kanila.
"B-Bakit napakabilis naman, Kara? Ganoon ba kabilis kalimutan ang dalawang taon?" kunot-noong tanong ni Letty.
Napatiim-bagang ako. Ano ang karapatan niyang tanungin ako ng ganoon?
Tinitigan ako ni Letty. Sa nakikita ko sa kanya, parang ako pa ngayon ang tila nagkakasala.
‘Paano ko malilimutan ang dalawang taon? Paano ko mapaghihilom ang sugat sa dibdib ko dahil sa kahayupan ninyo?’ Iyon ang gusto kong ilabas mula sa bibig ko pero pinanatili kong kalmado ang sarili.
"Oo, Letty!" taas-noong sagot ko sa kanya. "Kasingbilis ng mga makakating babae na mang-aagaw ng boyfriend ng iba." Dumukwang ako sa mesa para mas mapalapit sa mukha ni Letty. "Nagpabuntis pa nga siya, 'di ba?"
Agad na namula ang pisngi Letty. “Isang maliit na pagkakamali lang, hindi mo kayang patawarin?” Tila nang-uuyam na muling tanong ni Letty.
Biglang kumulo ang dugo ko. “Maliit, Letty? Maliit na pagkakamali lang iyon? Huh!” Kumuyom ang mga kamao ko. Punong-puno ng galit ang dibdib ko ngayon. Kung puwede ko lang isigaw sa pagmumukha ni Letty ang lahat ng sakit na nararamdaman ko, kanina ko pa siguro ginawa.
“Ang kapal ng mukha mo, Letty!” hindi ko na napigilang ibulalas. Naibagsak ko pa ang kamay sa mesa. Kitang-kita ko ang pamumutla ni Letty.
May isang kamay ang humawak sa braso ko. "That's enough, Kara."
Pumiglas ako sa paghawak ni Gabriel.
Si Gabriel naman ang hinarap ko. "Gusto mong maiwan dito? Para maging katulad ni Nicolo?" Nagtatanong ang mga kaopisina ko kung sino si Nicolo pero wala silang malalaman ngayon.
"N-No, Kara,” Gabriel said sternly. “I'm here for you. Not for anyone else." Walang kakurap-kurap ang sagot ni Gabriel.
Nasulyapan kong kinilig ang mga kasama ko. Napakadaling magbago ng kanilang mga reaksyon, wala naman silang nalalaman.
"Let's go," I said. Nauna na akong naglakad palayo. Wala na akong balak na magpaalam pa sa kanilang lahat.
"Yes, babe…" tinig ni Gabriel.
Nakatalikod na ako pero napangiti ako sa tinuran ni Gabriel. Na kahit gusto kong magalit ay kung bakit may isang banda sa isip ko, sa puso ko na gustong matuwa. At napasunod ko si Gabriel sa akin. Unbelievable.
Dumiretso kami ni Gabriel sa bahay. Hindi ko na siya kinibo pagkatapos naming lisanin ang lugar. Tahimik lang din siya kanina habang nagmamaneho pauwi. May dapat nga akong ipagpasalamat sa kanya. Because Letty can't say now, nor can Nicolo, that I'm bitter. That I couldn't move on with my life without him. He doesn't even have the courage to apologize. Siya na nga ang nagkasala, siya pa ang may ganang magalit sa akin dahil sa hindi ko pagpayag na pakasal sa kanya. If I agreed to that 'after one week' civil marriage, I would only end up in a relationship full of regrets.
Tatalikod na sana ako upang tunguhin ang kuwarto ko nang tawagin ni Gabriel ang pangalan ko. "Kara, sandali!"
Napatigil ako. "What do you want?" inis kong tanong. Ewan ko ba! Kahit may utang na loob ako sa kanya, naiinis pa rin ako.
"Darating na si Ate. Dalawang araw mula ngayon," sabi ni Gabriel. Napahawak siya sa kanyang batok.
"So?" nakataas ang dalawang kilay na tanong ko.
Hindi makatingin sa akin ng diretso si Gabriel. "Iyon sana ang gusto kong pag-usapan natin kaya kita pinuntahan sa opisina mo. But then..."
But then I asked my co-workers to come with us to tease him and pay for our food.
Sumeryoso ang anyo ni Gabriel. "I told Ate Susana that we're already good," Gabriel explained.
Napabuntonghininga ako. "We're good, Gabriel," I told him.
"No, you don't understand." Inilang hakbang ni Gabriel ang kinalalagyan ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "We will only be good if you agree to marry me."
Natigilan ako at napatitig ako sa mukha niya. Guwapo sana talaga ang manyak na 'to. Kaso para siyang payaso sa mga oras na ito. Kaya, napahalakhak ako. iyong tawa na halos mapaluha na ako.
Nagpapatawa siya, 'di ba? He wants me to marry him? Seriously? Just because he took my virginity? We're in the twentieth century, for pete's sake!
"You think I'll marry you, Gabriel?" natatawa pa ring tanong ko. Binitiwan na niya ako at seryoso lamang siyang pinagmamasdan ang mukha ko. "Just because you heard me call you, ‘babe’ in front of Letty? I only did that because I didn't want her to see me down and broken. Para masabi niya kay Nicolo na okay ako na wala siya. Asa ka pa, Gabriel! Hinding-hindi ako pakakasal sa isang katulad mo. You're such a manwhore." Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko dahil sa pagtawa.
Nakita kong kumuyom ang mga palad ni Gabriel.
"What? Galit ka?” tanong ko sa kanya. “So be it. Magalit ka. I don’t care!" Saka ko mabilis na tinalikuran si Gabriel.